Chapter 1

Tulay

Chapter 1

 

Andito na kami ngayon sa bahay ni Taehyun. Kasama ko si Seunghoon, Hanbin tsaka Yunhyeong. Sinalubong kami ng mommy ni Taehyun tapos inayang kumain.

 

Pagtapos naming kumain, nagkwekwentuhan na kaming magbabarkada. "Kainis naman tong si Taehyun, silip ng silip sa cellphone." Sabi ko. Napapansin ko kasi tingin siya ng tingin sa phone niya.

 

"Sorry naman. May darating pa kasing bisita. Anjan na raw sila. Papakilala ko siya sila sa inyo. Lalo na si Mino, feeling ko magugustuhan niyo yun." Sabi niya kasabay ng pagtaas baba ng kilay niya. Baliw talaga. Desperado na talaga siyang hanapan kami ng lovelife hahaha.

 

Pagpasok niya, may kasama siyang tatlong lalaki. Yung lalaking moreno, matang nakakatunaw ang tingin, yung ilong niya na parang ang sarap pisilin, yung labi niyang nang-aakit... naagaw niya yung pansin ko.

 

Tapos isa-isa niya kaming pinakilala sa kanila at sila naman nagpakilala samin ganun. "Mino nga pala." Tapos inabot niya sakin yung kamay niya na hinawakan ko naman. Para akong kinuryente. Eto ba yung tinatawag nilang sparks? Tae, ayokong umasa baka short circuit lang to. Korni bwisit. "Jinwoo. I'm Jinwoo."

 

Maya-maya nagtugtugan na. Yes, literally tugtugan. May banda dito pero sila-silang maganak mismo. I mean, pamilya sila na musikero. Ang astig din ng lahi netong si Taehyun eh, lahat musikero. May talent sa music, marunong gumamit ng instrument tapos ang gaganda ng boses. Hindi na kailangan yung videoke sa pamilyang to. Sila sila lang pwede na.

 

Maya-maya may nagpatugtog ng 12:51. "Paborito ko yan eh." Sabi ko kay Seunghoon pero pagtingin ko putek, kilig na kilig. Tinignan ko kung saan siya nakatingin. Nakatingin siya kay Mino na tumutugtog ng gitara. Shet. Ang gwapo. "Grabe Jinwoo, ang gwapo niya. Plus points pa na marunong siyang tumugtog ng gitara. Tinamaan ata ako." Pagbaling ko ng tingin kay Mino, nahuli ko siyang nakatingin kay Seunghoon.

 

OuchSabi ko na eh, short circuit lang. Si Seunghoon ang gusto niya at hindi ako.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ReadingThis
#1
Chapter 9: Tangina naman Hoon mashaket: (( omgg ang sakitttt
beautiful_monster26 #2
Chapter 9: Tangina? Whyyy? Noooo! Bad seunghoonie!
nanaxoxoxo #3
It's in pinoy TAT /trying to translate it to english with google translate/ kkkk