Chapter 7

Tulay

Chapter 7

 

Naglakad ako papuntang bahay nila mula sa kantong binabaan ko. Bakit ba naman kasi ganto tong subdivision nila, sobrang galit galit ng mga bahay. Sobrang layo-layo. Pero okay na rin to, para makapag-isip isip ako at makalma ko sarili ko. Para kapag humarap ako sa kanya eh okay lang ako.

 

Sabi niya 7pm daw ako pumunta eh sakto 7pm na nung magsimula akong maglakad. Wala naman sigurong masama na dumating ng late ano? Sana wala akong mamiss na main event ganun.

 

OMAYGAD. Yung mga kandila nasa kalsada nakahilera ng maayos. Tapos sa dulo nun, may nakita akong hugis pusong mga roses na petals. Hindi ako pwedeng magkamali. Sa pagkakataong ito, alam ko na, na para sakin na to. Nakalagay kasi sa loob ng heart eh 'Jinwoo.' Pangalan ko na yun kaya eto, pwede na kong umasa na ako talaga to. Na para sakin talaga to. Inagat ko yung tingin ko. May nakikita akong dalawang pares ng paa. "Mino."

 

Nasa langit na ba ko? Joke ba to? Panaginip ba to? Puqueng ina, wag niyo na kong gisingin please.

 

Naiiyak ako.

 

Nung maabot ako ni Mino, hinawakan niya yung kamay ko. Sheez. Kuryente everywhere. "Jinwoo hahaha." Nakikita kong kinakabahan siya. Kinikilig ako, kape please. "Hindi ko alam kung paano magsisimula pero gusto kita. Nung una, oo inaamin ko na si Seunghoon talaga yung gusto ko. Pero habang tumatagal, hindi ko namamalayan na yung puso ko iba na pala yung gusto. Nung una, hindi ko matanggap na ikaw yung gusto ko kasi ayokong masira friendship natin eh. Ayoko ring masira friendship niyo ni Seunghoon. Napamahal na kayong pareho sakin eh. Pero kinausap ko muna si Seunghoon bago ko to ginawa. Bago ko nabuo itong desisyon ko na umamin sayo. Jinwoo, gusto kita."

 

Hindi ko na mapigilan yung luha ko.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ReadingThis
#1
Chapter 9: Tangina naman Hoon mashaket: (( omgg ang sakitttt
beautiful_monster26 #2
Chapter 9: Tangina? Whyyy? Noooo! Bad seunghoonie!
nanaxoxoxo #3
It's in pinoy TAT /trying to translate it to english with google translate/ kkkk