Chapter 2

Tulay

Chapter 2

Ugh, sino ba naman kasi ako para magustuhan ni Mino? Kumapara naman talaga kay Seunghoon, walang wala ako eh. Si Seunghoon kasi sikat. I mean, hindi naman siya yung lumalabas sa tv pero basta sikat siya kasi magaling siyang sumayaw eh tsaka choreographer siya. Tapos matalino pa yan tsaka sobrang matulungin sa parents at bonus na lang siguro na mayaman rin siya. In short, all in one package. Sobrang ideal boyfriend. GANON.

 

Eh ako? NGANGA. Wala kang mapiga sa utak ko. Kahit nga siguro sabaw, wala. Tapos ang tamad ko pang gumawa ng gawaing bahay. Feeling prinsipe ako sa bahay kahit wala naman kaming pera. Yes, dukhang maralitang dayukdok na mahirap lang ako. Marunong akong kumanta, medyo. Yun, ganyan lang ako. Oh diba, walang wala kay Seunghoon?

 

Pag-uwi ko, nag-online agad ako. Wow, may nagsend ng friend request sakin tsaka isang message. Bago to ah. Sanay na kasi ako na walang friend request, walang message at walang notifs ang account ko. Pwera na lang siguro kapag nagpaplano kami ng gala or kailangan para sa groupings sa school. Ganun. Pero eto bago, bagong bago.

 

Nagulat ako nung nakita ko yung pangalan ni Mino sa friend request. OMG shet. Nagwala lahat ng dapat magwala sa katawan ko. Para bang lahat ng dugo ko umakyat na sa ulo ko. OMG. Nagwawala lahat ng kulisap sa tiyan ko. Di uso sa kanila ang kalma.

 

Kulang na lang matanggal puso ko sa katawan ko sa sobrang kilig nang makita kong may message ako galing sa kanya.

 

Song Mino: Hi Jinwoo. Pwede bang magkita tayo this Sunday? Kung okay lang sayo?

 

WOW.

 

Kim Jinwoo: Oo sige. Saan naman tayo magkikita?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ReadingThis
#1
Chapter 9: Tangina naman Hoon mashaket: (( omgg ang sakitttt
beautiful_monster26 #2
Chapter 9: Tangina? Whyyy? Noooo! Bad seunghoonie!
nanaxoxoxo #3
It's in pinoy TAT /trying to translate it to english with google translate/ kkkk