Chapter 3

Tulay

Chapter 3

 

Sabi niya magkita raw kami sa Megamall. Nakakapagtaka. Napakalayo neto sa kanila ah? Taga-Bulacan pa yun eh. Well anyways, pabor naman sakin to since malapit lang ako dito HAHAHA. 

 

Lahat na ata ng pampabango at pampagwapo (kung may igagwapo pa talaga ako) eh inilagay ko na sa katawan ko. Tapos sinuot ko rin yung kaisa-isang pares ng damit ko na may brand. Regalo sakin ni Seunghoon galing Forever 21. Tapos kinuha ko na lahat ng laman ng alkansya ko. Oh diba,  ang poorita ako HAHAHA.

 

Napaaga dating ko kaya tinext ko si Mino na sa Starbucks na lang kami magkita. Magkakape muna ako. Favorite ko kasi tong Starbucks eh. Lagi kasi akong nililibre ni Seunghoon dito kaya nagustuhan ko. Kapag kasi nasososbrahan ako sa feels umiinom ang ako netong kape pampakalma. Kahit anong feels kaya niyang i-tone down like kilig (omg im so kilig right now), galit, lungkot, saya and etc. Ganun. Dati kasi nagyosi ako kasi putek isang buwan palang, hinika na ko HAHAHA Akala ko mamamatay na ko nung mga panahon na yun. Letse kaya kids, omaygad DON'T TRY SMOKING.

 

Maya-maya dumating na siya. Shet, ang gwapo talaga. Ang bango niya tapos ang fashionista. Jusko, napahawak ako sa kape ko. Sumipsip ako ng konti. Kailangan kong kumalma. "Sorry nalate ako. Uhm, nood muna tayong sine?" EH?

 

"HA? Manonood tayong sine?" Just like what couples do? OMG. Sumipsip ulit ako sa kape ko. Shet, mukhang kailangan ko pang bumili ng isa pang kape ah? Sasabog na ata ako sa sobrang kilig bwisit. Sana hindi niya mahalata omaygad nakakahiya.

 

Pagkatapos naming manood ng sine, kumain kami sa Vikings. "Balita ko mahal raw dito? Sigurado ka ba dito? Okay lang naman ako kahit sa McDo, Jollibee ganun." Ngumiti siya. OMG. Ang gwapo.

 

"Okay lang. Wag kang mahiya." Ngiti naman siya. OMAYGAD. Paanong di ako mahihiya? Eh siya lahat gumagastos. Yung sine kanina, siya nagbayad tapos ngayon feeling ko siya na naman magbabayad. Yung ipon ko kasi na 500 eh pinambili ko na kanina ng kape. Tapos pamasahe pa syempre. Jusko, my one and only money nagastos ko huhuhu. Dukha problems.

 

"Makatitig ka naman. Pwedeng easy ka lang?" Hinihigop ako ng mata niya. Shet. Ang gwapo. Nakakakilig OMAYGAD. Ano ba to? Akala ko ba si Seunghoon? Bakit... bakit ganito?

 

"Pwede mo ba kong tulungan kay Seunghoon?"

 

One word. OUCH. Kaya pala nilibre ako para hindi ako makatanggi. Napakabwisit.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ReadingThis
#1
Chapter 9: Tangina naman Hoon mashaket: (( omgg ang sakitttt
beautiful_monster26 #2
Chapter 9: Tangina? Whyyy? Noooo! Bad seunghoonie!
nanaxoxoxo #3
It's in pinoy TAT /trying to translate it to english with google translate/ kkkk