Play date #1 Part 2!

Between You & I

 

ANNIE'S POV
 
 
Lumingon ako, si Sungyeol lang pala. 
 
 
 
"Gusto mo ng Kape?" tanong niya habang may hawak na iced coffee in can.
 
 
 
Parang buntis naman to kung magmood swing, kanina lang nagsisigawan kami ah.
 
 
 
Kinuha ko yung hawak niya.
 
 
 
"Salamat Kuya," sabi ko sakaniya tapos ngumiti siya.
 
 
 
Tumayo ako tapos tinapon yung mga napulot kong pic-a sa basurahan.
 
 
 
Pagkalingon ko, wala na siya sa swing, wala na din yung mga plastic ng grocery kanina.
 
 
 
Nandun lang pala siya sa may see-saw, iniinom yung kape niya.
 
 
 
"See-saw tayo!" sabi niya sakin tas naglakad ako papunta sa see-saw.
 
 
 
"Tumayo ka muna, di ako makakaupo" sabi ko sakaniya.
 
 
 
Tumayo naman siya at yung side ng see saw ko, nasa sahig kaya umupo ako.
 
 
 
Umupo siya tas as usual ako yung napunta sa taas kasi mas magaan ako sakaniya.
 
 
 
Nagsee saw kami tas biglang tinigil niya yung pagtutulak ng paa niya from the ground kaya nagstay lang ako sa taas.
 
 
 
Nagpabigat ako pero wa epek.
 
 
 
"HUY!!Ako naman jan sa baba!!" sigaw ko sakaniya.
 
 
 
"Teka, ubusin ko muna tong kape ko" sabi niya sakin.
 
 
 
Dahan dahan ding ininum ko yung kape habang nandun ako sa tuktok. Ang sarap ng hangin sa gabi, ang sarap din nung kape tapos biglang........
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Natapon yung kape sa damit ko dahil biglang ginalaw niya yung see-saw para siya naman yung nasa taas.
 
 
 
 
 
 
 
"YA! SUNGYEOL-AH!" sigaw ko sakaniya habang iniinum niya padin yung kape niya.
 
 
 
WAAA! PUTI PA NAMAN YUNG SUOT KO!!  >.<
 
 
 
 
"O?" sabi ni Sungyeol na tila hindi niya alam na siya may kagagawan kaya natapon yung kape sa damit ko "Bat mo pinangligo yung kape?"
 
 
 
"AISH! IKAW KASI EH." sigaw ko sakaniya "BAHALA KA JAN! MAGSTAY KA JAN SA TUKTOK!! WAG NA WAG KANG BABABA KUNDI!!AYY!" 
 
 
 
Hinigpitan ko yung hawak ng paa ko sa ground, nagpapabigat.
 
 
 
"Pababain mo kaya ako para makabili tayo ng bagong damit" sabi niya sakin, alam niyang galit na galit na talaga ako.
 
 
 
"Wag na! Ano nalang sasabihin ko pag-uwi ko?" sabi ko sakanya. 
 
 
 
Haay!! ako pa naman maglalaba nito.
 
 
 
 
 
"Sabihin mo design yan. Mukha naman eh. haha." sabi niya sakin habang nakangiti.
 
 
 
May lakas ng loob pa siya para ngitian ako ah.
 
 
 
"Tse!" sabi ko sakaniya tapos inirapan ko siya saka tumingin sa sahig.
 
 
 
Ilang minuto din akong nakatingin sa sahig nang biglang gumalaw yung see-saw.
 
 
 
 Umalis siya! Paki ko ba? At least di niya na ako kukulitin.
 
 
 
 
"Psst" sitsit niya
 
 
 
pero hindi ko siya pinansin.( ̄ー ̄)
 
 
 
"PSSST!" nilakasan niya pa.
 
 
 
( ̄ー ̄) dedma pa din ako
 
 
 
"HUY!" sabi niya sakin.
 
 
 
 
 
"MAY PANGALAN ako no"
 
 
 
 
 
 (゜_゜)
 
 
 
biglang napanormal na salita nalang yung pagsigaw ko nang nakita kong   tinapunan niya din ng kape yung t-shirt niiyang puti.
 
 
 
 
 
"Yan...." sabi niya sakin ng nakangiti "Now we're even(^v^)"
 
 
 
ADIK DIN TO AH.
 
 
 
Tumayo ako tas ngumiti na parang napilitan.
 
 
 
"Yan~ Kailangan ko din tuloy bumili ng bagong shirt!" sabi niya sakin na parang bata na nagwwhine.
 
 
 
"Eh ikaw naman nagtapon niyan eh" sabi ko sakaniya na parang natatawa.
 
 
 
"Samahan mo ako." sabi niya tapos inakbayan ako.
 
 
 
"Oops! rule #4!" sabi ko sakaniya, tinatanggal yung kamay niya tas kinuha yung mga plastic ng grocery. "Itapon muna natin yung mga supot ng sitsirya"
 
 
 
"Hay! sige na nga" sabi niya tas tumakbo parang isa isang pulutin yung mga supot ng sitsirya.
 
 
 
Sa sobrang bilis niya, natapos niya na agad after ng ilang seconds.
 
 
 
"Dalian natin ha" sabi ko sakaniya.
 
 
 
"Ganun ba? Halika, takbo na tayo" sabi niya sakin tas hinawakan yung kamay ko para tumakbo papasok ng mall.
 
 
 
Pumasok kami sa mall.
 
 
 
Umiiwas yung tao namin kasi amoy kape kaming dalawa. Nakakatawa :))
 
 
 
"Saan tayo magsshopping?" tanong niya sakin.
 
 
 
"Mag-ukay ka nalang para mura!" sabi ko sakaniya.
 
 
 
"Ukay?" tanong niya (・・?)
 
 
 
"Oo," sabi ko sakaniya "Sundan mo ko"
 
 
 
Sinundan niya ako na parang bata.
 
 
 
Pumunta kami sa may Ukay ukay, yung paborito kung puntahan tuwing gusto ko magshopping.
 
 
 
"Maghanap ka jan" sabi ko sakaniya.
 
 
 
Naglakad lakad siya, inisa isa yung mga damit tas inaaamoy amoy.
 
 
 
"Anong ginagawa mo?" sabi ko sakaniya.
 
 
 
"Baka patay na yung huling sumuot nito" sabi niya sakin na nakastraight face.
 
 
 
"Ayaw mo?" sabi ko sakaniya.
 
 
 
"Kala ko ba nagmamadali ka? Lipat nalang tayo, Ako naman magbabayad eh." sabi niya sakin.
 
 
 
 
"Ayy. Oo nga pala.Sige na nga!" sabi ko sakaniya tas lumabas kami ng store.
 
 
 
Naglakad kami tas pumasok sa pinakamalapit na store.
 
 
 
Pumunta ako sa mga damit pambabae tas naghanap ng pinakamura. 
 
 
 
( ゚ Д゚)
 
 
 
Ang mahal naman ng mga andito.
 
 
 
 
Lumipat ako dun sa mga mas simpleng design tas biglang lumapit siya sakin.
 
 
 
"Tapos na ko, di ka pa tapos?" tanong niya sakin.
 
 
 
"Ang mamahal naman kasi ng mga andito" sabi ko sakaniya.
 
 
 
"Ako na nga magbabayad" sabi niya sakin.
 
 
 
"Okay" sabi ko tas kinuha yung pinakasimple at pinakamalapit sakin.
 
 
 
Binayaran niya na yung damit na napili namin tas sinuot na din namin sa may dressing room.
 
 
 
Pagkalabas ko
 
 
 
Ako: ( ̄□ ̄;)
 
Siya: (⌒▽⌒)
 
 
 
"Bat parang terno ata yung suot natin! gaya gaya ka talaga!" sabi ko sakaniya.
 
 
 
"Ha? eh mas nauna kong napili to eh." sabi niya sakin tas dumila.xP
 
 
 
 
 
Lumabas kami ng store, hawak ko yung mga plastic ng grocery niya.
 
 
 
Nung malapit na kami sa labas ng mall, i handed the plastics to him.
 
 
 
"Uwi na ko" sabi ko sakaniya.
 
 
 
Ang awkward kasi pinagtitinginan kami ng tao dahil terno yung damit namin. >.<
 
 
 
Buti nalang wala pa akong nakakasalubong na kakilala namin. Nakakahiya kaya. Parang couple shirt yung suot namin kahit hindi naman. Ang corny kaya ng couple shirts >.<
 
 
 
"Ang aga naman" sabi niya sakin sabay kuha sakin nung mga plastic.
 
 
 
"Maaga? anong oras na ba?" tanong ko sakaniya.
 
 
 
"Hmm.."sabi niya sakin tas biglang kuha ng cellphone sa bulsa niya. "9:50"
 
 
 
"9:50?!" tanong ko sakaniya.
 
 
 
"Ay.. hindi" sabi niya sakin.
 
 
 
"Anong oras na nga?"
 
 
 
"9:51 na." 
 
 
 
"HALA! Uuwi na talaga ako" sabi ko sakaniya.
 
 
 
"Sige! Bbye!" sabi niya sakin.
 
 
 
Naglakad ako papalabas ng exit tas nasa likod ko lang siya.
 
 
 
Sinusundan niya ako?
 
 
 
 
"Bat mo ko sinusundan?" tanong ko sakaniya nung nakalabas na kami ng mall.
 
 
 
"Uuwi na din ako. Wag kang assuming ha!" sabi niya sakin.
 
 
 
"Ah. Oo nga pala. Ay teka, paano mo nga pala nalaman na nasa arcade ako?Sinusundan mo ba ko nun?" tanong ko sakaniya.
 
 
 
"Sabi ko sayo wag kang assuming eh" sabi niya sakin
 
 
 
"Namukhaan ko kasi yung braid mo, kaya sabi ko. 'It's payback time' " sabi niya tas tumatawa.
 
 
 
Kanina pa to tawa ng tawa ah. Baliw lang?
 
 
 
 
"Assuming your face!" sabi ko sakaniya tas dumaan nanaman kami dun sa park kung saan kami nagpart ways.
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Gikwang_Enna_L
#1
u'r welcome ^_^ i'll w8 for your update soon☺
sarangminnie
#2
@Gikwang_Enna_L Yes, dadating din po dun. Haha. :D Thanks for commenting! :D
Gikwang_Enna_L
#3
ang cute.. ang kulit lang ni Sungyeol hahaha xDD.. sana isulat mu din nung nag debut na sya w/ infinite.. hula q ganun din yung mangyayari kase friendster plang yung gamit ng girl e.. hehe tas dbsk and super junior time pa.. (galing galing nmn) past nila to no?? hehe <":