Play date #1

Between You & I

 

Tumayo siya pagkatapos inumin yung kape na parang tubig.
 
 
 
Kaya pala mukhang adik tong lalaking to eh. ADIK SA KAPE! (๏ㅂ๏) 
 
 
 
"Tara! may 3 hours pa tayo," sabi niya.
 
 
 
Sinimangutan ko siya tas tumayo na din.
 
 
 
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang naglalakad kami papalabas ng cafe.
 
 
 
"Saan mo ba gusto pumunta?" tanong niya.
 
 
 
"Gusto ko nang umuwi," sabi ko sakaniya.
 
 
 
Feeling ko kasi aso ako eh na nakaleash, tapos siya yung amo ko >.<
 
 
 
"O sige, uuwi na kita." sabi niya.
 
 
 
"We?"
 
 
 
"JOKE LANG!" sabi niya habang tumatawa "HAHAHA!"
 
 
 
Wagas din tong batang to ah.
 
 
 
 
"Samahan mo nalang ako, grocery shopping tayo," sabi niya sakin.
 
 
 
Napatigil ako sa paglalakad
 
 
 
Ano ako nanay niya?(* ̄m ̄)
 
 
 
"Gusto mo mamatay?," sabi niya sakin 
 
 
 
Ginawa ko yung facial expression niya tas biglang tumawa siya.
 
 
 
"HAHAHA! Mali mali ka naman eh!"
 
 
 
psshh.. Nagmamarunong.
 
 
 
Hinawakan niya ko sa may wrist tapos hinila ako papunta sa may grocery.
 
 
 
"Jjang~"━━━(゜∀゜)━━━"Andito na tayo~," sabi niya sakin.
 
 
 
Batang bata ang ugali.. parang si Thea lang to ah. Boy version ba, medyo unrespectful nga lang. Ay~ bat ba siya magiging respectful eh mas matanda nga pala siya sakin. Aish. Nakakalimutan ko yun ah >.<
 
 
 
 
"Anong bibilhin natin?" sabi ko sakaniya.
 
 
 
"Grocery. duh!," sabi niya tapos kumuha siya ng cart tas iniharap sakin. "Kaw magtulak"
 
 
 
 
 
 
 
What a gentleman >.<
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Naglalakad lang siya habang parang basketball na shinoshoot yung mga pagkain sa cart na hinihila ko.
 
 
 
 
 
 
 
"Ano ba yang mga binibili mo? puro junk food!" parang nanay kong sinabi sakaniya.
 
 
 
 
 
 
 
"Masarap yan eh." sabi niya.
 
 
 
 
 
 
 
Naglalakad kami sa lahat ng aisle.
 
 
 
 
 
 
 
"Milk?" tanong ko.
 
 
 
 
 
 
 
"No." matabang niyang sinabi
 
 
 
 
 
"Bread?"
 
 
 
 
 
"Yes" 
 
 
 
 
 
"Cereal?" sabi ko.
 
 
 
 
 
 
 
Shinake niya lang yung ulo niya.
 
 
 
 
 
 
 
"Noodles?" tanong ko habang tinutulak yung cart.
 
 
 
 
 
 
 
"YES!" parang bata niya sinabi sakin habang isa isa niya binabato yung mga ramen papunta sa cart.
 
 
 
 
 
 
 
Dumaan kami sa may frozen section pero lahat yun dinedma niya.
 
 
 
 
 
 
 
"Fish? chicken? chicken nuggets? hotdog?.." sinasabi ko habang naglalakad kami.
 
 
 
 
 
 
 
Shinake niya lang yung head niya ng paulit ulit.
 
 
 
 
 
 
 
Nung dumaan lang kami sa may kimchi sakaniya lang nilagyan ulit yung cart.
 
 
 
 
 
 
 
Lihim kong nilagyan ng bacon yung cart niya.
 
 
 
 
 
 
 
"Psst! anong ginagawa mo?," sabi niya sakin.
 
 
 
 
 
 
 
Bengga >.<
 
 
 
 
 
 
 
"Ibalik mo na yan" sabi niya sakin "Wala namang magluluto niyan eh"
 
 
 
 
 
 
 
"Hindi ka marunong magluto?"tanong ko sakaniya.
 
 
 
 
 
 
 
"Obvious ba?" sabi niya
 
 
 
 
 
 
 
"Wala ba kayong katulong sa bahay?" tanong ko
 
 
 
 
 
 
 
"Wala. Bakit? gusto mo magapply?" sabi niya.
 
 
 
 
 
 
 
"Bat di ka magpaturo magluto?" tanong ko sakaniya. 
 
 
 
 
 
 
 
"Eh wala namang magtuturo sakin eh" sabi niya
 
 
 
 
 
 
 
Para na kaming nagiinterview session.
 
 
 
 
 
 
 
"Ha? kala ko ba kasama mo mama mo?" tanong ko.
 
 
 
 
 
 
 
"Wala. Asa Korea" sabi niya sakin. 
 
 
 
 
 
 
 
"Papa mo?" tanong ko.
 
 
 
 
 
 
 
"Asa korea din" matabang niya sakin.
 
 
 
 
 
 
 
"May kapatid ka ba?"
 
 
 
 
 
 
 
"asa korea din"
 
 
 
 
 
 
 
"Sino kasama mo sa bahay?"
 
 
 
 
 
 
 
"wala. WALA! Ako lang magisa! halika na, check out na natin to!" galit niyang sabi sakin.
 
 
 
 
 
 
 
"Suplado!" sabi ko sakaniya.
 
 
 
 
 
 
 
Kawawa naman pala sha eh :(
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Naglakad kami papuntang counter, nakapila.
 
 
 
 
 
 
 
"Teka, may kukunin lang ako" sabi ko sakaniya sabay takbo sa unang aisle.
 
 
 
 
 
 
 
Kumuha ako ng Milk & cereal. Hindi naman un niluluto eh. Atsaka atleast medyo healthy.
 
 
 
 
 
 
 
"Anong dala mo? balik mo na yan!" sabi niya sakin.
 
 
 
 
 
 
 
"Eto masustansya. Wag mung lutuin to ah" sabi ko sakaniya.
 
 
 
 
 
 
 
"Aish!" sabi niya pero binayaran niya padin yung dala ko.
 
 
 
 
 
 
 
Parehas kaming may dala ng mga plastic sa magkabilaang kamay.
 
 
 
Pano ba naman puro sitsirya yung binili niya? 
 
 
 
 
 
 
 
"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko.
 
 
 
 
 
 
 
"Uubusin natin yang mga sitsirya," sabi niya sakin
 
 
 
 
 
 
 
SERYOSO BA SIYA? 
 
 
 
 
 
 
 
"Ha?"(゜◇゜)
 
 
 
 
 
 
 
"Hindi ko naman mauuwi yan lahat,diba?" sabi niya sakin sabay upo sa swing sa may playground.
 
 
 
 
 
 
 
"Tulak mo nalang ako!" sabi niya sakin na parang bata.
 
 
 
 
 
"Ewan ko sayo" sabi ko sakaniya, tska umupo sa kabilang swing.
 
 
 
 
 
 
 
"Bahala ka, di kita bibigyan ng Pic-a," sabi yakap ng pic-a na hawak niya.
 
 
 
 
 
"May isa pa naman dito eh" sabi ko sakniya tas kinuha ko yung isa pang pic-a sa plastic.
 
 
 
 
 
 
 
Kumain kami habang nagsswing, sariling effort. Ayaw magtulakan eh.
 
 
 
"Pwede magtanong?" sabi ko.
 
 
 
"Sige" sabi niya habang ngumunguya.
 
 
 
"Ayun. natanong ko na" sabi ko sakaniya habang tumatawa.
 
 
 
"Corny mo" sabi niya sakin pero nakangit.
 
 
 
"Haha. May tanung nga ako." sabi ko sakaniya
 
 
 
"Ano nga yun?"
 
 
 
"Bakit magisa ka lang dito sa Philippines? Bat yung family mo nasa korea?" tanong ko sakaniya.
 
 
 
"Bat ang dami mong tanong?" sabi niya sakin
 
 
 
"Kala ko ba pwedeng magtanong?" sabi ko sakaniya.
 
 
 
"Eh. Basta." sabi niya sakin 
 
 
 
"Teka, bat bigla ka atang naging interesado sakin? Siguro narealize mo na ang gwapo gwapo ko pala nu?" sabi niya sakin habang nakangiti.
 
 
 
"ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA MO!" sabi ko sakaniya habang binabato siya ng Pic-a.
 
 
 
"Defensive ka naman!edi totoo!" sabi niya sakin, nakatakip yung braso niya sa katawan niya na parang shield.
 
 
 
"Huy! Wag ka magkalat dito!" sabi niya sakin kaya napatigil ako.
 
 
 
Ubos na din naman yung Pic-a eh. 
 
 
 
"AY!OO NGA! Sayang naman yang mga nabato ko" T__T
 
 
 
"Sayang pala eh, edi kainin mo"
 
 
 
Tumayo ako.
 
 
 
"Kakainin mo talaga?" tanong niya sakin.
 
 
 
"Utut! pupulutin ko. Bawal magkalat dito" sabi ko sakaniya. "Pag tayo napagalitan!!"
 
 
 
"Wag ka magalala. Hindi tayo papagalitan" sabi niya habang nagbukas ng panibagong junk food.
 
 
 
"Hay naku" sabi ko habang nagpupulot ng mga pic-a habang siya kumakain ng sitsirya, nagsswing.
 
 
 
>.<
 
 
 
"Ako naman magtatanung" sabi niya sakin.
 
 
 
"Bahala ka" sabi ko nalang, nakasimangot.
 
 
 
"Kelan ka matatapos jan?"
 
 
 
"Tulungan mo kaya ako!" sabi ko sakaniya.
 
 
 
"Say please!" sabi niya sakin. "Ay! Say Please Kuya?" sabi niya habang nakangiti.
 
 
 
"Utut mo! Ako? tatawagin kang kuya eh parang mas bata ka nga kung umasta eh"
 
 
 
"Bahala ka dyan," sabi niya "Please Kuya lang naman eh~"
 
 
 
"Bahala ka din"
 
 
 
Patuloy pa din siya sa pagkaen habang nagsswing.
 
 
 
Pataas taas pa ng paa! para talagang bata.
 
 
 
"Yaaaaaaaaaaay!" sigaw niya tuwing nasa tuktok siya.
 
 
 
Mas tinagalan ko pa yung pagpupulot ng mga nabato kong Pic-a para mas humaba yung oras. Siguro pagtapos nito, tapos na yung 4 hours.
 
 
 
Tumayo siya, may hinahanap ata sa plastic.
 
 
 
Kasibaan nitong batang 'to.. kakain nanaman. Naubos niya agad?
 
 
 
Nakasquat ako habang pumupulot ng Pic-a nang may kumalabit sakin...
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Gikwang_Enna_L
#1
u'r welcome ^_^ i'll w8 for your update soon☺
sarangminnie
#2
@Gikwang_Enna_L Yes, dadating din po dun. Haha. :D Thanks for commenting! :D
Gikwang_Enna_L
#3
ang cute.. ang kulit lang ni Sungyeol hahaha xDD.. sana isulat mu din nung nag debut na sya w/ infinite.. hula q ganun din yung mangyayari kase friendster plang yung gamit ng girl e.. hehe tas dbsk and super junior time pa.. (galing galing nmn) past nila to no?? hehe <":