First meeting

Between You & I

 

 

ANNIE'S POV
 
 
 
Ang gwapo talaga kahit kailan ni Kuya Josh *__*
 
 
 
"Wala. Wala ka kasing pinagbago eh"
 
 
 
Ikaw din,wala. *kilig*
 
 
 
"Oo naman! ako pa",mayabang ko namang sinabi.
 
 
 
"Haha. Madungis padin kumain ng ice cream"
 
 
 
Haha. Very funny, it seems that he only sees me like a younger sister ..< / 3
 
 
 
"Tse!"
 
 
 
Nilapit niya yung kamay niya papunta sa mukha ko.
 
 
 
*tugs.tugs*
 
 
 
tas sabay pahid nung ice cream.
 
 
 
"Salamat Kuya!", yun nalang nasabi ko.
 
 
 
Umuwi na  si Kuya Josh kasi dumating na si Tita Jennifer. Grabe, nakakatuwa lang kasi kahit minsan nalang kami magkita ni Kuya Josh, kilala pa din ako ng Mom niya.
 
 
 
Okay, sige na nga, may gusto pa din ako kay Kuya Josh pero parang younger sister lang talaga turing niya sakin kaya wala ako magagawa. Nung naging girlfriend niya si Bianca nung grade six kami, okay lang sakin...well, di masiyado. 
 
 
 
To tell you the truth, Nasaktan ako nung naging sila ni Bianca but not in the "I'm going to have my revenge on you" way but in a "Forget it" way. Bestfriend ko noon si Bianca, and bestfriend ko din naman si Kuya Josh pero yun na yun eh, hindi niya naman ako gusto. And so that's when I needed a distraction, and thankfully, KPOP filled in that role.
 
 
 
Umupo ako sa bench kung saan kami nagusap ni Kuya Josh, kelan kaya siya ulit babalik? Yung baon ko lang ba talaga namimiss niya?
 
 
 
Kinuha ko yung baunan ko.
 
 
 
Bahala siya, may biskwit pa ako at di ko na bibigay sakaniya!
 
 
 
Binuksan ko yung baunan ko nang may amoy na sumalubong sa akin..
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Amoy kimchi.
 
 
 
Teka, hindi ko baunan 'to.
 
 
 
Agad agad, pumunta ako sa school. Tumakbo ako papuntang guard post pero wala naman dun at wala nang tao except yung mga koreans na papaalis palang galing sa foreign class nila.
 
 
 
Tinanong ko isa isa yung mga Korean, gathering the guts I can muster pero kunwari di ko sila kilala.
 
 
 
"Sir, Have you seen this bag?,"tanong ko kay Gunpyo habang kumakain siya ng lollipop.
 
 
 
He shook his head and left.
 
 
 
"Hey, have you seen this bag?"tanong ko kay Byunghee
 
 
 
"No", tas umalis din siya agad.
 
 
 
Nakita ko yung Boa look alike sa class namin at inapproach siya.
 
 
 
"Have you seen this bag?", tanong ko
 
 
 
"Hmm",sabi niya "I think Sungyeol has one just like that"
 
 
 
SUNGYEOL!
 
 
 
Hinanap ko siya at nakita ko siyang pauwi na, hawak yung baunan ko na kala niya kanya.
 
 
 
Sa lahat ng taong magkapalitan ko ng baunan, etong si Sungyeol pa na wala akong alam kahit ano. 
 
 
 
Sungyeol's POV
 
 
 
[A/N: Oo, nagtatagalog si Sungyeol :))]
 
 
 
Nakahanda na yung mga gamit ko, kasama na din yung baunan ko. Sabi kasi walang foreign class eh pero nadatnan ako ng titser namin tas sabi meron pala. wow.
 
 
 
Buti nalang wala masiyadong ginawa kundi introductions lang. Small group lang ang Korean community pero mukhang lumalaki nadin. 
 
 
 
Naglakad ako papauwi nang naramdaman kong may sumusunod sakin. 
 
 
 
Sinusundan niya ba talaga ako o napaparanoid lang ako?
 
 
 
Para makasigurado, Imbis na dumiretso umuwi, pumunta ako sa sakayan ng jeep at sumakay.
 
 
 
Sumakay din yung babae kahit masikip na yung jeep.
 
 
 
Bumaba ako tas bumaba  din siya.
 
 
 
Ano bang balak niya ha?!
 
 
 
Sumakay ulit ako pabalik naman ng school, tapos sumakay din siya kahit puno na din yung jeep.
 
 
 
Teka, nagsasayang nako ng pamasahe. 
 
 
 
Ba't niya ba ako sinusundan?
 
 
 
Sumakay nanaman ako ng jeep hanggang paikot ikot nalang kami. Kung nagsasayang ako ng pamasahe, siya din diba?
 
 
 
Bumaba ako at bumaba din siya.
 
 
 
Namumuro na 'to ah. Ano bang kailangan niya?!
 
 
 
Huminto ako at hinarap siya.
 
 
 
"Ya! Do you want to die? WHY THE HELL ARE YOU FOLLOWING ME?," sinigaw ko
 
.
 
Inaabot niya yung baunan niya nang nakastraight face. Anong gagawin ko naman sa baunan niya?
 
 
 
"What the hell am I going to do with YOUR lunch bag?!," sinigawan ko siya. 
 
 
 
"Nagkapalit tayo!BOBO ka ba?!", she shouted back. Aba'y ang lakas din ng loob ng babaeng eto ah.
 
 
 
"Eh bakit hindi mo nalang sinabi saakin?! Aish!,"sabi ko sabay hablot nung baunan ko. "Akin na nga yan!"
 
 
 
Binalik ko din sakanya yung baunan niya, "Yan na!"
 
 
 
"SALAMAT HA!", sigaw niya sakin.
 
 
 
"Walang anuman!," sigaw ko sa kaniya.
 
 
 
Di ko namalayan na nakatingin pala sa'min yung mga tao.Eh anu bang paki nila?
 
 
 
Biglang nagvibrate yung cellphone ko. 
 
 
 
Eomma calling...
 
 
 
Sinagot yung phone ko sabay talikod dun sa babae.
 
 
 
"Yobosaeyo?," sabi ko.
 
 
 
"Oh, Sungyeol ah~ How's your day in school,darling?," sabi ni Mama.
 
 
 
Long distance call from Korea kaya hindi ko pwedeng babaan si Mama.
 
 
 
"Omma!! It's alright, I'm alright. How about you? I miss you so much. I want to go back to Korea," sabi ko kay Mama. Okay lang na matagalan yung phone call namin, miss ko na siya eh tsaka di naman maiintindihan nung babae diba? 
 
 
 
[A/N: Imagine niyo nalang nakaKorean yan ^^v/ Kokjonghajima! I'll translate everything in Korean after some time. Mian T_T]
 
 
 
Teka, asan na ba yun?
 
 
 
Ayun, nasa likod ko lang pala..
 
 
 
 
 
 
 
 
 
tumatawa.
 
 
 
Ako ba pinagtatawanan niya? teka, kailangan ko na madaliin yung phone call namin ni mama.
 
 
 
"Sungyeol ah~ I'm fine, I miss you too. Don't worry, it's just one more year~," sabi ni Mama.
 
 
 
"Yes, mom, I understand.," madali kong sinabi.
 
 
 
"Study hard,okay?," malumanay na sinabi ni mama.
 
 
 
"Yes, mom," sagot ko.
 
 
 
"Remember our deal, okay?," sabi ni mama.
 
 
 
"Yes mom.," sagot ko. "I'll remember our deal"
 
 
 
"Take care, aegi ya. Mommy loves you."
 
 
 
"Yes mommy. I love you too," sabi ko habang nakatingin dun sa babae, nakangisi pa din siya.
 
 
 
"I got to go, bye honey" 
 
 
 
"Bye mom~," tapos binaba ko na yung phone call. 
 
 
 
Pagkababa ko ng phone, sabay tawa naman ng malakas nung babae.
 
 
 
"Haha! Mama's boy ka pala ha!," sabi niya sakin habang tumatawa.
 
 
 
"Ya! Why are eavesdropping?!," sabi ko sakaniya.
 
 
 
Hindi siya sumagot, tumawa lang.
 
 
 
"Naintindihan mo?!," sabi ko.
 
 
 
Obviously. Pero paano? 
 
 
 
Tumatawa pa din sha. Wow ha, hindi makaget-over?
 
 
 
"AISH!," yun nalang nasabi ko. 
 
 
 
Naglakad ako papuntang sakayan ng jeep pabalik ng school, ang lapit lapit naman kasi ng bahay ko eh, Ba't pa ako nagwaldas ng pera para sa pamasahe?
 
 
 
Sumakay ako sa maluwang na jeep, tapos sumakay din yung babae.
 
 
 
O ano namang bagay ngayon ang nagkapalit kami?
 
 
 
Umupo siya sa may harapan ko.
 
 
 
"Why are you still following me? We exchanged lunch bags already!," sabi ko sakaniya. Aish. When will she stop?!
 
 
 
"ANG KAPAL NG MUKHA MO! ASSUMING KA HA! ANG LAPIT LAPIT LANG DIN KASI NG BAHAY KO SA SCHOOL TAS NAGPAMASAHE PA AKO! AISH. SAYANG PERA!," sigaw niya sakin.
 
 
 
Ang ingay naman ng babaeng 'to! Magkaharap na kami parang isang dagat ang pagitan namin.
 
 
 
"WAG KA NGA MAINGAY!" sigaw ko sakaniya. "ako din naman eh! akala ko stalker ka eh!"
 
 
 
Biglang tumawa yung babae. "HAHA! SINO NAMANG MAGSSTALK SA ISANG TULAD MO? ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA MO!"
 
 
 
"TULAD KO NA GWAPO? MADAMI TALAGA!," sabi ko sakaniya. Pakapalan na ng mukha pero bahala na, magkano din yung nagastos ko no.
 
 
 
"HINDI! TULAD MO NA MAMA'S BOY!," sabi niya sa akin.
 
 
 
"USO KASI MAGSALITA DI BA? KAYA NGA MAY BIBIG KA DIBA?," sabi ko sakaniya.
 
 
 
"Huy! wag kayo magaway dito, ang ingay ingay niyo," sabi nung matandang babae na pasahero.
 
 
 
"Sorry po," sabi nung babae sa matanda tas ako naman nagbow.
 
 
Nagdila sakin yung babae tas nag"owl" face naman ako sakaniya
 
 
 
Tumawa ulit siya sabay sabing "Haha. Ang pangit mo."
 
 
 
Sumosobra na tong babaeng to. Ako, si Sungyeol Lee, PANGIT? huwaw, first time kong marinig yun ah.
 
 
 
"Mas pangit ka," sabi ko sakaniya tapos inirapan niya ako.
 
 
 
"Pikon!," sabi ko sakaniya tas hindi na siya umimik.
 
 
 
Pikon nga talaga.
 
 
 
Hindi ko nadin siya pinansin kaya binilang ko nalang pera ko pambayad ng jeep.Aish! Potakte! ubos na barya ko kakabayad ng jeep kanina. 
 
 
 
"Bayad," sabi ko sa driver sabay abot ng bente pesos.
 
 
 
Sinuklian ako ng driver ng anim na piso.ANIM NA PISO? kulang sukli ko!
 
 
 
"Ay boss, kulang po yung sukli ko," sabi ko sa driver.
 
 
 
"Ay, di mo ba kasama yung babae?," sabi sakin nung driver.
 
 
 
Tumingin ako sakaniya tas nginitian niya ako. "Ubos na ako. Bayaran nalang kita next time. Pautang muna."
 
 
 
Ang kapal ng mukha niya ha! pagkatapos niya akong sigawan at tawanan, uutang siya sakin?! wow ha! hindi ko nga alam pangalan niya eh.
 
 
 
"Teka, ano bang pangalan mo at section mo? baka takbuhan mo ko eh," sabi ko sakaniya.
 
 
 
"Ang kuripot mo! Pitong piso lang ipinagkakait mo pa sakin!," sabi niya sakin ng nakangiti.
 
 
 
Kahit anu pang ganda ng ngiti niya, ang pitong piso ay pitong piso~ hindi ko siya papatakasin.
 
 
 
"Pera din yun nu! Ano nga Name and section mo?," sabi ko sa kaniya.
 
 
 
"Ako si Annie, Annie Torres. Taga III-I," sabi niya sakin habang nakangiti sabay abot ng kamay niya. "Nice to meet you"
 
 
 
Kanina lang, sigaw ng sigaw, ngayon tila anghel sa kakangiti. 
 
 
 
Kinuha ko yung kamay sabay shinake.
 
 
 
"Sungyeol,IV-III," sabi ko sakaniya nang hindi namamalayan na nakangiti nadin pala ako.
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Gikwang_Enna_L
#1
u'r welcome ^_^ i'll w8 for your update soon☺
sarangminnie
#2
@Gikwang_Enna_L Yes, dadating din po dun. Haha. :D Thanks for commenting! :D
Gikwang_Enna_L
#3
ang cute.. ang kulit lang ni Sungyeol hahaha xDD.. sana isulat mu din nung nag debut na sya w/ infinite.. hula q ganun din yung mangyayari kase friendster plang yung gamit ng girl e.. hehe tas dbsk and super junior time pa.. (galing galing nmn) past nila to no?? hehe <":