Bente dos

You're my Salbabida
Please Subscribe to read the full chapter

Maraming mga bagay na di sigurado si Irene, maraming mga bagay na sinabi siya at tinaga niya sa bato. Pero simula nung araw na dumating si Wendy sa buhay niya ay unti unti itong nagbago. Naalala ni Irene na ang tanging gusto niyang makamit sa buhay ay mapauwi ang nanang niya at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng tatang niya.

Pero sino ba si Irene para pakawalan ang isang Seungwan? Sa umpisa, alam ni Irene na mali at mahirap, pero napagtanto niya na mas mahirap na pakawalan ang nagiisang tao na nagpabago sa buhay niya.

Kinamumuhian niya ang mga elitista, lalong lalo na ang mga anak nang mayayaman na walang ibang ginawa kung hindi maging matapobre at mapangapi ng kapwa. Naalala pa ni Irene nung may isang Anak ng politiko na nanligaw sa kaniya sa Baguio, agad niyang hinindian ito dahil alam ni Irene na kahit kailan ay hindi siya magkakagusto sa mga taong may koneksiyon sa dinastiya at politika.

Pero eto si Irene ngayon, nakayakap kay Wendy pagkatapos niyang malunod sa pagmamahal nito. Tumingin si Irene sa mga mata ni Wendy bago siya ngumiti. “Namiss mo ba ako kaya bigla bigla ka nalang sumusungab diyan?” napakamot nalang sa batok niya ang swimmer bago tumingin sa paligid, buti nalang at walang masyadong tao.
 

Alam ni Wendy na iyon ang gusto niyang gawin matapos niyang pakawalan ang sarili niya sa kamay na bakal ng magulang niya. Gustong iparamdam ni Wendy kay Irene na buo ang naging desisyon niya. “Yes, I missed you a lot.” pinisil ng Iska ang pisngi ng Atenean bago pinagsiklop ang kamay nilang dalawa. Hindi mapigilan ni Wendy ang ngiti niya, lalo na nung makita niya ang dalawang bagahe at isang malaking bag sa tabi ni Irene. “You are fast huh?” napailing nalang si Irene bago natawa.
 

Nagtext kasi si Wendy kung pwede bang ihanda ni Irene ang mga gamit nila dahil aalis na sila sa condo at pupunta muna sa Baguio habang inaantay ang paglipad ni Wendy papunta sa Indonesia para sa SEA Games. “Uuwi tayo sa Baguio eh, sinong di excited?” agad ring pumara ng taxi si Irene habang magkasiklop parin ang kamay nila. Sa mga oras na ito, wala nang ibang hinihiling si Wendy, masaya siya na makalaya sa magulang niya at makasama si Irene na walang anong mang hadlang.

Pagkasakay nila sa taxi, hinalikan ni Wendy ang kamay ng Iska bago siya tumingin sa mga mata nito. “Salamat kasi super patient mo sa akin, thank you for trusting me. I know mahirap kasi super iba ako sa iba, na labas ako sa liga mo, pero thank you ayat.” bumilis ang tibok ng puso ni Irene bago siya nagiwan ng halik sa pisngi ng swimmer.

“Worth it ang lahat, basta ikaw ang ipaglalaban, ayat.” at sapat na ang mga salitang yun para kay Wendy.

Alam niyang kahit kailan ay hindi niya pagsisisihan ang desisyon na ito.

-

Hindi iba ang Baguio para sa Atenistang si Wendy, tumira rin siya ng ilang taon sa Baguio. Pero ito ang unang beses na makakapunta si Wendy sa palengke para mamili. Namamangha siya sa dami ng gulay at prutas sa paligid. “Ada ti sibuyas?” narinig ni Wendy na nagsalita si Irene sa isang tindero na nakatingin lang sa kaniya, tumingin ang swimmer sa tindero na parang hindi makapaniwalang may sobrang gandang babae. Agad na inakbayan ng swimmer ang journalist, nakita ni Irene ang matalim na titig ni Wendy sa nagtitinda kaya natawa nalang ito. “Manong mano ti sibuyas?” nilakas ni Joohyun ang boses niya bago kumuha ng mangilan ngilang sibuyas.

“Ako na Hyun.” si Wendy na mismo ang kumuha ng mga hawak na sibuyas ni Irene bago nilagay sa plastic. Tumingin ang swimmer sa tindero bago tumaas ang kilay niya. “How much for this?” magkahawak kamay si Irene at Wendy, ang Iska naman ay di matago ang ngiti habang nakatingin sa mahal niya.

“Pitopulo!” nanlaki ang mata ni Wendy bago siya tumingin kay Irene na parang humihingi ng saklolo. Natawa naman si Irene bago inabot ang bente at singkwenta kay Seungwan, inabot naman ng swimmer ang bayad bago kinuha ang plastic ng sibuyas.

“Cute mo po.” napatingin si Wendy kay Irene habang nagaantay sila ng tricycle, nakatayo ang swimmer sa likod ng reporter at hindi mapigilan ni Wendy ang pagngiti niya lalo na nung makita niya ang pag ngiti rin ni Irene.

“Stop, halika na umuwi na tayo.” at di mapigilan ni Irene na mapangiti dahil hindi lang pala siya ang selosa sa kanilang dalawa.

Kung alam lang sana ni Wendy kung gaano niya nabihag ang puso niya maiisip niya pa kayang mag selos?

-

Nakaupo si Wendy sa isang coffee shop sa Baguio, nakasuot ito ng airpods habang nagbabasa ng libro. Isang linggo nalang ay lilipad na siya papunta sa Vietnam para lumaban sa SEA Games, ang kaniyang kauna unanahang international competition. “I know I would find you here.” nagulat si Wendy nung marinig niya ang familiar na boses, humigpit ang hawak ng swimmer sa libro niya bago tumingin sa mama niyang nakatayo ngayon sa harapan niya. “Akala ko ba hindi ka na babalik dito dahil naalala mo si Mama.” sinara ni Wendy ang libro niya bago siya napalunok, bakas sa tono ng mama niya na natatawa ito. “Naalala ko pa kung gaano ka umiiyak sa tuwing magagawi tayo dito, bakit? Kasi ang nagiisang tao na nagmahal sayo ng buo ay iniwan ka.” bumibigat ang puso ng swimmer pero mas pinili niya na tumingin ulit sa mama niya. Bakas sa mukha ng mayor na nagulat siya.

“Tapos ka na? Huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan ni Lola, ayaw kong marinig sa bastos at marumi mong bunganga ang pangalan ng taong walang ibang ginawa kundi ilayo ako sa kasamaan niyong dalawa ni Papa.” ngumisi ang swimmer bago ito tumayo, hawak niya ang libro niya bago ito tumingin sa mga mata ng Mayor. Nakita niyang napangisi ito dahil hindi siya siguro inakala na magiging ganito si Wendy. “I’m surprised you personally went here, para saan? Akala ko magpapadala ka na naman ng guards just to drag me home. I bet you can’t do that because you want your image to be clean.” tumingin si Wendy sa wrist watch niya at nakita niyang malapit na matapos si Irene sa coverage nila sa isang baranggay na di naman kalayuan dito. Kinuha ng swimmer ang susi ng motor sa bulsa niya.

“Seungwan, I’m asking you nicely, cooperate while I’m still nice.” nagshrug ang swimmer bago niya nilagay sa bag ang libro niya pati narin ang wallet niya na nakalagay sa ibabaw ng mesa. “Leave that woman, bumalik ka na samin. I’ll buy you everything.” natawa si Wendy bago tinapik ang mama niya, ngumiting peke ito humakbang palapit. “I’m giving you everything! Pero hindi mo ako kayang respetuhin!” mas lalo pang natawa ang swimmer bago siya humakba pa palapit sa mama niya. Bakas sa mayor ang takot at gualt niya, dahil hindi niya lubos akalain na magiging ganito si Seungwan.

“Hindi natatapos sa pagbibigay ng pangangailangan ang pagiging magulang. Lagi mong tatandaan yan.” ngumisi si Wendy bago siya lumabas ng coffee shop. Naiwan si Maria doon na nakatulala habang pinapanood si Wendy na humarurot palayo ng coffee shop. Dali daling kinuha ng Mayor ang cellphone niya at ngumisi.

“Do it.” binaba rin nito ang tawag bago tuluyang lumabas ng coffee shop.

-

Sa wakas at natapos narin ni Irene ang trabaho niya para sa araw na ito, ramdam ni Irene ang pagod niya dahil bukod sa coverage ay isa rin siya sa tumulong para maging maayos ang pamamahagi ng mga relief products sa mga ibagiw na nasalanta ng dumaan na bagyo. “Okay na ba? Tapos na tayo lahat ano?” tanong ni Joohyun habang hawak niya ang isang bote ng tubig, ngumiti pa ang reporter sa isang batang ibagiw na nakatingin lang sa kaniya.

“Oo Joohyun, salamat pala ha sa pagtulong talagang ginawa mo yun habang nag cocoverage ka pa.” sabi ni Chorong habang hinahatid niya si Joohyun palabas ng evacuation center. Ngumiti naman ang Iska bago niyakap ang kaibigan niya.

“Galingan mo dito ha, alam kong ikaw ang pagasa ng mga nasa laylayan ng lipunan. Sabihan mo kung may kailangan ka pa. Magsusulat din ako para malaman nila ang kalagayan ng mga ibagiw.” ngumiti si Chorong bago tinapik ang kaibigan niya, napabuntong hininga nalang rin si Joohyun bago siya nagpaalam kay Chorong.

Napagpasiyahan ni Joohyun na maglakad papunta sa may baba kung saan possible na nagaantay si Seungwan. Nakatingin ang Iska sa mga taong naglalakad pabalik sa evacuation center, saglit na napaisip ang Iska kung gaano kahirap ang buhay para sa mga kababayan niya na nasalanta, marahil karamihan sa kanila ay mga wala nang bahay na babalikan, wala nang gamit na mapapakinabangan at marahil mangilan ngilan sa kanila ay mga nawalan ng mga mahal sa buhay.

Parang sinaksak ang puso ng Iska dahil naalala niya ang pakiramdam na mawalan ng mahal sa buhay. N

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Sobrang naeenjoy ko rin isulat ito especially the flow of the fic. Hope you are enjoying as much as I do. ♥

Comments

You must be logged in to comment
untitledsinceday1 #1
Chapter 24: GRABEH YUN. 😭
avocado_toast #2
Chapter 24: Seungwan and Joohyun soulmates 🫶🏻
EzraSeige
#3
Chapter 24: 😢😭😭💗💙
avocado_toast #4
Chapter 23: Okay lang naman na hindi na ako umaasa na kahit isa man lang sa magulang ni Seungwan ay may magbabago? Pero masaya sana kung pagbabayaran nila yung mga kasalanan nila.
WenRene_77 #5
Chapter 23: Matatapos nalang ata Ang kwento nila seungwan at joohyun eh etong mga magulang ni seungwan di pa din matatauhan!! Hays, mga tao talga sakim sa kapangyarihan😡
untitledsinceday1 #6
Chapter 23: Di ako makapaniwala sa nakita ko sa update notification ko . shet umiiyak ako atm. basahin ko ulet mamaya para akong nananaginip. Grabeh. 😭😭😭😭😭
shajanie
#7
Chapter 22: Grabe naman talaga yung mga magulang ni seungwan dito… sobrang sakim!
48_jnnc
#8
Chapter 22: Chapter 22: Bakit naman may pabitin otornim? XD

Super duper namiss ko 'tong kwento mo! Akala ko nung una, sasaktan nang pisikal si Joohyun. Pero ano pa nga ba ang mas masakit kung hindi ang saktan nang paulit-ulit ang puso ng isang tao gamit ang isang masalimuot nitong karanasan.

I also thought Seungwan would realize that Joohyun might be more prone to pain and hurt if she further stays with her kaya baka piliin niyang umalis sa piling ni Joohyun at bumalik sa mga magulang niya. But instead, she stood up against her parents' greediness. What a great move for Seungwan. For being brave against her parents. Because if she ever goes back to them again, it's enabling them further to become more vicious in committing acts of corruption and hurting Seungwan by being worthless parents. Totoo talaga yung sinasabi nila na "all children deserve a parent but not all parents deserve a child."

Tsaka, tiyak na mas malakas sila Seungwan at Joohyun sa piling ng isa't isa.

Seungwan's parents might be sooo frustrating here in the fic, but I still hope na there will come a time where they'll realize their mistakes. But then again, parang bale wala nalang talaga sa mga magulang ni Seungwan ang well-being niya. It was even exhibited by how Maria weaponized/took advantage of Seungwan's painful memories to get Seungwan back. Peak manipulator move tsk tsk.

Masyado nang napahaba comment ko kshdjshds. Thank you for the wonderful update otornim! Worth the wait ^^
WenRene_77 #9
Chapter 22: p*tangama Ka talga maria!! Go to hell😡😡
mklarisse_ #10
Chapter 22: ohmygodddd sobrang panget kabonding ni maria 😡 still so nice to see how wan changed and is now firm w her beliefs. ung specific scene w the kid talking abt his tatang is my fave part sa chap na to :( its rlly hard to comfort ppl who has experienced loss but ang ganda ng sinabi niyo doon authornim, na kahit marami tayong gustong baguhin sa mga nangyari na patuloy parin naman na minahal tayo. :((( thank you so much