Anong nagpapasaya sayo?
You're my SalbabidaKatahimikan, ayan ang bumabalot sa loob ng silid ni Irene, tahimik siyang nakaupo sa may sahig habak nakayakap sa mga tuhod niya. Ramdam ni Irene ang lamig sa loob ng maliit na silid. Gaano ba kabigat ang dala-dalahin sa puso ni Irene. Tahimik na pumapatak ang mga luha sa mata ng dalaga. Gaano ba katagal siyang gagambalain ng isang pangyayari sa buhay niya. Ilang minuto na ba ang lumipas simula umupo si Irene sa sulok, mabigat ang puso niya at nakatingin lang siya sa phone niya na kanina pa umillaw. Walang lakas si Irene na gumalaw.
Hindi akalain ni Irene na babalik ang lahat, babalik ang mga pasanin niya sa buhay. Halos dekada narin ang lumipas pero pilit parin siyang binabagabag ng mga bagay na gusto niya nang makalimutan. Napalunok ang dalaga bago niya pinilit na tumayo, pumasok si Irene sa loob ng banyo saka tumapat sa may shower. Dinadama niya ang init ng tubig mula sa shower habang nakapikit. Umaasa na mawala ang mga bagay na gusto niyang makalimutan. "Gusto ko nang makalimutan ang lahat." mahinang bulong ni Irene. Ilang minutong tumayo si Irene sa ilalim ng shower bago niya napagpasyahan na lumabas na, nagbihis si Irene ng hoodie at pantalon saka lumabas ng kwarto niya.
Sa mga oras na nakakarinig si Irene ng mga salita mula sa asawa ng tita niya, madalas siyang nagpapalipas sa mga resort kung saan tahimik at kung saan siya magkakaroon ng katahimikan. Palubog na ang araw kaya naglakad nalang ang dalaga habang tinitigan ang mga batang patuloy parin na nagtatampisaw. "Ateeee bakit hindi ka nagswiswimming?" napatingin si Irene sa batang tumawag sa kaniya. Nakasuot ito ng heart na googles habang nakangiti kay Irene. Umupo naman si Irene sa may upuan kaya tinitigan siya ulit ng bata.
"Hindi ka ba natatakot sa tubig?" mabilis na umiling ang bata saka umupo sa tabi ni Irene, hindi mapigilan ni Irene na mapangiti habang pinagmamasdan ang bata. "Takot kasi si ate sa tubig eh kaya hindi ako para sa swimming." inabutan ni Irene ang bata ng candy mula sa bulsa niya saka tumingin sa palubog na araw.
"Pero masaya ate." tinitigan ni Irene ang bata saka siya tumawa, parang nakikita ni Irene na hindi maintindihan ng bata kung ano sinasabi niya. Tumango si Irene saka binalik ulit ang tingin sa palubog na araw. Isang araw na naman ang natapos, naisip ulit ni Irene kung may magbabago kaya kung hindi nangyari ang ilang mga bagay sa buhay niya.
"May mga taong sumasaya sa isang bagay pero may iba na hindi. Pero masaya ako kasi ansaya mo tignan. Patingin nga ako ng swimming mo?" tumango naman ang bata kaya agad niyang sinuot ang googles niya. Pinagmasdan ni Irene ang bata na tumalon sa may swimming pool. Namamangha si Irene dahil kung gaano siya katakot sa tubig ayun naman ang kawalan ng takot ng batang lumalangoy.
"Ate! Tulong!" napalunok si Irene nung makita niya na nahihirapan lumangoy ang bata pabalik, hindi alam ni Irene ang gagawin niya napatayo siya sa pinagkakaupuan niya. Nagdadalawang isip siya kung tatalon na siya pero agad siya pinigilan ng isang babae, nakita niya nalang na tumalon ito.
"You should be careful especially if you are swimming alone." nabalik ang ulirat ni irene nung marinig niya muli ang boses na iyon. Familiar ang tunog at napagtanto ni Irene na si Wendy pala ang pumigil sa kaniya na tumalon at siya rin ang tumulong sa bata na umiiyak ngayon. "You don't need to cry or panic, just try to calm down and continue moving your feet hmm?" kumalma ang bata habang hawak hawak siya ni Wendy. Hindi naman alam ni Irene kung ano ang gagawin niya kaya agad niyang inalalayan ang bata na lumapit ulit sa kaniya. Pinunasan ni Irene ang luha ng bata bago siya tumingin ulit kay Wendy. Tinitigan lang siya ng dalaga gamit ang mga mata niyang halos walang emotion.
"Anong nangyari ading!?" tinitigan ni Wendy ang ina ng bata na agad siyang kinarga, mas lalo namang umiyak ang bata kaya yumuko nalang si Irene sa ina ng bata na nakatingin sa kanilang dalawa.
"Your daughter almost drowned ma'am. Please keep an eye on your kid." nagsimula maglakad si Wendy palayo kaya naman si Irene ang tumingin ulit sa ina ng bata. Nakayakap ito ng mahigpit sa anak at parang naluluha.
"Niligtas siya nung babae manang, namulikat ata si ading kaya nagpanic siya." nagpasalamat ang ina ng bata bago sila umalis. Naiwan naman si Irene saka tinignan kung saan naglakad si Wendy. Bumuntong hininga nalang ang dalaga bago siya naglakad ulit. Bitbit ni Irene ang libro niya.
-
Gaano kadaming stress ba ang kahaharapin ni Wendy sa araw na ito? Naisip niya na sobrang maling desisyon na sumama pa siya sa lugar na ito. Mula kanina ay hindi na talaga maganda ang mood ng swimmer, at nung makita niya pa na nagtangka si Irene na tumalon para sagipin ang bata ay mas lalo siyang nainis. "Is she that stupid?" mahinang bulong ni Wendy habang nagpupunas ng buhok niya, Nakaupo ang swimmer sa may kama niya habang pinagmamasdan ang sarili niya. Padabog na hinagis ni Wendy ang towel niya saka niya naisip na maglakad lakad nalang muna at kumain.
Nakita ni Wendy ang restaurant ng resort kaya agad siyang pumasok doon. May iilan ilan na tao sa loob kaya naman humanap na si Wendy ng mauupuan niya. Pagkaupo niya ay napatingin siya sa kabilang table, nakita niya doon si Irene, nakaupo ito at may tasa ng hot chocolate sa mesa niya habang nagbabasa ito ng libro. Sandaling pinagmasdan ng swimmer ang dalaga, nakapag photo shoot na sila nang magkasama pero ito ang unang beses na napaglaanan ng oras ni Wendy na titigan ng maigi si Irene. "Ma'am? Excuse me ma'am?" hindi napansin ni Wendy ang waiter sa harap niya kaya naman pati ang attention ni Irene ay napukaw sa may direction niya. Nakita niyang tumingin ang dalaga sa kaniya bago ibinalik ang attention niya sa librong binabasa.
Napalunok nalang si Wendy dahil nahuli siya ni Irene na nakatingin sa kaniya. Pagkatapos umorder, nilabas ni Wendy ang cellphone niya. Nakita niya ang isang text message mula sa dad niya.
Dad
Congratulations Seungwan, I sent you money. Go treat your friends and your teammates.
Napabuntong hininga ang swimmer saka nilapag ang cellphone niya, may iba pa ba siyang kaibigan maliban kina Seulgi at Joy? Alam ni Wendy na madalas ay kinakaibigan lamang siya ng mga tao dahil sa may kailangan sila mula sa kaniya o kaya naman sa mga magulang niya. Nasanay nalang si Wendy sa ganoong set up. "Nahulog mo yung panyo mo." napatingin si Wendy sa direction ni Irene, nagsalita kasi ito saka tinuro ang panyo ni Wendy na nahulog. Dinampot naman ito ni Wendy, napailing nalang si Irene bago sinara ulit ang libro niya. "Thank you ha?" tinaasan ni Wendy ng kilay si Irene bago ito tumawa, hindi alam ni Wendy kung bakit siya napahinto nung marinig niya ang tawa ni Irene. "Grabe di ko akalain na ganiyan ka pala talaga. Salamat ha salamat tal
Comments