Birthday

You're my Salbabida
Please Subscribe to read the full chapter

Ilang linggo na ang lumipas simula ng UAAP awarding ni Wendy, ilang linggo narin simula nung opisyal niyang ligawan ang Iska. Simula nung nag-stay si Irene sa Maynila ito ang unang weekend na hindi sila magkasama, ngayon kasi ang araw ng tryout ni Wendy para sa National Team at kinailangan naman umuwi ni Irene sa Baguio dahil sa isang event na dadaluhan niya.

Nakasimangot ang swimmer habang inaayos ang bag niya, nagaantay narin kasi si Tiffany na sasamahan siya sa pagpunta sa Arena. Hindi lubos akalain ni Wendy na isang linggo matapos ang huling langoy niya sa UAAP ay kinakailangan niya na agad na lumangoy ulit para naman sa Bayan. Ilang beses siyang sinabihan ni Irene na ayos lang yan, mas maganda na matapos na para magkaroon si Wendy ng oras para sa sarili niya, pero sa tuwing naalala niya na nasa Baguio si Irene at uuwi siyang walang tao sa condo ay nakakaramdam siya ng lungkot. Nasanay na siya na nasa tabi niya si Irene kaya naman ibang iba ang araw na ito para sa kaniya.

Pagkadating ni Wendy sa lobby, nagulat siya nang makita niya ang mama at papa niya, simula nung nag walk out si Wendy ilang buwan na ang nakakaraan ngayon nalang sila ulit nagkita ng parents niya. Napalunok ang Atenean bago humigpit ang hawak ni Wendy sa bag niya habang nakatingin sa mga magulang niya. Parang naestatwa si Wendy dahil ni hindi siya nakarinig ng kahit ano man lang mula sa magulang niya pagkatapos ng lahat pati narin ng pagkapanalo niya. Nakita niya si Tiffany na may apologetic eyes kaya umiwas siya ng tingin bago nagpunta palapit sa magulang niya.

“Seungwan, it’s been awhile.” bati ng senador habang nakatingin sa anak niya, tumango lang si Wendy bago tumingin sa mama niyang diretcho din ang tingin sa kaniya. Sa dalawa si Maria talaga ang madalas magsalita ng kung ano ano patungkol kay Wendy kaya sigurado siyang may sasabihin na naman ito. “Nice performance again for your last playing year.” humakbang palayo ang Atenean nung nakita niyang hahawakan siya ng papa niya, umigting ang panga ng Senador habang tinititigan ang Atenean.

“Di ka nagpakita nang halos apat na buwan, tapos gaganyanin mo papa mo.” ngumisi si Wendy bago kinuha ang susi ng sasakyan niya, nakita niyang kinuha ito ng papa niya kaya napailing nalang siya.

“We are in public, I’m sure ayaw mo na masira image mo especially na you are finally running for the senatorial position.” pabalang na pagsagot ng swimmer, diretcho rin ang tingin nito sa mama niya na ngumiti ng peke, dahan dahan na inabot ni Maria ang kamay ni Wendy bago ito pinisil.

“Come on, we will watch your audition.” gustong masuka ni Wendy, pero wala siyang nagawa, pinasakay siya ng papa niya sa loob ng sasakyan kaya wala naring naging choice si Wendy kung hindi isuot ang headset niya. Nakatingin lang ang Atenean sa bintana ng sasakyan habang katabi niya ang mama niya. Nakaupo naman sa harap ang papa ni Wendy na nakatingin sa may rearview mirror. “Remove this.” inalis ng mayor ang suot na headphones ng swimmer kaya napabuntong hininga nalang si Wendy, sa lahat ng bagay ayaw na ayaw talaga ni Wendy na kinakausap siya ng mga magulang niya. Nasanay nalang siya na walang pake sa kung ano mang nangyayari sa buhay niya ang mga magulang niya. “You won both of the categories that you are in Seungwan, you did well huh? Really doing what we want.” nakatingin si Wendy sa bintana habang pinagmamasdan ang traffic sa labas, hindi na iniintindi ni Wendy kung ano man ang sinasabi ng magulang niya.

“What do you want to receive this time?” tumingin si Wendy sa mata ng papa niya, nakangisi si Emilio habang nakatingin kay Wendy. Nagshrug nalang ang atenean, at nakita niyang tumaas ang kilay ng papa niya. “Maria, binabastos ba ako ng anak mo.” natawa nalang si Wendy bago kinuha ang cellphone niya, nakita niyang may message siya mula kay Irene kaya naman agad niya itong binasa.

10:40AM Love: Nasa bahay na me, goodluck today softie! Ingat ka see you sa Monday! ♥

10:56AM Seungwanie: Yes po, enjoy ka diyan. See you, home feels empty without you. :( I miss you a lot already.

Ibinulsa agad ni Wendy ang cellphone niya nung makita niya ang mata ng mama niya sa kaniya. “I saw a report, di ka umattend ng awarding nung second gold mo.” nakatingin parin si Wendy sa may bintana ng sasakyan ng papa niya, nakita niya ang matalim na tingin ng senador sa kaniya mula sa salamin. “That is so unprofessional, now tell me the reason bakit mo ginawa?” napalunok si Wendy, ayaw niyang madamay at mabanggit ang pangalan ni Irene. Ayaw niyang may gawin ang mga magulang niya kay Irene.

“That’s a personal reason.” tipid na sagot ng Atenean, bumuntong hiniga ulit si Wendy bago niya dinampot ang bag niya. Malapit narin kasi sila sa arena, napairap nalang si Wendy nang makita niya ang ilang reporter sa labas. “You planned this all along?” nakita ni Wendy na tumaas ang kamay ng mama niya, alam niya na ang susunod.

“MARIA! Maraming mga mata.” natawa nalang si Wendy bago siya napailing, nakita niya ang mga nanlilisik na mata ng mama niya kaya naman dali daling binuksan ni Wendy ang pinto ng sasakyan. Pagbaba ni Wendy, agad siyang nilapitan ng mga reporter.

“MISS HERMINIGILDO SINO PO YUNG REPORT…” hindi natapos nung reporter ang sasabihin niya nung titigan siya ni Wendy habang nakataas ang kilay niya. Agad namang lumapit ang papa ni Wendy bago siya inakbayan. Parang nasusuka si Wendy habang hawak siya ng sarili niyang tatay.

“Senador, ano naman pong masasabi niyong posibleng ang anak niyo ang magrepresenta ng bansa natin sa daraing na SEA Games!” hindi alam ni Wendy kung ano ba ang dapat gawin niya, naramdaman niyang tumabi rin ang mama niya sa kaniya at pakiramdam ni Wendy ay para siyang sinasakal. Hindi alam ni Wendy kung paano siya hihinga.

“Nako, sobrang proud ko kay Wendy, naalala ko palagi kong sinasabi sa kaniya simula nung una niyang minahal ang pag langoy. Kahit ano ang resulta palagi akong magiging proud sa kaniya. Kaya sobrang tuwang tuwa ako na nakikita ko ang anak ko na umabot sa ganitong stage. Sigurado akong malayo pa ang mararating niya. Proud na proud ako sa bawat achievement niya sa buhay.” gusto ni Wendy na tumawa at masuka, dahil ni isa sa sinabi ng tatay niya ay hindi totoo, gusto ni Wendy na sabihin ito sa lahat ng mga taong makakabasa at makakanood ng balita pero hindi niya ito magawa.

“Mayor, sobrang supportive niyo din po kahit nakapag file na kayo ng certificate of candidacy niyo nandito parin po kayo para sa anak niyo.” ngiting ngiti ang Mayor habang nakatingin kay Wendy. Hindi alam ni Wendy kung ano ba ang nararamdaman niya. Kung sana nandito lang si Irene ay sigurado siyang mas maayos ang pakiramdam niya.

“Syempre naman, I need to support my daughter’s desire to bring home pride to our country. Alam ko kung gaano pinaghandaan ng anak ko ito.” tumingin si Wendy sa mata ng mga reporter, gusto niya nang matapos ito dahil sa mga oras na ito, gusto niya nalang magkulong sa kwarto at antayin na bumalik si Irene.

Nagbow nalang ang swimmer bago siya pumasok sa loob ng arena, nakita niya na tapos ang ibang mga swimmer. Humigpit ang hawak ni Wendy sa bag niya nung makita niya si Jiho na nagpupunas na at nakatingin din sa kaniya. “Senador Emilio, Mayor Maria, maraming salamat po at nandito kayo maupo muna po kayo.” matalim parin ang titig ni Jiho kay Wendy kaya naman nag shrug nalang ang swimmer bago ito nag bow sa mga coach at pumasok sa may locker area.

Nakatayo si Wendy sa may tapat ng isang locket bago niya nilagay ang bag niya, nakatingin pa si Wendy sa keychain na binigay sa kaniya ni Irene nung unang kita nila sa Baguio. “Sumama pa talaga parents mo ha, ang supportive.” napatingin si Wendy kay Jiho, nakangisi ang babae habang nakatingin sa Atenean. Hindi nalang umimik si Wendy bago kinuha ang pamalit niya. “Masyado ka naman protective kay Reporter Bae, close ba kayo?” humugot ng malalim na hininga si Wendy bago tinitigan si Jiho, nakangisi padin ito habang pinagmamasdan ang pagbabago ng mukha niya. “Kaklase ko pala siya sa isang subject namen sa school this sem. Akalain mo nga naman kaklase ko pa yung gusto ko.” umigting ang panga ng Atenean bago siya naglakad papasok ng shower room at naiwan si Jiho doon na nakangisi lang.

Hindi alam ni Wendy kung bakit nakaramdam siya ng kaba, pinikit ng atenean ang mata niya habang patuloy na pinapakalma ang sarili niya. Pagkatapos ng ilang minuto ay napagpasyahan na ni Wendy na lumabas, nakita niyang nakaupo ang mama niya habang may kausap sa phone ang papa niya. “Miss Herminigildo, ready na po ba kayo?” tipid na tumango ang Atenean bago siya pumunta sa may pool.

Ramdam ni Wendy ang sakit ng balikat niya sa bawat kumpas ng braso niya sa tubig, ilang linggo narin namang iniinda ng swimmer ito. Pagkadating ni Wendy sa may dulong bahagi ng pool, hindi siya agad umangat kaya naman dali daling lumapit ang isa pang coaching staff. “MISS HERMINIGILDO!” kung tutuusin pwede naman nang tapusin ni Wendy ang lahat, pero dinilat niya ang mata niya bago siya dahan dahan na umahon. Napatingin siya sa may gawi ng mga magulang niya, parehas itong busy sa mga telepono nila. “Ayos ka lang ba? Medyo mabagal record mo at kita kong medyo hirap ka rin sa freestyle at sa na confident ka.” tumingin si Wendy sa coach bago siya umiling, tinuro ng swimmer ang balikat niya kaya naman napasinghap ang coach sa harap niya. “Kelan pa yan?” ayaw na sana sumagot ni Wendy pero kita niya ang tingin ng coach sa kaniya, puno ito nang pa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Sobrang naeenjoy ko rin isulat ito especially the flow of the fic. Hope you are enjoying as much as I do. ♥

Comments

You must be logged in to comment
untitledsinceday1 #1
Chapter 24: GRABEH YUN. 😭
avocado_toast #2
Chapter 24: Seungwan and Joohyun soulmates 🫶🏻
EzraSeige
#3
Chapter 24: 😢😭😭💗💙
avocado_toast #4
Chapter 23: Okay lang naman na hindi na ako umaasa na kahit isa man lang sa magulang ni Seungwan ay may magbabago? Pero masaya sana kung pagbabayaran nila yung mga kasalanan nila.
WenRene_77 #5
Chapter 23: Matatapos nalang ata Ang kwento nila seungwan at joohyun eh etong mga magulang ni seungwan di pa din matatauhan!! Hays, mga tao talga sakim sa kapangyarihan😡
untitledsinceday1 #6
Chapter 23: Di ako makapaniwala sa nakita ko sa update notification ko . shet umiiyak ako atm. basahin ko ulet mamaya para akong nananaginip. Grabeh. 😭😭😭😭😭
shajanie
#7
Chapter 22: Grabe naman talaga yung mga magulang ni seungwan dito… sobrang sakim!
48_jnnc
#8
Chapter 22: Chapter 22: Bakit naman may pabitin otornim? XD

Super duper namiss ko 'tong kwento mo! Akala ko nung una, sasaktan nang pisikal si Joohyun. Pero ano pa nga ba ang mas masakit kung hindi ang saktan nang paulit-ulit ang puso ng isang tao gamit ang isang masalimuot nitong karanasan.

I also thought Seungwan would realize that Joohyun might be more prone to pain and hurt if she further stays with her kaya baka piliin niyang umalis sa piling ni Joohyun at bumalik sa mga magulang niya. But instead, she stood up against her parents' greediness. What a great move for Seungwan. For being brave against her parents. Because if she ever goes back to them again, it's enabling them further to become more vicious in committing acts of corruption and hurting Seungwan by being worthless parents. Totoo talaga yung sinasabi nila na "all children deserve a parent but not all parents deserve a child."

Tsaka, tiyak na mas malakas sila Seungwan at Joohyun sa piling ng isa't isa.

Seungwan's parents might be sooo frustrating here in the fic, but I still hope na there will come a time where they'll realize their mistakes. But then again, parang bale wala nalang talaga sa mga magulang ni Seungwan ang well-being niya. It was even exhibited by how Maria weaponized/took advantage of Seungwan's painful memories to get Seungwan back. Peak manipulator move tsk tsk.

Masyado nang napahaba comment ko kshdjshds. Thank you for the wonderful update otornim! Worth the wait ^^
WenRene_77 #9
Chapter 22: p*tangama Ka talga maria!! Go to hell😡😡
mklarisse_ #10
Chapter 22: ohmygodddd sobrang panget kabonding ni maria 😡 still so nice to see how wan changed and is now firm w her beliefs. ung specific scene w the kid talking abt his tatang is my fave part sa chap na to :( its rlly hard to comfort ppl who has experienced loss but ang ganda ng sinabi niyo doon authornim, na kahit marami tayong gustong baguhin sa mga nangyari na patuloy parin naman na minahal tayo. :((( thank you so much