Sunset

You're my Salbabida
Please Subscribe to read the full chapter

Minsan napapaisip si Wendy, napapaisip siya kung paano napapagaan ni Irene ang nararamdaman niya. Dahan dahan niyang dinilat ang mata niya, nakita niyang natatakpan ng itim na kurtina ang bintana at sigurado rin siya na umaga na. Tatayo na sana ang swimmer nang maramdaman niya ang malalim na paghinga ni Irene sa may leeg niya, nakaunan ang Iska sa braso ni Wendy habang yakap nito ang bewang niya. Hindi na ininda ni Wendy ang pangangalay niya, makita niya lang ang kalmado at maamong mukha ni Irene ay agad na siyang napangiti. “Seungwan, anong oras na?” nagulat si Wendy nung dumilat si Irene, bakas sa mata nito ang antok at hindi naman mapigilan ni Wendy na hawiin ang mga maliliit na buhok na tumatakip sa mukha ng Iska.

“Alas otso palang, you can sleep more.” umiling naman si Irene bago dahan dahan na umupo sa kama, hindi mapigilan ni Wendy na mapatitig habang itinatali ni Irene ang buhok niya. Sobrang ganda talaga ng Iska. “Sobrang ganda mo Irene.” namula nalang ang Iska bago umirap at pumasok sa loob ng banyo. Natawa nalang rin si Wendy bago dali daling sinundan ang kaniyang mahal. “Baket mo ako iniirapan?” pinatong ng swimmer ang baba niya sa balikat ni Irene na kasulukyang nagto-toothbrush. Napailing nalang ang Iska na agad ring kinuha ang toothbrush ni Wendy para iabot ito sa swimmer.

“Bilisan mo na diyan, alis tayo.” tumingin ang swimmer kay Irene na inaayos ang buhok niya, napangiti ang Iska nung makita niya ang medyo magulong buhok ni Wendy. “Cutie naman ng abunjing na yan.” pinagsalubong ni Wendy ang mga kilay niya at sinamaan ng tingin ang Iska. Nangingibabaw ang tawa ni Irene sa loob ng banyo kaya naman sobrang gaan ng puso ni Wendy, para bang hindi siya umiyak maghapon magdamag kagabi.

“Why are you calling me abunjing?” binalik ni Wendy ang sepilyo niya sa tabi nang kay Irene at nagmumog, naghilamos narin ang swimmer kaya naman si Irene na ang nagpunas ng mukha niya saka pinaglaruan ang pisngi niya.

“Because ang cute cute mo, para kang baby. Ang abunjing bunjing ko.” natawa nalang rin si Wendy bago hinayaan nalang si Irene na paglaruan ang pisngi niya. Ang gaan gaan ng pakiramdam ni Wendy at para sa kaniya hindi niya kayang ipagpalit ang mga pagkakataon na katulad nito. “Shower ka na hmm? Alis tayo, di tayo magsasasakyan okay?” tumango na parang batang binigyan ng candy ang swimmer. Dali dali naring lumabas si Irene ng banyo para pumunta sa loob ng kwarto niya.

Pagkatapos ng ilang minuto, lumabas na si Wendy, nakasuot siya ng plain black na shirt and fitted na pants. Umupo muna siya sa sala habang inaantay na lumabas si Irene. Napatingin naman si Wendy sa may pintuan nung lumabas si Irene na nakaplain white shirt, long sleeve, cap at fitted jeans. “Ready?” tumango si Irene bago agad na lumapit kay Wendy, nakangiti ang Atenean bago pinagsiklop ang kamay nilang dalawa.

“Cingy ang abunjing ko, gusto laging magkahawak kamay.” medyo natatawa si Irene habang sinasara ang pinto ng condo ni Wendy gamit ang isang kamay niya. Nakita niyang nakapout ang swimmer kaya hindi mapigilan ni Irene ang pagbilis ng tibok ng puso niya.

“Why? Am I not allowed to hold your hand?” pinisil ni Irene ang pisngi ng swimmer pagkasara ng elevator. Hindi niya mapigilan na magtanim ng halik sa pisngi nito na agad na nagpamula sa Atenean.

“Pwede po, ikaw lang naman pwede.” ngiting ngiti nalang si Wendy bago dali daling lumabas ng elevator. Sobrang excited ang swimmer na makalabas kasama si Irene.

“So this is our first date, right?” namumula ang pisngi ni Wendy habang tinatanong yun sa Iska, nagpanggap naman si Irene na di niya narinig ito at nagfocus nalang siya kunware sa mga placard nang mga dumadaan na jeep. Pilit pinipigilan ni Irene ang tawa niya nung makita niyang nakabusangot ang swimmer pero hindi parin binibitawan ang kamay niya.

“Bakit nakasimangot ka?” tanong ni Irene pagkatapos niyang pumara ng jeep, huminto naman agad ang jeep kaya agad siyang sumakay, sandali niya ring nabitawan ang kamay ng swimmer na nakasimangot padin. Hindi parin umiimik si Wendy kaya natawa nalang ulit si Irene. “Sabihin mo bayad, dalawang lrt station lang.” inabot ni Irene sa swimmer ang singkwenta pesos, nakita niyang nakasimangot parin si Wendy bago kinuha ang pera sa kamay ni Irene.

“Manong, bayad po. Two LRT station.” natawa si Irene habang pinapanood ang Atenean na nagbabayad sa jeep, hindi naman ito ang unang beses na sumakay si Wendy ng jeep dahil madalas silang nag co-commute tuwing nasa Baguio sila. “Ate pasuyo po.” hindi mapigilan ni Irene na maging proud na makita si Wendy sa mga ganitong pagkakataon.

Pagkaabot ng bayad agad agad na pinagsiklop ulit ni Wendy ang mga kamay nila, parang walang pakielam ang Atenean sa mga tao sa paligid niya. “Yung sukli ipaalala mo kay manong hmm?” tipid na tumango si Wendy bago tumingin sa may labas, napangiti naman ang Iska dahil kita niya parin ang nakasalubong na kilay ni Wendy. “Wan…” tumingin ang swimmer sa kaniya, napangiti siya saka pinisil ang pisngi niya. “First date natin is on me hmm?” napalunok si Wendy bago kinagat ang ibabang labi niya para pigilan ang pag ngiti niya.

“F..First date?” tumango nalang si Irene na napangiti dahil iniwasan agad ang titig ng swimmer. Nakita niya ang pagsibol ng ngiti ni Wendy bago inabot ang bayad ng isang babaeng katabi niya sa jeep. Inabot narin ni Wendy ang sukli nila bago inabot sa Iska na agad agad na umiwas ulit ng tingin.

Pagkatapos ng ilang minuto, bumaba narin sila ng jeep, agad agad na itinabi ni Wendy ang Iska sa may kaliwa niya para ilayo siya sa mga sasakyan. “Mag lrt tayo hmm? I want you to enjoy this day okay? Late celebration natin for your birthday since tomorrow may pasok na ulit.” tumango naman na parang bata si Wendy habang nakapila sila sa may bilihan ng ticket, eto naman ang unang beses ni Wendy na makakasakay ng train kaya talagang hindi niya alam ang gagawin. “Hawakan mo to para makapasok ka okay?” tinitigan ni Wendy ang card na binigay sa kaniya ni Irene bago tumingin sa mga tao na nagtatap ng card.

Medyo nalilito si Wendy bago niya tinap ang card, namangha ang Atenean bago ngumiti kay Irene nung nakadaan na siya. “It’s easy lang naman pala.” napahalakhak si Irene bago niya tinap ang card niya. Agad ding sumunod si Wendy kay Irene habang inaantay nila ang tren. Buti nalang at patay na oras kaya hindi masyadong crowded ang mga tren. Pagkapasok nila, isa naalng ang mauupuan kaya naman pinaupo nalang ni Wendy si Irene bago siya tumayo sa may harap ng Iska.

“Ikaw na umupo dito, ako na diyan.” umiling naman si Wendy, nakahawak ang Atenean sa may handle habang ang isang kamay niya ay nakahawak parin kay Irene. Tumingin si Wendy sa paligid ng train at nakita niya ang ibang tao na nakatingin sa kaniya. Nagshrug ang swimmer bago binalik ang tingin sa listahan ng station. “Sa last station tayo bababa abunjing ko.” napangiti si Wendy dahil nabasa agad ni Irene kung ano man ang tumatakbo sa isip niya.

Pagkahinto sa next station, tinapik ni Irene ang space sa tabi niya bago siya ngumiti. “Masaya pala sumakay sa ganito.” umiling si Irene bago sumandal sa balikat ni Wendy, napatingin naman ang swimmer sa dalaga sa tabi niya.

“Hindi rush hour ngayon kaya ganito kaluwag ang tren, mamaya kapag oras na ng paguwi ng mga tao sigurado ako na ma-ooverwhelm ka.” tumango tango si Wendy habang tinitignan ang buong tren, iniisip niya ang scenario kapag puno ito ng tao at paano siya makakagalaw at higit sa lahat, paano niya masisigurado na ligtas si Irene at walang ibang makakahawak sa kaniya. “Seungwan, I don’t want you to think about anything else ngayong araw okay? I want you to really enjoy this day.” cinup ni Irene ang pisngi niya na nagpatawa sa swimmer na pilit inaalis ni Wendy ang kamay ni Irene sa may pisngi niya pero di niya magawa dahil malakas ang Iska.

Pagkatapos ng ilang minuto, nakarating narin sila sa unang destinasyon nila. Namangha si Wendy nung bumungad sa kaniya ang isang malaking arcade, Namangha si Wendy dahil marami siyang activities na pwedeng gawin. “Hyu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Sobrang naeenjoy ko rin isulat ito especially the flow of the fic. Hope you are enjoying as much as I do. ♥

Comments

You must be logged in to comment
untitledsinceday1 #1
Chapter 24: GRABEH YUN. 😭
avocado_toast #2
Chapter 24: Seungwan and Joohyun soulmates 🫶🏻
EzraSeige
#3
Chapter 24: 😢😭😭💗💙
avocado_toast #4
Chapter 23: Okay lang naman na hindi na ako umaasa na kahit isa man lang sa magulang ni Seungwan ay may magbabago? Pero masaya sana kung pagbabayaran nila yung mga kasalanan nila.
WenRene_77 #5
Chapter 23: Matatapos nalang ata Ang kwento nila seungwan at joohyun eh etong mga magulang ni seungwan di pa din matatauhan!! Hays, mga tao talga sakim sa kapangyarihan😡
untitledsinceday1 #6
Chapter 23: Di ako makapaniwala sa nakita ko sa update notification ko . shet umiiyak ako atm. basahin ko ulet mamaya para akong nananaginip. Grabeh. 😭😭😭😭😭
shajanie
#7
Chapter 22: Grabe naman talaga yung mga magulang ni seungwan dito… sobrang sakim!
48_jnnc
#8
Chapter 22: Chapter 22: Bakit naman may pabitin otornim? XD

Super duper namiss ko 'tong kwento mo! Akala ko nung una, sasaktan nang pisikal si Joohyun. Pero ano pa nga ba ang mas masakit kung hindi ang saktan nang paulit-ulit ang puso ng isang tao gamit ang isang masalimuot nitong karanasan.

I also thought Seungwan would realize that Joohyun might be more prone to pain and hurt if she further stays with her kaya baka piliin niyang umalis sa piling ni Joohyun at bumalik sa mga magulang niya. But instead, she stood up against her parents' greediness. What a great move for Seungwan. For being brave against her parents. Because if she ever goes back to them again, it's enabling them further to become more vicious in committing acts of corruption and hurting Seungwan by being worthless parents. Totoo talaga yung sinasabi nila na "all children deserve a parent but not all parents deserve a child."

Tsaka, tiyak na mas malakas sila Seungwan at Joohyun sa piling ng isa't isa.

Seungwan's parents might be sooo frustrating here in the fic, but I still hope na there will come a time where they'll realize their mistakes. But then again, parang bale wala nalang talaga sa mga magulang ni Seungwan ang well-being niya. It was even exhibited by how Maria weaponized/took advantage of Seungwan's painful memories to get Seungwan back. Peak manipulator move tsk tsk.

Masyado nang napahaba comment ko kshdjshds. Thank you for the wonderful update otornim! Worth the wait ^^
WenRene_77 #9
Chapter 22: p*tangama Ka talga maria!! Go to hell😡😡
mklarisse_ #10
Chapter 22: ohmygodddd sobrang panget kabonding ni maria 😡 still so nice to see how wan changed and is now firm w her beliefs. ung specific scene w the kid talking abt his tatang is my fave part sa chap na to :( its rlly hard to comfort ppl who has experienced loss but ang ganda ng sinabi niyo doon authornim, na kahit marami tayong gustong baguhin sa mga nangyari na patuloy parin naman na minahal tayo. :((( thank you so much