Babalik Sayo

You're my Salbabida
Please Subscribe to read the full chapter

Unang weekend ni Irene sa Maynila, damang dama niya ang pagod mula sa isang linggo na puno ng coverage at interviews. Nakapagsulat rin si Irene ng iba’t ibang articles at palaging nandiyan si Wendy para sabihin ang mga comments niya at kung ano pa ang pwede niyang iimprove patungkol sa mga sinusulat niya.

Sabado ngayon, napagdesisyunan ni Irene na magluto ng breakfast dahil sigurado siya na napagod ang Atenean sa mga trainings niya na sobrang puspusan. Minsan ay nakakauwi na si Wendy ng hating gabi. Pinagsasabihan rin niya ito ng madalas na wag pagurin ang sarili niya.

Napagisipan ni Irene na magluto ng sopas, maaga pa naman at sigurado rin si Irene na hindi pa magigising si Wendy. Napangiti naman siya dahil naalala niyang magst-start na ang season ni Wendy sa loob ng dalawang linggo. Sigurado si Irene na magiging maganda rin ang season na ito para kay Wendy dahil puspusan rin naman ang pag eensayo nito.

Tahimik na nagluluto si Irene, iniisip ni Irene na maghanda rin ng ilang prutas na binili nila ni Wendy nung nakaraang araw.

Pagkatapos ng kalahating oras, nakapagluto narin si Irene, napatingin ang Iska sa pintuan ni Wendy. Napaisip si Irene dahil almost time narin sa lunch. Naisipan ng iska na kumatok sa may pintuan, wala siyang narinig na sagot kaya dahan dahan na binuksan ni Irene ang pinto. Nakita niya si Wendy na natutulog habang nakabalot sa kumot. Tumaas ang kilay ni Irene bago niya nilapitan ang kaibigan, doon lang nakita ni Irene na pawis na pawis si Wendy habang nakabalot ng kumot, mahigpit rin ang hawak ng Atenean sa kumot. Dali daling hinawakan ni Irene ang noo ni Wendy at napabuntong hininga ang Iska. “Wendy ang taas ng lagnat mo.” daling lumabas si Irene para kumuha ng palangana at ng tuwalya, kahit si Irene ay nagulat sa bilis ng pagkilos niya. “Seungwan, anong nangyari?” mahina ang boses ni Irene habang pinipigaan ang tuwalya na hawak niya, nakaupo siya ngayon sa upuan na kinuha niya mula sa study table ng Atenean. Kitang kita sa mukha ni Wendy ang pagod at ang sakit na iniinda nito ngayon kaya walang ibang magawa si Irene kung hindi tulungan ang kaibigan niya.

“Lola, no, please don’t go.” napalunok si Irene nung marinig niya ang boses ni Wendy, mahigpit ang hawak ng swimmer sa kumot niya habang bakas ang pagtulo ng luha sa mata niya. “Please lola, sobrang sakit na po, no don’t leave me kay papa at mama please.” parang binibiyak ang puso ni Irene, nakikita niya ang patuloy na pagluha ng swimmer. Gaano ba kabigat ang dinadala niyang mga baggage sa puso niya? “It hurts so bad lola, physically and emotionally. I feel so drained. No one loves me.” napaupo nalang ulit si Irene at napatigil sa pagpunas sa noo ni Wendy, pinagmamasdan lang ni Irene ang kaibigan niya.

“Gaano ba kabigat ang dinadala mo Seungwan?” mahinang bulong ni Irene habang pinupunasan ang ulo ni Seungwan, hindi rin alam ni Irene kung gaano ba kabigat, pero para kay Irene isa si Seungwan sa mga taong hinahanggan niya. Kahit na kaunti lang ang alam ng iska patungkol sa atenean ay alam niya na talagang malakas at matindi ang paninindigan ni Wendy sa buhay “Magpahinga ka muna hmm?” tatayo na sana si Irene nung maramdaman niya ang paghawak ni Wendy sa kamay niya, napatingin siya sa swimmer pero nakapikit parin ito.

“Don’t leave me, I’m scared.” napangiti nalang si Irene bago siya umupo sa may kama ni Wendy, sandaling natahimik ang silid, tanging ang malalim na paghinga ni Wendy ang nangingibabaw sa loob ng silid. “Much better, life is more worth living when you are here.” at sa pagkakataon na ito, hindi maintindihan ni Irene ang nararamdaman niya, napalunok ang iska bago siya bumuntong hininga. Tahimik na pinagmasdan ang kaibigan niyang natutulog ngayon, sigurado si Irene na bihira lang magkaroon ng kapayapaan ang utak ni Wendy kaya sa tuwing nakikita niya ang payapang mukha ni Wendy na natutulog ay hindi niya mapigilan na gumaan ang loob niya.

Hindi alam ni Irene kung ilang oras na ang lumipas, nagulat nalang siya nung naramdaman niya ang pag galaw ng nasa tabi niya, “Seungwan? Kamusta pakiramdam mo?” nagmamadaling tumayo si Irene mula sa kama ni Seungwan, nakita niyang suot parin ni Seungwan ang blue na jacket niya mula sa kagabi at pawis na pawis rin ang Atenean. Napalunok naman si Irene nung makita niyang hinuhubad ni Wendy ang suot nitong jacket. “Na..nagluto pala ako ng p..pagkain! Kumain ka na! P..Para makainom ka ng gamot.” nagmamadaling lumabas ang iska ng kwarto bago siya napailing saka mahinang sinampal ang sarili niya. Hindi na talaga alam ni Irene kung ano ba ang nangyayare sa kaniya. “Joohyun umayos ka!” pabulong na sigaw ni Joohyun sa sarili niya bago siya dali daling bumalik sa kusina, naghanda narin si Irene ng kakainin ni Wendy pati narin ang salad na madalas niyang nakikitang kinakain ni Wendy araw araw. Napahawak si Irene sa may dibdidb niya nung marinig niyang sumara ang pinto ng kwarto ni Wendy. “ANAK KA NG TIPAKLONG!!” umalingawngaw sa may dining area ng condo ni Wendy ang tawa niya habang nakatingin siya kay Irene, nakatakip ang kamay ng iska sa may bibig nito dahili hindi niya napigilan ang pagtili niya dahil nagulat talaga siya.

“Hindi naman tipaklong parents ko but they are good at jumping away from their responsibilities.” medyo natatawa parin ang Atenean bago siya umupo sa may upuan, nakita niya ang hinandang pagkain ni Irene kaya nginitian niya ang kaibigan niya bago dali daling humigop ng sabaw ng sopas. “Thank you Joohyun.” ngumiti naman si Irene bago umupo sa upuan sa tabi ni Wendy. Sa mga oras na ito masaya si Joohyun dahil alam niyang bihira lang kumain si Wendy ng iba’t ibang pagkain kaya naman sa tuwing may pagkakataon siyang magluto ay sinasamantala na ito ng Iska.

“Masakit pa ba ulo mo?” umiling naman ang Atenean habang kumakain parin ng sopas, nakatingin pa ito kay Irene saka ngumiti. Agad na chineck ni Irene ang temperature ni Wendy at para naman siyang nakahinga ng maluwag nung maramdaman niya na hindi na mainit si Wendy. “Buti naman at wala ka nang lagnat, napagod ka ba masyado kahapon? Di ka na nakapagpalit ng damit mo.” napaayos ng upo si Wendy habang umiinom ng tubig, nakatingin parin siya kay Irene at iniisip kung paano niya ba sasabihin ito sa kaibigan niya.

“Joohyun, I..” napahinto si Wendy saka nilapag ang spoon na hawak niya, napapikit ang Atenean bago siya bumuntong hininga. “I’m having a hard time.” hindi alam ni Wendy kung dapat niya bang sabihin ito kay Irene, pero nung makita niya ang mga mata ni Irene na nakatingin sa kaniya ay parang nawala lahat ng puot at hinagpis na nararamdaman niya.

“Overwhelming ba?” dahan dahan na tumango ang atenista bago umiwas ng tingin mula sa kaibigan niya. Bihira magsabi si Wendy ng mga hinanakit niya sa buhay, pero hindi niya maintindihan kung paano niya magawang sabihin kay Irene na walang kahirap hirap ang nararamdaman niya. “Halika dito” nagdadalawang isip ang atenean, pero wala siyang ibang nagawa kung hindi sumuko sa mga mata ni Joohyun, dahan dahan siya na lumapit sa Iska at ang susunod nalang na naramdaman ni Wendy ay ang yakap ni Joohyun. Napapikit ang atenean dahil ramdam niya ang pagaalaga at presensya ni Joohyun sa buhay niya. “Di ka na magisa ngayon. Nandito ako palagi.” tumingin si Wendy sa mga mata ni Joohyun saka bumuntong hininga. Kahinaan talaga ni Wendy ang mga mata ni Joohyun at kahit kailan hindi maipagakila ni Seungwan na isa ang mga mata ni Joohyun sa bagay na nagpapahina sa kaniya.

Hindi makasagot si Wendy, dahil pilit niyang pinipigilan ang pagbadya ng pagtulo ng mga luha niya. Ano bang ginawa niya para bigyan siya ng taong katulad ni Irene? Deserve niya ba ang pagaaruga ni Irene at ang pagkakaibigan na binibigay sa kaniya ng Iska? Hindi alam ni Wendy kung ano ba ang mga bagay na dapat na tinatamasa niya dahil lumaki siya ng magisa at naging masyadong independent na ang Atenean. Nasanay si Wendy na sinasarili ang mga nararamdaman at maging ang kaniyang mga hinanakit sa mundo. “Joohyun, salamat.” napailing nalang si Joohyun saka tinapik ng mahina ang likod ng swimmer.

“Gusto mo bang pumunta sa Baguio?” at hindi alam ni Wendy kung bakit siya napangiti saka dali daling tumango. Alam ni Wendy na ayaw na ayaw niya dati ang Baguio pero nagbago nalang ang lahat simula ng makilala niya si Joohyun.

Si Joohyun na gusto niyang palaging kasama, si Joohyun na nagpapasaya sa kaniya.

-

Hindi maisip ni Wendy na makakasakay siya sa isang bus papuntang Baguio, pinilit kasi ni Irene na sumakay nalang sila ng bus dahil medyo may s

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bunnybae2129
Sobrang naeenjoy ko rin isulat ito especially the flow of the fic. Hope you are enjoying as much as I do. ♥

Comments

You must be logged in to comment
untitledsinceday1 #1
Chapter 24: GRABEH YUN. 😭
avocado_toast #2
Chapter 24: Seungwan and Joohyun soulmates 🫶🏻
EzraSeige
#3
Chapter 24: 😢😭😭💗💙
avocado_toast #4
Chapter 23: Okay lang naman na hindi na ako umaasa na kahit isa man lang sa magulang ni Seungwan ay may magbabago? Pero masaya sana kung pagbabayaran nila yung mga kasalanan nila.
WenRene_77 #5
Chapter 23: Matatapos nalang ata Ang kwento nila seungwan at joohyun eh etong mga magulang ni seungwan di pa din matatauhan!! Hays, mga tao talga sakim sa kapangyarihan😡
untitledsinceday1 #6
Chapter 23: Di ako makapaniwala sa nakita ko sa update notification ko . shet umiiyak ako atm. basahin ko ulet mamaya para akong nananaginip. Grabeh. 😭😭😭😭😭
shajanie
#7
Chapter 22: Grabe naman talaga yung mga magulang ni seungwan dito… sobrang sakim!
48_jnnc
#8
Chapter 22: Chapter 22: Bakit naman may pabitin otornim? XD

Super duper namiss ko 'tong kwento mo! Akala ko nung una, sasaktan nang pisikal si Joohyun. Pero ano pa nga ba ang mas masakit kung hindi ang saktan nang paulit-ulit ang puso ng isang tao gamit ang isang masalimuot nitong karanasan.

I also thought Seungwan would realize that Joohyun might be more prone to pain and hurt if she further stays with her kaya baka piliin niyang umalis sa piling ni Joohyun at bumalik sa mga magulang niya. But instead, she stood up against her parents' greediness. What a great move for Seungwan. For being brave against her parents. Because if she ever goes back to them again, it's enabling them further to become more vicious in committing acts of corruption and hurting Seungwan by being worthless parents. Totoo talaga yung sinasabi nila na "all children deserve a parent but not all parents deserve a child."

Tsaka, tiyak na mas malakas sila Seungwan at Joohyun sa piling ng isa't isa.

Seungwan's parents might be sooo frustrating here in the fic, but I still hope na there will come a time where they'll realize their mistakes. But then again, parang bale wala nalang talaga sa mga magulang ni Seungwan ang well-being niya. It was even exhibited by how Maria weaponized/took advantage of Seungwan's painful memories to get Seungwan back. Peak manipulator move tsk tsk.

Masyado nang napahaba comment ko kshdjshds. Thank you for the wonderful update otornim! Worth the wait ^^
WenRene_77 #9
Chapter 22: p*tangama Ka talga maria!! Go to hell😡😡
mklarisse_ #10
Chapter 22: ohmygodddd sobrang panget kabonding ni maria 😡 still so nice to see how wan changed and is now firm w her beliefs. ung specific scene w the kid talking abt his tatang is my fave part sa chap na to :( its rlly hard to comfort ppl who has experienced loss but ang ganda ng sinabi niyo doon authornim, na kahit marami tayong gustong baguhin sa mga nangyari na patuloy parin naman na minahal tayo. :((( thank you so much