Stay
You're my SalbabidaSimula nung makaharap ni Irene ang mama ni Wendy, wala na siyang ibang hiniling kung hindi makawala si Wendy sa pagkakakulong sa mga magulang niya. Kasalukuyang nakaupo si Irene sa tabi ni Wendy sa may sala, pinapanood nila ang huling araw ng filing ng mga coc para sa darating na election. “Pag bumoboto ka noon, sino ang nagdedecide for you?” tumingin si Irene kay Wendy na nakabusangot dahil saktong pinakita ang mama niya sa screen.
“I’m not even a registered voter.” hinampas naman ni Irene ang braso ni Wendy kaya agad na umilag ang Atenean, tinaas pa nito ang kamay niya na para bang sumusuko na siya. Medyo natatawa pa si Wendy kaya tumaas ang kilay ni Irene. “What?” tumatawang sumandal si Wendy sa may sofa pagkatapos niya kumuha ng isang slice ng pizza.
“Gamitin mo ang karapatan mong bumoto abunjing. Mahalaga ang bawat boto, ang boto mo ay puwedeng magpabago ng buhay ng mga taong nasa laylayan ng lipunan, ang bawat boto ay makapangyarihan.” nakatingin si Wendy kay Irene, nakakunot parin ang noo ng Iska at magkasalubong ang kilay niya. Ang cute cute tignan ni Irene sa paningin ni Wendy ngayon pero hindi niya rin inaalis ang pagiging seryoso sa pakikinig kay Irene. Maraming mga bagay siyang natututunan mula kay Irene at alam niyang makabuluhan ang mga ito. “I want you to register this time hmm? Kailangan mo bumoto for this election.” cinup ni Irene ang cheeks ni Wendy bago siya ngumiti, napangiti naman si Wendy dahil alam niyang hindi siya makakahindi kay Irene, lalo nat pinaliwanag nito sa kaniya ang kahalagahan ng pag boto sa election.
“I don’t even know who should I vote for.” napailing nalang si Irene bago sumandal sa balikat ng Atenean, natawa nalang rin si Wendy dahil totoo naman ang kaniyang sinabi. Kung tutuusin lang bago niya nakilala si Irene ang tingin niya sa politika ay isang dinasitya lang na walang ibang ginawa kundi kunin ang attention ng sariling mga magulang niya. Para kay Wendy ang mundo ng pulitika ay isa sa mga dahilan kung bakit siya nabubuhay sa impyerno, sa buhay na walang pagmamahal, aruga at kalinga mula sa magulang niya. Ang pulitika ang dahilan kung bakit puno ng puot at pressure ang mundo kinalakihan niya.
“Ibaba ko ang bawat plataporma ng mga kandidato para sayo, so you can make a choice. Sasamahan din kita mag paregister, since dito ka nakatira sa Quezon City, you will vote here. Sa Baguio ako boboto.” nagpout naman si Wendy kaya natawa nalang si Irene, sobrang clingy talaga ng abunjing niya, gusto talaga ni Wendy na palagi niyang kasama si Irene sa mga bagay bagay, lalo na sa mga bagay na unang beses niya pa lamang gagawin. “Ang cute cute abunjing ko, syempre sasamahan kita sa unang pag boto mo before ako umuwi sa Baguio.” nakita ni Irene kung pano ngumiti si Wendy, sobrang daling basahin ng Atenean, para siyang isang open book kaya hindi madalas mahirapan si Irene.
“Hyun?” napatingin naman ulit si Irene kay Wendy, nakita niyang may pagaalangan sa boses ng Atenean kaya agad na nakaramdam ng kaba si Joohyun. “I heard from my mom’s secretary na you met her two weeks ago, sinabi niya saken when she last called me to ask me to join both of them sa filing ni mama ng COC.” napalunok at napaiwas ng tingin si Irene, bumabalik ang galit niya at ang sakit ng mga sampal ni Maria sa kaniya nung araw na yun. “D..Did she hurt you in any way?” hindi makasagot si Irene, ni hindi niya kayang tumingin ulit kay Wendy. Hindi niya kaya sabihin kay Wendy kung ano man ang nangyari sa pagitan ng mama niya at sa kaniya. “Hyun…” naramdaman nalang ni Irene na tumulo ang luha niya, bumigat ang pakiramdam niya at wala siyang ibang magawa kundi makaramdam ng galit at sakit. “Tell me, please let me understand.” pimunasan ni Wendy ang mga tumulong luha mula sa mata ng Iska, sobrang sakit na makitang umiiyak si Irene, naalala ni Wendy ang unang beses na nakita niyang umiiyak si irene yung unang beses na akala niya mawawala na si Irene sa buhay niya. Ang araw na nalabas na ang lahat ng mga bagay sa kanila.
Hindi makapagsalita si Irene, patuloy lang siya sa pagiyak habang nasa bisig ni Wendy, hindi alam ni Irene kung ano ba ang mas masakit, ang mga sampal at masasakit na salitang natanggap niya o ang katotohanan na sobrang laking laban ang kailangan niyang gawin hindi lamang para sa sarili niyang kasiyahan, pati narin ang kapayapaan ni Wendy. Hindi lubos akalain ni Irene na magiging ganito kakomplikado ang buhay sa oras na buksan niya ang puso niya. “A..Ayaw kong mawala ka Seungwan.” mahina ang pagsusumamo ni Irene, puno ito ng takot at pangamba. Hindi alam ni Irene kung kaya niya pa bang salubungin ang bawat araw na hindi niya kasama si Wendy, hindi niya kayang harapin ang bawat araw na hindi niya makita ang ngiti ng Atenean.
“Hindi ako mawawala Hyun, lalaban tayo.” tumingin si Irene sa mga mata ni Wendy, nakita niya ang determinasyon sa mata ng Atenean. “I won’t let them hurt you again.” hindi alam ni Irene kung ano ba ang mararamdaman niya dahil nandito na naman siya ngayon sa isang sitwasyon kung saan kailangan niyang labanan ang kagahamanan at kasamaan ng pamilya ni Wendy. Hindi lubos maisip ni Irene na kailangan niya na naman labanan ang isang dinastiya, ang dinastiya ng mga Herminigildo, pero para sa ibang dahilan naman.
Kailangan niya itong labanan, para sa taong mahal niya. Para kay Wendy, na kaniyang tinatangi.
-
Nakaupo si Wendy sa may bench sa may gym habang pinagmamasdan ang ibang swimmer, ito ang naging tahanan ni Wendy mula siya ay first year highschool, at hindi lubos maisip ni Wendy na natapos na talaga ang kaniyang karera bilang isang swimmer mula sa Ateneo. “Ang lalim ng iniisip mo?” nagulat si Wendy nung maramdaman niyang tumabi si Joy sa kaniya, may hawak na bote ng tubig ang kaibigan niya habang nakatingin din sa may swimming pool.
“Ahhh, wala wala. Nagpapalipas lang ako oras bago ko sunduin si Hyun.” nakangiti si Joy habang sinisiko si Wendy na nakangiti lang din ng tipid, totoo naman, nagpapalipas lang talaga si Wendy ng oras dahil medyo maaga nag dismiss ang prof nila, sinabi rin ni Irene na marami pa silang ginagawa kaya kahit maya maya na siya pumunta.
“Ano, naintindihan mo na ba, bakit ganun nararamdaman mo?” tumango si Wendy bago tumingin kay Joy na kasalukuyang nakangiti rin sa kaniya, masaya si Joy na makitanag unti unting nagoopen up si Wendy ng nararamdaman niya, at masaya rin siya dahil alam niyang mapagkakatiwalaan si Irene. Alam niya rin ang saya at mga bagay na natututunan ni Wendy kay Irene.
“Joy, I like.. no, mahal ko si Joohyun, I realized that I slowly opened up, I slowly showed the real me.” naiintindihan ni Joy ang mga sinasabi ni Wendy, alam niya kung gaano kahirap para kay Wendy na gawin ang mga bagay na iyon. “She was the person who never judged me, we also have a long story to talk about, but despite that, she saw me as a person of my own. Hindi niya ako jinudge kasi isa akong Herminigildo, hindi niya ako nakikita bilang Ace ng swimming team, nakikita niya ako bilang si Seungwan. Si Seungwan na handa niyang mahalin rin.” napalunok si Wendy bago siya napangiti ng tipid, hindi naman dapat komplikado ang pagmamahal, hindi naman dapat ito mapupuno ng galit, puot, o kahit ano pa mang emotion na maaring humadlang sa dalawang tao. Pero para kay Wendy, ang pagmamahal niya kay Irene ay isang laban na kahit kailan ay hindi niya isusuko. “But, kailangan bang maging komplikado nang pagmamahal? Kailangan pa bang ilaban ang lahat? Hindi ba pwedeng mahal namin ang isa’t isa, tapos wala nang hadlang?” napataas ang kilay ni Joy habang nakikita niya si Wendy na napayuko, nakita niya rin na nilalaro ni Wendy ang mga daliri niya, isa ito sa mga habit ng Atenean sa tuwing nahihirapan siya sa nararamdaman niya.
“Seungwan? Tell me, anong nangyayari?” napalunok si Wendy, sobrang bigat at hirap na hindi niya maipakita sa mundo kung gaano kahalaga, at gaano ka espesyal si Irene sa kaniya. Maraming mga bagay na dapat niya pang ayusin, ilaban, at ipilit. Alam ni Wendy na hindi kailan man magiging madali na bumitaw sa matinding pagkakasakal sa kaniya ng mga magulang niya.
Naisip ni Wendy na ilang dekada na ba niyang pilit nilalabanan ang magulang niya, ilang taon niya nang ninanais na kumawala sa rehas na ginawa ng magulang niya, sa rehas na pilit siyang binago, at pilit na pinapakita ang katauhan na hindi naman talaga siya. “Si mama, sinaktan niya si Irene physically nung nagpaschedule siya ng interview with Bloom.” nagulat si Joy nung marinig yun mula kay Wendy, nakita niya ang pagtulo ng luha ng Atenean kaya wala nang ibang nagawa si Joy kung hindi yakapin nalang ang Atenean. “Sinabi pa ni mama kung magkano ang kailangan niya, sobrang nahihiya ako kay Joohyun kasi alam kong nasaktan siya hindi lang physically pati mentally.” humihikbi si Wendy habang nakayakap kay Joy, sobrang hirap para sa atenean na iprocess ang nararamdaman niya.
“Wala na talagang ginawang tama yang mga magulang mo. We are here for you Wends and I’m sure si Miss Joohyun din.” at sapat na ang mga salitang yun mula kay Joy para malaman ni Wendy na hindi siya nagiisa sa laban na ito.
-
Nakasandal si Wendy sa may bintana ng sasakyan niya habang nakatingin sa may building nila Irene, inaantay niya na bumaba ang iska. Uminom si Wendy mula sa kape niya bago naisipang bumaba ng sasakyan.
Makalipas ang ilang minuto, lumabas narin si Irene ng building, nagulat si Wendy nung makitang may kasabay ito na lalaki, napalunok ang Atenean habang nakapamulsa at nakatayo sa may harap ng sasakyan niya. “Sir, hindi na po kailangan.” naririnig ni Wendy ang pagtanggi ni Irene habang patuloy itong naglalakad papunta sa may sasakyan ni Wendy, nakataas ang kilay ng Atenean bago niya nilapitan si Irene.
Agad na hinigit ni Wendy palapit ang Iska sa kaniya habang hawak ang bewang niya. “May problema ba Hyun?” napalunok si Irene habang nakatingin kay Wendy, umiling a
Comments