Chapter 1

I'll (Pur)Sue You
Please Subscribe to read the full chapter

*tap tap tap*
*tap tap tap*

*mnya-mnya-mnya-mnya-mnya* (sound effects ng nag uusap)
 

*tap tap tap*
 

“Oh talaga? Tapos tapos nakita ko nga rin yung post ni-“
“Guuuuuurl!!! Ako rin kaya!”
“Tapos diba etong si- ay gago may nagkaklase! Shhhhhhh”

*tap tap tap*
*mnya-mnya-mnya-mnya-mnya*
*skrrrrrrt skrrrrrt*

“EDUKASYON. KARAPATAN! KARAPATAN! IIIIIIPAGLABAAAAAAAAAAAAAAAAAN!”
“Sa darating na biyernes, sama sama tayong makibaka, makilahok upang ipaglaban ang ating karapatan bilang mga estudyante ng ating Sintang Paaralan!” (repeat hanggang sa mawala sila sa frame)
 

*mnya-mnya-mnya-mnya-mnya*
*tap tap tap*
*tap tap tap*
*mnya-mnya-mnya-mnya-mnya*

*chuga chuga chuga chuga DUUUUUT DUUN INKKKKKKKKKKKKKKK PSHHHH* – tunog yan ng PNR ano ba


*skrrrrrtttttt---- SKKRTTTTT ererererrrrrrrrkkkt SKRRRRRRTTTTeeerkkerk shunk*

“Uy naamoy niyo ba yun amoy sunog no?”

“Ay gago bumigay na yung electric fan. Kinginang yan.” May nagsabing expendable character number one sa gilid.

 

Tangina.
THAT’S IT.
Di na matake ng lola niyo.

 

Tumayo ng marahas si Joohyun mula sa vandal ridden armchair niya. Nagsitabihan agad yung mga seatmates niya kasi alam nila na yung mga ganunang galawan ni Joohyun ay nangangahulugan ng matinding monologue na dinaig pa ang sikat na “I Have a Dream” ni Martin Luther King Jr. Alam nilang basta sa kudaan at bungangaan ng karapatan, si Joohyun ang dapat lapitan... Or in this case, LAYUAN.

Di maipinta ang mukha ng bida. Nagngingitngit na ang inner General Bato niya at hindi na niya napigilan. Lumabas si Joohyun mula sa pinto ng classroom nila at ang mga batang SHS ang napagbuntungan niya ng galit.

“ANO BA HA? DI NIYO BA NAKIKITA NA MAY IBANG TAO DITO. AMPOTA DI LANG KAYO TAO DITO SA UNIBERSIDAD NA TO! LAHAT TAYO NAGBABAYAD NG DOSE PER UNIT ANO BA! IINGAY NIYO PUTULIN KO MGA DILA NIYO EH!”

Hiningal ng konti si Joohyun pagtapos niyang sabihin yun, yung mga Senior High naman na napagbuntungan niya ay nanlalaki lang ang mga mata. Pinandilatan din ni Joohyun yung mga kawawang bata na napadaan lang, di naman kasi sila yung nag-iingay na Senior High sadyang napadaan lang sila sa lungga ni Joohyun.

“S…sorry po,” takot na sagot ng mga bata.

“Dapat lang no,” ismid ni Joohyun at sabay pasok sa kanilang classroom.

Sanay na naman ang mga classmate niya sa kanya, alam nilang isang batikang social justice warrior na itong si Joohyun; mapatotoong buhay man or online, madalas nga siyang nang-aaway ng mga ka-DDS sa Facebook with matching APA citations from scholarly articles and journals pa ang sources niya sa mga sagot niya eh, pampalipas stress niya na yun.

 

“Uy, kawawa naman yung mga bata,” sabi kaagad sa kanya ng kanyang seatmate pagkaupo niya.

“Ano ka ba Wendy, namumuro na yang mga batang yan ang iingay josko stress na nga eh,” sagot naman niya sa kanyang seatmate slash beshie na si Wendy.

“Eh kasi di naman sila yung nag-iingay napadaan lang yung mga yun, kawawa naman,” sagot ulit ni Wendy na may ginintuang puso

 

Di rin alam ni Joohyun kung bakit naging beshie niya itong si Wendy. Complete opposite kasi sila, sobrang kalmado lang ni Wendy sa lahat ng bagay pero si Joohyun aba konting kibot kala mo babaeng nagme-menopause kung magalit eh.

Ang naalala niya lang eh nung first year sila, tinabihan niya si Wendy dahil mukha itong matalino. Biruin mo ba naman, first day ng klase nagbabasa na ng libro na mas makapal pa sa mukha nung manyakis na ng cat call sa kanya bago siya pumasok; aba pota kinabahan kaya si Joohyun nun! Akala niya may assignment agad na di niya alam eh. At dahil nga may pagka-realist ang ate girl niyo, kinaibigan niya si Wendy dahil nga matalino ito, makikinabang siya dun noh. May instant kopyahan siya ng assignment at exam. Pero di naman niya ineexpect na magiging beshie niya ito in the long run, dahil nga ang unang plano niya ay gamitin lang si Wendy pero dahil may angking kabaitan ito ayun beshie na sila.

Pero may mga times pa rin na naiirita si Joohyun kay beshie dahil sobrang bait nito, to think na gusto rin nitong maging isang abogado tulad niya. Napaka-soft kasi ni Wendy, di makabasag pinggan ganun, so minsan iniisip niya pano kaya nito ipagtatanggol ang mga magsasakang naagawan ng lupa.

“Ano ka ba naman Wendy. Masyado ka kasing mabait, naabuso na tayo dito eh,” sagot niya sa kanyang beshie. Di na ulit nagsalita si Wendy at bumalik na lang sa pagbabasa ng kanyang reviewer.

 

Napaka-GC talaga sabi ni Joohyun sa kanyang utak, sabagay di rin niya mapigilang maging GC dahil ang napuntang prof sa kanila ay ang notorious prof na nambagsak ng kalahati ng kanilang upperclassmen last year. At ngayon alam na ni Joohyun at ng kanilang block kung bakit ganun na lang ang takot ng mga nauna sa kanila dun sa prof na yun.

 

*flashback nung summer break*

Medyo masaya naman ang summer break ni Joohyun. Kahit nago-OJT siya nung mga panahong yun, kebs lang. Walang masyadong gawain ganun, tunganga lang sya, FB all day para mag-rant at mang-away ng mga ka-DDS. Pero nagbago ang lahat ng may isang notif na lumabas sa kanyang FB.

HI BPS 4-1 AND 4-2

*insert mga greetings at kung ano ano pa dito*

The attached document is the list of cases to be discussed during our first meeting. Please read and analyze carefully. We will have a recitation regarding the facts of the cases and its application during the first day.

Pagkabasa ni Joohyun ng post na iyon parang gusto niyang tumalon sa murky waters ng Ilog Pasig. Recitation? First day? Cases? Di niya alam ang dapat niyang maramdaman. Di pa kasi siya enrolled nung panahong yun pero may cases na agad; ano to lokohan?! Iniisip na nga niyang di mag-enroll noon pero dahil panganay siya sa pamilya ay di pwede, breadwinner ang peg niya eh. Ang nasa isip na lang niya ay ginusto niya ito at dapat na lang niyang panindigan.

*balik na tayo sa current time*

 

Medyo tahimik na ang paligid 3:00 pm na kasi at normally wala na masyadong nagka-klase ng ganitong oras. Tanging konting bulungan na lang ng mga GC na nagrereview ng assigned cases ang maririnig sa classroom nila. Si Wendy naman, ayun pilit na nirereview si Joohyun sa mga cases, pero si Joohyun wala nagspace-out na lang, di niya kasi nabasa lahat ng cases. Noong pagkabigay kasi ng mga cases aba medyo determinado pang magbasa si Joohyun pero nakaka-apat na kaso pa lang siya suko na siya, ayaw na niya. Potek 71 na kaso yung pinapabasa at naka 20 lang siya. Patay talaga siya pag natawag siya.

 

“So yun nga hindi daw legal yung strike na ginawa ng SSSEA kasi gina-gurantee lang ng batas ang right to create unions pero not the right to strike. Hoy Joohyun, nakikinig ka ba?” nagulat na lang si Joohyun nang biglang pitikin ni Wendy yung tenga niya.

“Ukinam mo naman Wendy eh ano bang pinagsasasabi mo dyan ha? Namimitik ka pa eh,”

“Hoy Joohyun di ka ba natatakot kay Sir? Alam mo naman siya ang dahilan kaya kalahati lang ang grumaduate dun sa last batch.”

 

Natauhan si Joohyun, naiiyak na lang ito dahi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
primafacie
So yun po, yung bold na J's po sa texts nila ay mga smiley yun (ayaw basahin ni aff). Edited na siya. Sorry for the confusion.

Comments

You must be logged in to comment
yulliseek #1
Miss ko na ‘to omg huhu miss you, author 😭
svblimehysterix
#2
Chapter 1: namiss ko bigla yung sintang paaralan, buti di pa ako naka-encounter ng upuan na may surot tuwing may klase kami sa main huhu
svblimehysterix
#3
Chapter 1: BAT NGAYON KO LANG TO NADISCOVER PAKENING SHET FAMI KONG TAWA HAHAHAHA
Wintojiman
#4
Binabalik-balikan ko to. Otor beke nemen heheh
Wintojiman
#5
Update? Heheh
heesica10 #6
Chapter 9: author baka naman
LiNiLalisa1502
#7
Chapter 10: Dami kong tawa dito. Salamat author! Nawala stress ko :)
yulliseek #8
Chapter 10: Na-miss ko ‘to :((( anygay, congrats mga authornim!
penguminari_
#9
Chapter 10: I've missed this
milliebobeleven
#10
Chapter 1: tangina PUP ba 'to mga tol yung atmosphere kasi e ramdam na ramdam ko (ay waw daming alam ni ate gurl)