Goodluck

Tadhana
Please Subscribe to read the full chapter

“Rise and shine little sunshine!”

 

Halos mahulog ako sa malambot na kamang kinahihigaan ko nang nakita kitang nakatayo sa may paanan ko nakangiti ng pagkatamis tamis. Nakalimutan ko, ikaw nga pala ang nag asikaso ng tinutuluyan ko ngayon, so malamang may extra key ka. Bakit ba di ko yun naisip? Nagpalit man lang sana ako ng pantulog ko kagabi. Sa sobrang pagod at antok ko dumiretso na ang katawan ko sa dreamland without cleaning myself. At kahit di ko nakikita ang sarili ko sa salamin, I know na mukha akong mestisang pusit sa hitsurahin ko now.

 

“Seul, you look terrible!”

Naglakbay ang mga mata mong pinasadahan ang kinahinatnan ng aking silid sa isang gabi pa lang na pag stay ko. Nagkalat na libro sa sahig, yung balot ng jolly burger na tinake out ko kagabi, hanggang sa medyas kong si Pikachu na malapit sa kinatatayuan mo. Sana kaya akong lamunin ng kama ko right at this moment para maiwasan ko ang pangjajudge ng dalawang bunny eyes mo.

“Get up Seul.”

Inumpisahan mo nang pulutin at ayusin isa isa ang Obstetrics and Gynecology books.

“Dra. Bae, you don’t have to do this.”

 

“Ligo ka na, I’ll prepare breakfast”

Ngumiti ka na parang walang narinig.

Dahil sa tingin ko ay wala kang balak umalis, nagcomply na lang ako sa gusto mong mangyare. Bakit ba kasi kay aga aga eh nandito ka na sa apartment ko?

 

Amoy na amoy ko mula sa kwarto ang bango ng kung ano mang niluluto mo. Punum puno naman kasi yung refrigerator ng kung ano anong mga pagkain. Syempre, sino pa nga ba naglagay nun, kundi ikaw.

 

Habang naliligo ako, plinaplano ko na kung paano tatakasan ang sitwasyong ito. Magdahilan na lang ako na busog pa ako? Mauna na ako kasi may dadaanan pa akong labahin sa laundry shop sa baba? Ah bahala na, basta, di ako sasabay ng breakfast sayo, kahit gaano pa kasarap ang nilu…..

 

Hmmmmmmmm

 

Gising na gising ang olfactory nerve ko sa bango ng kung ano mang niluluto mo dyan, pero sabi ko nga I should escape this situation, not this time na alam kong di pa ready ang puso ko, not this time na alam kong titiklop na naman ako once magtama ang mga mata natin, just not this time.

 

Palabas ako sa kwarto nang namataan ko na sa hapag kaininan ang ibat ibang klase ng breakfast, omelette, vigan longanisa, pork tocino, several slices of fruits, garlic bread etc etc. Di rin nakatulong ang aroma ng bagong timplang kape. Ugggghhh

 

“Breakfast is ready!” nakangiting bati mo

“Ah.. I..rene, salamat pe….ro” at bakit nag stutter na nman ako?

 

“My grandmother whispered this recipe into my ear on her deathbed. She brought it over during the colonization of Spaniards and I made it especially for you today.  Ayaw mo naman sigurong masayang ang recipe ng lola ko?”

 

Huli na ang lahat nang lumapit ka sa kinatatayuan ko. Tumayo yata lahat ng balahibo ko sa binulong mo. Sinadya mo rin yatang idampi sa tenga ko ang lower lip mo. Mahabaging Ibong Adarna!

 

Sino lolokohin ko? Kulang na lang ivacuum lahat ng bunganga ko  lahat ng nakahain. Hiyang hiya ako sa asal kong parang construction worker. Ikaw naman, pa smirk smirk lang kasi alam mong nasunod na naman lahat according sa plano mo.

 

 

“How do you like the place?”

Out of nowhere na tanong mo habang naglalakad tayo papasok sa Lorma.

“Ok lang” matipid na sagot ko na lang

 

Tahimik ulit

 

Nagulat ako nang bigla mong hawakan ang kamay ko bago mag-cross ng pedestrian. Hala sige HHWW ang drama natin. The action shocked me, why are you this “aggressive”? what are trying to do?

 

Sa main entrance tayo  dumaan kasi balak mo pa yata rumampa sa buong hallway ng hospital. Ang plano kong magpakalow profile ay agad ding gumuho.

“Goodmorning Dra. Bae, Dra. Kang” bati ni manong guard

 

Gusto mo pa yata ako ihatid sa research dept pero awa ng diyos at nakumbinse kitang huwag na.

 

 

“Seulgiiiii!!!!! Huy babae! Ano tong nasagap kong ganap ke aga aga ikaw ang pulutan ng mga tsismosa dito!”

Hayyyy, kabababa ko pa lang ng bag ko, bubuksan ko pa lang yung computer ko, iniistorbo na ako ng Byul na ito. Uminit agad ang tenga ko sa narinig ko sa kabilang linya

“Ano ? Teka lang teka lang. Ano’ng pinagsasabi mo?”

“Wag ka nang magdeny! Nakita kayo sweet na sweet na magkasabay pumasok si Dra. Bae at halata raw na parang kakatapos nyo lang magmorning se.x!”

 

“What?!!!!!”

 

“Okay, minus yung se.x, dagdag ko lang yun, nag assume lang. So walang ganap?”

 

“First of all, hindi kami sweet na sweet pumasok, sabay lang kami at lalong walang naganap na kung anuman! ”

Gusto ko itago yung detail na galing ka ng apartment.

 

“Galing sya sayo or galing ka sa kanya?”

Tsk

 

“Hay naku Byul, magtrabaho ka na nga! Hang up na ako busy ako.”

 

“Teka lang teka lang! sige na sige na di na kita kukulitin tungkol dun. Birthday ni boss mamaya, may surprise party ang department sa kanya. At huwag na huwag mo subukang tumanggi kasi ipagkakalat ko sa buong hospital na naglilive in na kayo ni Dra. Irene. Oh sya sige, avisala mahal na reyna. Bye”

 

“Byuuuul!!!!!”

 

Wtf, birthday nga pala ni boss, wala man lang akong naihandang regalo sa kanya, sasaglit na lang ako sa mall mamaya.

 

Buong araw nakafocus ang attention ko sa pagtratrabaho. Mula sa pag review ng obstetrical statistics at mga kung ano ano pang reports, di ko namalayan past 12 na pala. Akto naman na may delivery boy sa may pintuan ng opisina ko na may bitbit na dalawang supot na sa tingin ko ay puro pagkain ang laman. Malamang ikaw na naman ang nagpadala nito. May logo ng Midtown ang mga supot, sa resto pa talaga ni Ms. Fany galing.

 

“Ma’am pasensya na po at natagalan, kasi naman po, di ko mahanap ang opisina nyo.” Tugon ng pawis na pawis na delivery boy habang linalapag ang pagkain sa mesa ko. Tumango na lang ako.

 

“Hayaan nyo po bukas, di na ako malilate.” Banggit nya bago tuluyang umalis

 

Teka lang, may food delivery din bukas?

You really don’t have to do this. I was about to call you nang Makita kitang paparating may hawak din na dalawang lunch box?

Lunch box? Ano pala tong delivery pa na to? Ang dami naman

 

“Irene, you don’t need to provide me food, nagpadeliver ka pa, pwede akong kumain sa canteen na lang. Masyado na kitang naiistorbo.”

 

Medyo confused and expressions mo sa sinabe ko.

“I was about to give you this lunch box that I prepared. Di ako ang nagpadeliver nyan Seul.”

 “Eh sino nagpadala ng mga pagkaing ito?” tanong ko pa sayo

“I don’t know. Admirer mo?” may kasamang selos ang boses mo or imagination ko lang?

 

“Uhmmm, sabay na lang tayo kumain” yaya ko sayo sakaling mawala yang pout mo kasi alam kong bad mood ka na.

 

“Ibibigay ko lang tong lunch mo sana kaso may nauna na pala, never mind. May working lunch meeting ako with the Utilization Committee.”

 

----

Irene’s POV

 

Watdaactualpakshet is this?!

Wala ang atensyon ko sa anumang presentasyon na pinapakita sa harap ko sa meeting, increased length of stay ng category 1 patients sa ER dahil walang bed sa ward, delayed discharges ng mga pasyente sa Medical Ward kasi inaabot ng syam syam ang doctor sa pag enter ng discharge summary sa computer, naubusan din ng N95 mask dahil sa outbreak. Argggghhhh

Wala akong maisip na solusyon sa mga problemang yan, walang pumapasok sa isip ko! Ginugulo ako ng thought na kung sino ang malakas ang loob na nakikipagkumpitensya saken sayo!

 

“Hello Manang Pany”

“Oh hi Irene, don’t forget about Tae’s bday party later ah.

Napatawag ka pala?”

“Just wondering if nandyan ka ba sa Midtown now?”

“Ah oo, why”

“May I know who sent the food delivery to Seulgi a while ago? I mean y

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
akosimithi
See you next time...

Comments

You must be logged in to comment
xantheaverielle
#1
Chapter 1: Just discovered this! Will read it na 🥹
ereni_r #2
Chapter 30: Thank you for writing this po. I only started reading last night and finished it this afternoon. Buti madami idle time, hehe. Gem ito, I love the writing style. May comedy pero hindi naman corny and hindi din pilit. And I love how you gave justice sa characters ng SR as doctors. Sobrang bagay talaga ng white coat kay madam, huhu. Thanks for this po! Will move on sa other fics mo pa.
ereni_r #3
Chapter 6: Si Seulgi kababalik lang from suspension, ang dami na agad ginawa sa hosp. 🤣 Ang ganda po nito. Salamat po sa nagdala sa timeline ko. Hahaha
RedRose0289
#4
Chapter 30: Wow.
That was....🥰😍🥰
Thank you Author for this story...

Mejo kalungkot lang nung nabasa ko si Tootsiepop Authornim..
Deactivated pa rin xa...kala ko F.I.F.O next nyang tatapusin eh..😭
RedRose0289
#5
Chapter 23: Hirap tumawa sa 12:30 ng umaga Author...
Heheehe...
"Number 1"
Pati ako napasigaw sa isip eh...may mura pa nga..damuho tlga.😂🤣😂
RedRose0289
#6
Chapter 21: 🥺🥺🥺
Alexa play Beer by IW: Giliw~ wag mu sanang limutin...
ang mga araw na hindi sana natapos..
Sheessshh..for a 6 year old story(completed)
How are you na Authornim? Mukang nasa medical field ka din by reading these medical terms...
RedRose0289
#7
Chapter 19: Oooppsss...what are the odds Seulgibear...hehehehe..
Minsan tlga mapang.asar ung buhay di ba? Nilalapit pa lalo ung mga taong gusto mung iwasan...ahahahah
RedRose0289
#8
Chapter 18: Ganitong-ganito ung kapatid ko eh...
Ung mag.re.reading from Meralco...sinigaw ba naman na jowa ko daw...nasa mejo loob kasi ung kontador namen...
Bwiset...ahahahaha
RedRose0289
#9
Chapter 16: Ahahaha...nagpasintabi na agad si Author-nim sa AN nya ah..hehehe...mga Ending nga namn kasi ng TzuGi eh literal na chugi ang loveteam eh..hehehe..
Labyu Bebe Tzu😘
RedRose0289
#10
Chapter 15: Napadami ung lagok ko ng kape ngayong gabi sa chapter na'to ah.hehehe...
Minsan cguro space and time ung need to realize whats worthy.astronaut yarn?..hehehe...ay huhuhu pala.