Plaid Shirt
TadhanaIrene’s POV
Medical Mission days are over. Back to clinical areas, I mean hospital setting. I am not handling patients still. In-assign lang talaga ako ni dad sa administration.
I know from the start na ito ang plano niya, to train me to become his replacement. I did not like the idea. I prefer doing clinical procedures, seeing patients, etc, hindi itong nasa office lang ako.. Hayyyy
“The review of closed medical records will begin shortly” umpisa ng committee chairman
Please tell me, bakit ako na naman ang pinasubo dito sa Patient Medical Records/File Review Committee na to?
Assessment & Progress Notes Review
‘Both s are equal and reactive to light and accommodation’
‘It should be noted that there is no noticeable difference in temperature between the legs’
‘She is numb from her toes down.’
‘The patient had been depressed ever since she began seeing me in 2011.’
‘While in the ER, she was examined, and sent home.’
‘The baby was delivered, the cord clamped and cut, and handed to the pediatrician, who breathed and cried immediately.’
“Patient refused an autopsy.”
“She has no rigors or shaking chills, but her husband states she was very hot in bed last night”.
Lol
--
Natapos na ang meeting. Mag-isa na naman ako sa office ko, reviewing, modifying and approving medical algorithms and pathways. I have a scheduled meeting with the Quality and Patient Department pa to discuss one medication error. Ang exciting ng buhay mo Irene Bae.
I miss my Seulgi. It’s been days na rin mula nung nakabalik kami dito sa hospital. We decided to keep our “relationship” secret. Well technically speaking, it’s not a relationship, una, dahil di pa nga nya ako nililigawan. I was dead serious noong sinabe ko sa kanya na ligawan muna nya ako.
Pangalawa, we can’t come out yet, bukod sa nakasulat sa code of ethics at medical by laws ng hospital na to na bawal ang relationships, ayoko din namang majeopardized ang trabaho naming dalawa.
--
“Well well Dra. Irene Bae, kung di pa kita nakasalubong, hindi ka rin talaga magpapakita sa akin noh?”
Halos 1 week na rin pala kaming di nakakapag usap ni Ate Taeyeon
“I was just busy after that medical mission teh, tinapos ko lang ang mga naiwanang trabaho sa opisina.”
“Same workaholic and goal-driven Irene Bae. So tell me, balita ko, dami daw ganap?”
Omg. Does she know?
“What do you mean ganap?”
“Yung pagbring to life ni Seulgi sa isang newborn. It’s the talk of the department eh. Ang gagaling talaga ng mga alaga ko noh?”
Haaay yun lang pala..
“Ah… ahh yun ba, y.ye..yeah, she was amazing.”
“Why are you stuttering? May iba pa bang naganap? Medyo suspicious ka Irene Bae ah”
“Wala naman. I mean okay naman yung kabuuan ng medical mission. It was successful.”
“I feel like something happened there. Anyway, teka, saan ka pupunta?”
“I am on my way to the cafeteria, kain tayo, I’m starving.” Aya ko na lang sa kanya.
“Aww, I have other plans, some other time na lang Ms. Deputy, libre mo ako.”
She seemed really happy. Maglalunch siguro sila ni manang Pany.
Oh wait.. nasa Hong Kong si manang Pany for a restaurant convention ah?
--
Seulgi’s POV
“Isa pang tingin mo dyan sa cellphone mo, ihahagis ko na yan. Pagod na eyeballs ko sa pagsunod sa bawat galaw mo Kang Seulgi.”
“Huwag mo kasi ako tignan, sinabe ko bang tignan mo ako?”
Kasalukuyan kaming kumakain sa labas ni Byul, pareho kasi kaming afternoon-evening duty kaya nagpasama sya na bumili ng pangregalo kay Solar na birthday sa makalawa.
Paano ba natiis ni Solar ito?
“Alam mo kasi kung wala syang balak i-message or tawagan ka, walang mangyayare sa paghihintay mo. Ikaw ang tumawag or magmessage, pa-pretty effect pa ito. Diyosa yang jinowa mo. May diyosa bang unang nagmemessage sa laman-lupa?”
“Nagsalita ang tikbalang. Tsaka ilang ulit ko bang sasabihin saýo, di ko sya jowa!”
“Oh bakit galit ka? Kasalanan ko ba kung di ka pa nya jowa?
Ganun talaga, hindi ka pala jowa eh”
Parang sabog lang lagi si Byul kapag kausap ko
“Pero seryoso ba pre, yung last message nya sa akin kaninang 11 am pa, mag ala-una na oh.”
“Jeskelered naman Seul! 1 week nga kami minsan na walang communication ni Solar! Mahigit isang oras pa lang nakakalipas ah!”
“Eh namimiss ko sya eh. Ang hirap pa nito, magkaiba kami ng duty. Di ako makapanligaw ng maayos.”
“Binata na talaga si Kang Seulgi! Nanliligaw na! gusto mo ba ng tips?”
“Puro kalokohan na naman ang sasabihin mo eh. Hwag na. Tsaka lagi ka kaya narereject, si Solar lang pumatol sayo eh. Kaya tigil tigilan mo ako. ” tanggi ko
--
14:06 Seulgi: Kumain ka na? Dinalhan kita ng foodJ
14:47 Seulgi: Busy? Don’t tire yourself too much ;p
15:55 Seulgi: Ingat pauwe
‘I have a pen…’
Tang ina! Where is my pen?
“Nasaan na naman yung pen ko? Sino na naman kumuha?!” Bulyaw ko sa ER
Medyo mainit ulo, bukod sa sunod sunod na admission, hanggang ngayon wala ka pa ring message sa akin.
“Dra. Kang, binato nyo po kanina, sa may treatment room pulutin nyo po. Ikaw nagtapon eh.”
Nakaduty na naman itong makulit na nurse na ito.
Naitapon ko pala? Nabwisit kasi ako sa huling gumamit ng ultrasound machine, di man lang pinunasan ang probe, ang dami pang KY jelly.
--
Ding Do
Comments