Alinlangan

Tadhana
Please Subscribe to read the full chapter
Seulgi’s POV

 

“Totoo ba talaga yan? Sinabunutan ng girlfriend ni Dra. Taeyeon si Dra. Jung sa parking lot?” pabulong na chika ng nurse sa isa pang nurse

 

Kalat na sa buong hospital yung nangyaring engkwentro ni Dr. Jung at Ms. Tiffany.  Bali balita din na matatanggal sa posisyon na head of the department si boss because of that. Pareho rin silang under probation ngayon.

 

 Natakot ako bigla sa sitwasyon namin ni Irene. I guess wala na talagang pag-asang mag all out tayo unless aalis ang isa sa atin sa hospital na to, which I think di mo gagawin dahil sa posisyon na hawak mo. Baka nga maging Hospital Director ka pa in the future.

 

Kailangan naming magtiis. As long as nagkikita pa rin naman kami sa labas. Nakakapag spend pa rin kami ng time sa isa’t isa. Okay lang. I can deal with that. Ang inaalala ko ay ikaw. Can you sacrifice? Kaya mo bang magtiis sa ganitong sitwasyon.

 

Sigh

 

--

 

“I would like to welcome the new head of the OB-Gyne Department, Dr. Hani Ahn…..  blah blah”

 

Tama nga ang balita, napalitan na nga si boss as HOD. May chance naman daw na makabalik sya sabi mo, pero depende pa din sa desisyon ng Disciplinary Committee. I feel bad for her.

 

Time is really not enough to define love.

Hindi pala sapat ang ilang taon na pagmamahalan ng dalawang tao para sabihin na matibay ang relasyon nila.

At wala talaga ako alam na may something na naman pala kina boss and Dra. Jung.

 

Nag-attend ka rin ng conference to welcome the new OB Gyne HOD. You kinda look unfocused and disturbed. Parang ang dami mong iniisp lately. Kawawa naman ang hon ko. Sumagi din siguro sa iyo yung sitwasyon ni boss.

Challenge din itong new administration ng OB-Gyne ngayon. May balak daw ire-shuffle ang buong departamento, sana naman di nya ako ipunta ng OPD. Okay na sa akin ang ER or ward or kahit Labor Room tatanggapin ko. Hwag lang sa OPD, mabuburyong ako doon.

 

Pero hindi ito ang priority ko ngayon. Ikaw.

 

 

Hon, are you okay? I hope you’re fine. I love you…

Erase

Hon, are you okay? I hope you’re fine. I love

Erase

Hon, are you okay? I hope you’re fine. I miss you

Sent

 

I love you. Nararamdaman ko na pero di ko pa kayang sabihin.

You can say I love you as much as you want, say it whenever you want. But if you’re not going to prove that the things you say are true, then don’t say anything at all. Because if you can’t show it, your words don’t mean a thing. Sabi sa akin minsan ni Byul noong humingi ako ng payo.

 

Nakumbinsi ko na ang sarili ko na mahal kita simula noong nag Baguio tayo. Nakikita ko ang hinaharap na kasama kita.

Mahal kita Irene pero natatakot akong sabihin iyon sayokasi di ako ready sa isasagot mo.

 

--

 

“Hey, kanina ka pa tulala” obserbasyon ko

We are having our dinner in a fine dining restaurant outside the city. Sabi mo kasi gusto mo ng ibang environment. It was a 30-minute ride lang naman from the hospital.

Naikwento ko na yata lahat sayo ang nangyare sa buong araw ko, pati paghikab ng pasyente pero ngiti at tango lang ang sagot mo. Kanina ka pa may malalim na iniisip.

 

“Bothered ka ba sa sitwasyon na hinaharap ngayon ni boss?”

“Hon?” tawag ko ng patuloy pa rin ang pagtingin mo sa kawalan

 

“Ha? May sinasabe ka?”

 

 

“Oo kaya, kanina pa ako nagkukuwento dito.” Nagtatampong tugon ko

 

“Sabi ko, nag-aalala kaba para kay boss?”

 

“Who wouldn’t? I mean, masyado syang apektado sa nangyare. Nagulat ang lahat. Pero wala din tayong pwedeng sisihin sa pangyayare.”

 

“Ha? Hindi ba kasalanan ni Dra. Jessica? Ginulo nya ang isang relasyon. Hindi ba nya alam na in a relationship si boss?”

 

“Minsan, yung sitwasyon rason kung bakit nangyayare ang mga bagay bagay.

 Hindi sa lahat ng pagkakataon na ang dahilan ng hiwalayan ay yung mga taong involved” sagot mo

 

“Sabi sayo ni boss? Alam mo yung nangyare? Ano daw yung totoo?” Sunod sunod na tanong ko

 

“Akala ko ba, pumunta tayo dito so spend time together? Let us not talk about other things Seul.”

 

--

 

 

 

 

Kahit di pa ganoon katagal tong relasyon na to, somehow, kilala na kita. Alam ko kung kailan totoong masaya ka or kailan malungkot ka.

Oo, sumasabay sabay ka sa PPAP song na kasalukuyang pinapatugtog sa sound system ng kotse mo. Pero alam kong may something. Kita ko yun sa mga mata mong di marunong magsinungaling

Sorry, Irene pero hindi ka nagtatagumpay sa pagtatago mo ng totoong emosyon mo sa akin.

 

Gusto ko pa sanang pumasyal sa plaza, kaso sabi mo sa apartment ko na lang tayo magtambay. Hindi rin lingid sa kaalaman ko ang preference mo  na mas gugustuhin mag stay  na lang sa loob ng bahay kaysa gumala.

 

Pumayag din ako syempre. I love cuddling with you in my sofa habang nanonood tayo ng Probinsiyano at Till I Met You.

 

Tinago ko na rin ang FHM collection ko, the last time na nakita mo yun gusto mong ipanggatong sa kalan.

 

Di rin nakaligtas ang malaking poster ni Liza Soberano sa wall ko, sabi mo ayaw mo sa kanya, pero nagulat ako sa instagram mo, puro picture nya nilalike mo. Mas fan girl ka pa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
akosimithi
See you next time...

Comments

You must be logged in to comment
xantheaverielle
#1
Chapter 1: Just discovered this! Will read it na 🥹
ereni_r #2
Chapter 30: Thank you for writing this po. I only started reading last night and finished it this afternoon. Buti madami idle time, hehe. Gem ito, I love the writing style. May comedy pero hindi naman corny and hindi din pilit. And I love how you gave justice sa characters ng SR as doctors. Sobrang bagay talaga ng white coat kay madam, huhu. Thanks for this po! Will move on sa other fics mo pa.
ereni_r #3
Chapter 6: Si Seulgi kababalik lang from suspension, ang dami na agad ginawa sa hosp. 🤣 Ang ganda po nito. Salamat po sa nagdala sa timeline ko. Hahaha
RedRose0289
#4
Chapter 30: Wow.
That was....🥰😍🥰
Thank you Author for this story...

Mejo kalungkot lang nung nabasa ko si Tootsiepop Authornim..
Deactivated pa rin xa...kala ko F.I.F.O next nyang tatapusin eh..😭
RedRose0289
#5
Chapter 23: Hirap tumawa sa 12:30 ng umaga Author...
Heheehe...
"Number 1"
Pati ako napasigaw sa isip eh...may mura pa nga..damuho tlga.😂🤣😂
RedRose0289
#6
Chapter 21: 🥺🥺🥺
Alexa play Beer by IW: Giliw~ wag mu sanang limutin...
ang mga araw na hindi sana natapos..
Sheessshh..for a 6 year old story(completed)
How are you na Authornim? Mukang nasa medical field ka din by reading these medical terms...
RedRose0289
#7
Chapter 19: Oooppsss...what are the odds Seulgibear...hehehehe..
Minsan tlga mapang.asar ung buhay di ba? Nilalapit pa lalo ung mga taong gusto mung iwasan...ahahahah
RedRose0289
#8
Chapter 18: Ganitong-ganito ung kapatid ko eh...
Ung mag.re.reading from Meralco...sinigaw ba naman na jowa ko daw...nasa mejo loob kasi ung kontador namen...
Bwiset...ahahahaha
RedRose0289
#9
Chapter 16: Ahahaha...nagpasintabi na agad si Author-nim sa AN nya ah..hehehe...mga Ending nga namn kasi ng TzuGi eh literal na chugi ang loveteam eh..hehehe..
Labyu Bebe Tzu😘
RedRose0289
#10
Chapter 15: Napadami ung lagok ko ng kape ngayong gabi sa chapter na'to ah.hehehe...
Minsan cguro space and time ung need to realize whats worthy.astronaut yarn?..hehehe...ay huhuhu pala.