Waterfall
TadhanaI am shookt to say the least. Di ko lubos maisip na makikita ulit kita after several months. You are exceptionally breath taking. Still the same goddess like aura, the same alluring smile, same expressive eyes. You are beyond beautiful Irene.
Right at this moment, naigapos mo na naman ang puso kong hanggang ngayon ay sinususbukang maghilom pa rin.
This can’t be
I will resist, the flow inside the heart is always to the left, it will never be right. Kahit gustong gusto na kita yakapin at halikan muli, pipigilan ko ang sarili ko, bukod sa ayoko ng audience impact (courtesy of the people of Balaoan), I’m not sure about your feelings towards me. Are you dating that guy already? Or kayo na? Maybe that’s the reason why blooming ka at lalo ka pang gumanda. Unlike ako, napupuyat, nangangayayat, matamlay, at walang kulay ang buhay.
“Huy… Seulgi.. kanina pa kita tinatawag, you are zoning out.”
“Ah, nagulat lang ako na andito si Ire… Si Dra. Bae sa fiesta celebration ng Balaoan.”
“Ah yeah, wow, babae pala ang hospital director nyo sa Lorma noh? And she’s young. Having your hospital accredited internationally is a huge achievement.”
“…..”
“Ah alam ko na kung bakit ka tahimik. Nagsisi ka kung bakit napadpad ka pa sa Santol noh? Nasasayangan ka kasi JCI accredited na ang Lorma noh?”
“ah eh.. siguro.” Pagsisinungaling ko.
Grabe. Ang taas mo na. Hospital Director ka na, I thought hinding hindi mo tatanggapin ang posisyon na yan from your father. Halos isumpa mo nga ang titulo na yan. Sabi mo babalik ka sa clinical kasi ayaw mo sa administrative at leadership work. Ano nangyare? You like to possess that kind of status and authority after all.
Nakakababa ka ng confidence at ego. Habang ikaw ay namamayagpag, ako naman namumundok lang. Walang career growth. One more reason para tuluyan na kitang kalimutan. Masyado nang malayo ang agwat natin.
Pero di ko pinagsisihan ang pagiging barrio doctor ko, wala ngang benefits, professional growth or comfortable living. Pero kontento ako, yung simpleng “salamat” lang mula sa mga pasyenteng ginagamot ko, yung ngiti lang nila after malunasan, finufuel na nun yung will ko to go on.
--
I decided again to completely forget about you.
Ilang beses ko na ba prinamis sa sarili ko to?
--
“I FRACTURED MY ELBOW AND YOU ADVISED ME TO BE SHIFTED TO ANOTHER HOSPITAL?! SIGURADO KA BANG DOCTOR KA?”
Naulinigan kong galit na boses ng isa sigurong pasyente? Nasambit kanina sa akin ni Nayeon na may turista nga raw na taga Maynila na nagmamountain trekking at aksidenteng na-injure yata ang elbow.
Tzuyu stabilized her elbow, and referred her to another hospital for further management. Kasi nga naman wala kaming x-ray, plaster of paris (pang semento). Pero she did the best she can to provide first aid, which I think is medically correct.
Ano ba magagawa mo kung hanggang doon lang talaga ang scope and services ng center na ito? It’s beyond our control.
At dahil naiistorbo ang ibang pasyente sa pagwawala ng mga ito sa pwesto ni Tzuyu, I decided to interfere.
“Ate, pasensya na pero naiistorbo nap o ang ibang pasyente. At yung doctora pa na sinisigawan nyo, ginawa na ang lahat para mabigyan ng paunang lunas ang fra…”
“OH SHUUT UP! ISA KA PA, KINAKAUSAP BA KITA? I’M TALKING TO THIS STUPID DOCTOR!”
Sabay duro nya kay Tzuyu.
That statement popped a vein from me. I am trying really hard not to strangle and slaughter this moron. I swear she’ll go home debilitated with all her 206 bones fractured (and oo, kahit ear bones nya).
But then I calmed myself.
“Excuse me miss, but I think you’re being rude and disrespe…”
“TUMAHIMIK KA! MGA DOCTOR LANG KAYO! I CAN SAY WHATEVER I WANT TO SAY! BINABAYARAN KAYO PARA MAGLINGKOD SA AMIN! PERA NAMIN ANG NAGPAPAKAIN SA INYO! KAYA DO YOUR WORK PROPERLY!”
Doctor LANG……
To become a doctor:
4 years college
3 years medical school
1 year slavery (clerkship)
1 year of internship (semi-slave)
Board exams
3-6 years residency
Certifying exam
2-4 years fellowship
Exam ulit
24hrs-36 hrs duty straight
Almost 2 decades. Almost a lifetime, in fact I imagine the time away from home.
Outings, gatherings, socials, reunions, Christmases, birthdays, new years missed because of hospital duties. So yes, doctor lang kami : (
“Get the hell out of this room bago kita gawing pataba ng mga tanim na karot dito sa Santol. Anak ng tipaklong ka, aakyat akyat ka ng bundok, di ka naman para marunong. Pasalamat ka yang siko mo lang ang nafracture, putulin ko kaya yan. Lumayas ka dito! Huwag na huwag kong makikita ang pagmumukha mo dito, at kapag sigawan mo pa ulit tong kaibigan ko, di lang kabilang elbow mo babalian ko, babasagin ko bungo mong palaka ka. At kung tatanungin mo ako if pinagbabantaan kita? Yes, that is a threat!”
Natakot siya, kaya dali daling kumaripas ng takbo nang walang sabi sabi.
“Ssshhh tahan na, huwag ka ng umiyak” pag-aalo ko kay Tzuyu. Yinakap ko sya ng mahigpit, gusto ko iparamdam sa kanya na I am here for her, na di ko hahayaang hamakin or saktan ulit sya ng sinuman
“Seulgi….. *sniff sniff* salamat…. Kanina… Thank you sa pagtatanggol mo sa akin.”
Sanay na ako sa mga ganung sitwasyon, nag-aaral pa lang ako, ilang mura, ilang sigaw na ang nareceive ko mula sa mga matapobreng nagging pasyente ko. I cried, I almost gave up. Pero those did not stop me to pursue and continue this profession. What doesn’t kill you makes you stronger.
“Wala yun, I’m sure you’ll stand up for me din right?”
Tumango sya, habang yakap yakap pa rin ako. Wala yata akong balak bitawan.
“ANONG NANGYARE? BAKIT KA UMIIYAK DR. CHOU?!! ANO GINAWA MO SA KANYA SEULGI?!
Kagagaling lang ni Dra. Yuri sa division office. Pinatawag kasi ng Regional Director lahat ng center heads.
“Dra. Yuri, hindi po si Dra. Kang ang may kagagawan, may nag-amok dito kanina, isang pasyente.”
At kinuwento nga ni Mina lahat ng pangyayare kasama na yung mahigpit na parang koala pa ring yakap sa akin ni Tzuyu.
“Dra. Tzuyu tama na ngarud yang paglingkis mo kay Dra. Seulgi” natatawang pang-aasar ni Nayeon
Namumulang tinanggal ni Tzuyu ang pagkapulupot ng kamay nya sa katawan ko.
“At ikaw Seulgi, I think di tama na pinagbantaan mo yung babae, worst scenario eh idemanda ka nyan for threatening.”
Comments