The Sign

THE SIREN --- Book Two
EXT. MANSION GARDENS

It was already dusk when Lena and Enzo return from the
mansion. The first face they see when they come in is that
of the impatient Rafael. His face became more grim as he
sees Lena and Enzo cozying up to each other.

LENA
Rafael, nandito ka pala.

ENZO
O,pare...anong sadya natin?

RAFAEL
(irritated)
Pare, kung pwede lang
sana...kakausapin ko lang ng masinsinan
itong si Lena...yung kaming dalawa lang.

Lena looks over to Enzo. Enzo wanted to snap back at him but
Lena gave him a look to let Rafael’s insinuations go.

Instead, Enzo looked sharply at Rafael, then he walked away.

LENA
Anong ginagawa mo dito?

RAFAEL
Siyempre, ano pa? Kundi dinadalaw ka...

LENA
Rafael...

RAFAEL
Lena, may nangyari ba kagabi sa
party na hindi ko alam...

LENA
Rafael...oo, may kailangan kang malaman...

RAFAEL
Lena, don’t tell me kayo na ni Enzo...

LENA
Rafael, let me explain...

RAFAEL
Lena, hindi mo na kailangan i-confirm.
Nakikita ko sa mga mata
mo. May nakapagsabi na ba sa iyo
na hindi nagsisinungaling yang mga
mata mo?

LENA
Rafael sandali...magpapaliwanag ako...

RAFAEL
T*ng ina naman Lena o! Napikit
lang ako sandali, tapos kayo na agad!

LENA
Rafael, mahal ko siya!

RAFAEL
Mas nauna ako sa kanya Lena...hindi
ba mas una kitang nakilala Lena
kesa sa kanya?

LENA
Hindi naman to una-unahan...

RAFAEL
Pero Lena, hindi mo man lang
binigyan ng chance na mahalin ka.
Tapos eto naman si Enzo, isang
kumpas niya lang...agad kayo na!

LENA
Rafael...alam mo naman kahit noon
pa, mas mahal ko na siya kesa
sa iyo, di ba? At pumayag ka naman
na hanggang doon lang ang magiging
relasyon natin...

RAFAEL
Oo nga Lena, alam ko naman iyon.
Pero it doesn’t seem
fair...napakabilis naman ata ng
pagkakasagot mo sa kanya...

LENA
Eh, mahal ko siya eh...hindi ko napigilan
ang sarili ko.

RAFAEL
Mahal din kita, Lena. Siguro mas
higit pa sa pagmamahal na kayang
ibigay ni Enzo sa iyo. Wala na ba
iyong halaga sa iyo?

LENA
Mahalaga sa aking malaman iyon
Rafael...kasi isa kang taong mahalaga
sa akin. Napakabuti mong kaibigan,
kaya nalulungkot din ako
na di ko kayang suklian yang
pagmamahal mo...

RAFAEL
Hindi naman ako humihingi ng
kapalit Lena. Tama na ako lang
umibig sa ating dalawa. Sapat na
ang pagibig ko para maging masaya ka.

LENA
Huwag...Rafael, huwag na huwag mong
gagawin yang ginagawa mo...

RAFAEL
Anong ibig mong sabihin Lena?

LENA
Huwag na huwag kang magmakaawa sa
akin...hindi ako karapat dapat sa
pagmamahal mo.

RAFAEL
Pero mahal kita Lena, yung ang alam
ko...please listen to me...

LENA
Ayan...nakita mo na? Huwag kang
magmakaawa Rafa...ayokong nakikitang
ganyan ka...

RAFAEL
Lena...please...kung kailangan kong
mamalimos sa pag-ibig mo gagawin ko..

LENA
Please Rafael...huwag mong i-degrade
ang sarili mo para sa akin...

RAFAEL
Lena! Kahit ano kaya kong
gawin...kahit maging alila mo ako,
kahit pagsilbihan kita sa araw-araw
na ginawa ng Diyos...gagawin
ko...kasi mahal kita...

LENA
Hindi pagmamahal yang iniisip mo
Rafael...kasi kahit kelan, ang
pagmamahal hindi nanghihingi na
kabayaran...kusa itong
ibinibigay...at yun ang hindi ko
kayang gawin sa iyo...

EXT. MANSION GARDENS - BEHIND SOME TALL BUSHES - SAME TIME

Enzo is cowering behind some gumamela bushes, observing the
two from afar. It so happens that Don Ignacio and Julio
came passing by.

DON IGNACIO
Hoy, apo! Ano yang ginagawa mo
diyan sa likod ng mga halaman?

JULIO
Oo nga senorito. Sino naman yang
sinisilip mo diyan?

ENZO
Shhhhh! Lolo, Julio...sandali
lang...huwag ho kayong maingay...

DON IGNACIO
Sino naman yang inoobserbahan mo’t
kailangan mo pang magtago diyan...

ENZO
Daddy lolo...mamaya na ho ako mageexplain...
konting katahimikan lang
ho...

Lolo and Julio were curious too. They join in behind the bush.

JULIO
Ahhh si senyorita pala at ang nobyo
niya...

ENZO
Hindi niya nobyo yan...

DON IGNACIO
Eh, parang mag-nobyo kung umasta eh.
Ayan tingnan mo, mag-aakapan na ata.

ENZO
Lolo, hindi no. Nag-aaway ang mga
iyan...

JULIO
Alam mo senyorito, sa palagay ko,
tama si Lolo. Parang magsiyota na talaga
sila.

ENZO
Hindi totoo yan...

DON IGNACIO
Anong hindi...O ayan...nag-akapan
na nga...

ENZO
! ! Lo, anong gagawin ko?
Uupakan ko na ba?

DON IGNACIO
Sino, si Rafael?

JULIO
Ba’t niyo ho uupakan yang kaibigan
niyo?

ENZO
Paano...niyayakap niya ang
girlfriend ko!

With that, Enzo runs like crazy to the hugging pair. Lolo
and Julio were shocked by his revelation.

EXT. MANSION GARDENS - CONTINUOUS

Rafael sees Enzo running towards them. Pure fury is seen on
Enzo‘s face. Rafael pushes Lena away, but he wasn‘t fast
enough to avoid Enzo‘s punch. It hit his face and sent him
reeling on the ground.

ENZO
Pare, ba’t mo inaakap ang girlfriend
ko?!

RAFAEL
Pare, nagpapaalam lang ako sa
kanya...masama ba iyon?

ENZO
Kilala kita, Rafael. Ang higpit
naman nang akap na iyon. Kala ko
ba magpapaalam ka na, eh bat parang
ayaw mo siyang bitawan?

RAFAEL
Hay naku, Enzo. Kailan mo pa
naging pag-aari yang si Lena ha?

ENZO
Siyota ko siya pare.

RAFAEL
Pero wala kang karapatang pagbawalan siya...

ENZO
Meron...

LENA
(butts in)
Anong meron? Hoy, mister, hindi mo
ako kayang diktahan no...

ENZO
Lena ano ba...kausap ko pa ang
gagong to...mamaya na tayo mag-usap,
okay...

Rafael laughs derisively. Lena appears upset by Enzo’s
dismissal.

ENZO
Pare...nakakalalake ka na ah! Wala
namang akapan ng girlfriend...harapharapan
na iyang pang-ga-gago mo ah!

RAFAEL
Malay ko ba na nanonood ka pala...

ENZO
Eh gago ka pala talaga eh? Kung
hindi pala ako nakatingin, okay
lang umakap ng girlfriend ng iba...

RAFAEL
Pare naman...kahit kelan napakadumi
niyang utak mo...

LENA
Tama na...ano ba...para kayong mga
bata!

ENZO
Eto kase eh! Parang gago kung
umasta. Alam mo Rafael, kahit kelan
pare, hindi ko ginawa sa iyo
to...hindi ako nang-aahas ng siyota
ng iba!

RAFAEL
Hindi? Hindi ba? Si Estela na anak
ni kabeso, di ba sinulot mo siya sa
akin? Si Mariana ganun din. Sinabay mo pa nga
silang dalawa. Ngayon
naman si Lena. Pare, parang sinulot
mo na rin si Lena sa akin di ba?

LENA
Rafael tama na sabi...
(suddenly looks at Enzo)
Teka...Enzo, totoo ba iyong sinabi
ni Rafael...ilan ba talaga ang
naging babae mo...

ENZO
Lena, sandali lang...mamaya na kita
sasagutin..

ENZO
(to Rafael)
Hindi ko sila sinulot sa iyo,
pare...kasi kahit kelan, di naman
sila naging sa iyo...Lalong lalo na
si Lena...

LENA
Palikero ka pala talaga Enzo...

ENZO
Lena naman...matagal na ang mga iyon...

LENA
Di ba sabi mo iilan lang ang naging
girlfriends mo...

ENZO
Sandali...ba‘t ba napunta sa akin
ang usapang ito?

RAFAEL
Ewan ko sa iyo, pare...basta
ako...uuwi na ako...

ENZO
Sandali lang, pare. Di pa ako tapos
sa iyo.

LENA
Hoy, mister, sandali lang din...ba‘t
ka nagsinungaling sa akin...aber?

ENZO
Lena...hindi totoo ang mga iyon...
(to Rafael)
Rafael, pare, paki-explain mo nga
kay Lena kung ano ang relasyon
natin dati nina Estela at Mariana...

RAFAEL
Bahala ka sa buhay mo, pare. Di ba
kayo mag-siyota? Problema niyo na iyan.

Rafael stands up...shaking his head and holding his swollen jaw.

ENZO
Pare naman, o. Please...huwag ka
munang umalis.

RAFAEL
Ayaw ko nang nakikigulo sa gulo ng
magsiyota...baka masuntok pa uli ako.

LENA
Rafael, susuntukin talaga kita kung
hindi mo sasagutin kung sino sina
Estela at Mariana sa buhay niyong
dalawa...

RAFAEL
Lena, tanong mo na lang diyan sa
boyfriend mo. Tapos na akong
manghimasok sa problema ng iba.

LENA
Ay naku...sinasabi ko na nga ba.
Nagtatakipan pa kayong dalawa...

ENZO
Pare naman, please...

RAFAEL
(looks wistfully at
his bestfriend and Lena)
Alam niyo...bagay nga kayong
dalawa...basta, Lena, alalahanin mo
ang sinabi ko...

ENZO
(to Lena)
Anong sinabi niya sa iyo, ha?

LENA
Amin na lang iyon...sige,
Rafael...salamat...

RAFAEL
Goodluck na lang sa inyong
dalawa...you deserve each other...

Rafael leaves.

ENZO
Anong sinabi niya sa iyo, ha?
Bakit kailangan niyong itago sa akin, Lena?

LENA
(punches enzo on the arm)
At ikaw pang may ganang magalit, ha?
Kapal naman ng mukha mo...Ba’t sabi
mo sa akin kanina konti lang
sila...sinungaling ka talaga!

ENZO
Lena naman...masakit na iyang
suntok mo...let me explain...sabi
ko nga konti lang ang mga naging
girlfriends ko...totoo yon...

LENA
Ilan ba talaga?

ENZO
Babe...importante pa ba iyon?

LENA
Babe-babe mo iyang sarili mo. Ilan
nga sabi, eh!

ENZO
Teka...dito ba sa isla, o sa
kabuuan na.

LENA
Bakit iilan ba talaga sila?!

ENZO
Okay, okay...mga...32.

LENA
Ah, ganon....Konti? Konti na pala
ang 32. Tapos ako number 33 lang?

ENZO
Ang importante ikaw ang mahal ko
ngayon...

LENA
Pero hanggan kailan Enzo?...baka
naman bukas pagkagising ko hindi na
ako ang mahal mo...

ENZO
Hindi mangyayari yan Lena...mahal
talaga kita...higit pa sa kanila...

LENA
Gustuhin ko mang maniwala sa iyo,
Enzo...pero hindi kaya ng puso’t
utak ko...

ENZO
Lena, sandali lang, let me assure
you...

LENA
Pagod na ako, Enzo...kung ayaw mong
magalit pa ako sa iyo, pabayaan mo
muna ako mag-isip. Ipagpabukas na
lang natin to...

ENZO
Teka, Lena...sandali lang, ano nga
ang sinabi sa iyo ng mokong na
iyon?! Ba’t ayaw mo pang sabihin, ha?

Lena leaves obstinately towards the main house, not
answering any of his questions. Enzo was left with more
puzzling questions than answers. He scratches his head in
utter frustration.

EXT. MANSION’S GARDENS - CONTINUOUS

Lolo Ignacio and Julio sees Enzo alone. They immediately
join him.

DON IGNACIO
O, apo... tingnan mo iyang ginawa mo...

ENZO
Daddy lolo naman. Dagdagan ba tong
problema ko... Oo na po...tanga na
po ako...

DON IGNACIO
Anak, pag dating sa mga babae hindi
pwedeng padalos-dalos ka...

JULIO
Naks, Don Ignacio...parang andami
niyong alam sa mga babae ah?

DON IGNACIO
Alam niyo mga iho...hindi niyo
naitatanong, pabling din itong lolo
niyo...kaya hindi na ako nagtataka
kung saan nagmana sa pagiging
chickboy itong si Enzo.

ENZO
Lolo naman...nakuha pang
magiro...kita niyo na ngang galit
na galit na sa akin si Lena...

DON IGNACIO
Sabi ko nga sa iyo, iho...ang mga
babae, nakukuha sa hinay-hinay.
Alam mo kase, ibang
klaseng nilalang ang mga iyan. They
are heavenly creatures ika
nga...Iba kung mag-isip sa ating
mga lalake ang mga iyan...mas
sophisticated ang mga utak ng mga
iyan kesa sa atin...

ENZO
Lolo naman...ang sabihin niyo po,
hindi kasi nila tayo maintindihang
mga lalake...

DON IGNACIO
Iho, ang mga babae ang iniintindi.
Hindi pwedeng silang ang umintindi
sa atin. Dapat tayo ang gumagawa
nun. Siyempre tayo ang nanunuyo di ba?

JULIO
Don Ignacio...ano ho ba ang tamang
paraan ng pagsusuyo sa isang babae?

ENZO
Sige nga,Lolo...ano sa palagay niyo
ang dapat kong gawin para mapaamo
ko si Lena?

DON IGNACIO
Alam niyo mga bata, ang tamang
pagsusuyo sa mga babae, kailangan
naka-plano iyan. Hindi pwedeng
basta-basta na lang.

ENZO
Anong plano naman iyan Lolo?

DON IGNACIO
Plano...plans sa English.

ENZO
Lolo naman eh. Hindi ho bagay sa
inyo ang komedyante. Serious na ho...

DON IGNACIO
Teka, ba’t biglang nagalit sa iyo
si Lena?

ENZO
Paano ho, nung una...parang napagbintangan ko sila ng
masama ni Rafael. Tapos, nagalit
din ho siya ng sinabi ni Rafael ang
tungkol ko sa mga dati kong
girlfriends na sina Estela at
Mariana...masyado daw akong pabling.

DON IGNACIO
Alam mo iho...ang mga babae,
sensitive ang mga iyan.
Napakahalaga sa kanila ng
pagtitiwala. Kailangan nila ng
assurance na mahal mo talaga sila.
Kung kinakailangan, gawin mo oras-oras...

JULIO
Hindi ba nakakapagod naman nun, Lolo?

DON IGNACIO
Julio, kung mahal mo ang isang
babae, hindi ka mapapagod. At sa
katunayan, mas ginaganahan ka pa
nga pag nakikita mong natutuwa sila
sa pagmamahal mo...

ENZO
Pero, Lolo...worth it ba ang
ganoong klaseng effort sa iisang
babae lang...

DON IGNACIO
Worth it? Alam mo Enzo, ang isang
lalake ay hindi tunay na magiging
maligaya hangga’t niya nakikita ang
tamang babae para sa kanya. At wala
ng mas hihigit pang kaligayahan sa
mundo, ang papantay sa pagmamahal
ng isang babae. Kasi ang babaeng
tunay na nagmamahal, binibigay niya
ang buong puso niya...Worth it, ba
kamo? Oo naman...Wala ng tatalo
dun, iho...

ENZO
Lolo, ganon ho ba ninyo napasagot
si Lola? By assuring her always na siya
lang ang mahal niyo?

DON IGNACIO
That and more, iho. Marami ka pa
palang dapat malaman sa mga
babae...pero, ang importante...huwag
na huwag mo hahayaang matulog ngayon iyang
si Lena na galit sa iyo...

JULIO
Bakit naman ho, Don Ignacio?

DON IGNACIO
Kasi, ang problema ay kailangan
ayusin kaagad...huwag mo na siyang
hayaang makapag-isip pa ng masama
sa iyo...resolbahin na kaagad.

ENZO
Pero, Lolo...Sabi niya ho,
magagalit daw siya sa akin kapag pinagtulakan
ko pa ang isyu...

DON IGNACIO
Hindi ka ba nakikinig sa akin, apo?

ENZO
Bakit po Lolo? Ano ho ba ang gusto
niyong sabihin?

DON IGNACIO
Sabi ko, susuyuin natin si Lena.
Hindi mo naman siya susugurin ng
mga isyu...

ENZO
Ano ba ang gagawin natin kasi, Daddy?

DON IGNACIO
Apo, all it takes is
imagination...at saka, guts...

ENZO
Ano ho ang plano Lolo?

DON IGNACIO
Di ba marunong kang mag-gitara Julio?

JULIO
Opo, Lolo. Bakit po?

DON IGNACIO
Boys, pasok tayo sa bahay.
Enzo, kailangan mo nang mag-ensayo...
kailangan effort na kung
effort to!

INT. LENA’S BEDROOM - 9 PM

Lena is seen brushing her hair by her bed. A knock is heard on the
door. It was Dona Consuelo...

DONA CONSUELO
O, anak...ba’t hindi ka bumaba
kanina sa hapunan?

LENA
Wala ho akong gana kumain Lola...

DONA CONSUELO
Bakit? May sakit ka ba?

LENA
Wala naman ho siguro...

DONA CONSUELO
Bakit, iha? May nararamdaman ka
bang kakaiba...

LENA
Kakaibang nararamdaman?
(thinks for a second)
Meron po siguro...pero hindi ho
tulad ng iniisip ninyo...

DONA CONSUELO
Hay naku Lena...hindi mo na
kailangang ipagkaila...nakikita
diyan sa mga mata mo...

LENA
Na ano po?

DONA CONSUELO
Na in-love ka...sa apo ko...

LENA
Ganon na ho ba ako ka-obvious, Lola?

DONA CONSUELO
Hindi naman, Lena...sariling pananaw ko lang iyon Lena...

LENA
Bakit naman po ninyo nasabi yan...

DONA CONSUELO
Alam ko kasi ang tingin ng isang
taong tunay na nagmamahal.
Nakikita ko iyan sa araw-araw sa
mga mata ng asawa ko. Sasabihin ko
sa iyo, ganun din ang nakikita ko
sa mga mata mo! Ganun ang tingin mo
sa apo ko...

LENA
Talaga po?

DONA CONSUELO
Ganun na nga Lena. Nakikita ko ang
pagmamahal ng asawa ko sa akin sa
pagmamahal mo sa apo ko.

LENA
Alam niyo po, Lola...ang swerte-swerte
niyo po kay Lolo...sana
makahanap din ako ng taong tunay na
magmamahal sa akin...

DONA CONSUELO
Mahal ka naman ng apo ko ah...

LENA
Pero, paano po Lola kung hindi pala
kami para sa isa’t isa? Magagalit ho ba
kayo ni Lolo sa akin pag-nagkataon?

DONA CONSUELO
Bakit naman kami magagalit sa iyo?

LENA
Ewan ko ho, kasi baka masaktan ko
lang ho ang apo niyo.

DONA CONSUELO
Alam mo Lena, pag umabot sa panahon
na nakikita naming hindi na kayong
masaya sa isa’t isa ni Enzo. Kami
na mismo ang maghihiwalay sa inyo.
Kasi, pag pinagpilitan mo ang isang
bagay na mali...kahit kelan hindi
ito magiging tama...magkakasakitan
lang kayo lalo...kaya kami na mismo
ang gagawa ng paraan...

LENA
Sana ho tama itong nararamdaman ko
sa kanya...at sana totoo ang
sinasabi niyang mahal niya ako...

DONA CONSUELO
Anak, magtiwala ka lang...mabait na
bata yang si Enzo...at saka hindi
rin namin hahayaang masaktan ka niya...

LENA
Talaga ho?

DONA CONSUELO
OO naman. Apo ka na rin namin Lena.
Hindi namin gugustuhin ni Ignacio
na merong nasasaktan sa inyo ni Enzo.

LENA
Salamat ho, Lola...

DONA CONSUELO
Alam mo, ang dasal ko talaga, Lena,
sana magkatuluyan kayong dalawa ni
Enzo, para tunay na kitang maging
apo...ako na siguro ang
pinakamaligayang tao sa mundo pag
nakita ko kayong kinakasal...

LENA
Kasal? Lola naman...ang aga-aga pa
ho para sa mga ganyang
bagay...kakasagot ko lang sa kanya
kahapon...

DONA CONSUELO
Hay naku, Lena! Pabayaan mo na ang
lola mong mangarap...

Suddenly a light tap is heard from the window. IT was as if
somebody was throwing stones on the window.

Lena and Consuelo immediately move towards the windows. When
they looked out, they saw Enzo, Julio and Lolo Ignacio,
looking precariously nervous. Julio had a guitar on his
hand. Enzo face was ash white.

LENA
(shouting)
Anong ginagawa niyo diyan?

ENZO
Lena, obvious ba?

LENA
Ano nga eh...

ENZO
Sinusuyo ko iyang puso mo!

Lena immediately smiles. Dona Consuelo could not help herself.

DONA CONSUELO
Kinikilig ako sa inyo Lena. Parang bumabalik
ako sa kabataab ko. Talagang bumabalik sa
isipan ko ang unang pagkakataong
hinarana ako ng asawa ko.

LENA
Maghaharana ho ba sila, Lola?

DONA CONSUELO
Ano sa palagay mo?

Lena doesn’t answer. She just looks fondly to the fumbling
trio below. Dona Consuelo hugs her from behind.

EXT. MANSION’S GARDENS -BELOW LENA’S WINDOW.

Enzo, Ignacio and Julio are now set.

JULIO
O ano, play na?

DON IGNACIO
Sandali lang...apo, sabihin mo na
yung tinuro ko sa iyo...

ENZO
Kailangan pa ba nun Lolo?

DON IGNACIO
Oo naman, apo...

ENZO
Sige game...

DON IGNACIO
Ayusin mo, ha...

ENZO
"O, Lena...bituing marikit...sana
ipaubaya mo ang puso mo sa aking
awit. Naway maibsan iyang
hinanakit, na sa damdamin mo’y
aking hatid...Ako’y nagsusumamo na
sa iyong pagtulog...isang mahimbing
na himig ang iyong ibabalik...ang
aking pusong mapangahas...ay
suklian mo ng pag-ibig..."

Lena ang Dona Consuelo are heard laughing.

ENZO
Lolo, mukhang hindi effective ang
tula...

DON IGNACIO
Plan B na...Julio, ano pa ang
hinihintay mo...

Julio starts to strum a familiar chord. Then, Enzo, starts
to sing...
.
.
.

IKAW LAMANG(Zsa-zsa Padilla)

Ikaw ang pangako
Taglay ng isang bituin
Tanging pangarap sa Diyos ay hiling
Makapiling sa bawat sandali

Ikaw ang pag-ibig
Sa araw at gabi
Ikaw ang pag-asang tanglaw sa dilim
Napapawi’t hirap at pighati

Langit ang buhay sa tuwing ika’y hahagkan
Anong ligaya sa tuwing ika’y mamasdan
Sa piling mo, ang gabi’y tila araw
Ikaw ang pangarap
Ikaw lamang

Ikaw ang pag-ibig
Sa araw at gabi
Ikaw ang pag-asang tanglaw sa dilim
Napapawi’t hirap at pighati

Langit ang buhay sa tuwing ika’y hahagkan
Anong ligaya sa tuwing ika’y mamasdan
Sa piling mo, ang gabi’y tila araw
Ikaw ang pangarap
Ikaw lamang

.
.
.
.
.

After he finishes singing...no word has been said from
upstairs...

ENZO
Now what?

DON IGNACIO
Ngayon, kailangan nating maghintay...

ENZO
Maghintay ho ng ano?

DON IGNACIO
Ng sign....

INT. LENA’S BEDROOM - CONTINUOUS

Lena is visibly giddy. So is, Dona Consuelo.

LENA
Ano na po ang gagawin ko, Lola?

DONA CONSUELO
Alam mo apo, ganito yan. Pag ang
isang hinaharana ay may gusto din
sa taong naghaharana sa
kanya...kailangan magtatapon siya
ng isang bulaklak o kaya panyo dun
sa humaharana sa kanya...saka lang
siya papasukin ng tatay ng babae sa
bahay, pag may dala na siyang isang bagay
galing sa nililigawan niya...

LENA
Ganon ho ba? Ano ho ang itatapon
ko...wala akong bulaklak. Wala rin
akong panyo...

DONA CONSUELO
Ah ganon? Halika...maghanap tayo...dali!

EXT. MANSION’S GARDENS - CONTINUOUS

Enzo, Julio and Don Ignacio are waiting impatiently.

ENZO
Anong sign ho ba ang hinahanap
natin, Lolo?

DON IGNACIO
Basta, abangan mo na lang...

ENZO
Mukha hong wala na hong mangyayari,
eh. Baka nga hindi pa niya ako
napapatawad.

DON IGNACIO
Magtiwala ka lang apo...

ENZO
Hindi ho kaya naaalibadbaran
sila sa awit ko? Wala ho kasi ako sa
tono eh...

JULIO
Nasa tono naman po,
senyorito...hindi lamang ho tugma
sa tono ng gitara ko...

ENZO
Isa ka pa...tadyakan kita diyan eh...

JULIO
Biro lang po...

ENZO
Hay naku, Lolo. Hali na ho kayo.
Pumasok na ho tayo... Masakit na
ang leeg ko sa kakatingala...

JULIO
Oo nga, Don Ignacio...nang makatulog na rin tayo.

The two boys motion to leave. A shout is heard from the
room upstairs...

LENA (O.S.)
Antay!!!

DON IGNACIO
Sandali lang daw...eto na...

They held their breaths as something comes flying from
Lena’s window. Enzo jumps up to reach for it.

He was so surprised to see what was in his hand...

ENZO
Ano to?

JULIO
(chortling)
Ano pa, eh di ...

ENZO
Anong ibig sabihin nito, Lolo?

DON IGNACIO
Pinapatawad ka na daw niya!

All three immediately looks up to the dimly lit window with a smile.

.
.
.
.
.
.
.
.
..
.
.
.
.
.
Ha ha ha...

(I had a fun time doing this chap. Hope you guys find good humor in it as I did...)

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Dailycommenter 98 streak #1
I am trying to find an old story on here but I cannot remember the title so I am going through all the story links I found this sounds interesting and has a nice description
summer-star
#2
Visiting old fics!
summer-star
#3
Visiting old fics!
luvkorean
#4
Hey want a cool poster ... Check out this graphic shop (http://www.asianfanfics.com/story/view/137855/asiankpop-ocean-graphic-shop-open-graphicshop).... And maybe if you want make a REQUEST MAYBE TWO OR THREE!! ^_^
san_mig #5
hi regina.. thank you for updating ... i really really like your stories ... keep on updating ...
(btw, you didnt tag some of your stories, i think its easier to find them when they are tagged...)