Love-Hate Relationships

THE SIREN --- Book Two
EXT. MANSION GARDENS - NEXT MORNING

Lena wakes up early in the morning. As soon as the sun
comes up, she goes downstairs.

There she meets Janna, Liz and Paco. All three are not
speaking to one another. They had with them their suitcases.

JANNA
What a vacation!

LIZ
Lena, hindi na kami
magtatagal...aalis na kami.

LENA
Sige, Liz. Maraming salamat sa
tulong mo.

LIZ
Sige, Lena, txt, txt na lang.
Balitaan mo ako sa mga nangyayari
dito ha.

JANNA
Aba, you’re chummy na pala with her...

LIZ
Matagal na, Janna.

Liz gives Lena a hug. Janna remains retiscent. Paco moves
closer to Liz.

PACO
Honey...let’s go...

LIZ
Don’t talk to me...

PACO
Honey naman...

Liz walks off, dragging her heavy suitcase with her. Janna
moves along without even a byword to Lena.

PACO
Salamat Lena...paki-alaga na lang
kay Enzo.

LENA
Sige na, Paco. Ako na bahala sa
kanya. Ikaw rin, alagaan mo si Liz
nang mabuti...

PACO
OO naman...Sige, Lena. Matinding
suyuan pa ang kailangan kong gawin.

LENA
Sana, mapatawad ka niya sa lalong
madaling panahon.

PACO
Sana nga, Lena. Sana nga...

Paco gives Lena a quick hug and exits together with the
other guests. Lena was left with a lot of things in her mind.

She enters back into the house.

INT. KITCHEN - CONTINUOUS

Lena enters the kitchen. She was so surprised to see Tinay
there. At the very first instant Tinay sees Lena, she
wanted to take off but Minda prevents her from leaving.
Minda drags her back to kitchen to face Lena.

Both girls cry as soon as they come face to face. Lena moves closer to Tinay but she tries to move away.

LENA
Tinay....

TINAY
Huwag mo na akong kausapin, Lena.
Puwede ba?

LENA
Tinay please...may nagawa ba akong
kasalanan sa iyo?

TINAY
Hindi ako tunay na kaibigan, Lena.
Naging mabait ka sa akin, pero ano
ang ginawa ko? Ginago pa rin kita.

LENA
Tinay...alam mo, hindi ako galit sa iyo.

TINAY
Bakit hindi, Lena? Dapat magalit ka!
Sinira ko ang damit mo. Pinagtangkaan kong
guluhin ang buhay mo.

LENA
Wala naman sa akin yun, Tinay. Damit lang iyon.
Mas importante ka sa akin.

TINAY
Hindi mo ba naiintidihan Lena ang ginawa ko?
Ginawa ko iyon kasi nagseselos ako
sa iyo. Masahol pa ang inasal ko kesa sa isang hayop.

LENA
Tinay naman...

TINAY
OO Lena, nagseselos ako. Masama
akong tao. Nanlalaglag ako ng
kaibigan! Wala akong kwenta...wala
akong kwentang anak, wala akong
kwentang kaibigan!

Tinay starts hitting herself. Lena moves towards her ang
hugs her from behind. Lena grabs her arms to stop her from
flailing them to herself.

LENA
Tinay, tama na!

TINAY
Dapat lang sa akin ang
masaktan...magalit ka naman sa akin
Lena, o. Please lang, sabihin mo
naman sa akin na masama akong tao.

LENA
Tinay, alam mo, kahit anong gawin
mo, kaibigan pa rin kita. Alam
kong nasa puso mo, mahal mo rin ako.

TINAY
Mahal na kung mahal. Mahal nga
kita Lena, pero di ko pa rin
mapigilan ang sarili kong mainis sa
iyo. Simula ng dumating ka dito,
inagaw mo na ang lahat sa akin.
Dati rati, lahat ng tao mahal ako.
Nang nandito ka na, nabaling na ang
atensiyon ng lahat sa iyo. Dahil
sa iyo...hindi na nila ako mahal!

Aling Minda joins in.

MINDA
Hindi totoo yan, anak. Mahal ka naming
lahat.

LENA
Totoo yan, Tinay. Mahal kita,
mahal ka ng nanay mo. Mahal ka ni
Lolo at Lola...at mahal ka rin ni Enzo.

TINAY
Lena, hindi ako ang mahal ni
Enzo...ikaw yun...

Lena doesn’t respond.

MINDA
Anak...tama si Lena,mahal ka nilang
lahat, iba-iba lamang magpakita ng
pagmamahal ang iba’t ibang tao.

TINAY
Inay naman, eh. Iyak ng iyak na
nga ako dito, tapos si Lena pa rin
ang tama.

MINDA
Anak...ano ba yang pinagsasabi mo?

TINAY
Si Lena na naman. Si Lena na lang
palagi ang tama...at ako naman ang palaging
mali. Tingnan mo Lena, pati nanay
ko mas mahal ka pa kesa sa akin.

MINDA
Anak, kaya kita pinagsasabihan
dahil mahal kita. Tungkulin ng mga ina
na sawayin ang anak pag nagkakamali
ito. Ginagawa ko ito dahil ayaw
kitang maging masama.

TINAY
Matagal na akong masama inay.

LENA
Hindi totoo yan Tinay. Ikaw na ang
pinakamabuting taong nakilala ko dito.

TINAY
Sinungaling ka Lena. Sinasabi mo
lang yan dahil para lumabas na ikaw
ang mabait at ako ang masama.

LENA
Tinay!

MINDA
Nagkakamali ka anak, maniwala ka sa
akin.

Suddenly, from the doorway, appears Enzo.

ENZO
Tinay...

TINAY
(immediately composes herself)
Senyorito...nandyan pala kayo.
(smiles wierdly)
Gusto niyo ng agahan? Ako ang
nagluto ng breakfast ninyo!

ENZO
Tinay, nagkakamali ka...

TINAY
Narinig mo ang pinag-usapan namin?

ENZO
(nodding)
Tinay, mahal ka naming lahat.

TINAY
Kung mahal mo nga ako, ba’t si Lena
ang gusto mo?

ENZO
Tinay, mahal kita bilang kapatid...

TINAY
Kapatid? Ganyan na lang ba ang
turing mo sa akin...

Tinay cries once more.

ENZO
Mula noon, hanggang ngayon, ganyan
na ang turing ko sa iyo. Hindi magbabago
iyon.

TINAY
Ngunit mahal kita, Enzo. Ayaw kong
mapunta ka sa iba. Kaya nga ako
nagpaka-gaga para akitin si Paco,
ay para mabaling ang tingin mo sa akin.

ENZO
Tinay...hindi tama ang saktan mo
ang sarili mo para mahalin ka ng
ibang tao...at hinding-hindi mo
kaya diktahan ang laman ng puso ng
ko.

Enzo moves over Lena and places his arm around her shoulder.

Seeing that Tinay will be reacting badly on that gesture,
Lena brushes Enzo’s hand away.

TINAY
(eyes widen)
Lena...nagsisisi ako talaga na nakilala pa kita.
Ahas ka rin pala.

LENA
Tinay...

TINAY
Magnanakaw ka Lena. Nangaangkin ka
ng mahal ng iba.

ENZO
Tinay, you need help. Kailangang
bumalik ka sa doktor mo.

TINAY
Hindi sira ang ulo ko!

MINDA
Tama ang senyorito mo, anak.
Kailangan mo nang magpagamot.

TINAY
Huwag niyo akong pagtulungan! Hindi ako baliw!

LENA
Mahal ka namin, Tinay. Gusto
naming gumaling ka.

TINAY
Wala nga akong sakit! Ano ba kayo?

MINDA
Huminahon ka anak.

ENZO
Hindi na ikaw ang masayahing Tinay
na kilala namin. Masyado ka ng
malungkutin at tampuhin. May sakit
ka Tinay...

Tinay pauses and thinks. Then, she fully breaks down.

TINAY
Inay...tulungan niyo po ako.

Minda, Enzo and Lena gather in and hug the regretful Tinay.
.
.
.

EXT. WATERFALL - MID MORNING
.
.
.
After the early upheaval of Tinay...

Lena and Enzo find themselves going into their secret
hideaway. The sun shines in utter brilliance.

They would sit quietly on the huge boulder where they first met.

Their feet would skim off the water's surface, then playfully touching each other's once in a while. They remained quiet, both lost in their thoughts.

Lena breaks her silence.

LENA
Sa palagay mo ba, magiging okay pa
kaya si Tinay?

ENZO
Napagdaanan niya na ang ganyan dati.
Alam kong kaya niyang lampasan uli
yan. Sa tulong na rin ng gamot...

LENA
Enzo, ngayon lang ako nakakita ng
taong depress. Ganyan pala talaga
ang epekto ng sakit sa ulo...

ENZO
(laughs)
Iba ang depression sa psychosis
Lena. At parehong hindi sa sakit sa
ulo nangagaling ang mga iyan.

LENA
Malay ko ba...hindi naman ako ang
doktor. Ang sabi kasi ng kuya ko
dati, pag palaging masakit ang ulo
mo, magiging baliw ka. Kaya nga
takot na takot ako nun tuwing
magkaka-migraine ako.

ENZO
You’re so funny, Lena.

LENA
Tingnan mong taong ito. Natatawa
kahit di naman ako nagpapatawa.

Lena tries to playfully punch him but Enzo was quicker. He
holds her hand near his heart.

ENZO
Lena, I am so happy...sobrang saya
ko ngayon.

LENA
Bakit naman?

ENZO
Kailangan pa bang tanungin yan?

LENA
Bakit nga...

ENZO
Kasi andito ka sa tabi ko ngayon.
At dahil...mahal mo na rin ako.

LENA
(playing coy)
Sinabi ko ba iyon?

ENZO
Huwag ka ng magsinungaling Lena.
Hindi ako lasing kagabi ng sinabi
mong mahal mo ako.

LENA
Aber...anong sinabi ko?

ENZO
Ang sabi mo..."Oh, Enzo. Ikaw na
ang pinaka gwapong lalaking
nakilala ko. Kaya mahal na mahal
kita...kasi ang cute-cute mo!"

LENA
Heh! Hindi kaya ganyan ang sinabi ko.

ENZO
Sabi mo pa nga..."Enzo, hindi ko
alam ang gagawin ko kung wala ka sa
tabi ko. Kaya Enzo, ngayon na,
halikan mo na ako." Kaya ayun,
napilitan akong halikan ka.

LENA
Ah ganun pala! Ako pa ngayon ang
patay na patay sa iyo.

Enzo playfully runs away. Lena chases after him.

ENZO
Aminin mo na kasi...patay na patay
ka talaga sa akin.

LENA
Hoy lalake ka. Kapal ng mukha mo.
Ikaw kaya ang patay na patay sa akin.

ENZO
Uuuyy...sinungaling! Kitang-kita ko
sa mga mata mo, kahit pa noong una
tayong magkita dito sa
waterfalls...may pagnanasa na sa
iyong mga mata!

LENA
Hindi totoo yan...bawiin mo yan.

Enzo pauses. Lena catches up.

ENZO
Lena, my little liar.
(touching Lena’s nose)
Aminin mo na kasi...di ba mahal na
mahal mo talaga ako.

LENA
Hindi naman ako sinungaling no. Honest
talaga ako.

ENZO
Kung honest ka...sagutin mo tong
tanong ko.

LENA
Ano yun...

ENZO
Mahal mo ba talaga ako Lena.

LENA
Kung sasabihin kong hindi,
maniniwala ka ba?

ENZO
Hindi...

LENA
O di sige...mahal na kita.

ENZO
At last, umamin din.

LENA
Eh ako, may tanong ako sa iyo.

ENZO
Ano iyon?

LENA
Ako lang ba ang mahal mo?

ENZO
Oo naman. Ikaw at ikaw lang.

LENA
Sinungaling!

ENZO
Hindi kaya...

LENA
Noong isang araw lang eh, buntot ng
buntot ka kay Janna.

ENZO
Na-realize ko nitong mga nagdaang
araw, Lena, na hindi ko pala talaga
siya mahal. Oo, aaminin ko, naging gusto
ko siya pero di ko siya naging mahal...
tulad mo...

LENA
Paano mo ngayon ako mapapapaniwala
na hindi mo lang ako gusto...kundi
talagang mahal mo ako.

ENZO
Anong gusto mong gawin ko?

LENA
Ewan ko sa iyo.

ENZO
So, gusto mong patunayan ko sa iyo
kung gaano natin kamahal ang isa’t isa?

LENA
Sige nga?

Enzo suddenly grabs Lena and dives into the water, taking
Lena with him. They surface out of the water out of breath.

LENA
Ano ba? Ba’t mo ako lulunurin?

ENZO
Lena, nakita mo na? Did you see what
I did?

LENA
Ano naman iyon, ha?

ENZO
I fell...you fell...you see, we
really can’t help but fall in love
with each other.

LENA
Ha ha ha. Ang corny nito.

ENZO
Corny na kung corny...ang alam ko,
mahal na mahal kita, Lena.

LENA
Mahal na mahal din kita, Enzo.

And with that, they assured one another with one searing kiss...
.
.
.
.
.
.
.
****

Ayan, wala na akong utang!!!

Although I know how this story will proceed, nahirapan akong sulatin ang chapter na to. KAya natagalan sobra. Sorry sa mga sumusubaybay nito. Promise, babawi ako sa inyo.

Comments please! I will update more in a few days.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Dailycommenter 98 streak #1
I am trying to find an old story on here but I cannot remember the title so I am going through all the story links I found this sounds interesting and has a nice description
summer-star
#2
Visiting old fics!
summer-star
#3
Visiting old fics!
luvkorean
#4
Hey want a cool poster ... Check out this graphic shop (http://www.asianfanfics.com/story/view/137855/asiankpop-ocean-graphic-shop-open-graphicshop).... And maybe if you want make a REQUEST MAYBE TWO OR THREE!! ^_^
san_mig #5
hi regina.. thank you for updating ... i really really like your stories ... keep on updating ...
(btw, you didnt tag some of your stories, i think its easier to find them when they are tagged...)