Love Letter

THE SIREN --- Book Two
INT. ENZO’S ROOM - EVENING

Enzo is seen sitting behind a computer screen, writing.

He smiles as he types in an entry into his novel. He writes....

ENZO (VO)
Geraldo made one sweeping motion to
grab hold of her as she was falling
into the stirring depths of the
billowing ocean. Her hair flutters
in the air as her lithe body slices
through the green, envious sea. Geraldo was
left with no choice but to go after
her. He can’t let his princess go.
As he sees her struggle amongst the
waves, he jumps from the ship’s
stern and he joined her in her death.
The brave knight and
and his princess Kim...lose their
breaths together to the power which is the
angry sea.

Enzo sighs. At last, he is finished.

The printer whirred gently. Several pages come out. Enzo
takes a look at the last page...then he shakes his head. He
curls the page into a ball and throws it into the waste can.

He returns to his computer and re-types the ending...

ENZO (VO)
As they are being consumed by
Poseidon’s wrath, Princess Kim and
her knight Geraldo share one more
searing kiss -- a kiss so powerful
and so endearing; proving once and
for all that their love can indeed
conquer all...

Enzo looks at it one more time and smiles... He presses the
ENTER button and a new page is printed. A look of
satisfaction is on his face.

His new book is done at last.

At the bottom of the page he signs, "Constancio Madrid." He
inserts the manuscript into a brown Manila envelope and
places it on his desk.

EXT. MANSION’S GARDENS - MORNING

Lena is busy watering the plants. Evelyn chances upon her as
she steps out of the balcony.

EVELYN
O, Lena, ang aga mo ata...

LENA
Maaga ho talaga ako nagigising
doktora..

EVELYN
Hay naku, bata ka...huwag mo nga
akong matawag-tawag ng ganyan...Tita
na lang...

LENA
Sige po, Tita...

EVELYN
Lena, matanong nga kita...ano ang
naging buhay mo bago ka napadpad
dito sa isla? Nung bago kayo
maaksidente...

LENA
Tita...

EVELYN
Don’t worry, Lena. Alam na namin
ang tungkol sa nangyari sa
barko...naikwento na nina Mama sa amin.

LENA
Okay lang ho...mabait naman ang mga
magulang ko...

EVELYN
Pasensya ka na ha? Gusto ko lang
kasi malaman kung ano ang naging
buhay mo dati? Masaya ba? Mahirap?

LENA
Pareho po...Mahirap na masaya...

EVELYN
Kamusta naman ang parents mo, iha?

LENA
Okay naman ho sila. Wala ho akong
mairere-klamo sa kanila...

INT. SMALL SHANTY IN TONDO - FLASHBACK TO 7 YEARS AGO

The young Lena and Pipo are busy watching an old "action
movie" on a black and white TV.

Their mom, ZENAIDA, a tired-looking woman in her 40’s, is
busy cooking a modest dinner. A cigarette hangs by .

A tall, bulky man enters the shack. His name is DOLFO, 44
years old. He is their father.

ZENAIDA
Mabuti naman at dumating ka...

DOLFO
Siyempre, nakadilehensiya eh...

She drops her laddle and immediately greets him.

ZENAIDA
Talaga? Magkano naman ang naging
kita mo?

DOLFO
Basta pera, ang bilis mo. Pero,
malaki tong dala ko... mga dalawang
libo din to!

Pulls out a wad of cash from his denim jacket pocket.

ZENAIDA
(excited)
Ay salamat naman sa Diyos at nakatira
ka na naman...anong raket ang
ginawa niyo nina kumpare?

DOLFO
Wala...simpleng hold-up
lang...matandang chekwa...diyan
lang sa Divisoria.

ZENAIDA
Ibig sabihin may mahigit dalawang
libo siya sa wallet niya? Ang
swerte niyo naman...

DOLFO
Hindi lang dalawang libo...mahigit
pa! Pero nung hinati-hati na namin
nina kumpare...ayan, dalawang libo
ang parte ko...

ZENAIDA
Sigurado ka?

DOLFO
Anong sigurado?

ZENAIDA
Ikaw Dolfo, alam ko iyang takbo ng
utak mo. Siguro hindi lang
dalawang libo ang nasumbit mo...may
tinatago ka pa ano?

DOLFO
Hoy, babae...magpasalamat ka at
inaabutan pa kita ng pera...

ZENAIDA
Hoy lalake, dapat lang. Kung hindi,
anong gusto mong ipakain ko sa mga
anak mo, burak?

DOLFO
Ano ba? Inaaabutan na nga ng pera,
umaaatungal pa!

Zenaida reaches for Dolfo’s pockets.

ZENAIDA
Akin na...akin na iyan sabi!

DOLFO
Wala na nga! Iyan na iyan...

Zenaida pulls out a few more hundreds from his jacket.

ZENAIDA
Sinasabi ko na nga ba, eh! Ipangiinom
mo na naman ito ano?

DOLFO
Hoy, hindi ah. Pambibili ko sana
iyan ng sapatos nina Lena at Pipo...

ZENAIDA
Mas importante pa ba ang sapatos
kesa sa pagkain? Hoy, lalake, ayaw
na ayaw kong niloloko mo ako at
lalong ayoko na pag pinagtataguan
mo ako ng pera, naiintindihan mo?

DOLFO
Oo na...

ZENAIDA
Ngayon, ikaw pa ang may ganang
magalit...

DOLFO
Buti sana kung sa pagkain lahat
iyan napupunta. Ipangyoyosi mo pa
ang iba diyan!

ZENAIDA
Eh ano ngayon? Umiinom ka din
naman ah...kung may bisyo ka, may
bisyo din ako...eto na nga lang ang
kaligayahan ko eh, kukunin mo pa...

DOLFO
Ewan ko sa iyo...Bad trip...

Dolfo leaves. Zenaida returns to her cooking, looking
satisfied. She hastily pockets the money.

Pipo and Lena look at each other disdainfully.

CUT TO:

EXT. MANSION GARDENS - CONTINUOUS

Lena and Evelyn has now moved to the garden chairs.

LENA
Kahit mahirap lang ho kami ng kuya
ko, ayun, masaya naman ho kami. Si
tatay, kahit government employee
lang...marangal naman ho ang
trabaho niya. Si nanay, isang
simpleng guro lamang...pero
nakakatawid naman ho kami sa araw
araw ng matiwasay.

EVELYN
Alam mo, Lena...ang wish ko ay sana
nakilala ko ang parents mo...

LENA
Bakit naman ho?

EVELYN
Gusto ko silang i-congratulate sa
pagpapalaki nila sa iyo...kasi ang
bait bait mo...

LENA
Hindi naman ho...

EVELYN
Mabuti na lang at hindi ako nakinig
sa mga sinabi ni Janna...

LENA
Si Janna? Ano naman ho ang sinabi
niya?

EVELYN
Well, to tell you honestly hija,
nagkausap kami ni Janna bago
pumunta dito. May mga sinabi siya
sa akin na hindi maganda sa iyo.

LENA
Ano po ba ang sinabi niya tungkol
sa akin?

EVELYN
Basta...huwag mo ng isipin iyon.
Ang importante hindi ako naniwala
dun sa mga sinabi niya. Kasi, ang
alam ko, mabait ka. Kitang kita sa
mga galaw mo na matino kang bata.

LENA
Nasaktan lang ho si Janna sa ginawa
namin ni Enzo...

EVELYN
Sa palagay ko nga...

LENA
Pero hindi ho naming intensiyon na
saktan siya...

EVELYN
Sa pag-ibig, Lena...minsan may
kailangan masaktan...

LENA
Ganon ho ba?

EVELYN
Lalong-lalo na pag ang mahal mo ay
tina-traydor ka...Masakit, pero
ganoon talaga ang buhay...

Suddenly, Enzo emerges from behind them...

ENZO
O, ano naman ang pinag-uusapan ng
dalawang pinaka-importanteng babae
sa buhay ko?

EVELYN
Kamusta ang tulog mo, anak?

ENZO
Mabuti naman ho, medyo masakit lang
ho ang likod ko...

EVELYN
At bakit?

ENZO
Ah, wala ho...nahulog ho ako kagabi...

EVELYN
(eyes Enzo suspiciously)
Nahulog? Saan?

ENZO
Ha eh...nahulog ho ako sa
kama...sumalpok po ang likod ko sa
sahig...

EVELYN
Ah, ganon ba?

ENZO
(smiles at Lena)
Masahe lang ho ang kailangan dito...

Lena blushes.

EVELYN
Anak, samahan mo naman kami ng
daddy mo sa bayan...

ENZO
Mom, bakit niyo pa po ako isasama,eh
alam niyo naman ang daan papunta dun?

EVELYN
Basta anak, may gusto kaming bilhin
ng daddy mo...basta sumama ka na...

ENZO
Pwede ho bang sumama si Lena?

Evelyn shots Lena a telling look.

LENA
Ha eh...Enzo, hindi na ako
sasama...kayo na lang...

ENZO
Okay lang naman kung sumama ka,
Lena..Mom and Dad won‘t mind...di
ba, Mom?

EVELYN
Okay lang...

LENA
Marami pa akong gagawin...

ENZO
At ano naman pong gawain iyan na
mas importante pa sa lakad natin?

LENA
Kasi, sinabi ko na po kay Aling
Minda na tutulungan ko siya sa
kusina kasi wala pa si Tinay...

ENZO
Ano ka ba...kaya na ni Inay Minda
yan...

LENA
Sige na, Enzo...okay lang ako.
Promise ko din kina Lolo at Lola na
maglilinis ako ng bahay...

ENZO
Hindi ka naman maid dito ah, ba’t
ka maglilinis?

EVELYN
Kasi nga, Enzo...mabait na bata si
Lena. Ganyan ang ginagawa ng mga
mababait na bata.

ENZO
Sige ka. Pag di ka sasama...mamimiss
kita...

LENA
Tita...paki-sabihan niyo nga iyang
anak niyo na nakakahiya na ho ang
ginagawa niya...

ENZO
At bakit? Bawal ba ang mag-express
ng pagmamahal ko sa iyo sa harap ng
mommy ko?

LENA
Basta nakakahiya...

EVELYN
(looking fondly at Lena)
Tama na iyan, anak. Tingnan mo,
nahihiya na tuloy si Lena.

ENZO
Pero, di ba, mommy...palagi niyo
sinasabi sa akin dati na pag-mahal
mo ang isang tao...dapat hindi
tinatago? Di ba, dapat
ipinagsisigawan?

EVELYN
OO, pero di ba sinabi ko rin sa iyo
na dapat ilagay sa lugar ang lahat
ng bagay?

ENZO
Mom knows best talaga!

Enzo kisses Evelyn. Lena looks at them with envy.

INT. KITCHEN - A FEW HOURS LATER

Lena is helping Minda prepare food. She is cutting
vegetables by the table. Soon enough she is done...

LENA
Kailan ho ang balik ni Tinay, nanay
Minda?

MINDA
Siguro sa susunod na linggo.
Mabuti na rin at makapag-pahinga
siya dun sa bahay ng tiyahin ko.

LENA
Ganun ho ba? Kamusta na daw po siya?

MINDA
Okay na siya, Lena. Mukhang
umeekpekto na ang gamot na binigay
ng doktor. Hindi na daw siya
masyadong depressed ayun dun sa
kamag-anak namin...

LENA
Mabuti naman po kung ganoon...

MINDA
Galit ka pa ba sa kanya, Lena?

LENA
Kailan man ho, Aling Minda, hindi
ho ako nagalit kay
Tinay...naiintindihan ko po ang
pinagdadaanan niya...

MINDA
Salamat naman kung gayon. Sayang
kasi ang pagkakaibigan niyo...

LENA
Oo nga po, eh...mahal na mahal ko
po si Tinay bilang kaibigan...

MINDA
Salamat naman kung gayon...pagpalain
kang bata ka...

LENA
Aling Minda, may papagawa pa po ba
kayo? Maglilinis pa po ako ng mga
kwarto...

MINDA
Okay na ko, Lena...salamat!

INT. ENZO’S ROOM - CONTINUOUS

Lena enters Enzo‘s room. In her hand, she has a fearther
duster and a piece of cloth.

She proceeds to clean his room. She fixes his bed and
tidies up his loosely strewn shirts. She proceeds to
dusting the shelves.

Her gaze is caught by a framed picture of Enzo. She picks
it up and takes a closer look at it. She sits by the bed,
smiling. It was a photo of Enzo with his Lolo Ignacio.
She reads the inscription...

LENA
Madrid, Spain...

She kisses the picture and laughs at herself. Lena then
returns the picture by the book shelf.

Her attention is caught by the overflowing pieces of paper
in the metal wastebasket beside the computer table.

Lena picks up the pieces and stuffs them properly inside the waste basket. As she carries it out of the room, a piece of
crumpled paper fell by the floor.

Lena hastily picks it up. Curious as to what it was, she
slowly unfurls the crumpled paper.

LENA
(to herself)
Ano to?

Lena reads the contents...it was a letter from Enzo.

LENA
Dear Lena...I can’t sleep tonight
because I kept thinking of you.
Your beautiful face keeps haunting
my restless mind.

Lena sits by the bed and continues reading...

ENZO (VOICE OVER)
I’d give anything to see you now,
Lena. My thoughts won’t rest till
I see that you are safely asleep.
If I had a choice, I would sleep
next to you and envelope you in my
arms. Maybe not now, but in the
future Lena, I will. But, I thank
the Lord each day for the gift of
you. God knows how much joy you
bring to me everyday. I am truly
happy that I have you in my life
and that I can call you, my only
love... Love, Enzo...

Lena emerges from reading with a big smile on her face. She
hugs the paper lovingly. Then, all of a sudden, her
expression sours...

LENA
(to herself)
Bakit kaya niya tinapon to?

Lena pockets the piece of paper.

Thinking that there might be more of that where it came from,
Lena rummages the waste can...

Suddenly, a knock is heard from the door.

DONA CONSUELO
Lena, anak...bumaba ka na, at
tayo’y manananghalian na...

LENA
O-Opo...bababa na po ako...
Lena stuffs the rest of the papers back into the can. She
hastily leaves the room.

EXT. SEASIDE MANSION GARDENS - EVENING

THat night, Enzo and Lena manages to steer clear of the
parents. Enzo drags Lena towards the seashore...the moon
shines brightly.

ENZO
Alam mo, na miss kita buong araw,
Lena...sobra...

LENA
Ikaw din, na miss ko...

Enzo envelops his arms around Lena’s waste and pulls her
towards him.

ENZO
Pa-kiss naman o!

LENA
Ikaw talaga, sa lahat na lang ng
oras na ginawa Diyos, kiss ng kiss
ang gusto...

ENZO
Uhaw ako sa pagmamahal, Lena, alam
mo iyon!

LENA
Hay naku, masyado kang madramang
lalake ka!

ENZO
Eh ano ngayon? Sinasabi ko lang
naman ang nararamdaman ko sa iyo,
masama ba iyon?

LENA
Masyado ka kasing madada...bakla ka ba?

ENZO
Ah ganon, bakla pala ha?

Enzo plants a deep kiss on Lena’s lips.

ENZO (CONTINUOUSLY)
O, ano? Bakla ba ako?

LENA
Hindi...lalaking-lalake...

Lena laughs. Enzo remains serious, looking deeply into her
eyes...

ENZO
I want you, Lena. I want you...NOW...

LENA
Enzo...

Enzo moves in to give Lena another kiss, but Lena turns her
head..

ENZO
(remembering what
Evelyn said)
Yes, oo nga pala...There’s a time
and place for everything...

LENA
Siguro...saka na lang natin gawin ang mga bagay
na iyan Enzo...

ENZO
Kelan? Pag kasal na tayo? Kailan
pa kaya yun Lena? Hindi ba pwedeng
maka-advance sa ating future?

LENA
Hoy lalake...anong akala mo sa
akin...pwedeng bumale?...Hoy, hindi
ako hulugan!

ENZO
Lena naman...siyempre, kunwari
bibili ka ng prutas o gulay... di
ba, bago ka bumili ng isang bagay
kailangan mo munang
kilatisin...himasin...at
siyempre...pag
kinakailangan...titikman...

LENA
Hoy, sumusobra ka na! Anong akala
mo sa akin, kamatis? Alam mo...may
mga bagay-bagay na sa unang tingin
pa lang masarap na...ako iyon. Di
mo na kailangan tikman kasi ginaguarantee
ko sa iyo...FRESH ako...

ENZO
(laughs)
Lena, sana makita mo ang nasa isip
ko...

LENA
Ano iyon?

ENZO
Wala lang...iniisip ko lang kung
ano ang mangyayari sa atin sa
honeymoon natin...

LENA
Walang hiya ka, pinagnanasaan mo na
pala ako...

ENZO
(closes his eyes)
Dito sa isip ko...hinahalikan na
kita...tapos, ikaw naman, halik din
ng halik...di makapagpigil, nirerape
mo na ko...

LENA
Ang bastos mo!

Lena playfully chases Enzo.

Enzo catches Lena and they fall to the sand, hugging...

ENZO
Mahal na mahal kita, Lena.

LENA
Mahal na mahal din kita, Enzo...

ENZO
Alam mo ba kung gaano kita ka mahal?

LENA
Alam ko...nabasa ko!

ENZO
Ha? Anong nabasa?

LENA
Kanina nung naglilinis ako sa
kwarto mo...may nakita akong papel
sa basurahan...binasa ko...

ENZO
Anong nabasa mo?

LENA
Iyung love letter mo para sa akin...

ENZO
Ano pa ang nabasa mo?

LENA
Anong "ano pa?" Meron pa ba akong
dapat mabasa dun? Hoy mister, baka
isipin mo eh pinakikialaman ko ang
mga gamit mo...for your information,
inutusan ako ng lola mo na maglinis
ng kuwarto mo...

ENZO
Eh bakit mo binabasa ang mga basura
ko...

LENA
Bakit, may tinatago ka ba?

ENZO
Wala naman...ayaw ko lang nakikialam
ka sa mga gamit ko...

Lena appears offended. Enzo realizes his mistake.

ENZO
Uy, Lena, pasensya na...praning
lang talaga ako...

LENA
O sige, mali ko rin. Di ko dapat
binasa...pero kasalanan ko ba kung
nahulog siya sa sahig...siyempre,
tao lang ako. Nakaka-curious, eh.

ENZO
May nabasa ka pa bang iba?

LENA
Wala na...iyong love letter niyo
lang po.

Enzo sighs.

ENZO
Promise?

LENA
Promise...swear to God, hope to die...

ENZO
Saan na iyong basurahan?

LENA
Tinapon ko na, siyempre! Teka,
ba’t ka interesado dun sa mga
basura? ANo bang meron dun? Puro
papel lang naman ang mga iyon, ah?

ENZO
Wala, Lena...wala iyon...halika nga
dito! Alam mo,paborito ko sa lahat
ang mga pakialamera...

Enzo moves closer, Lena welcomes him back.

LENA
Kaya pala gusto mo din si Janna...

ENZO
Please, huwag na natin banggitin
ang pangalan niya...nakakawala ng mood.

LENA
Teka, ba‘t mo nga ba tinapon iyung
sulat?

ENZO
Ah iyon? Kasi, sabi ni daddy
ganoon daw ang ginawa niya kay
mommy. Kaya nainspire akong gumawa
ng love letter. First time kong
gumawa...pero pangit eh.
Kaya...tinapon ko.

LENA
Pangit? Ang ganda nga, eh...

ENZO
Wala kasi akong talent sa pagsusulat,
Lena. Iba ang talent ko...

LENA
Ano naman ang natatanging
talento mo, aber?

ENZO
Ang humalik...

Enzo, once again, kisses Lena...

At the end of one searing kiss, they were out of breath...

LENA
Talented ka nga...

.
.
.
.
.
.
.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Dailycommenter 98 streak #1
I am trying to find an old story on here but I cannot remember the title so I am going through all the story links I found this sounds interesting and has a nice description
summer-star
#2
Visiting old fics!
summer-star
#3
Visiting old fics!
luvkorean
#4
Hey want a cool poster ... Check out this graphic shop (http://www.asianfanfics.com/story/view/137855/asiankpop-ocean-graphic-shop-open-graphicshop).... And maybe if you want make a REQUEST MAYBE TWO OR THREE!! ^_^
san_mig #5
hi regina.. thank you for updating ... i really really like your stories ... keep on updating ...
(btw, you didnt tag some of your stories, i think its easier to find them when they are tagged...)