Chapter 3: Reality's Sentence

Heavenly

“Ako criminal?! Ako magnanakaw? Oo! Inaamin ko na magnanakaw ako. Magnanakaw daw ako kasi sinasabi nilang ninakaw ko raw ang puso nila pero sa tingin mo sinong mas criminal sa ating dalawa, ako na nakamamatay ang kagandahan o ikaw na pumapatay sa bawat pangarap ng babaeng nilalako mo kung saan-saan,” harap-harapang sinagot ni Mayumi ang kausap.

Walang maisagot ang kausap ni Mayumi. Ang kaninang putok na putok sa blush-on na babaeng ito ay mistulang nagkulay labanos sa kaba dahil ito pa lamang ang unang beses na sinagot siya ni Mayumi ng ganito. Kahit si Mayumi ay nagulat din sa mga salitang kanyang nasabi.

“Naku, anu ka ba? Hindi ka na tuloy nakapagsalita. Syempre, joke lang yung sinabi ko noh… maliban dun sa ‘nakakamatay na kagandahan’ at ‘ninakaw na puso’… W—wag po kayo mag-alala dahil ‘pag nakaipon na po ako ng kaunti… Promise, aalis na rin ako at hindi na ko magpapakita forever and ever,” kabig ni Mayumi.

“A—Amen… Si—sige pwede ka na mag-umpisa mamayang gabi,”

______

Mainit at maalinsangan ang hapon na iyon sa kabila ng napapalapit na araw ng pasko. Mukhang pati ang panahon gusting parusahan si Marco dahil di tulad sa mga nakukulong na malalaking pangalan, si Marco ay hindi nabigyan ng special treatment. Siya ay ipipiit kasama ng mga presong parehas din niyang nagkasala.

Sa lakas ng impluwensya ni Marco Rodriguez ng mundo ng kalakalan at sa kanya na ring kayamanan, kayang gawin ng kanyang abogado ang mailipat ito sa ibang kulungan kung saan siya lamang mag-isa.

“Ngayon ay taong 2014, December… more or less makakalaya ka na ng 2018…” pinaalam ni Mr. Hidalgo sa kanyang kliyente.

“Ito na bang lahat?” tanong ni Marco sa kanya habang pumipirma sa mga dokumentong dala ni Mr. Hidalgo.

“Marco, alam mo namang pwede kang mailipat ng kulungan. B—Bakit gusto mo pang magtiis at ditto pa makulong?”

“Ayoko lang matulad sa iba… gusto kong mapagsisihan ang ginawa ko para ‘pag labas ko dito malinis naman kahit papaano ang pangalan ko. Alam kong naging isa akong malaking kahihiyan sa pamilya ko. Tama lang talaga na dito na ako.”

Sa likod ni Marco, tahimik na nakatayo ang dalawang anghel. Sa oras na iyon, ang kanilang kasuotan ay nagbago. Si Mikael ay mukhang pormal at kagalang-galang sa kanyang suot na luntiang suit habang si Kiel naman ay casual sa suot na puting sweater at pink na pantalon.

Habang sila ay nakatayo, pasimpleng sumisilip si Mikael sa pinipirmahan ni Marco na bigla namang napansin ni Kiel at pinigilan ito.

“Uy, ano yang ginagawa mo?” siniko ni Kiel si Mikael sa tagiliran nito.

“Aray!! Bakit ba?”

“Bawal maki-alam sa personal na buhay ng mga tao.”

“O, ano naman? Binabasa ko lang naman.”

“Aiiissshhh… basta, iwasan ang mga bagay na makakapag-complicate sa lahat. Angel dela guardia ka. Ang responsibilidad mo ay protektahan ang tao hanggang sa araw ng kamatayan. Protect the human from death or any form that will cause it until the day of death… On the day of his death, wala ng proteksyon na mangyayari… Okay?”

“Okay, maliwanang pa sa kinabukasan.”

Mabilis na natapos ni Marco pirmahan ang lahat ng dokumentong dapat niyang pirmahan bago siya ipasok sa kulungan. Naghahanda na ring umalis ang kanyang abogado sa mga oras na iyon.

“Marco, parang ama mo na rin ako. Kung kailangan mo ng tulong sabihin mo lang sa akin. Babalik pa naman ako bukas.” Buong pusong pinaalam ni Mr. Hidalgo kay Marco.

“No, you don’t have to. You’ve done enough. I deserve this. You belong to your family… Maraming salamat sa tulong mo. See you in 14 years?” Ito ang mga huling salitang binitiwan ni Marco sa huling pag-uusap nila ng kanyang abogado sa araw na iyon.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet