Chapter 2: Sa Isang Pagkakamali

Heavenly

 “… Marco Rodriguez guilty of the crime…drugs” Ito lamang ang mga salitang naintindihan ni Marco matapos siya basahan ng judge sa korte.

Nakalusot siya sa kasong murder na isinampa sa kanya dahil napatunayan na self-defense lamang ang ginawa ni Marco nuong gabing iyon. Sa kabila nito, bakas pa rin ang kaunting kasiyahan ng kabilang panig dahil kahit papaano ay magdurusa pa rin si Marco sa loob ng piitan.

Sa mga lumipas na araw upang dinigin ang kaso ni Marco, wala ang nag-iisa niyang mahal sa buhay ang naroon upang siya ay suportahan, ang kanyang ama na itinuturing siyang nag-iisang tagapagmana ng kanilang mga negosyo mistulang kinahiya at kinalimutan na siya.

“Ilang taon… Ilang taon ako makukulong?” tanong ni Marco sa kanyang abogado na si Mr. Hidalgo.

“14 years sa kasong pagpapakalat ng illegal na droga.” Mahinhing sagot ni Mr. Hidalgo at pinisil ang balikat ni Marco bilang tanda ng simpatya.

Marahang pinikit ni Marco ang kanyang mga mata at mabilis na ibinaling ang kanyang paningin sa kabilang dulo ng kwarto. Ilang segundo napako ang kanyang tingin sa isang binatilyong matangkad na tulad niya ring may matang tulad ng agila. Ngunit sa pagkakataon na iyon, ang mata ng binatilyong iyon ay nagbabaga sa tindi ng emosyon na kanyang hindi mailabas.

“Sino yun? Kiel, kilala mo ba siya?” Tulad ni Marco, napako rin ang paningin ni Mikael sa binatilyong iyon.

Mula nuong araw na nagyari ang krimen , nakasunod na ang dalawang anghel kay Marco. Sa mga oras na iyon, sila ay nakaupo sa dalawang upuan sa likod ng kinatatayuan nina Marco at ang abogado nito.

“Kung kilala ko siya, bakit ko kailangan sabihan sa’yo?” Sagot ni Kiel.

“Akala ko ba ako na ang anghel dela guardia ni Marco Rodriguez? Siyempre, dapat lang na makilala ko ang lahat ng taong nakapaligid sa kanya,” katwiran ni Mikael habang may nakasampak na lollipop sa kanyang bibig.

“Kung sa bagay… may point ka rin naman. Pagbibigyan na kita… based on the information that I gathered, siya ang nakababatang kapatid ni Kris.”

“Kris?”

“Si Kris! Ang lalaking napatay ni Marco. Aiisshhh... sa itinagal natin dito sa lugar na ito at sa maka-ilang ulit na binanggit yung pangalan niya kanina, hindi mo pa rin kilala kung sino siya?”

Si Kris Martinez at ang kayang pamilya, ang dating pinakamalaking supplier ng droga sa Maynila. Dati-rati sa kanya karamihan kumukuha ang mga matataas sa estadong consumers ngunit nang pumasok si Marco Rodriguez sa negosyong ito gamit ang kanyang angking talino sa pagpapatakbo ng negosyo at malakas na impluwensya, sa maiksi lamang na panahon ay nasakop niya na ang buong Maynila at mga karatig na probinsiya nito.

 “Ahhh… teka, saan mo ba nakuha ang impormasyon na yan? Lahat ba ng tao dito sa mundo kakilala mo?”

“Haaayyy… ‘yan ang napapala ng sobrang paglalakwatsa mo. Sarili mong pinanggalingan wala kang ka-alam-alam… Kung dito may National Statistics Office, sa atin may Universal Record Book at sa milyun-milyong nakasulat dun. Isa si “Tao” sa mga natatandaan ko.”

“Tao? Pangalan niya Tao?”

“Huang Zi Tao… Full Chinese.”

______

“Wow! Long time no see! Naisipan mo pa talagang bumalik, hah?” Payamot na sabi ng isang maputi at matabang babae na putok ang blush-on sa tirik na tanghali.

Sarado pa ang pinakamalaking bar and club na matatagpuan sa pusod ng Maynila kung saan nagtatrabaho ang matabang babae na ito. Kita sa kanyang kasuotan na siya ay hindi tulad o napapabilang sa mga babaeng na nag-eensayo sa stage.

“Pasensya na. Wala na kasi akong iba pang mapupuntahan eh…” Pakumbabang sagot ng isang babaeng naka-blusang puti.

Mababatid sa mukha ng babaeng ito ang di maikukubling kagandahan. Ang kanyang inosenteng aura at mala-musikang boses sa ganda ang dalawang katangian kung bakit hindi siya magawang tangihan ng karamihan. Ang presensya niya ang kahinaan ng mga kalalakihan.

“Pwede ba? Wala ka na bang natitirang kahihiyan sa sarili mo? Binabayaran ka na nga, nakuha mo pang magnakaw! at ngayon, hindi mo na maitatanggi na may records ka na!! Teh, e ang hanap namin. Hindi kriminal, okay?”

______

“Napakaganda mo talaga Mayumi…” Bulong ng lalaking kasama ni Mayumi sa hotel na di kalayuan mula sa kanyang pinagtatrabahuan.

Ngumiti lamang si Mayumi at ipinosisyon ang lalaki sa kama. Minuto lamang ang nilipas bago makatulog ang lasing na lasing na lalaki. Naging gawain na niya na patulugin at lasingin ang lahat ng mga lalaking nabibihag sa kanyang kagandahan simula ng pasukin niya ang napakaduming mundo ng pagpoe.

Marami-rami na rin ang mga lalaking kanyang naikakama ngunit, sa kabila nito, wala pang ni isang lalaki ang nakagalaw sa kanya dahil bago mangyari iyon, sila ay nakakatulog at nagigising ng walang ni anumang naaalala.

Matapos na maihiga ni Mayumi ang kanyang huling customer sa gabing iyon, dali-dali niyang kinuha ang laman ng wallet ng lalaki na aabot sa mahigit 10,000 pesos ang laman na cash. Paalis na sana siya ng biglang hinablot nito ang kanyang kaliwang kamay… ng dahil lang sa di kalakihang halagang ito, ang buhay ni Mayumi ay tuluyang nabago…

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet