Heavenly

Description

Dalawang karakter na sumasalamin sa kadiliman ng lipunan at isang nilalang na parating nandyan ngunit kailanman bawal baliktarin ang nakatadhanang kapalaran. Sila’y hinusgahan, itinakwil at pinagtagpo ng tadhana upang hanapin ang sa kanila’y pinagkait ng mundong ginagalawan…

CHARACTERS:

Seohyun (SNSD) as Mayumi (e). Si Mayumi, ang babaeng nagbibigay ng kaligayahan sa mga taong hangad lamang ay panandaliang kasiyahan. Ang hanap niya’y karangyaan at kalayaan mula sa mga mapanghusgang lipunan na kasamang niyang namumuhay sa napakapait at napakaramot na realidad…

TOP (Bigbang) as Marco Rodriguez (ex-convict). Si Marco, nasa kanya na ang lahat ng karangyaan, katanyagan at kaligayahan sa buhay ngunit sa isang pihit lamang ng gatilyo lahat ng ito’y naglaho ng mabilis pa sa bula. Ngayo’y hanap niya ang bagong buhay at bagong umpisa mula sa pagkakamaling kanyang pinagsisihan…

Chen (Exo-M) as Mikael (fallen angel). Si Mikael, ang isang anghel sa lupa na umaaligid kung saan man at parating nariyan sa pinakamadilim na pagkakataon ng buhay. Gumagabay at promoprotekta sa mga mortal na patuloy na nagkakasala. Dahil lamang sa personal na kagustuhang makatulong, isang kapalaran ang kanyang nabago… 

(^__^) SUBSCRIBE. VOTE. COMMENT (^__^)

FOR THE BEAUTIFUL BANNER, THANKS TO

THANKS TO FORBIDDEN DREAMERS FOR THE POSTER (^_^)

Foreword

Madilim at malamig ang gabing iyon. Trenta minutos matapos ang alas-dose. Ang pagod sa maghapon na lungsod ng Maynila ay natutulog at nagpapahinga na sa mga oras na iyon. May dalawang itim na sasakyang Fortuner ang palabas sa mansion. Sakay nito ang pinakahihintay ni Marco na lalo pang magpapayaman sa kanyang pamilya at magpapalaganap ng kanyang impluwensa at nasasakupan sa kakapasok lamang na negosyo.

 “Sir, On the way na po kami. Kasama po namin si Sir Marco.” Mahinang sanabi ng isang tauhan ni Marco habang siya ay nakikipag-usap sa cellphone.

 “Okay, don’t worry. Pagkatapos ng gabing ito, yang Marco Rodriguez na yan. Malalaman niya kung saan ang dapat niyang kalagyan.”  Sagot ng misteryong boses sa kabilang linya.

 “Bwisit ka Marco. Pareho kayo ng tatay mo na sakim. Tama na ang paghahari-harian ng pamilya ninyo dahil bago lumiwanag papataubin ko ang kinabukasan ninyo.” Galit na sinabi ng misteryong boses matapos niyang ibaba ang kanyang telepono.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet