Bangtan's Garden

Description

 


Nag-aaral si Jin Cai sa Pinakamataas na Paaralan ng Rosas na Bukid kahit pa hindi Naman kagandahan ang kanilang pamumuhay. Doon niya makikilala ang naghahari-hariang F4 at ang leader nitong si Rap Ming si. Magiging magulo Nga ba ang buhay ni Jin Cai?

Alam mo na ang kwentong ito. Kunwari na lang hindi mo alam.

 


 

Characters:

Rap Ming Si (Rapmonster) - ang leader ng F4. 50% Rap, 25% Monster, 25% Nakabrush up ang buhok na kulay blonde. Siya ang pinakamayaman sa F4. Nagmamay-ari ang pamilya nila ng 1000 Sogo Hotel chains, 500 Supermarkets, 250 Patisan, 5 Mansion, 3    universities at 1 water jug.

Hua Zi Tae (V) - myembro ng F4. Tahimik pag tulog at gutom. Hindi siya wirdo, sadyang kakaiba lamang. Multi-lingual, madalas mapagkamalang dictionary. 

Ji Men (Jimin) - ang pinakachickboy sa F4. Mahilig sa chickenjoy. Height: 6 footer with chair. Boy next door ang pormahan, as in Boy next door. Yung mga lalaking matatagpuan mong nakatambay sa kapitbahay. May pinakamagandang katawan sa F4. Yum yum yum, Ping Ping Ping!

Mei Suga (Suga) - pinakamaputi sa F4. Sa sobrang puti, madalas mapagkamalang Siopao na bolabola. Sobrang lakas ng swag, singlakas ng amoy dapit-hapong manong sa jeep. Joker ng F4. Mukhang Joker. Lucky colors: Mountbatten Pink with Yellow polka dots.

 

Jin Cai (Jin) - maprinsipyo. Matapang pero hindi masyadong nakaririwasa sa buhay. Ipinasok ng Ina at Ama sa Pinakamataas na Paaralan ng Rosas na Bukid para makatagpo ng mayamang jowa. Siya ang pag-aagawan ni Rap Ming Si at Hua Zi Tae.

Shing Hope (J-Hope) - ang bestfriend ni Jin Cai. Tumama sa lotto ang tatay kaya yumaman at nakapagtransfer sa Pinakamataas na Paaralan ng Rosas na Bukid. Masiyahin at parang inasinang bulate. Bet niya si Jin Cai noong bata pa lamang sila, ngunit di pa rin siya nito napapansin.

Teng Tang Jung (Jungkook) - ang tunay na mahal ni Hua Zi Tae. Mula sa mayamang pamilya. Kinaiinggitan ng lahat. Dalawang taon ang Ibinata nito Kay Tae. Kung saan saan mo makikita ang kaniyang mukha, sa billboards, magazines, posters, parlors, lrt cards, notebooks at sa ilalim ng baso.

Xiao Hyo (Kidoh of ToppDogg) - bestfriend ni Jin Cai at katrabaho niya sa ToppDogg Bakery. Mauugnay din sa F4 dahil Kay Jin Cai. 

 

 

Foreword

"F4? Dapat ang tawag sa inyo, Piggy 4! Sa F ba naguumpisa ang Piggy? Teka, mali. Dapat ang tawag sa inyo Figgy 4! Mga Fanget! Wala kayong alam Kundi mang-afi ng kafwa! Anong tingin niyo sa sarili niyo? Mga naghahari-harian! Fati mga teachers. Kayo ang nagfafalakad sa school na 'to! Anong klaseng eskwelahan to? Fangit! Vulok! Walang sistema!" 

Comments

You must be logged in to comment
Gilibean
#1
Chapter 1: PAKAK BESH BENTA SAKIN ITONG FIC NA ITO AHAHHAHAHHAHHA
exoticspirit #2
Chapter 3: Hahaha! Daebak ang fliptop ni Jin. xD i kennat! Update soon~
maknaeria
#3
Chapter 2: GRABE YUNG EMAIL LAPTREP KA ZI TAE XD
maknaeria
#4
Chapter 1: GRABE TU XD HAHAHA
maknaeria
#5
Wahaha foreword palang, laughtrip na putek! XD
geuyeorum #6
Chapter 3: SHET ANG SAKIT NG TIYAN KO SA KAKATAWA SA RAP NI JIN ANUBAYAN DKAJFLSNDOSJFJS
maplesuga
#7
Chapter 3: jusko fota yung fliptop ni jin SHET ANG SAKIT NG TYAN KO huta
shinxxmayora
#8
Chapter 3: putspangenangh Nesfruta yan XD hahah
grabe, dami tawa ko dito!
DAEBAK!!!
angelica #9
Chapter 3: you're so holy pepperoniii~ emeygheeeed! Haha. Ako'y napaindak, pabounce pounce pa sa aking upuan habang sinasabayan yang fliptop ni Jin and fotta! (Naalala ko tuloy siya sa Weekly Idol xD)
Laos na laos si Banana man at yung multo. </3 R.I.P Hipheyyyp sweeeg! xD
freakingfreak
#10
Chapter 3: tengeneee~ dan dan dan dalandan! is it real? is it real? XDDDD emeghed. SEOK JIN ampots XD Anong possession ang nangyayari sayo? XD UD authornim. suportado ka ng talong ni Taehyung XDDDD