Pink Paradise

Bangtan's Garden

 

Isang malamig na umaga, back to school na mula sa bakasyon ang mga studyante ng Pinakamataas na Paaralan ng Rosas na Bukid. Maraming mag-aaral ang naghahangad pumasok sa school na ito, dahil Isa ito sa mga kilalang Paaralan dahil dito nag-aaral ang mga Susunod na magmamanage ng iba't ibang negosyo sa bansa.

Pero iba si Jin Cai, hindi siya pinag-aral dito para magmanage ng negosyo o anupaman. Pinag-aral siya ng kaniyang mother dear at father dear dito para makahanap ng mayamang jowa para maiahon sila sa deep ocean ng kahirapan. Isa lang Naman ang maipapamana nila Kay Jin Cai, ito ay ang mahiwagang Puting buhok ng lolo ng lolo ng lolo niya.

Suot ni Jin Cai ang kaniyang pink helmet, habang nakasakay sa kaniyang pink de-padyak na scooter. Kapos sila sa pambili ng tunay na scooter, kung kaya't everyday siyang nagpapadyak ng kaniyang pambatang scooter na ang preno ay nasa likod. Napahinto ang isang magarang sports car na red upang kausapin si Jin Cai.

Mataas pa sa everest ang kilay ng kaklase niyang hindi naman kagwapuhan. "Jin Cai, nakaharang ka na Naman sa daan.," sabi nito. "Kung hindi dahil sayo, sana nasa Guinness na tayo dahil lahat ng estudyante ay nakasasakyan, Ikaw lang ang nakascooter.,"

Napailing si Jin Cai at napatingin sa kaniyang scooter. 'Ano namang masama Kung nakascooter ako?' Sabi nito sa isip. 

"Bumili ka Nga ng totoong scooter, mag-iiscooter ka na lang, pambata pa.," muling pagyurak ng kaklase niyang mukhang burak sa pagiging mahirap ni Jin Cai. Napatingin si Jin Cai sa kaniyang kawawang scooter na puno ng stickers ni Super Mario at Princess Peach.

 


Kabi-kabila Naman ang mga pinagkakaguluhan sa unang araw ng school. Nagyayabangan ang mga estudyante Kung saan sila galing noong bakasyon at Kung anu-ano ang mga bago nilang gamit. Mayroon pa ngang mga nagpagawa pa ng kung anu-ano sa sarili.

At syempre hindi mawawalan ng nabubully. Isang estudyante na Naman ang nakatanggap ng red cartolina mula sa naghahari-hariang F4.

Ayaw pang pumasok ng mga kaklase ni Jin Cai dahil iniiwasan nila ang kaklaseng unang araw na unang araw ay bet ng umuwi at di na pumasok. Tipong unang araw na unang araw ay gusto niya ng magdrop out. 

"Anong nangyayari?," tanong ni Jin Cai sa kaibigang si Li Jenissi. 

"Magdadrop out na yung isa nating classmate. Natalsikan niya kasi ng laway si Rap Ming Si.," sabi ni Li Jenissi. Gulat na gulat Naman si Jin Cai, ngangang nganga at lumaki ang mata.

"Laway lang?," tanong ni Jin Cai.

"Hindi, dila ang tumalsik galing sa ilong.," sagot ni Li Jenissi. "Kakasabi ko lang diba?,"

"Kawawa Naman siya, hindi siya dapat magdrop out!," sigaw ni Jin Cai garnering all the attentions from his classmates. Hinahawi niya ang mga ito sa pagtatangkang kausapin ang classmate na magdadrop out.

"Jin Cai wag! Kung ayaw mong madamay sa red cartolina niya.," hinila ni Li Jenissi ang hair ni Jin Cai, upang pigilan ito.

Natapos na mag-ayos ng gamit ang classmate nilang magdadrop-out. Sayang, bago pa naman Jansport niya. Parang hinawi ni Moises ang daan, iwas na iwas ang kaniyang mga kaklase na para siyang may nakakahawang an-an. Sakto namang dumating ang professor nila sa unang subject.

"Ano to class? Bakit nasa labas pa kayo?," tanong ng professor nila. Bakas na Bakas sa professor nila ang pagkaatat magturo dahil first day na first day ay may dala itong box ng chalk.

"S...sir, magdadrop-out na po siya.," sabi ng isa nilang classmate habang nakaturo kay kuya AN-AN na nasa harap ng kanilang professor.

"Drop-out? Unang araw na unang araw!," binitawan ng prof nila ang box ng chalk upang makapaginterpretative sermon. Kumunot  ang noo ni Jin Cai.

"Natalsikan niya po kasi ng laway si Rap Ming Si kaya po nakatanggap siya ng red cartolina.,"

'Hari-harian. Sinasadya bang matalsikan siya ng laway? Pati ba naman isang droplet ng laway kailangang umiwas sa Rap Ming Si na yan.' Sabi ni Jin Cai sa isip.

"Ano? Natalsikan mo lang siya ng laway, may red cartolina ka na? Bakit di ka kasi nag-iingat. Sana sinabi mo man lang 'Sorry po Master Rap Ming Si, baka po kasi mausog ko kayo kaya ko kayo nilawayan.'," sermon ng prof habang nagiinterpretative dance.

"Sorry po.," sabi ng estudyanteng magdadrop-out. Lalong nagngalit si Jin Cai. Pakiramdam niya ay nagrerebolusyon ang kaniyang dugo, damdamin at Tiyan. Gusto niya ng keltukan back and forth ang kanilang professor. Imbis na pigilan niya ang estudyante ay pinagtanggol pa nito si Rap Mingsi.

 


Hanggang sa loob ng klase ay di tumigil ang kanilang prof sa pagiinterpretative sermon, at di rin naman tumigil ang rebolusyon ng tiyan ni Jin Cai. Feeling niya ay kailangan niya ng maglabas ng sama ng loob.

"Alam niyo class, dapat umiiwas na tayo sa gulo. Taun-taon ay lagi na lang tayong nababawasan-,"

Nagtaas na ng kamay si Jin Cai, hindi niya na talaga kaya ang sama ng loob na nararamdaman niya, pinagpapawisan na siya ng malamig. "Sir.,"

"O ano yon Jin Cai?," tanong nito. Agad nagtinginan ang mga kaklase ni Jin Cai sa kaniya. 

"Sir, hindi ko na po kaya. Babawas-.," nakahawak ng Pasimple si Jin Cai sa kaniyang tiyan.

"BABAWAS KA PA? MAGDADROP OUT KA NA RIN?," pagpapanic ng professor nila. Agad nagbulungan ang mga kaklase ni Jin Cai na parang bubuyog.

"Hindi po sir, BABAWASAN KO NA PO ANG KARGADA KO SA TIYAN. HINDI KO NA KAYA.," pag-amin ni Jin Cai.

BOOM PANES. Panes na fish con Tausi yata ang nakain ni Jin Cai kaya't sumabog ang utot niyang blue na amoy boom Panes na con tausi.

"Ang baho!," sigaw ng isa niyang classmate. Agad na tumakbo si Jin Cai patungo sa comfort room sa fifth floor dahil alam niyang walang tao dito.

Bago pumasok si Jin Cai sa isang cubicle ay di siya magkanda-ugagang baliktarin ang  "DO NOT DISTURB, MAKIKIAMOY KA NA LANG NAGREREKLAMO KA PA" signage sa pinto ng fifth floor CR.

Pagpasok ni Jin Cai ay para siyang inawitan ng mga anghel ng live na live, nabawasan na rin ang pagdurusa niya AND POOF! It became Koko krunch! 'Dyahe, first day na first day, may LBM ako.'

Dahil wala namang tao, naisip ni Jin Cai habang siya ay nagbabawas ang mga nangyari sa kaniyang unang araw. Kumulo na Naman ang dugo niya sa F4. At dahil siya lang Naman ang nasa CR, naisip an niya ng maglabas ng sama ng loob sa paaralan.

"F4? Dapat ang tawag sa inyo, Piggy 4! Sa F ba naguumpisa ang Piggy? Teka, mali. Dapat ang tawag sa inyo Figgy 4! Mga Fanget! Wala kayong alam Kundi mang-afi ng kafwa! Anong tingin niyo sa sarili niyo? Mga naghahari-harian! Fati mga teachers. Kayo ang nagfafalakad sa school na 'to! Anong klaseng eskwelahan to? Fangit! Vulok! Walang sistema!" Pagsigaw niya. Parang gumaan ng bahagya ang kaniyang kalooban. Nailabas niya na rin kasi ang huling hibla ng kaniyang sakit ng tiyan. 

Agad siyang naghanap ng tissue ngunit wala siyang makita. Nangasim na ng tuluyan ang mukha ni Jin Cai. Para siyang sasabog na bulkan pero gwapo pa rin Naman. 


"WALA NG SISTEMA, WALA PA KAYONG TISSUE!," 


It is official, napili na ni Jin Cai na labasan ng sama ng loob ang CR sa fifth floor na tinawag niya ng 'Pink Paradise'.

 

 


 

IFAGFATAWAD NIYO PRIENDS AT NGAYON LANG AKO NAGUFDATE.
SEMANA SANTA KASI.

BTW HAPPY EASTER!

HUMAYO TAYO AT MAGEGG HUNT! 

HART HART.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Gilibean
#1
Chapter 1: PAKAK BESH BENTA SAKIN ITONG FIC NA ITO AHAHHAHAHHAHHA
exoticspirit #2
Chapter 3: Hahaha! Daebak ang fliptop ni Jin. xD i kennat! Update soon~
maknaeria
#3
Chapter 2: GRABE YUNG EMAIL LAPTREP KA ZI TAE XD
maknaeria
#4
Chapter 1: GRABE TU XD HAHAHA
maknaeria
#5
Wahaha foreword palang, laughtrip na putek! XD
geuyeorum #6
Chapter 3: SHET ANG SAKIT NG TIYAN KO SA KAKATAWA SA RAP NI JIN ANUBAYAN DKAJFLSNDOSJFJS
maplesuga
#7
Chapter 3: jusko fota yung fliptop ni jin SHET ANG SAKIT NG TYAN KO huta
shinxxmayora
#8
Chapter 3: putspangenangh Nesfruta yan XD hahah
grabe, dami tawa ko dito!
DAEBAK!!!
angelica #9
Chapter 3: you're so holy pepperoniii~ emeygheeeed! Haha. Ako'y napaindak, pabounce pounce pa sa aking upuan habang sinasabayan yang fliptop ni Jin and fotta! (Naalala ko tuloy siya sa Weekly Idol xD)
Laos na laos si Banana man at yung multo. </3 R.I.P Hipheyyyp sweeeg! xD
freakingfreak
#10
Chapter 3: tengeneee~ dan dan dan dalandan! is it real? is it real? XDDDD emeghed. SEOK JIN ampots XD Anong possession ang nangyayari sayo? XD UD authornim. suportado ka ng talong ni Taehyung XDDDD