Paper Cut

Bangtan's Garden

 

So after some weeks, nanatiling payapa ang pag-aaral ng magkaibigang Jin Cai at Li Jenissi sa Pinakamataas na Paaralan ng Rosas na Bukid. Sa umaga, part-time estudyante sila, pagsapit ng tanghali, part-time alipin. Tapos si Jin Cai, pagsapit ng hapon part-time tindera sa bakery at pag-uwi part-time tagasalo ng sermon ni inay.

Jin Cai = part-time estudyante, part-time alipin, part-time tinapay, part-time basket.

Tapos na ang klase nila at napagdesisyunan nilang sa faculty Naman muna tumulong. Nautusan silang iakyat ang mga bagong stock ng bond paper mula sa stockroom sa 1st floor.

"Ang bigat Naman nito.," reklamo ni Li Jenissi habang bitbit ang pitumpu't pitong puting papel na pinagpatong-patong. 

At dahil Friday the 13th nga, meron talaga silang kamalasang mamimeet sa daan. Hindi nila ito maiiwasan. Dahil sa pitumpu't Pitong puting papel na pinagpatong patong, hindi nakita ni Li Jenissi ang balat ng saging sa hagdan ng school.

At dahil half hotdog, half shunga si Li Jenissi, natapakan niya ito habang dada ng dada ng mga reklamo niya Kay Jin Cai. Oh Kay saklap ng buhay.

"AAAAAAAAAAAAAH!!!!!!," sigaw ni Li Jenissi habang nagfly sa ere ang pitumpu't Pitong puting papel na pinagpatong patong kasama ang saging na natapakan niya somewhere down there. Napakapit siya sa bars ng hagdan. "JIN CAI TULONG!,"

Busy Naman ang ating bida sa pagkutkot ng kaniyang kuko at nagsasoundtrip, hawak niya ang plastic ng Labinlimang Lala ni Lola Lilia. Narinig niya ng bahagya si Li Jenissi na naaksidente na sa hagdan.

"ANO KAMO? TALONG?," sigaw nito at hindi inintindi ang kaibigan. 

"TULONG!," muling pagsigaw ni Li Jenissi na paiyak na dahil napunit ang uniform niya sa may bandang kilikili.

Nang maintindihan siya ni Jin Cai ay agad itong tumalikod sa pag-aalala. Laking gulat niya ng makita si Li Jenissi na wala ng hawak na Pitumpu't Pitong puting papel na pinagpatong patong, at nakahawak na sa bars ng hagdan. "Bakit ka nagwowalling sa hagdan?!?!," 

"Hindi ako nagwowalling, Nabutas ang uniform ko.," sabay turo nito sa kilikili part. Nanlamig Naman si Jin Cai sa kaniyang nakita. Isang taong duguan sa likod ni Li Jenissi ang nakatingin sa kanila na para silang papatayin. 

Kasama ng taong duguan ang isang taong saging.

"AAAAAAAAH!!!! LI JENISSI! MULTO! SA LIKURAN MO!," napasigaw ng malakas si Jin Cai sa mga di maipaliwanag na elemento na nasa likod nila. Dahan dahan namang Tinignan ni Li Jenissi ang multo dahil ayaw niyang mashock. 

Kalmado siyang tumalikod ng dahan dahan at nakita niya rin ng portion by portion ang multo at taong saging. Bumilis ang tibok ng Puso niya sa kaba na baka kukunin na sila ng multo.

"Koya, wag po Koya.," niyakap ni Li Jenissi ang katawan akmang poprotektahan ito from . "Kunin niyo na ang lahat sa akin, wag lang ang kaibuturan ng aking pagkalalake.," pagiyak nito sa multo. 

"Hoy kayo, hindi niyo ba ako nakikilala?," tanong ng multo.

 

 

TINGNINGNINGNINGMINGMINGTILILINGLINGLING!


Ito na ang hudyat ng pagtunog ng live na live na pagbibeatbox mula sa taong saging. Kasabay ng pagbibeatbox niya ang pagtalsik ng walang pakundangan niyang laway sa mukha ni Li Jenissi.

"Yo, yo, 
Sino ba kayo para sigawan ako ng ganyan?
Ako si Rap Ming Si sa school naghahari-harian.
Ikaw kumag ka, haharang-harang ka sa daan.
Sa kamalasan mo tuloy mukha ko ay duguan.,"
pagrarap ni Rap Ming Si.

Napaisip ng lubos si Li Jenissi dahil di pa tapos ang pagbibeatbox ng taong saging kahit tapos na ang litanya ni Rap Mingsi. Bukod pa doon ay si Rap Ming Si pala ang nakabangga niya at mas lalong nabaon siya sa balon ng kamalasan. Naiisip niya tuloy na baka Friday the 13th din bukas, at bukas, at sa susunod na bukas.

"Patawad Rap Ming Si.," paghikbi ni Li Jenissi. Ngunit tinulak lang siya ni Rap Ming Si. Nagpatuloy sa pag-akyat sa hagdan si Rap Ming Si at ang taong saging na nagshower ng biyayang laway.

"Hintayin mo na lang... Ang red cartolina mo bukas.," sabi ng taong saging na pagsumahanggang ngayon ay nasa mukha pa rin niya ang saging na lumipad sa mukha niya.

Lalong natakot si Li Jenissi at lalo namang nagalit si Jin Cai sa F4.

"HOY!," hinila ni Jin Cai si Rap Ming Si sa Balikat.

"Bakit?," tanong Ni Rap Mingsi. First time niyang masigawan ng Hoy.

"Wanna taste some green orange?," tanong ni Jin Cai at May dinukot sa bulsa niya.

"Green orange for real?," ngayon lang narinig ni Rap Mingsi ang Green Orange. Napaisip siya ng lubos Kung pano naging green ang orange.

Paano naging green ang orange? 

"Dan dan dan... Dalandan! Kitang kita, real na real!," kinuha pala ni Jin Cai ang kalahati ng dalandan na kinain niya nung lunch sa kaniyang bulsa. Ikinuskos niya ito sa sugat ni Rap Mingsi.

"ARAAAAAY!!!!," sigaw ni Rap Ming Si habang napahawak sa kaniyang mukha.

"Bro, mahapdi yan! Try mo tong saging.," sigaw ng taong saging na nireveal na ang kaniyang identity. Siya pala si Mei Suga.

"Aba matapang ka ha!," sabi ni rap Ming si at dinuro si Jin Cai.


At ito na talaga iyon, ano sa tingin niyo ang susunod na gagawin ni Jin Cai?

"Kilala kita.," sabi ni Jin Cai ng buong pagmamalaki. "Ikaw yung leader ng F4 na mukhang pineapple.," 

Tumingin si Jin Cai Kay Li Jenissi at sumenyas na kaya niya na ito. 'Magbeatbox ka.' Pabulong na sabi niya at sinunod Naman siya ng kaibigan. 

ON THE RED CORNER, MASTER RAPPER JIN CAI MULA SA PAMILYA NG GREEN DAHON.... WEST SIDE TIL WE DAH!

"Naui ireumeun Jin Cai....
Pinakapogi sa aming barangay..
Oo Nga't kami ay mahirap, 
Di katulad mo puro ka sarap..

Sarap Kung sarap,
Pero bat mas mukha ka pang mahirap?
Sarili mo wag mo na sa akin icompare.
Sa ating dalawa mas mukha ka pang snatcher.

Brief ko no garter,
Cellphone ko walang charger,
May wallet ako pero walang laman,
Okay lang, kasi sa papogian ako ang lamang.
Kumpara sayo mukha kang alamang.

Kaibigan ko nagsorry, sa mukhang di niya ginawa,
Kung chaka ka, tanggapin mo, wala ka ng magagawa
Kasalanan mo naman may elevator, bat naghagdan?
Di ko alam Kung di mo alam o nagtatanga-tangahan.

Yung mukha mo ang funny, para kang mamon.
Puro ka pisngi, may malalim kapang balon..
Dimples ba yan? O baka bakuna mo noon.
Akala ng doctor pwet, kaya doon ibinaon.,"
mahaba-habang pagfifliptop ni Jin Cai. 

Sa sobrang haba ng kaniyang sinabi ay nakulangan siya ng hangin, kaya medyo namutla siya at naging color blue. Natulala naman si Rap Mingsi at Mei Suga sa ginawa ni Jin Cai. Hindi nila napansin na dumating na ang dalawa sa F4 at pinanood ang naganap na fliptop battle.

"Ang tawag dito, paper cut, hindi ako Chaka,," at dinuro ni Rap Mingsi ang noo ni Jin Cai. Nag walkout ang F4 at naiwan si Li Jenissi at Jin Cai.

Magkahalong kaba, takot, ginhawa at pururot ang nararamdaman ni Jin Cai para sa mga susunod na araw. Maaaring matapang siya ngayon, pero alam niyang di na siya titigilan ng F4.


'Oh my sinabawang gulay, lagot ako nito bukas.'


 

 

AT AYUN NA NGA.... 
MAHAL KO KAYO GUYS!!!! I KENAT PINAT POKNAT CHOKNAT WITH EVERYTHING.

SALAMAT PO SA MGA SUMUBSCRIBE AT NAGBABASA. HARTHART.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Gilibean
#1
Chapter 1: PAKAK BESH BENTA SAKIN ITONG FIC NA ITO AHAHHAHAHHAHHA
exoticspirit #2
Chapter 3: Hahaha! Daebak ang fliptop ni Jin. xD i kennat! Update soon~
maknaeria
#3
Chapter 2: GRABE YUNG EMAIL LAPTREP KA ZI TAE XD
maknaeria
#4
Chapter 1: GRABE TU XD HAHAHA
maknaeria
#5
Wahaha foreword palang, laughtrip na putek! XD
geuyeorum #6
Chapter 3: SHET ANG SAKIT NG TIYAN KO SA KAKATAWA SA RAP NI JIN ANUBAYAN DKAJFLSNDOSJFJS
maplesuga
#7
Chapter 3: jusko fota yung fliptop ni jin SHET ANG SAKIT NG TYAN KO huta
shinxxmayora
#8
Chapter 3: putspangenangh Nesfruta yan XD hahah
grabe, dami tawa ko dito!
DAEBAK!!!
angelica #9
Chapter 3: you're so holy pepperoniii~ emeygheeeed! Haha. Ako'y napaindak, pabounce pounce pa sa aking upuan habang sinasabayan yang fliptop ni Jin and fotta! (Naalala ko tuloy siya sa Weekly Idol xD)
Laos na laos si Banana man at yung multo. </3 R.I.P Hipheyyyp sweeeg! xD
freakingfreak
#10
Chapter 3: tengeneee~ dan dan dan dalandan! is it real? is it real? XDDDD emeghed. SEOK JIN ampots XD Anong possession ang nangyayari sayo? XD UD authornim. suportado ka ng talong ni Taehyung XDDDD