FHOgI 4

Bangtan's Garden

 

 


Kauumpisa lang ng eskwela, pero umpisa na rin ng mga duties ni Jin Cai bilang student assistant kasama si Li Jenissi. Sa umaga, kapag breaktime ay nagpupulot sila ng mga lata na nakakalat sa school. Sa hapon Naman ay tumutulong sila sa faculty department.

One day, isang araw, sa kanilang pamumulot ng mga lata ni Li Jenissi, ay nakasalubong nila ang apat na lalaking nakasalubong din ang kilay dahil sa init ng ulo.

Ibinaba muna saglit ni Jin Cai ang mga nakolekta niyang lata para magpahinga. Hindi niya ba kasi maexplain Kung bakit pagkakapal-kapal ng uniform nila at tagaktak na ang pawis niya. Ibinaba rin muna ni Li Jenissi ang kaniyang basket upang tabihan si Jin Cai nang biglang may apat na lalaking mistulang taong bagyo ang dumating.

Bumaba sila mula sa apat na Magagarang car at lahat ay napatingin sa kanila. Si Li Jenissi ay napastop-look and listen sa apat na kararating lamang ng school.

"F4.," turo nito Kay Jin Cai. Napatingin Naman si Jin Cai sa apat na nakakasilaw na lalaki. Hindi niya alam pero nakakasilaw talaga sila sa gitna ng tirik na tirik na araw. Para silang araw na bumaba sa lupa.

"Pakipatay ang flashlight!," sabi ng nakapineapple hairstyle sa mga bodyguard na nakapalibot sa kanila. Napatawa Naman ng bahagya si Jin Cai sa kaniyang narinig. 'Sus, flashlight lang pala.'

Pero isang very very wrong na galaw ang pagpapapatay ng nakapineapple hairdo sa mga flashlights. Nakita na kasing malinaw ang kaanyuan ng F4. Para silang mga anghel na ibinagsak sa lupa. 

Ang nasa gitna, ang leader, ang nagpauso ng nagsusumigaw na pineapple hairstyle na blonde, plus bandanang naghihimutok sa salitang "change", si Rap Ming Si.

Nasa kanan Naman niya ang isang lalaking nakapangboy next door na pormahan, wearing white sando and gray puruntong shorts. Isama mo pa ang masama ang loob na Rambo slippers niya, si Jimen. 

Nasa kaliwa Naman ang kahit wala ng flashlight ay kumikinang pa rin sa kaputian. Suot nito ang tadtad sa bulaklak perfect definition ng floral na polo at yellow pants. Siya ang pinakamagandang halimbawa ng color blocking, si Mei Suga.

At nasa likod, ang isang lalaking humihingi ng katarungan ang orange na buhok, wearing red Laban o Bawi t-shirt, tahimik pero malakas ang dating, Hua Zi Tae.

BLAGADOOM.

Sa isang iglap ay nasira ang moment nila. Parang hindi lucky day ng professor nila Jin Cai sa Math. Parang pinaulanan ito ng sangkaterbang kamalasan ngayong araw na bet na lang niyang maghagis ng piso sa wishing well.

Daldal kasi siya ng daldal over the phone at hindi napansin ang F4 sa kaniyang harapan. Hindi niya sinasadyang natapakan ang black leather shoes ni Rap Ming Si. Umakyat sa ulo ng professor ang kaniyang kaba. Tumagaktak ang pawis niya.

"Naku, sorry Rap Mingsi.," pagiyak ng professor. Para namang walang narinig si Rap Mingsi at tulala lamang.

"Kung katanggap-tanggap ang sorry, bakit may batas? Bakit may parak? Bakit nakakulong si GMA?," tanong ni Rap Mingsi. 

"Sorry na talaga. Pupunasan ko na lang ang sapatos mo.," bumaba Naman ang professor para punasan ang sapatos ni Rap Mingsi. Sinipa niya ito at napaupo ang professor sa ground. Lumakad na ang F4 at sinipa ang basket na puno ng lata.

'ANG MGA LATA KO! ANG KAPAL NG MUKHA MONG PISNGING TINUBUAN NG MUKHA KA.' nagalit si Jin Cai at umusok ang ilong na parang toro.

Pero nawala ang lahat ng galit nito nang isa sa F4 ang bumalik para itayo ang basket. Ang nakared Laban o Bawi Tshirt, si Hua Zi Tae. 

Parang tumigil ang mundo ni Jin Cai sa magandang mata ni Hua Zi Tae na para ba siyang namesmerize sa mata nito at makapal niyang eyeliner. 

'May kakaiba pala sa F4. Mukha siyang maamo.' Bulong ni Jin Cai sa sarili. Umalis na si Hua Zi Tae pero naiwan siya ng F4.

"RAPMINGSI? MEI SUGA? JI MEN? BAT NIYO KO INIWAN? HOW CAN I BRUSH MY TEETH? CRISPIN? BASILIO?" Hindi alam ni Tae Kung San siya tutungo. Left ba o right o diretso?

Saan pupunta si Tae?
A. Kanan
B. kaliwa
C. Diretso

Send your answers to [email protected]

 

Matapos ang mga klase at gawain sa school ay dumeretso na si Jin Cai sa kaniyang parttime job sa Toppdogg Bakery. Nagpupunas siya ng kaha ng dumating ang late na late na si Xiao Hyo. Sinuot na ni Xiao Hyo ang kaniyang apron na kulay pink rin. Napansin agad ni Xiao Hyo ang katamlayan ng kaibigan.

"Jin Cai, buhok ka ba sa kilikili?," tanong ni Xiao Hyo.

"Huh? Bakit?," tanong ni Jin Cai.

"Sabog ka kasi.," sabay tawa nito. At pumwesto na sa mga lagayan ng cakes. Hindi makabawi si Jin Cai dahil sa lumbay nito. 

"May problema ka ba?," tanong ni Xiao Hyo at umakbay Kay Jin Cai. Lalong kumunot ang noo ni Jin Cai.

"O, tignan mo. Salubong kilay mo.," pero lalo lang kumunot ang noo ni Jin Cai pero hindi ito dahil sa problema niya sa F4, kundi sa isang mabagsik pa sa wild Pokemon na amoy.

"Xiao Hyo, Para kang variety ng mga tinapay dito sa Bakery.," tanong ni Jin Cai.

"Huh? Bakit?," tanong ni Xiao Hyo habang ngiting ngiti.

"MAY PUTOK.," at ibinaba ni Jin Cai ang braso ni Xiao Hyo. Nagsimangot si Xiao Hyo at inamoy ang kaniyang sarili. MAging siya ay hindi nakasurvive. Napagdesisyunan niyang wag na lang itong itaas, buong araw.

"Pero Jin Cai, kamusta Naman ang F4? Nabasa ko sa internet, ang meaning pala ng F4 ay FHOgI 4. Friends Hanging Out are Good Influences 4.," tanong ni Xiao Hyo habang pinagpapatuloy ang pagpupunas ni Jin Cai.

"FHOgI 4? Ano ba namang pangalan yun, nakakatawa, parang yung mukha Nung leader nilang puro pisngi, mukhang Siopao na tinubuan ng mata na may pineapple hairstyle, ano ba naman yun? Nakakatawa talaga, kung makikita mo lang.," natawa si Jin Cai. "Pero, may naiiba sa kanila Xiao Hyo.," 

 

Nagulat si Xiao Hyo sa pagpapakita ng interes ni Jin Cai, napangiti Naman ng matamis pa sa honey mula sa pulut-pukyutan si Jin Cai ng maalala ang mga mata ni Tae at ang pak na pak nitong eyeliner.

 


EEEEE VJIN/TAEJIN. ENEBE. HART HART.

SWAG YOLO YO 

NAKAKALUHA NG BEADS ANG MGA COMMENTS NIYO. 

AKSJHHDJSKKSJHAJKS.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Gilibean
#1
Chapter 1: PAKAK BESH BENTA SAKIN ITONG FIC NA ITO AHAHHAHAHHAHHA
exoticspirit #2
Chapter 3: Hahaha! Daebak ang fliptop ni Jin. xD i kennat! Update soon~
maknaeria
#3
Chapter 2: GRABE YUNG EMAIL LAPTREP KA ZI TAE XD
maknaeria
#4
Chapter 1: GRABE TU XD HAHAHA
maknaeria
#5
Wahaha foreword palang, laughtrip na putek! XD
geuyeorum #6
Chapter 3: SHET ANG SAKIT NG TIYAN KO SA KAKATAWA SA RAP NI JIN ANUBAYAN DKAJFLSNDOSJFJS
maplesuga
#7
Chapter 3: jusko fota yung fliptop ni jin SHET ANG SAKIT NG TYAN KO huta
shinxxmayora
#8
Chapter 3: putspangenangh Nesfruta yan XD hahah
grabe, dami tawa ko dito!
DAEBAK!!!
angelica #9
Chapter 3: you're so holy pepperoniii~ emeygheeeed! Haha. Ako'y napaindak, pabounce pounce pa sa aking upuan habang sinasabayan yang fliptop ni Jin and fotta! (Naalala ko tuloy siya sa Weekly Idol xD)
Laos na laos si Banana man at yung multo. </3 R.I.P Hipheyyyp sweeeg! xD
freakingfreak
#10
Chapter 3: tengeneee~ dan dan dan dalandan! is it real? is it real? XDDDD emeghed. SEOK JIN ampots XD Anong possession ang nangyayari sayo? XD UD authornim. suportado ka ng talong ni Taehyung XDDDD