Chapter 4

The Deer's Lover

               “Outing tayo!” sabay na sabi ni Fred at Red. Kaclose na din kasi nila Caleb si Red kahit hindi sya pumapasok sa SLU. Lagi kasi silang nakatambay sa apartment nila Fred… well, kahit ako… hihi

          “Tara! This week end punta tayo sa White Paradise! Sabi nila maganda daw dun.” Sab ni Franz.

          “Minjae, isama mo na din si Eugene para madami tayo!” sabi ni Caleb… tss. Utot neto. Trip nya kasi bestfriend ko. Chiks daw eh, chiks. *sigh* mga lalaki talaga.

          “Oo na. alam ko naman kasing crush mo sya.” Sabi ko. Ayun. Namula si Gago. Talaga naman.

          “Huh?! Hi-hin-di ah. Masayang kasama s Eugene kaya gusto ko syang sumama.” Pagdadahilan nya.

          “Ayun. Inamin dn na gusto nya si Eugene.” Panggagatong ni Greg… nanlaki mga mata ni Caleb. Haha nagtawanan tuloy kami. Ang saya.

          “Ano… Who is… Eugene?” pagtatanong ni Luhan. Ay. Shocks. Oo nga pala, hindi pa nya kilala si Eugene.

          “She is my bestfriend since highschool. Pumapasok sya ngayon sa St. Claire University.” Pageexplain ko sakanya.

          “Oh.”

          “Nyer. Oh lang ang masasabi mo? Haha anyway, wag kang magalala makikilala mo din sya.” Sabi ko sakanya tapos tnapk-tapik yung balikat nya.

 

 

=OUTING!!!!=

 

          “Oh. Bat muka kang constipated?! Maganda ka naman sa suot mo. Ngungurob-ngurob ka dyan.” Sabin ni Fred sakin. Nakalugmok kasi ako dto sa buhangin na katabi ng cottage naming. Kasi naman si Eugene eh. Peste talaga yun.

FLASHBACK

          Dumating kami sa White paradise using Luhan’s Pickup. (Yaman!) lahat sila naka getup ng pang beach talaga. Yes… hot and everything that comes with it. Pero ako… naka white V-neck shirt at naka board shorts ako… okay normal undies lang ang suot ko… wala naman kasi akong balak magswmming… ang pinunta ko lang din ay ang pagpipicture… pero nagdala ako ng 2 sets of extra clothes… alam nyo na… baka bigla nalang nila akong ihagis sa tubig… naghahanda lang ako. Girl scout to! Nauna na dumating si Eugene sa WP at hinatid sya ng kuya nya. Nung snalubong nya kami…

          “Hay Fred. Tama nga ang hinala natin… okay lang. ready ako.” Tapos naka evil smile sya. Takteng ano nanaman ang bnabalak nitong babaeng to. Napatingin ako kay Fred… naka evil smile din sya.

          Maya maya din… kinaladkad ako ni Eugene sa isang changing room o kung ano man ang tawag dito na nakatayo sa gitna ng buhanginan. Nabigla ako nung bigla nya akong hinubadan ng shirt.

          “Oi, tol. Akala ko ba girl ka! Ano tong ginagawa mo! Medyo boyish ako, oo pero hindi ako lesbian o tibo! Nassiraan ka na!” nagsisisigaw ako kasi wala na yung shirt ko.

          “HEH! Manahmik ka nga. FYI babae ako! Crush ko nga si Caleb ng very very lght diba! At tska kaya kita hinubadan kasi ito ang isusuot mo.” Tas may pinakita sya sakin na plain black na two piece at black and white na board shorts… and when I say shorts… talagang short! Makikita ang kaluluwa ko neto pagbumukaka lang ako ng kaunti! Eh mahilg pa naman akong bumukaka! Kamote! Takte. Natgilang ak.

          Ayun. Sinisimulan nanaman nya akong hubadan.

          “Tol. Wag kang ano! Bat mo ako binoborless-an! Teka! Wag yung shorts ko! Paborito ko to! Ano ba!” pagrerekla mo ko habang nagmimistulan kaming nagre-wrestling sa loob nung maliit na changing room.

          “Tol. Ikaw ang wag magano! See this (tas pnakita sakin ulit yung mga dala nya) you wll wear this.” Sabi nya with an freakishly evil smirk.

          “Oh come on mammon! Are you kidding me? I’m not wearing that… that baby clothes! They are too small!” sabi ko at after nun may narinig kaming nagsalita sa labas nung room.

          “Oi! Baka kung ano na ang ginagawa nyo dyan hah. Malapit na ba kayong matapos?” ugh. FRED.

          “Taena mo ka, Fred! Hayop! Pakana mo to!” sigaw ko. At nakarinig ako ng mga nagsisitawanan sa labas.

          “Bhe. Its for your own good.” Sigaw nya.

          “Utot mo!” sabi ko. Napatingin ako sa sarili ko… erhmmm… wala na akong shrit at shorts…

          “Tol… ikaw magbbihis nito sa saril mo o ipagpapatuloy ko ang pamomolescha ko sayo?” tanong ni Eugene at winawagayway pa yung mga dala nya sakin.

          “HEH! Labas na! ako na! mga pahamak! Ang sasama nyo! Labas!” sigaw ko at knuha sa kamay n Eugene yung mga damit at lumabas na sya.

          “Sus! Love mo naman ako eh.” Sigaw nya galng sa labas.

          “Heh! I hate you!” sigaw ko sakanya.

          “I love you too!” sumgaw ulit sya. *sigh* napa buntong hininga nalang ako… pano na to. Napa titig ako dun sa hawak ko.

          DUN-DUN-DUNDUUUUUUUN

          Two piece… sinimulan ko na isuot yung pang baba at shorts… itong taenang pang taas ang hindi ko mawari kung papano susuot!  Taena, sumasakit ulo ko.

          “Tol, ano, may balak ka pa bang lumabas dyan?” sigaw ni Eugene.

          “Taena nama kasi tong pangtaas! Mas mahirap pa to sa Math!” sigaw ko.

          “Teka, papsok ako. Amma help yah.” At ayun pumasok na sya. Nung matapos naming pagtulungang isuot sakin yung pangtaas bgla nalang sumigaw si Eugene.

          “KyaaaaaaaH!!! Ang hot mo!! Kung lalaki lang ako baka hinalay na kita!!  Kyaaaa-aray!” hinampas ko yung braso nya.

          “Manahhimik ka!” sigaw ko sakanya. Bigla nyang pnipilit tanggalin yung shorts na pinasuot nya sakin.

          “Ugh. Wag ka nalang magshorts! Panira lang yan! Hubadiiiii-aray! Ano ba! Nakakadalawa ka na ah!” hinampas ko kasi ulit sya.

          “Eh kasi naman! Muka na nga akong bubad ditto sa suot ko, tapos babawasan mo pa!” tama na to. Sinuot ko na nga magrereklamo pa.

          “Sige na mga. Lalabas na tayo.” Nauna si Eugene… knakabahan akong lumabas. Pano kung hindi naman bagay sakin yung suot ko. Baka pagtawanan ako ni Luhan… o ispin nya nagpipilit lang ako. Tsk naman kasi.

          “Presenting Kim Min Jae! The girl that is overflowing with so much hotness an---Aray!” pinalo ko ulit sya. At tuluyan nalang lumabas. Nanahimik silang lahat… ano yan… may isang milliong anghel na nagsisidaanan. Nakatingin lang sila lahhat sakin… napatingin ako kay Luhan… bigla syang lumunok… okay… mukang panget sakn ng suot ko.

          “See. Wala slang masabi. Tol, magbbihis na ako. Hindi bagay sakin to.” Pagmamaktol ko. Nung pabalik na ako sa loob nung changing room biglang nagsalta si Luhan.

          “Wag!---“ napalingon naman ako sakanay. Nakatingin sya sakin.

          “--- kasi… ano… uhmmm… bagay sayo suot mo.” Sabi nya. Hihi parang sumaya ako. Bigla pati syang namula.

          “Joahhae?” tanong ko sakanya. Tiningnaman ko sya sa mata nya… biglang lumaki mga mata nya.

          “N-ne, Jo-joahhae-yo.” Nauutal na pagkakasabi nya.

          “Okay.” Matipid na sagot ko… at nagsimula na akong maglakad papunta sa pinaka malapt na cottage at sumunod sila… pagkalagay ko ng gamit sa loob nung cottage… lumabas ako at umupo sa buhanginan malapit sa cottage at nagsmula nang magngurob-ngurob… Ugh. I’m going to hate this day.

END OF FLASHBACK

          Kaya ito… andito ako ngayon. Peste!!! Bat ko tinanong kay Luhan kung gusto nya yung suot ko!! , MAN! NAKAKAHIYAAAA!!

 

 

 

-----------------------------------------------------

 

Okay. sorry sa maling spelling, grammar at mga nawawalang letter I o kahit anong letter. haha 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
MySecretDesire
#1
Guys vote for Ailee!! MAMA Awards 2013 for Best Female Artist and Best Vocal Performance. Let's support her ♥ Vote everyday!