Chapter 1

The Deer's Lover

                      Ang hirap mag-aral kung alam mong dapat nagwo-work ka na… na dapat nasa hospital ka na at isang Registered Medical Technologist o kahit Phlebotomist lang… blood here, blood there, blood everywhere… *sigh* Legal Vampire ba. Hehe pero bilang hindi ko talaga nagustuhan nung medyo tumatagal na… hindi ko na kinaya. Ang monta nga eh. Kung kelang malapit na akong grumaduate saka pa umayaw. Boplaks to the max! pero ngayon kinukuha ko na yung gusto kong course… BSVS o Bachelor of Science in Vulcanizing Shop… Chos. BSHRM and tinatake ko. Masaya naman ang buhay ko ngayon. Matataas di ang grades, kung dati dugo-dugo ang inaatupag ko sa school, ngayon luto-luto na. oh hah. San ka pa? Nung Medtech ako sa Mogador University ako pumapasok, medyo mahal dun, pero keri naman ng parents ko. Pero ngayon na nag-HRM na ako, lumipat ako ng St. Lorien University, maganda daw ang HRM nila dito, kasama ko dito lumipat yung classmate ko since high school, pero kilala ko na sya simula nung mga grade school students pa kami. Ang pangalan nya ay Joon Fredrick Gonzales, sinales talk ako sa page-HRM kahit alam naman nya na yun na talaga ang kukunin ko. Kulit. Half-Korean ang tukmol nato. Korean si Mommy nya at Pinoy si Daddy nya. Kaya maputing singkitin at matangkad sya. Yung best friend ko naman na si Meryl Eugene Alvarez, pure pinay sya, pero chinita, matangkad din sya. Magka-height kami at maputi din. HRM student sya sa St. Claire University. Hindi kasi kami pwede pumasok sa iisang school at walang mangyayari samin kung hindi magtawanan na may libreng hampas lang kaming dalawa. In short, NO FUTURE. Haha so hindi ako lumipat sa pinapasukan nya.

                      This is my second year being an HRM student, lagi kong mga kasama sa school eh puros lalaki… hephephep. I’m a girl. I tend to trust guys more… I just don’t feel girls that are... you know… too girly and full of bedazzled things in them. But I do have girl friends… friends that are girls… ugh. You get what I mean. Originally, kami lang ni Fred ang magkasama pero nakilala namin si Pete nung First year kami tas nagstop sya nung 2nd semester. Tapos ayun. Nakasama na naming ni Fred si Caleb, Greg, Gab (pero nagstop na din sya ngayon 2nd year),  and Franz (FYI boy sya). Sila sila lang ang kasama ko sa lunch pero pagdinner si Caleb, Fred at Red ang kasama ko. Si Red kasama ni Fred sa apartment, kapatid sya nung kabatch naming nung high school, pero naging close friend na naming nila Fred at Eugene. Ako naman naka Boarding House lang. masaya naman din. Makukulit nga kasama ko dun. Mahihilig ding kumain. 80% ng mga nakatira dun HRM students tas the rest Education at Criminology ang tinatake. Si Caleb naka apartment din with his brother at yung kinikapatid ng brother nya. Ay. Si Red nga pala ay IT student sa STI. Reddick Lavarez and real name nya.

                        Kwento ako ng kwento hindi nyo naman ako kilala. Haha Hi. My name is Kim Min Jae. I’m 2 Parts Korean, 1 Part Japanese and Pinay. Anlabo. My Mother is Half-Korean and Half-Japanese and my father is Half-Korean and Half-Filpino. Do you get it now? Hope so. Kaya nagkakasundo kami ni Fred. Medyo parehas kami. As I have told you, dapat graduate na ako, kahit si Fred at Eugene. I’m already 21 years old, Fred and Eugene are 20 years old. Dapat nagwo-work na kami at may kumikitang kabuhayan na. pero sa kamalas-malasang kapalaran. Medyo matatagalan pa kami.

                      Since Irregular Student ako sa SLU, I only have a few subjects, anim lang. Isang linggo na ang nakakaraan nung nagsimula ang pasukan ngayon semester. Since Monday, I have Microbology and Parasitology, Coffee Shop and Computer 2, this is also my schedule every Wednesday. As usual maagap ako. Sila Caleb may PE pa ngayong umaga, kaya mauuna talaga ako sa room, pero classmate ko din sila dito sa subject na to. Pagpasok ko sa classroom nilagay ko yung bag ko sa unahan na katabi ng pinakamalapit na upuan sa pinto, masarap sumandal sa dingding eh,  bakit ba? Ano ba yan. Ang agaaga naiihi ako.

                    “Tsk. Takteng urinary bladder kong ito. Keagaaga naghihimutok ka. makaCR na nga muna.” Pagngungurob ko sa room namin. Ayun makapunta na nga sa CR. After kong gawin yung business ko sa CR at pagbalik ko sa classroom, may nakita akong brown na backpack na mukang pangkorean. Ang cute. Nako pagnakita to ni Fred, mawiwindang yun. Nung tatanggalin ko na yung bag na brown para ilipan sa ibang upuan, kasi naman kasi, upuan ko yan eh. First come first serve. May nagsalitang lalaki.

                     “Uhm. Akin yan.” Medyo mahinahon yung boses nya. Not too manly but not too girly either. Sakto lang para sa lalaking… sakto lang? gets nyo? Haha tas nung paglingon ko… ANG LIWANAG! Ano ba tong lalakng to? Nagliliwanag sa kagwapuhan. Maputi sya, coffee brown ang kulay ng buhok nya at magkasing tangkad kami. FYI, nakaheels ako na 3 inches. Pero 5’7” ako pagnakaflats ako. Diba nga. Matangkad ako. Matangkad si kuyang pogito. Pero syempre hindi ko pwedeng ipakitang kinikilig ako. Panget naman nun. Makiri akong tingnan. Haha

                     “Sorry. But this is my chair. My name might not be written on it, but I always sit here. Inunahan na kita, baka pilosopohin mo pa ako.” Pagtataray ko ng very very light lang. Haha pero hindi ko kinaya. Nagsmirk nalang ako ng medyo nakakaloko. Ngumti naman si pogito. WWWAAAHHHH!! Killer smile!!

                      “Nice. Can I take the seat beside you then?” pagtatanong nya. Pero shiiiit~~~~ nakasmile padin sya. Pigilpigil pa Minjae. Baka magtitili ka bigla dyan! Did I mention na chinito sya at may eyesmile pa at maganda mga pearly whites nya? Hindi? Haha SHEEEET~~~ ang gandaaaa!!!

                      “If you share your desk to me, then yes. You see, I’m left handed. This university didn’t make any chairs for lefties.” Sabi ko habang binibigay sakanya yung bag nya tas naupo na ako.

                    “Sure.” Sabi nya tas umupo na sa tabi ko. Mayamaya nagsalita ulit sya.

                     “Hi. I’m Lu Han” tas gustong makipagshake hands… syempre ang lola nyo nakipagshake hands din! EEEEKKK!! Ang lambot ng kamay nya!!

                      “Nice to meet you, Lu Han. I’m Kim Min Jae.” Sabi ko habang nagsheshake hands kami! Grabe! Ang lambot ng kamay nya! Wala ba syang gawa sakanila? Wow hah.

                       “Is there by any chance that you are not a pure Filipino? Is Kim your family name?” pagtatanong nya tas natapos na yung pagsheshakehands namin. Aaaawww. WAE?

                          “Yeah. My mom is Korean-Japanese and my dad is Korean-Filipino. How about you?” pagtatanong ko sakanya.

                         “I’m pure Chinese. Lu is our family name and Han is my simple name.” sabi nya habang… uh. You guessed it rght! Nakasmile padin syaaaaaaa!!  Kotang-kota ka na LU HAN!!! Hahaha

                          “Ah. Akala ko name mo talaga eh Luhan tas iba pa yung family name mo. Wow hah. Pinagisipan yung pangalan mo. Hehe Joke.” Sabay peace sign. Haha mahirap na, galing china eh. maKung Fu kick pa nya ako. Haha

                        “I’m guessing first day mo?” dagdag ko pa.

                     “Oo eh. Mukang hindi naman ako mahihirapan maghanap ng kaibigan dito.” Sabi nya tas nagsmile nanaman. Ano ba to. Hindi ba nananakit mga cheek bones netong taong to? Haha kaibigan lang pala hanap neto eh.

                       “I will be your friend if you want. You can come with me on lunch or anytime you want. I will also introduce you to my friends. We will have so much fun!” Sabi ko. Heh. Ako naman ang ngingiti sayo ng 1 Billion Dollar smile ko.

                      “Eh. Talaga? Thanks. Do you have guy friends?” pagtatanong nya. Hala. Bakit nagtatanong to kung may mga barakada akong lalaki? No no no no no no no no NOOOOOOOOOOOOOOOO!! Wag mong sabihing kasale to sa pederasyon!! OMAYGAHD!

                       “A-ano. O-oo. Meron naman karamihan nga sakanila mga lalaki. Ba-bakit mo na tanong?” sabi ko. Pero smile padin para hindi naman masabing nagihinala ako. Takte naman.

                     “Eh. Mga babaeng friends meron ka?” takte. Ano to. Naghahanap ng madaeng make-up buddy? Juice ko… wag sana syang bakla! Saying ang genes netong lalaki na to!

                        “Meron naman. Pero pili lang. it’s complicated. Pero babae ako hah. Trip ko ang mga lalaki, hindi kapwa ko babae. Komplikado lang talaga. He he.” Sabi ko habang nakasmile padin. Ang pangarap ko. Sira agad. Bakit!

                             “Ah. I see.” Wow hah. ang tipid ng sinabi nya. Ano to. Disappointed at kaunti lang ang make-up buddy nya? .

 

LUHAN’s POV

                   “Ah. I see.” Yan sabi ko, pero hindi ko gets talaga. Sa ganda nyang yan, kakaunti nga babae nyang friends? Diba dapat mga flowery things and pink things ang mga hilig ng babaeng kasing ganda neto ni Minjae? Pero sabi nga nya. Komplikado. Hayae na nga.

                    “Sa itsura mo. Pagmagpapakilala ka na sa unahan mamaya. Maiinlove sayo nga batang babae dito. Hahaha.” Sabi nya ng medyo natatawa. Bata bang? Ilang taon na ba to? Muka naman syang bata ah. Mga 19 siguro.

                       “Huh? Bata bang? Teka. Ilang taon ka na ba?” pagtatanong ko

                      “Sa kasamaang palad 21 na ako. Haha dapat graduate na ako. Kaso… basta. Hahaha -----“ ang cute naman nyang tumawa.

                       “----Ramdam ko mas matanda ako sayo.---- sabay titig sakin.

                     “---- ang bata ng muka mo… ang cute!” sabi nya habang may gigilgigil na tunong. Hala. Nagiinit yung muka ko. Napapakamot nalang ako sa ulo. Takte. Nahihiya na ako.

                      “! Ang cute! Nagblablush ka! Patingin nga daw ng muka, kung pogi padin. Hahaha” tas nilapit nya yung muka nya sa muka ko. ! Ang weird. Bakit parang… Kinikilig ako? Ano ba yan! Ang bading ko naman. Tsk. Ang ganda nya. Para syang anghel lalo na pagnakasmile sya! Papakasalan ko tong babae to eh.

                     “Yah. Hajima.” Sabi ko habang nagpipigil ngumit.

                  “Ah. Wae. Neon… neomu neomu kwiyopta!” sagot nya

                     “Ay. Tama na. hindi ako cute at lalong hindi ako bata. 23 na ako.” Tas ayun. Natigilan si ganda.

                     “Eh?! Totoo?” sabang tangotango lang ako.

                      “Hay. Looks can be deceiving talaga.” Sabi nya habang tumatangotango din. Mayamaya may pumasok na maliit na lalaki… as in maliit. Grabe pa yung takong ng sapatos nya. Tinalo pa ang mga DI. Medyo matanda na.

                            “Oh. Hi. Sir. Good Morning po.” Sabi ni Minjae dun sa lalaki. So Professor naming tong lalaking to. Tumango lang yung Professor naming sa pagbati nya.

                          “Oi, Luhan. Bigay mo na kay Sir Nadera yung Class Card mo.” Pabulong na sabi sakin ni Minjae. Ito naman ako, sumunod sa sinabi nya. Habang binibgay ko kay Sir yung Class Card ko, nagsisidatingan na ang mga kaklase ko. Tinitngnan nila ako. Hay. Tao din po ako. Wag nyo akong titigan na parang ibang nilalang ang nakikita nyo. Tsk. Mayamaya nung medyo kumpleto na yung mga kaklase ko, biglang nagsalita na si Sir.

                        “Mr. Lu, please introduce yourself to your classmate.” Bago ako tumayo para magpakilala. Bumulong si Minjae.

                           “Fighting! Kaya mo yan.” Tapos may smile pa. talaga naman. Kung ganyan kaganda ang magchcheer sayo ewan nalang kung hindi ka talaga magkaron ng lakas nang loob… ano ba yan. Para namang sasabak ako sa gera neto eh.

                           “Hi, everyone. I’m Han Lu. But I prefer to be called Luhan. I came from China but I’m living here in the Philippines for 3 years now. So, Marunong akong magtagalog and I’m 23 years old. So, yeah.” Yan. Ang napakawalang kwentang pagpapakilala ko sa sarli ko. Pagkatapos kong magpakilala tiningnan ko si Minjae. Nakasmile sya sakin at nakathumbs up pa. napangiti tuloy ako. Ang ganda nya talaga. Hindi sya mahirap makasama.

                            Nung nagsimula na ang klase, nabigla ako at matalino pala tong si Minjae dagdag ganda points nanaman. Tapos itong si Sir Nadera… after mag discuss nagpapaquiz pala. Nung nagquiquiz na kami. Pinakopya ako ni Minjae. 1-15 lang naman. Sya 15 tas ako 13. Ayaw ko namang maging parasite. Pero nagiinsist sya pero ayaw kong kumopya… masyado. Haha syempre nagpasalamat ako sakanya sa pagpapakopya nya. Hehe Pagkatapos ng quiz naming, pinalabas na kami ni Sir Nadera. 11AM palang, eh 12NN ang labasan dapat namin for lunch. Nice. Pinakilala sakin ni Minjae si Caleb, Greg at Franz, ayos tong mga to, cool sila. Mga kaklase din naming sila kanina. Kaso asa likod sila nakaupo. Hindi nila gusto sa harap. Nung naglalakad na kami sa hall way. May mga bulong bulungan akong naririnig. At hindi sila lahat maganda.

                              “Ano bay an. May nabiktima nanamang gwapong lalaki tong magandang to.” Sabi ng isang babae. Napatingin ako kay Minjae… at medyo natatawa lang sya.

                           “Diba yan yung gwapong nakita natin kanina. Ugh! Si landi nanaman ang nakauna.” Tapos napatingin ako kila Caleb… muka silang nagpipigil ng tawa? Bakit? Hindi naman maganda yung naririnig namin.

                           “Lapitin talaga sya ng gwapo.” Ako naman yung medyo napatawa. Oo nga noh. Pagtingin ko kila Caleb… oo nga. Mga gwapo nga. Teka… kasali ba ako sa mga gwapo? Hihi.

                            “Lucky Biatch” sabi pa nung isang babae. Grabe at maram pag ibang kung ano-anong masamang tawag ang narinig naming. Pero pagtinitingnan ko sila Minjae… muka lang silang nagpipigil ng tawa. At talaga ngang nagpipigil sila ng tawa kasi pagkalabas namin ng hall way… humagalpak ng tawa yung apat.

                                     “PUHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

HAHAHAHAHAHAHAHAAAAAAAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA”

                           “Mga babae talaga.” Sabi ni Caleb… napatingin naman ako kay Minjae na nakatingin kay Caleb na nakataas yung isang kilay.

                        “Haha. Chill, Woman. I know you are a girl. Pero syempre iba ka sakanila.” Sabi ni Caleb na nakapeace sign pa.

                      “Good.” Sagot ni Minjae.

                             “Kasalanan ko bang friendly ako at nasasaktohan kong mga gwapo ang nababarkada ko…” dagdag pa nya. Tas bigla syang natigilan at tumingin saming apat…

                           “Oh. Ang mga ulo. Hawakan. Medyo lumalaki na.” humabol pa ng banat si Minjae. Iba talaga tong babaeng to. SHE IS SPECIAL.

                          “Asan na kaya si Fred?” pagtatanong ni Greg.

                              “Kamoteng Koreanong yun. Nagsasalamin nanaman ata yun.” Medyo iritang sabi ni Minjae, kinuha nya yung Phone nya sa bulsa nya at mukang tatawagan yung Fred na sinasabi nila.

                               “Yah! George Fredrick Gonzales! Eodiga!” sabi nya sa taong nasakabilang linya ng Phone.

                                 “kjanfdgasernva.dknajghaweiuga;jg;abg”

                              “Aish! Palli! We have a new friend. He is a chinese!” eh?! Anong kinalaman ng pagiging chinese ko?

                              “arjgab;ouglaksneg;oaihwg;oaihsibjkag”

              “Ne. Jjinja! Jjinjayo! Palliwa!” sabi ni Minjae tapos kinutt yung tawag.

Mayamaya may tumatakbo papunta sa dereksyon naming na chinito.

                             “Finally.” Sabay sabay na sabi nung apat.

                           “Fred, this is Luhan. Luhan, this is Fred. Kababata ko.” Sabi ni Minjae. Nagbow naman si Fred sakin.

                          “Nice to meet you, tol.” Sabi nya.

                            “Yeah. Same here.” Sagot ko sakanya. All of a sudden may tinanong sakin si Fred na kinaconfuse ko.

                              “Mahilig ka ba sa Kanin?” tapos naktingin sila sakn lahat.

                                “Uhm… medyo?” sabi ko.

                            “Nice. Chikboy tayo!” sigaw ni Fred.

                             Nung nakarating na kami Chikboy… eh?! Kamuka sya ng Mang Inasal?! Dumeretso kami sa counter.

                            “5 PM2 please.” Sabay sabay na sabi nilang lima. Tapos humarap sakin si Minjae.

                              “Ikaw. Anong gusto mo?” kung pwede ko lang isagot na “ikaw. Ikaw ang gusto ko. Pwede ba?” Hahah baka mabatukan ako nito eh. Kabagobago ko palang tas ganto na. wow hah. Nakasmile pa sya sakin. Ang ganda talaga nya. Sa sobrang tagal ko atang sumagot kung anong gusto ko, sya na ang nagdisisyon.

                              “Kuya. Make it 6 PM2 please.” Nung magbibigay na ako ng pambayad, piniglan nya ako.

                              “Sagot na ng barkada to. Ispin mo nalang welcome party-partyhan mo to.” Sabay ngiti nanaman. Ano ba to! Tinitingnan ko sila Fred pero parang wala lang sakanila yung kagandahan netong si Minjae. Ako lang ba naaapektuhan neto? Nung kakaisip ko sa mga bagay bagay nato, hndi ko napansin na nakaupo na pala sila.

                                 “Luhan, halika dito. Upo ka sa tabi ko.” Sabi nya na nakasmile. Sumunod naman ako.

                                  “Pwedeng patingin ng schedule mo?” tanong sakin ni Minjae. Matapos kong kuhanin yung sched ko sa bag ko, ibinigay ko sakanya. At bigla nalang syang nag squeal?!

                                “Nice. Parehas tayo ng schedule sa lahat ng subject! Yehey!” tas binalik na nya sakin yung schedule ko.

                            “Ayos yan. Hindi na ako mahihirapan sa iba kong klase.” Sabi ko.

                            “Syempre! Chill ka lang. sagot kita. Sagot ka ng barkada.” Sabi nya.

                             “Salamat. Salamat sainyo.” Sabi ko sakanilang lahat. Ngumirit lang silang lahat. Buti nalang pala at sila agad ang nakilala ko sa SLU, kung hindi. Baka Lost Prince nanaman ang peg ko. Mayamaya nagdadatingin na yung nga pagkain namin… at mukang mapapagod yung server na may hawak ng kanin. Hahaha.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
MySecretDesire
#1
Guys vote for Ailee!! MAMA Awards 2013 for Best Female Artist and Best Vocal Performance. Let's support her ♥ Vote everyday!