Small world

Lovely Witch

 

✰ chapter two ✰ small world ♡♡
 





Sa totoo lang, pagod na pagod ako ngayon sa byahe. Kakauwi ko lang ng Pilipinas galing Japan. Mom told me I have to take a good rest before another school year starts. Actually, I wasn't interested. Pero pumayag nalang ako dahil . . . mother knows bestsabi nga nila. 


Currently, I'm on my way to a party. At halatang late na ako. I have to drop by the nearest mall. Wala, e. Hindi pa nabalot yung regalo para kay Diane. She was asking for pasalubong ng malaman niyang nasa Japan ako. So I bought her a soft stuff toy.


Few minutes passed, I arrived at the reception. Marami paring tao kahit mahigit isang oras na akong late. Eighty percent siguro ng tao sa loob, galing sa university namin.


I felt a heavy hand on my shoulder. "You're late."


"Hey." That was Diane's brother, Kyle. We had our manly shake hands.


"Bakit ang late mong dumating?" tanong niya sa akin.
"Something happened."
"Ano naman? Traffic?"
"No. Dumaan muna ako sa mall para bumili ng bagong polo."
"Hm? Bakit?"
"Namantsahan e nag serve yung flight attendant ng coffee."
"Ah. Mukhang natagalan ka yatang namili, ah?"
"Mabilis lang. Natagalan lang ako dito kasi pinabalot ko pa" Tapos pinakita ko sa kanya yung regalo ko kay Diane. "By the way where's she?" tapos lumingon-lingon ako sa paligid.
"I'm sure she's busy with her friends. Mabuti pa kumain kana."


Dinala niya ako sa table kung nasaan nakapwesto yung mga club mates namin.


"Look who's here," sabi ni Jake sa kanila
"Uy! DJ. Akala ko hindi ka na makakarating." That was Allen. Kasama ko siyang vocalist.
"Pwede ba naman yon? Kyle's gonna bit me if I don't show myself here today." Kyle by the way is a black belter in Taekwondo. Isang rason kung bakit sikat siya pagdating sa mga babae sa univ.
"I'm glad you're aware about that, Jake," sagot naman niya tapos tumawa yung buong grupo namin.


Maya-maya may nagserve na ng food sa akin. Kumain na ako habang nakikipag-usap at nakikinig sa mga kwento nila. Most of them talked about their summer vacation. Tahimik lang si Kyle, palingon-lingon hanggang sa matapos na akong kumain.


"Are you waiting for someone?" tanong ko sa kanya.
"Hm? Ah. No. I'm . . . looking for Diane."
Natawa naman ako sa sagot niya. He's obviously lying. "Don't use her as your alibi."
"What? An alibi? Nagsasabi naman ako ng totoo—"
"Nevermind. Malalaman ko rin kung sino siya."


He's about to defend himself ng biglang may tumawag sa kanya.


"King." Yan ang tawag ng ibang club mates namin sa kanya. Siya kasi ang president ng club. "Akala ko ba patutumbahin natin tong si Jake?"
"Patutumbahin? Anong meron?" tanong ko Kyle na biglang natawa.
"Don't worry. Hindi naman ako ang magpapatumba sayo."


Damn this dude. Nanakot pa? Kahit naman away kalye lang ang alam ko I can still knock him down.


"Excuse me," tawag ni Kyle sa isa mga waiter na napadaan malapit sa amin saka may binulong. Tumango yung lalake at umalis.
"Ano bang meron?" tanong ko ulit sa kanya.
Pero tumatawa lang sila hanggang sa bumalik ulit yung waiter na nautusan.


May nilapag siyang tatlong bote ng alak sa table. If I'm not mistaken those where Italian beers.


"Sosolohin ko ba to?" tanong ko sa kanila.
"Hindi mo kaya to, Jake." Everyone in the club knows I'm alcohol intolerant. Pero mukhang nakahanap na sila ng katapat ko.
"Then, simulan na natin," I said with a grin. Matira ang matibay.


We started at 9:30. Anim kaming tumira sa alak. Ako, si Kyle, at yung apat pa naming officers sa club na lalake. At first, they were obviously acting okay. Nag-uusap sila tungkol sa mga past competitions na sinalihan namin last year. Hanggang sa maya-maya, they're already talking about strange things that only men will know. . .


"Hey, where are you going?" tanong sa akin ni Kyle na halatang tinamaan narin. 
"CR. Don't worry. Wala akong balak tumakas," pupunta na sana ako ng bigla niyang hilain yung laylayan ng tuxedo ko.
"I'm coming," tapos tumayo siya at saka umakbay sa akin.


Hinayaan ko nalang siyang sumama. 


"Jake," tawag niya sa akin habang hinihilamusan ko yung mukha ko.
"Mm?" 
"Tell me... the first thing you think of..."
Napatingin naman ako bigla sa kanya. Nakasandal siya sa may galid ng pintuan. 
"Think of what?"
"Witch."
Akala ko naman may sasabihin siyang importante. Mukhang trip lang niyang magsalita ng random things.
"Hm... A movie? Hansel and Gretel." Well, isn't it the a 2013 movie? Yun lang naman ang dahilan kung bakit yun ang sinagot ko sa kanya.
"Hmm... So you mean they're really... Horrible?"
Kung ibabase ko ang sagot ko sa movie, obviously my answer is a...
"Yes."


Wala na akong ibang narinig na response mula kay Kyle. Yun pala, nakatulog na siya. Lagi namang ganito ang scenario kapag nag-iinuman kami. Siya ang laging unang napapatulog.


Nakaupo siya sa sahig. Lumapit ako sa kanya para alalayan siyang tumayo pero biglang nag ring ang phone niya.


Bunso calling...


I pressed the answer key.
"Hello—"
"Kuya, where are you?! Don't tell me you're drunk?!"


Oh, Diane. Kahit kailan talaga maingay ang bunganga niya.


"Unfortunately not just drunk. Tulog na siya." Sagot ko sa kanya.
"What?!" bulyaw niya. "And who are you? Huh?"
"DJ," maikling sagot ko.
"Ha?! Is that you? DEVON JAKE MERRICK?!" Ang lakas talga ng boses niya. Nakakabingi.
"Yes, Diane Jane Almeda."
"What the... Kuya, akala ko hindi ka makakapunta! Where are you by the way?"
"Nasa rest room kami ni Kyle ngayon. Bakit mo ba siya hinahanap?"
"Kailangang kailangan ko siya. Nag promise siyang may special performance sila ni Ate Gen ngayon."


Tinignan ko si Kyle.
"I don't think he is able to do that. Tulog na ang kuya mo."
"Errr... AH! I know! Kuya Dj, pumunta ka sa stage ngayon na!"
Nagulat ako. Mukhang may binabalak tong si Diane.
"Why all of the sudden, ha? Anong mangyayari—"
"Basta-basta! Dali!" 

Ang bossy talaga ng kapatid ni Kyle.


"Teka. Alangan namang iwan ko ang kuya mo dito?"
"Wait lang, ha! Stay put!" sabi niya sa akin.
"Oka—"


Pero bigla ba naman niya akong binabaan ng phone? Akala ko ba stay put lang, Diane?


Maya-maya may dumating na dalawang lalake. Ang sabi nila sa akin, umakyat daw ako ng stage ASAP. Sila na raw ang bahala kay Kyle. When I asked them who made them do this, they said it was Diane.


At ayon, tumakbo na ako papunta ng stage. Nakita ko kaagad si Diane. She's wearing a pink beautiful gown.
"Kuya DJ!" saka niyakap niya ako.
"Happy birthday," Bati ko sa kanya as I responded to her hug. 
"So I can sense that you have a plan for me?" 
"Genius ka talaga kuya!" then she giggled. Sinasabi ko na nga ba...
"Diba kuya, vocalist ka?"
"Oo."
"But you know to play the guitar, right?"
"Yes. Bakit?"
"I want you to accompany someone. Kakanta kasi siya."
"Depende... Ano ba ang kakantahin niya?"
"I won't give up by Jason Mraz. I know you know the chords! I see you played it last school festival."
Sasagot na sana ako ng unahan ako ni Diane.
"Yan na pala siya, e! Ate Gen! I found your life saver!" tapos may kinawayan siya sa may likuran ko.


Lumingon din ako sa likuran ko.


To my surprise, a familiar face showed up.

 

We meet again,
lady in purple.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet