Surprise!

Lovely Witch

 

 ✰ chapter three ✰ Surprise! ♡♡

 





Hinila ako ni Diane papunta sa babaeng tinawag niyang ate Gen.


“Ate, meet kuya DJ. DeVon Jake Merrick,” sabi ni Diane sa kanya. Her expression is really surprised.  She smiled at me… barely. I wonder what she’s currently thinking.


“And kuya, meet my ate Gen. Genesis Sarmiento.”


I planned to act that it’s my first time to meet her in front of Diane. Alam kong yun din ang gusto niyang mangyari. Ang manahimik at kalimutang may nangyari.


“Hi,” and then I offered my hands to her. Napatingin naman siya sa kamay na nilahad ko.


Akala ko hindi niya yon tatanggapin pero gulat ko ng makipag shake hands naman siya sa akin. Halatang pinag-isipan pa niya. Gusto kong matawa pero dinaan ko nalang sa salita.


“Hmm… Nice out fit,” I complimented her with a grin.


Bigla niyang binawi yung kamay niyang naka shake hands parin sa kamay ko. I guess she can’t act at all? Mukhang fresh pa sa kanya yung nangyari kanina sa mall. 


“Ate Gen, kuya Kyle can’t make it!” sabi ni Diane dito.
“Bakit? Anong nangyari?” tanong naman niya.
“He’s drunk and I’m sure lumilipad na ang utak non sa kung san-san,” sagot ni Diane na halatang naiirita sa misbehavior ng kuya niya.
“But don’t worry.” Biglang napa smile si Diane.” Kuya DJ is here to accompany you! Diba kuya?” excited na dagdag niya.
I don’t remember I already agreed with her. But it’s fine to me. “Of course, I will,” I responded.


Nagkatinginan kaming dalawa ng ate ni Diane. 


Obviously, she wants to back out. Pero sa bandang huli, pumayag din siyang makipag team up sa akin.


“Okay,” maikling sagot niya. “Shall we start then?” yaya niya bigla sa akin.
“Without rehearsing?” tanong ko sa kanya. I know the chords of the song she’s gonna sing. Pero iba parin kung mag practice kami kahit isang beses lang.
“Kailangan pa ba?” tanong naman niya sa akin.


Hmm… Tingin ko ayaw lang niyang magkaroon ng long contact between sa aming dalawa. Ganon ba talaga kabastos yung naging attitude ko sa kanya kanina sa mall?


“Okay, okay.” Yan nalang ang naging sagot ko sa kanya. Baka kapag pinilit ko pa siya, lalong walang mangyari.


Umupo si Diane sa kanyang original seat. Tapos biglang nagsalita yung announcer.


“Ladies and gentlemen, before we end this party let’s hear first a special song prepared by Genesis Sarmiento and DJ Merrick!”


I heard the crowd’s applause.


Nagpunta na kaming dalawa ni Genesis sa gitna ng stage. The announcer gave me an acoustic guitar with a pick up installed in it. Sinabit ko yon sa katawan ko saka nag tuning baka kasi wala pala sa tono. Ginagawa ko yon habang inaayos ng announcer yung adjustable mic na gagamitin ko.


Until, everything’s set.


Parehas kaming nakatayo. Medyo magkalayo ang posisyon namin dalawa. Mas harap ang puwesto niya kaysa sa akin. 


I am waiting for her signal. Maya-maya tinignan niya ako. Ngayon,parang di niya alam kung paano sisimulan yung performance. Sabi ko na kasi…


Wala naman akong balak manisi dahil wala naman yong magagawa. Sinabi ko lang sa kanya ng mahina na…


“Simulan mo ng kumanta. I’ll follow. Akong bahala." I don’t know if she gets me until she starts singing.


"When I look into..." I started plucking before she state the next word. ".. Your eyes..."


"It's like watching the night sky...
Or a beautiful sunrise...
there's so much they hold..."


Walang duda na magaling siyang kumanta. Medyo nanginginig nga lang ng kaunti yung boses niya. But it's tolerable. Di naman halata.


"And just like them old stars...
I see that you've come so far...
To be right where you are...
How old is your soul..."


I don't think it's a bad thing... to join? I'm sure the song's going to appear more romantic if I sing with her, even just the chorus.


"I want give up on us..."  Sumabay ako sa kanya dahilan kung bakit bigla siyang napalingon sa akin.


I just gave her a smile. I thought she would respond... but no. Kailan ba siya magku-cool down? Anyway, sumabay parin ako sa kanya.


"Even if the skies get rough...
I'm giving you all my love...
I'm still looking up..."


Tinuloy-tuloy lang namin yung performance. Sumasabay parin ako sa kanya every chorus. Medyo naiirita na  nga ako nung tumagal dahil nakakasilaw na yung mga flashes ng mga cameras nila. But I still manage to do the plucking smoothly and flawlessly until the very end of the song.


"...I'm giving you all my love...
I'm still looking up..."


Finally, the performance is done. And again, the people around us gave us an applause. Others are even shouting and requesting to sing another song.


Okay lang naman sa akin. Pero mukhang ayaw na niya.


Dali-dali siyang bumaba ng stage. She joined the crowd and disappeared in my sight.

 

♥━━ヾ(●゚v゚)/\(゚v゚○)ノ━━♥



KJ na kung KJ! (。≧O≦) Kailangan ko rin namang isalba tong sarili ko, no?!


Syempre, nagpaalam muna ako kay Diane bago umalis. Sa totoo lang ayaw pa niya akong umalis pero gumawa nalang ako ng excuse para makauwi na ng bahay. Ano pa't mag stay ako don, diba? Baka mamaya may ipagawa nanaman sila sa amin. Okay lang sana, pero... Hays... Bakit ba kasi nangyari pa yun, e. Dyahe... 
(-ε-。)


Lumabas na ako ng hotel at naghintay ng taxi sa labas. Maya-maya may kotseng tumigil sa di kalayuan. Nagulat naman ako kung sino yung lumabas doon...


Papa...


May inalalayan siyang bumaba sa kotse... at yun ang mama nila Diane.


Pinanood ko silang maglakad hanggang sa makapasok na sila sa loob ng hotel. Ng di ko na sila makita, tumalikod na ako para maghintay na ulit ng taxi.


Habang nahihintay ako, hindi ko maiwasang gawin yung bagay na gusto kong iwasan... Pero hindi ko talaga kaya... Hindi ko kayang pigilan ang sarili kong umiyak...


Halatang masayang-masaya sila... Gusto ko rin.. Maging masaya para sa kanila... Pero bakit katumbas ng saya nila, yung lungkot na dinadala ko ngayon? Sabi ko sa sarili ko okay lang... Basta nakikita ko siya araw-araw... kakayanin ko. Yun pala hindi... Hindi ko pala kayang tanggapin kinalimutan na talaga niya ako... Kinalimutan na ako ni papa...


"Hey—"


Napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Nagulat ako ng mag-appear yung mukha ng lalakeng... kanina pa nakikipaglaro ng hide and seek sa akin.


"Ano bang gusto mo?!" sigaw ko sa kanya habang pinupunasan ko yung luha sa mukha ko. Bakit ba lagi nalang awkward ang sitwasyon kapag siya ang kausap at kaharap ko?!


"Oh," saka may inabot siyang panyo sa akin.


Tinabig ko naman yon. "Hindi ko kailangan niyan. Iwan mo ako pwede?"


"You're not suppose to be rude to me, Miss. Alam mo bang hinabol pa kita para lang ibalik tong panyo mo?" At napatingin naman ako sa panyong hawak niya. 


Eh?! ( ̄Д ̄)Akin nga yun! Bakit nasa kanya?!


"Akin nga yan!" tapos kinuha ko yung panyong hawak-hawak niya.
"You should at least thank me," sabi niya sa akin na parang naiinis.
"E di thank you! Salamat ha! Ano, okay na?" [○`Д´○] Ako na ang high blood!
"Wow, ha. Nag thank you ka pa, mukhang masama pa ang loob mo?" Halata sa boses niya na naiinis siya.


Susumbatan ko sana siya pero inunahan niya ako.


"Next time kasi, secure your things... Especially your..." napatingin siya bigla sa dibdib ko.  "I don't have to mention it. Baka bastos nanaman ang maging labas ko," dagdag niya sabay walk out.


 

♥━━ヾ(●゚v゚)/\(゚v゚○)ノ━━♥




Bumalik na ako sa loob. Masama parin ang mood ko. I shouldn't have followed her! Nakakainis! Pasalamat siya babae siya! Sheesh.


"Oops, sorry." An old woman suddenly bumped into me.


Sisigawan ko sana sa sobrang init ng ulo ko pero ng mamukhaan kong kasosyo pala yun ni mama, nag-iba agad yung ihip ng hangin.


"Tita Marice?" pangingilala ko sa kanya.
"Is that you DeVon?" 


Aysh. Sa  dami ba namang ng itatawag sa akin DeVon pa? It's really annoying when people call me that name. It's not like me at all... 


"Yes, tita," I asnwered ignoring the way she named me.
Bigla niya akong niyakap. "Devon... You're so grown up."


Yamete, kudasai! (stop it, please!) Bakit ba basta matanda ang tumatawag sa akin laging DeVon?


"Congratulations, hijo," sabi niya sa akin nung humiwalay na siya sa pagkakayakap.
"Hm? Pardon, tita." Ano bang pinagsasabi niya? (=__=)
"I'm congratulating you. Your mother went to me and made a reservation." Well, I know that tita Marice owned many big hotels and resorts. But I still don't get her about the reservation matter.
"Reservation po?" 
"Yes, hijo."
"For what?" I wonder why mom or dad didn't told me about anything.
"Ano ka ba... I'm talking about your up coming marriage."


 

UPCOMING WHAT?!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet