Genesis

Lovely Witch

 

✰ chapter one ✰ : Genesis ♡♡





"Faye! Hintayin mo naman ako!" \(!!˚o˚)/


Tama ba naman kasing patakbuhin akong naka hills? E kung matapilok kaya ako at maputulan ng buto sa paa, no? Sabi ko na kasi sa kanya na huwag ng magpunta ng mall pero masyado siyang mapilit! \(`0´)/


"Anong size mo?" tanong sa niya sa akin ng makarating kami sa undergarment section ng department store.


"Size? Anong size?" 

 
"Gen, hindi mo alam kung anong size niyang hinaharap mo?" 


Napatingin siya sa chest part ko at ganon din ako. 


Eto lang naman ang rason kung bakit niya ako tinakbo dito. Bibili lang naman kami ng strapless bra na babagay sa tube dress na pinahiram niya sa akin. Sinabi ko naman sa kanyang magbobolero nalang ako para hindi makita yung strap na suot-suot ko ngayon pero ayaw niya. Late na late na tuloy akong makakarating sa debut na pupuntahan ko.


"Try mo nga to," saka may inabot siya sa aking kulay itim na strapless bra.


"Dito? Pwede bang sa fitting room?" Wala lang. Di lang ako sanay na nagta-try ng mga ganito in public.


Ewan ko pero parang natatawa si Faye sa sagot ko. "O, sige. Pag-okay na patingin mo muna sa akin. Titingin lang ako ng mas maluwang kung sakaling masikip yan, okay?"


Tumango nalang ako saka dumiretso sa fitting room at sinukat yung binigay niya sa akin.


"Hmm. Okay na siguro to? Di masikip. Di rin naman maluwang." Kausap ko ang sarili ko sa salamin habang hinahawakan ko ang laylayan ng kulay dark purple kong damit. A-line ang design na knee-length ang haba at may parang belt na nakatali ng ribbon.


Napatingin ako sa relo ko. 


"Eight-thirty na..."


Napatingin nanaman ako sa salamin.


Pupunta ba talaga ako?


Ilang beses ko rin yang natanong sa sarili ko bago dumating ang araw na to. Sa totoo lang wala akong balak pumunta. Pero ang sabi naman sa akin ni Faye dapat daw pumunta ako kahit na hindi ko feel ang um-attend.


Pakiramdam ko kasi... may mangyayaring hindi maganda. 


Hay! Bakit kasi ang nega-nega ko masyado? Aattend lang naman ako para magbigay ng message at  para kumain. Ano ba't naghe-hesitate ako?


Isa pa, nag promise na ako kay Diane na  may special performance ako kasama ang kuya Kyle niya.


"Genesis Sarmiento..."


Saka huminga ako ng malalim. 


"Kaya mo to! Okay?! Fight, fight fight!" (≧ω≦)b Pag chi-cheer ko sa sarili ko with matching thumbs up pa.


Lumabas na ako ng fitting room.


Good bives. (。^_^。)


Hmmm. . . (。・_・。) Parang . . .


1% . . .
 

25% . . .


55% . . .


80% . . .


 (;゜0゜). . . Para akong dinaanan ng malamig na hangin.


Ang tanga!!! (」゚ロ゚)」 Yung undergarment ko nakalimutan kong kunin!


Bumalik ako kaagad ng fitting room.


Binuksan ko yung pinto ng cubicle.


"Hm?"


Kamoteeeh! )゚0゚( May tao na sa loob?!


"Ma—may nak—nakalimutan kasi ako. Ahehehe."


"Ah..." sabi ng lalake.
 

"Eto ba?" tapos pinakita niya sa akin yung hawak-hawak niya.


(; ̄Д ̄) Ack! B—bakit niya... Ang lakas ng loob niyang mang hawak ng... hindi niya gamit?! 


Gusto kong umaktong kalmado lang pero yung nakita ko siyang napa smirk...


"Bastos!" sabay hablot don sa hawak niya.


Kaasar! Manyak! ( ̄ヘ ̄)  Yan ang gusto kong ibubunga dun sa lalake pero mahirap ng gumawa ng eskandalo. Isa pa, kasalanan ko rin naman kasi. Kung di sana ako masyadong excited lumabas ng fitting room kanina, wala sana akong nakalimutan.


"Gen, ano? Okay na ba?" tanong sa akin ni Faye ng makalapit ako sa kanya.

 
"Okay na to."


"Tignan mo to," may hawak nanaman siyang bagong lingerie. "Pwede mo pa tong itry—"


"Ayaw ko ng mag fitting." Ako na ang na trauma. XD


"Ha?" 


"Tara na," saka naglakad na ako papunta sa counter.

 
Hays! Ang tanga ko talaga. *face palm*

 
"Gen—"

 
"I know, I know. Hindi ko naman balak magnakaw, e." Oo nga pala. Suot-suot ko pa yung product nila. Hays! Nakakatanga talaga yung nangyari kanina.

 
Nagpunta nanaman ako sa fitting room. Pero I make sure na hindi na doon sa dati kong pinasukan. Ayaw ko ngang makasalubong ulit yung lalakeng yun. Naaalala ko lang yung katangahan ko sa kanya! Siya naman kasi, e! Ang awkward na nga lang ng sitwasyon mas lalo pa niyang ginawang awkward! Nakaka high blood! Nawala tuloy lahat ng good vibes ko kanina!


Habang nakapila kami sa bayaran ni Faye, hindi parin ako mapakali. Naiirita talaga ako.


"May nangyari ba?"


Hindi ako sumagot. Napailing lang.


"Sus. Napaka transparent mong magsinungaling."


"Wala nga. Bakit ba ang kulit mo?"

 
Pero this time, siya naman ang hindi umimik. Nakatingin siya sa may naggi-gift wrap sa di kalayuan.
 

"Nabalot mo na ba yung regalo mo kay Diane?" bigla niyang tanong sa akin.


"Oo naman, no. Ako pa."


"Ano namang regalo mo sa kanya?"


Nakatingin parin kaming dalawa doon sa pwestong yon.


"Yung painting ko na gustong-gusto—oops..."


Natigil ako.


May nakita kasi akong familiar face kung saan nakatutok yung atensyon naming dalawa ni Faye.


Siya nanaman?! (O_O;)


"Oh? Bakit di mo na tinuloy yung sinasabi mo?"


"Faye." (ಠ_ಠ ) tawag ko sa kanya with a serious face.


"Oh? Ano nanaman?"


And I gave her the lamest excuse ever.


"I feel like farting..." bulong ko sa kanya.


"Eh?! Nako, pigilan mo yan, ha."


"Hind ko na talaga kaya. Kita nalang tayo sa rest room, okay?"


"Ha? Pano tong—"

 
"Basta! Ikaw munang magbayad. Thanks!"


Hindi pa siya pumapayag, tumakbo na ako. Mahirap na baka mag landing pa yung mata nung lalake sa direksyon namin. Baka ipamukha sa akin yung nangyari kanina at hindi natalaga ako maka move on!


At yun nga, nagpunta na ako sa pinakamalapit na rest room. Naisipan kong itext si Faye. Baka kasi mahirapan siyang maghanap sa akin e kaluwang-luwang nitong mall. Nilabas ko yung cellphone ko sa bag tapos may nag appear na 1 unread message.


Binuksan ko yon.


I hope you can come and join the celebration.


Pakiramdam ko . . . Biglang sumikip yung dibdib ko ng mabasa ko yung content ng message.


Akala ko ba kaya ko na? 


Akala ko ba tanggap ko na? 


Pero bakit ganon? 


Ang sakit-sakit parin . . .


Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana sumama na lang ako sayo . . .





Mama.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet