Chapter 8

Girlfriend for Hire

[Charlane's POV]

"Umma, nabayaran ko na po yung paunang bayad natin dito sa ospital", kwento ko kay Umma. "Yung utang din po pala ni Appa, wag na natin isipin, kasi binayaran na po yon ni Kai. Akalain nyo yon, kahit medyo may pagka-autistic yung taong yun, may kabaitan rin naman palang itinatago."

I sighed, tapos nagpanumbaba. "Umma, sana po magising na po kayo. Namimiss ko na rin po yung kwentuhan natin eh."

"Charlane."

Napalingon ako, at nasorpresa ako sa nakita ko. "Jaejoong-oppa! Ano ginagawa mo dito?"

He smiled. "Andito ako para dalhan ka ng dinner. Mukhang di ka pa kumakain eh."

"Salamat", sabi ko. "Umm.... Dun tayo sa labas kumain."

"O sige", sagot naman ni Jaejoong. Bawal kasi kumain dito sa ICU... at gutom na rin ako.

Habang kumakain kami ni Jaejoong...

"Pasensya na sa nagyari kanina sa backstage", he apologized.

"Okay lang yon, oppa. Wala namang malisya yun, di ba? Okay lang naman sa magkaibigan ang magyakapan paminsan-minsan", sabi ko.

Tumango si Jaejoong. "Tama ka, pero mukhang di naiintindihan ni Jongin yon."

"Wag ka mag-alala. Pinaintindi ko na yon sa kanya", I replied. "Medyo nagkaroon lang kami ng konting pagtatalo kanina, pero okay na naman kami. Natural na rin naman yung mga ganun sa mga mag-boyfriend-girlfriend."

He was pensive for awhile. "Alam mo, ang swerte ni Kai sa'yo. I really hope na alagaan ka niya."

Hinalikan niya ako sa cheeks. "Stay as you are, my cutie pie."

I blushed. Jaejoong-oppa, bakit ka ba ganito sa'kin?? O////O

 

The next day...

Naglalakad ako sa corridor nu'n nang mapansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao, at yung mga babae, ang sama ng tingin sa'kin. I tried to ignore those stares. Lilipas din naman yun eh, I think.

Pagpasok ko sa ladies' restroom, walang tao. Nagsusuklay ako ng buhok nu'n nang may biglang pumasok.

"Andito pala yung ."

"Amoy na amoy ko ang baho niya, girl. Umaalingasaw..."

"Napakalandi di naman maganda."

Kitang-kita ko yung mga witches sa salamin. Mga fangirls siguro 'to nina Kai at Jaejoong. Gusto ko man pagsasampalin isa-isa ang mga babaeng 'to ay nagpipigil na lang ako. I can't afford to lose my scholarship dahil sa kanila.

"May klase pa'ko. Saka na tayo mag-usap", sabiko. Lalabas na sana ako pero biglang hinarang ng tatlong witch ang dadaanan ko.

"You !", sigaw ng isa sa kanila, sabay tulak sa'kin. Napaupo tuloy ako sa sahig. "Inakit mo na nga si Kai, patisi Jaejoong, nilalandi mo pa!", at ipinakita niya sa'kin ang cellphone niya na may picture namin ni Jaejoong. Yun yung nasa ospital kami na hinalikan niya ako sa cheeks.

"Explain yourself, !", sabi nung isa pa na naka-clamp ang buhok, sabay sipa sa binti ko.

Tumayo ako. "What's the use of my explanation kung ipipilit nyo pa rin sa'kin ang paniniwala nyo?"

"Napakalandi mo talaga!", galit na sabi nung isa sa kanila na kulot, at pinagtulungan nila akong tatlo na sabunutan at sampalin. I tried to shield myself sa mga nanggigigil nilang mga kamay pero di ko kinaya. Tatlo sila, mag-isa lang ako. It's a one-sided bout.

"Tama na!", sigaw ko, pero patuloy pa rin sila sa pananakit sa'kin.

"ITIGIL NYO YAN!"

Napatingin kaming apat sa mga sumigaw. Sina Kai at Jaejoong! Agad naman nila akong nilapitan.

"Charlane, ayos ka lang ba?", tanong ni Jaejoong sa'kin.

"Okay lang ako", sagot ko habang pinipigilan ko yung sarili ko na maiyak.

Napansin ni Kai na may scratch marks ako sa pisngi. Nagulat ako sa pagkaalarma niya. Para kasing na-provoke siya. Hinarap niya yung mga babaeng nanakit sa'kin.

"Wala kayong karapatang saktan siya!", galit na sigaw ni Kai. He was about to slap those girls pro pinigilan ko isya.

"Kai! Tama na!",sabi ko.

"Ako ang humalik kay Charlane kaya wala siyang kasalanan", sabi naman ni Jaejoong. "Mahal ni Charlane si Kai. Kasalanan ko ang lahat dahil nagpadala ako sa emosyon ko, dahil ang totoo.... gusto ko siya."

Maraming nagulat sa sinabi ni Jaejoong. Lalo naman kami ni Kai. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. All this time, may gusto sa'kin si Jaejoong?? O.O

"Besh! Ayos ka lang ba?", dumating si Sulli at tiningnan ang mukha at braso ko. "Ang dami mong scratch marks. Lagyan natin ng ointment yan..."

"Okay lang ako, besh", medyo stunned na sagot ko. 

"Hindi ko binanggit yung pangalan ni Charlane nung showcase, dahil bukod sa girlfriend siya ni Kai, alam kong sasaktan nyo rin siya. Ngayong alam nyo na, eto lang masasabi ko: Saktan nyo lang ulit si Charlane, o kangtiin nyo kahit dulo ng daliri niya, mananagot kayo sa'kin!", ngayon ko lang nakitang magalit nang ganun si Jaejoong. He was usually calm and cool pag nasa school siya.

Biglang hinawakan ni Kai ang kamay ko. "Charlane, mag-uusap tayo", at hinila niya ako palabas ng restroom nang magsialisan na yung mga tao.

Dinala ako ni Kai sa isa na namang bakanteng classroom.

"Kai, ano na naman ba'to?"

Isinandal ako ni Kai sa pader pagkatapos ay itinukod niya ang magkabilang kamay niya sa magkablang side ko. "Magsabi ka ng totoo sa'kin, Charlane."

"Huh?"

"May gusto ka rin ba kay Jaejoong-hyung?"

Natameme ako. Hindi ako sumagot at tumingin na lang kay Kai.

"Charlane, sumagot ka!"

I gave him a push. "Wala kang karapatang sigawan ako!"

"Sagutin mo na kasi yung tanong ko! May gusto ka rin ba sa hyung ko??"

"Oo! Gusto ko siya!", I shouted back. Natigilan si Kai. Ako naman napatakip ng bibig dahil nagulat ako. Ako mismo nagbuko sa sarili ko. Taena kasi itong si Kai eh. X_X

"O ngayon? Masaya ka na, ha??", sigaw ko. Tinakpan ni Kai ang bibig ko.

"Tama na, Charlane. Tama na.", sabi ni Kai, pagkatapos ay tinanggal rin niya ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko.

"Wala naman akong pakialam kung magkagusto ka sa hyung ko eh, kasi hindi naman talaga kita girlfriend, pero please, binabayaran kita dito. Umayos ka", at lumabas si Kai ng classroom.

Napa-facepalm ako. Ngayong alam na ni Kai, I just hope I don't screw up on anything, pero alam ko namang tatahimik si kai, for the sake ng pagpapanggap namin.

 

After a few weeks....

Nagbabantay ako kay Umma sa ICU nu'n nang mapansin kong gumalaw ang mga daliri niya sa kamay at unti-unting dumilat ang mga mata niya. Agad akong tumawag ng doktor at nurse.

Pagkatapos tingnan at eksaminin ng mga doktor at nurse ang umma ko, the doctor told me the good news: Okay na daw ang umma ko. Sa sobrang saya ko, tinawagan ko si Kai.

"Charlane?"

"Kai! May good news ako!" ^___^

"Ano yon?"

"Okay na si Umma. Gising na siya! Ililipat na siya sa ward."

"Wow, good news nga yan."

I smiled. "Salamat sa'yo, Kai."

"Buti naman at nakakatulong ako sa'yo", parang malungkot ang boses niya. "Charlane."

"O, bakit?"

"Kapag natapos na yung contract natin, magpapaligaw ka na ba kay Jaejoong-hyung?"

I was silent for awhile. "Kung magpapaligaw ba ako, papayag ka ba?"

"Well... hindi."

"Ano?"

"Ayoko kasi magkaroon ng shushunga-shungang girlfriend na katulad mo ang hyung ko", pang-aasar ni Kai.

"Hoy, Kim Jongin! Scholar ako sa Eunkyo! Valedictorian ako mula elementary hanggang high school, tapos tatawagin mo 'kong shunga? You don't do that to me!" ><

He laughed. "O sige na, di na shunga. Tanga lang minsan." :p

"Pareho lang yun, ah!", di talaga siguro buo ang araw ng lalaking 'to pag di niya 'ko inaasar. =____=

"O sige na, kita na lang tayo sa school bukas."

"Okay! Bye!"

"Bye."

10 AM nilipat si Umma sa ward. Medyo normal na ang pagkilos niya. Nakakakain na siya, nakakainom, but not normally nakikipag-usap. Medyo tahimik pa siya.

"Good morning po, Mrs. Park."

"Jaejoong!", medyo na-surprised ako na sabi ko.

"Nagdala ako ng prutas para sa umma mo", sabi ni Jaejoong, referring sa basket na dala niya.

"Thanks."

Medyo nagkakahiyaan kami. Siguro dahil dun sa ginawa niyang pagtatapat last time na gusto niya 'ko.

"Charlane, friends pa rin naman tayo, di ba?", tanong niya. 

"Oo naman", I replied.

"Pasensya na. Di ko na kasi napigilan eh", sabi ni Jaejoong, at napatingin siya kay Umma. "Mabuti naman at okay na siya." :)

"Oo nga eh. Ang bait talaga ni Lord", nakangiting sagot ko. Napatingin ako kay Umma. Nakangiti din siya kay Jaejoong.

"Kamusta na po kayo?", tanong ni Jaejoong sa kanya.

"A-Ayos lang naman ako", sagot namn ni Umma. I smiled. Para kasing naging kumportable agad si Umma sa pakikipag-usap kay Jaejoong.

"Good morning po, tita!", bati ng kararating lang na si Sulli. "May dala po akong strawberries para sa inyo." :)

"Salamat", sabi naman ni Umma.

"Hi, Jaejoong!", bati din ni Sulli nang makita niya si Jaejoong.

"Oh, hi Sulli", bati naman ni Jaejoong.

"Ahm... Hiramin ko po muna si Besh, ha? May pag-uusapan lang kami sa labas", sabi ni Sulli, sabay hawak sa wrist ko.

"O sige", sagot naman ni Umma, at lumabas muna kami ni Sulli sa ward.

"Besh, ano'ng ginagawa ni Jaejoong dito?", tanong ni Sulli. "Namamanhikan na ba siya?" O.O

"Gaga! Kinakamusta lang niya si Umma!", sagot ko kaagad. "Okay nga yan eh... at least nakikilala ni Umma si Jaejoong."

"Tama, para makilatis na niya ang kanyang future son-in-law", nakangising sabi ni Sulli, sabay sundot sa waist ko.

"Baliw." =____=

"Pero besh, sa totoo lang... mas bet ko kayo ni Kai."

I slightly raised my eyebrow. "Oh?"

"Iba kasi ang chemistry nyo, besh. Ngayon pa nga lang na pekeng magkasintahan kayo eh... may pagka- Rain- Song Hye Kyo na..." X)

"Napasobra ka lang ng nood ng mga drama", sabi ko.

"Besh talaga o... Ikaw na!", at tinapik ni Sulli ang balikat ko. "Ang ganda-ganda mo! Haba ng hair, taas ng takong!" X)

I slightly blushed. Napatingin ako kay Jaejoong na nasa ward, at nag-flash sa isip ko yung ginawa ni Kai sa showcase. Ayan na yung mga butterflies sa tummy ko...

Nakukuha na nga ba ni Kai ang loob ko?

 


 

A/N:

GOOD EVENING!!!

Bagong update na naman ang bruha... 

Nakukuha na nga ba ni Kai ang loob ni Charlane? Ano sa tingin nyo? Hehe...

may mga nagsa-subscribe at nagko-comment na....

PARTY-PARTY!!! Lol

Keep those comments, views, subscriptions, and votes COMING!! <3 <3

Meron tayong special guest ulet... Siyempre, finally, walang iba kundi si...

Si Charlane Park! (Yah, we definitely know na si Suzy yan...XD)

Charlane: Annyeong! Kamusta? Hehe...:)

Ako: Ang ganda mo today...

Charlane: Thank you...Pareho kaya tayong maganda...kekeke

Ako:

 

Charlane:

Grabe, unnie...di ka naniniwala sa'ken??XD

Ako: Ano ka ba, matagal ko nang alam yon...

Kai: Ayo Wazzup!!!

Ako: O, guest na kita last time ha! Andito ka na naman?

Kai: Siyempre, sasamahan ko ang honeybabes ko...kekeke

       Charlane, Ikaw ba ang MAMA at PAPA ko?

Charlane: Mama at Papa mo?

Kai: Ang MAMAhalin at PAPAkasalan ko?

Charlane: Enebey...

Kai: Wew.. *kilig much*

Ako: Yiee..! PBB Teens??XD

Kai: Oy ha...support CharKai loveteam...hehehe

Jaejoong: Oy... Nakakalimot ka yata...andito pa'ko...

Ako: Ehmehged..! Ano nangyayare dito??XD

Jaejoong: Guys, support CharJae love team ha? Ang mag-support sa loveteam namin may kiss..XD

Akala mo Kai ikaw lang may banat...ako din meron...:p

Charlane, screwdriver ka ba?

Charlane: Bakit?

Jaejoong: Kasi habang umiikot ka sa isip ko, bumabaan ka sa puso ko...:)

Charlane: Ehmehged..!

Ako: Jusmiyong mga batang 'to!XD

Jaejoong: Hahahaha!!

Ako: Oy mga koya, tapos na ang Valentines ha?:p

Kai, Charlane, Jaejoong: HAHAHAHAHA!!!

 

 

O siya, out na'ko...Gabi na rin eh, baka magpa-slumber party na naman si Jaejoong...lol

 

Reminder lang: This fic is not responsible for any kind of ovary explosion, early pregnancy, mental breakdown, uncontrollable drooling, and other fangirling anxiety...lolz

 

BYE-BYE!! Till next update..!!:D

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
viannafe #1
Chapter 18: Too bad i cannot read this. I wish i could somehow understand
louieistrash #2
KYAAAAAAHHHHHH! Not bad for a first-timer. Actually, hindi nga "not bad" ehhhh more on, gujab! :))) Ang kulit lang. Salamat! :D :D Sulat ka ulit ng romcom na si Suzy ang bida. Hehe :D
Cdlsrys #3
Chapter 21: bgyan ng damit si jaejoong!!! XD
OMGG TAPOS NA TGA, AS IN FIN. *joyfully cries* chot haha
thanks te megan! XD
first ff m na completed mo pla to? XD
Cdlsrys #4
Chapter 17: HI JINKI BABES XD
SHET HA. NASARAPAN XD
Cdlsrys #5
Chapter 17: HI BEN BEN!!!!!!!! XD
OMGGGGG YUN LAST PART !!! PDE ISA PA?XD
Cdlsrys #6
Chapter 16: Wow, bumisita si DongHae!! Akala ko ba sa ss5 ka?!?! Haha
Huli si Hyomin eh! Nahiya tga ang Golddigger kuno sayo!! XD
Cdlsrys #7
Chapter 16: Love you Kai!! Tiwala lang! charKai parn yan!!
Cdlsrys #8
Chapter 15: Nagdudusa si Jaejoong din. And I see ds one coming TT
hyomin kse!! Ang landi!!! Kulang pa b si tito jungho?!?! XD
Ang sweet ng frst part!! tengene sa last part eh :(((((
Cdlsrys #9
Chapter 14: Kai pakiss!! XD :*
Ayun oh, tamang KV to start the day. Ang corny nga ni Charlane, XD
pero mas corny si Kai!!! Corny na autistic! XD ansaveh ng destinations nla? Buti walg 'condo' :D