Chapter 10

Girlfriend for Hire

[Charlane's POV]

Nagsimula na ang Biology exam namin.

Habang nagsasagot ako, sumulyap ako kay Kai. Kampanteng-kampante siyang nagsasagot ng exam. I glared at him. Napakayabang talaga ng lalaking 'to....

Nag-flash bigla sa utak ko yung kissing scene namin kanina...

Charlane, ano ba?? Focus, focus, FOCUS!!! ><

Pagkatapos ko mag-exam, ibinigay ko na yung test paper ko sa prof namin at lumabas na'ko ng classroom. Nag-smirk pa si Kai sa'kin, pero dinedma ko na lang yon.

Pinipilit kong kalimutan yung paghalik sa'kin ni Kai pero di ko magawa. Muntik na tuloy akong mahulog sa hagdanan.

"Hey, okay ka lang ba?"

I looked up. Jusme, si Jaejoong pala! O.O

"Okay ka lang? Parang lutang ka na naman ha", he grinned. Napatingin ako sa braso niyang nakahawak sa waist ko. I totally blushed.

"P-Pasensya ka na, oppa", sabi ko, at binitawan ako ni Jaejoong. "Medyo nahihilo lang ako. Kailangan ko na sigurong umuwi."

"Hindi ka ba magpapahatid kay Kai?"

"Ah, hindi na! Sige, uwi na 'ko!", nagmamadali akong bumaba sa hagdanan.

"Ingat ka", pahabol pa ni Jaejoong.

I sighed. Bakit ganon? Parang nako-confuse ako. Dahil nga ba yon sa halik ni Kai? Bakit ganon? Nung hinalikan niya 'ko bumilis yung tibok ng puso ko. Nagkakagusto na ba ako sa kanya? No, hindi pwede 'to. Hindi ako pwede magkagusto kay Kai. Malapit na rin naman matapos yung kontrata ko sa kanya, kaya hindi pwedeng matuluyan ako sa kanya. Magkakabalikan din naman sila ni Hyomin eh.

Teka, bakit parang nasaktan ako dun sa last sentence?

Argh!! Maloloka na talaga ako! >.<

Pagpasok ko ng bahay namin, parang may kakaiba sa katahimikan do'n. Parang may mali, hindi ko alam kung bakit ganun yung pakiramdam ko.

"Umma, andito na po ako", sabi ko, pero walang sumasagot.

Then sudden fear hit me.  Parang may hindi magandang mangyayari.

"Umma!", hinanap ko siya sa kusina at likod-bahay, pero wala siya.

Pumunta ako sa kwarto niya, at nakita ko siyang nakabulagta na sa sahig.

"Umma? Umma!", I checked her pulse, pero wala na. Hindi na rin siya humihinga. Patay na siya...

Niyakap ko si Umma at umiyak. Wala na siya... Wala na ang umma ko... wala na ang pamilya ko...

 

[Kai's POV]

Grabe talaga yun si Charlane, iniwan ako dito sa school! Ano'ng nangyari dun? Iniiwasan ba niya ako dahil sa ginawa kong paghalik sa kanya?

Pero seriously, ang lambot ng lips niya. Hehe...

Ano ba, Kai? Di ba si Hyomin ang mahal mo? Di ka dapat nagpapaakit sa amazonang Charlane na yun!

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko. Hindi pa rin tama na basta na lang ako iniwan ng babaing yon.

Maya-maya'y sinagot na ni Charlane ang tawag ko.

"Hello, Charlane! Hinahanap kita dito sa school, iniwan mo na pala ako! Di ka man lang nagpaalam sa'kin nang maayos! Pasensya na kung hinalikan kita kanina...", nakarinig na lang ako bigla ng hagulgol sa kabilang linya.

"Ch - Charlane, okay ka lang ba?"

"Kai... wala na'ng... wala na'ng umma ko..."

Humagulgol na nang tuluyan si Charlane, at nawala na siya sa linya.

"Hello, Charlane? Hello?"

Hindi ko napigilang mag-alala, kaya agad akong sumakay sa kotse ko para puntahan siya.

Pagdating ko sa bahay nina Charlane, nakita kong bukas yung gate kaya pumasok na 'ko. Pumasok ako sa pinto ng bahay at hinanap ko siya. Nakita kong bukas yung kwarto ng isang kwarto dun. Papasok na sana ako kaso di na lang ako tumuloy. Naunahan na kasi ako... ni Jaejoong-hyung.

Oo, nandun nga si Jaejoong-hyung, yakap-yakap niya si Charlane na umiiyak sa bisig niya.

Pinili ko na lang na hindi magpakita pa sa kanila. Lumabas na lang ako sa bahay nina Charlane at pumasok sa kotse ko.

Bakit ganun, nasasaktan ako ngayong nakita ko si Hyung na yakap ang pekeng girlfriend ko? Di ba dapat hindi ako apektado kasi pagpapanggap lang ang lahat ng ito?

No, hindi tama ito. Tigilan mo ang pag-iisip nang ganito, Kai. 

Pag-uwi ko sa condo unit ko, nagulat ako nang makita ko si Hyomin.

"Jongin, andyan ka na pala", sabi niya. "Nagluto ako ng chapchae para sa'yo."

"Salamat", sagot ko, at ibinaba ko yung backpack ko sa sofa.

"Di ba, 4 PM ang uwi mo. Sa'n ka ba nagpunta?"

"Pumunta ako kina Charlane."

Nawala angngiti ni Hyomin. "Ang sweet mo naman sa kanya."

"She deserves my sweetness", sagot ko.

Hinawakan bigla ni Hyomin ang kamay ko. "Mahal mo pa rin naman ako, Jongin, di ba?"

Hindi ako nakasagot. Para kasing nagdadalawang-isip na 'ko. Kung noon siguradong-siguradoako na gusto kong magkabalikan kami, pero ngayon... hindi ko na alam.

"Ikakasal ka na sa appa ko. Siguro dapat itigil na natin 'to. Hindi na kaya ng konsensya ko eh", sagot ko. Bigla akong niyakap ni Hyomin sa likod.

"Please, Jongin... Hindi ko kaya nang wala ang pag-ibig mo. Mahal pa rin kita, Jongin..."

I sighed, at tinanggal ko yung mga braso ni Hyomin na nakayakap sa'kin.

"Umuwi ka na. I'm sue hinahanap ka na ni Appa sa bahay", sabi ko. Umiiyak pa na kinuha ni Hyomin ang bag niya at lumabas ng unit ko.

Napasalampak ako ng upo sa sofa. Litong-lito na ang puso at utak ko sa nararamdaman ko. Ganito rin kaya ang nararamdaman ni Charlane ngayon?

 

The next day...

Pumunta ako sa funeral chapel para makiramay kay Charlane. Nag-decide akong wag munang pumasok ngayon, para madamayan ko siya ngayong araw.

Pagdating ko dun sa funeral chapel, si Jaejoong-hyung ang bumungad sa'kin.

"Kai? Hindi ka pumasok ngayon?"

"Hindi. Dadamayan ko ang girlfriend ko ngayon", sagot ko, at pinuntahan ko agad si Charlane.

Nakita ko siya sa upuan sa front row, malungkot at natutulala pa.

"Charlane?"

Tumingin sa'kin si Charlane, at pagkatapos ay niyakap niya 'ko. Niyakap ko din siya nang mahigpit. Alam kong eto ang kailangan niya ngayon, yung feeling na di siya nag-iisa....

....Pero agad din siyang bumitaw sa'kin.

"Nakikiramay ako", sabi ko.

"Salamat", sagot naman niya. Nakayuko lang siya. I lifted her chin so I can meet her eyes.

"Namumugto na yung mata mo", sabi ko.

"Alam ko", medyo naiiyak pa siya.

"I know na ayaw mo pa pag-usapan kung ano'ng nangyari, kaya...hindi ko na lang itatanong..."

"Namatay si Umma dahil sa cardiac arrest."

Napatingin ako kay Charlane ulit.

"Sinubukan ko naman na gumaling siya, ang akala ko okay na, yun pala...", umiyak siya ulit.

Parang naiiyak na 'ko dahil sa kanya. Naalala ko bigla yung time na namatay si Umma. Ganito rin ako ka-emotional nu'n. Todo pagpapakalma ang ginawa sa'kin nina Appa at Hyung nu'n. Bata pa kasi ako nu'n eh.

"Kai, pwede mo bang pakiusapan si Charlane na kumain muna? Ayaw niya kumain eh. Kanina pa siya tumatanggi, baka magkasakit na yan sa ginagawa niya", pakiusap ni Sulli sa'kin.

"O sige", sagot ko, at tumingin ulit ako kay Charlane. "Charlane, kumain ka muna. Baka magkasakit ka."

Umiling siya. "Hindi ako nagugutom. Sariwang hangin lang siguro ang kailangan ko", at lumabas muna siya ng chapel. Sinundan ko naman siya.

Doon muna kami ni Charlane sa garden. Siguro kailangan nga niya ng sariwang hangin para kumalma siya.

"Charlane, tanggapin mo na'to", sabi ko, sabay abot ng tseke sa kanya.

"Ano 'to?"

"Yung pangalawang bayad ko sa'yo. Ibibigay ko na sa'yo nang maaga, dahil alam kong kailangan mo yan ngayon."

She sighed. "Salamat. Isang buwan na lang, matatpos na ang pagpapanggap natin."

"Oo nga eh. Pwede ka na'ng ligawan ni Hyung pag nagkataon."

Ngumiti lang siya nang pilit.

"Kamusta si Hyomin? May senyales na ba na babalik siya sa'yo?"

I shrugged. "I think so."

"Eh di ba dapat, masaya ka na, kasi may pag-asa pa kayo?"

Napabuntung-hininga ako. Tama nga naman si Charlane. Dapat masaya ako dahil may pag-asa pa kami ni Hyomin, pero bakit di ko maramdaman yun ngayon?

Niyakap ako bigla ni Charlane. "Masaya ako para sa'yo."

Ewan ko ba kung anong nangyari, pero napahigpit yung yakap ko sa kanya. "Wag mo 'kong itutulak palayo ngayon, okay?"


 

A/N

AYO, PEOPLE!! WADDUUUUP???

Nakapag-update na naman aketch...hoho! Sinuwerte na naman eh..kekeke

Kai: Annyeong, noona!

Ako: O, batiin mo naman mga readers natin.

Kai: Hello, mga magaganda kong fangirls...! :D

Noona, may nalaman ako...

Ako: Nalaman? Ano na naman nalaman mo?

Kai: Well... galing kay Donghae-hyung...X))

Ako: H-ha? 

Kai: Ayiiee... ganon ka pala ha...

Ako: Whatever...

Kai: Noona, stop doing that... patay na naman ako kay Charlane eh...

Ako: Patay ka talaga..tsk...Tahimik ka na lang okay??

Kai: Igi-GM ko na nga lang...:p

Ako: Kai, try mo...

PATAY KA TALAGA SA'KIN!!

Jaejoong: O, inaaway mo na naman si Kai... Ano na naman ba yan?

Ako: Si Kai kase...

Jaejoong: May secret kase si Noona, alam nyo na po ba yon?XD

Ako: Aww...shatap ka na Kai ha...

Jaejoong: Ano ba yun Kai?

Ako: Jae-appa!

Kai: Eto yun oh...*whispers to Jaejoong* 

Jaejoong:

Kai:

Ako: Hoy, Kai! Ano yan??

Kai: Secret...hahaha!

Malelerki na'ko sa dalawang 'to...kaya bago pa magkabukingan,ia-out ko na'to...:p

 

Kai: And remember...

VOTE. COMMENT. VIEW. SUBSCRIBE

O ayan ha? Si Kai na nagsabi...:))

Jaejoong: Tuloy lang sa pagbabasa...para may free kiss at hugs kayo sa'kin! Jaejoong <3 you..!!

Ayan pa! Sina Kai at Jae na nakkiusap sa inyo..hehe! Till next update...Bye Bye!!

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
viannafe #1
Chapter 18: Too bad i cannot read this. I wish i could somehow understand
louieistrash #2
KYAAAAAAHHHHHH! Not bad for a first-timer. Actually, hindi nga "not bad" ehhhh more on, gujab! :))) Ang kulit lang. Salamat! :D :D Sulat ka ulit ng romcom na si Suzy ang bida. Hehe :D
Cdlsrys #3
Chapter 21: bgyan ng damit si jaejoong!!! XD
OMGG TAPOS NA TGA, AS IN FIN. *joyfully cries* chot haha
thanks te megan! XD
first ff m na completed mo pla to? XD
Cdlsrys #4
Chapter 17: HI JINKI BABES XD
SHET HA. NASARAPAN XD
Cdlsrys #5
Chapter 17: HI BEN BEN!!!!!!!! XD
OMGGGGG YUN LAST PART !!! PDE ISA PA?XD
Cdlsrys #6
Chapter 16: Wow, bumisita si DongHae!! Akala ko ba sa ss5 ka?!?! Haha
Huli si Hyomin eh! Nahiya tga ang Golddigger kuno sayo!! XD
Cdlsrys #7
Chapter 16: Love you Kai!! Tiwala lang! charKai parn yan!!
Cdlsrys #8
Chapter 15: Nagdudusa si Jaejoong din. And I see ds one coming TT
hyomin kse!! Ang landi!!! Kulang pa b si tito jungho?!?! XD
Ang sweet ng frst part!! tengene sa last part eh :(((((
Cdlsrys #9
Chapter 14: Kai pakiss!! XD :*
Ayun oh, tamang KV to start the day. Ang corny nga ni Charlane, XD
pero mas corny si Kai!!! Corny na autistic! XD ansaveh ng destinations nla? Buti walg 'condo' :D