Chapter 17

Girlfriend for Hire

[Charlane's POV]

The next day...

Paggising ko, na-realize ko na nakahiga pala ako sa sahig at nakaunan sa braso ni Kai. Dahil tulog pa naman si Kai, kinapa ko yung noo at leeg niya. Bumaba na yung lagnat niya. Napatingin naman ako sa chest niya, at napa-blush ako. Buong gabi talaga ako nakadikit sa katawan niya?? Nagagawa nga naman ng malamig na panahon... O////O

Unti-unting iminulat ni Kai ang mga mata niya.

"Honeybabes, gising ka na pala", nakangiting sabi ni Kai sa'kin. "Wait, why do you look so flustered?"

Napatingin si Kai sa chest niya. "Di mo pala ako nasuotan ng shirt kagabi, and you end up hugging my bare chest", ang naughty pa nung ngiti niya!

"Tumigil ka nga dyan, Kai", I slapped his arm and I sat up. "Magluluto na 'ko ng almusal...."

Biglang hinawakan ni Kai ang waist ko at niyakap niya 'ko kaya napahiga ulit ako,pagkatapos ay kiniss niya 'ko sa cheeks.

"Good morning, honeybabes", sabi ni Kai.

Hinalikan ko ang ilong niya. "Good morning, hotbabe." ^___^

We grinned at each other like fools.

"Bangon na tayo. May pasok pa tayo eh", sabi ko, at pinisil ko ang ilong niya.

"Honeybabes, another 5 minutes pa. Mamaya na tayo bumangon", at nag-aegyo pa siya.

Hinampas ko siya ng unan. "Hotbabe, pag na-late tayong pareho, malalaman na magkasama tayo dito kagabi. Isipin ng mga tao may nangyari sa'tin."

"Sana nga meron eh", he smiled naughtily.

I blushed. "Kim Jongin!", sabay hampas ulit ng unan sa kanya.

Tumawa si Kai. "Joke lang, Charlane! Sige na, boss...babangon na po", and he sat up.

Pagkatapos namin mag-almusal, maligo, at magbihis...

"Tara na, honeybabes?", sabi ni Kai, at inilahad niya ang kamay niya.

Hinawakan ko naman yon nang mahigpit at tumango lang ako.

 

Sa school....

"Ayo, Kai!", bati ni Chanyeol sa'min, at napansin niyang magka-holding hands kami ni Kai. "Wait a minute! Ibig sabihin ba nito..."

"Kami na ulit ni Charlane", nakangiting sagot ni Kai. Ako naman, napa-blush sa kilig.

"Whoa! Good news yan, bro!", sabi ni Kyungsoo. "Kailan pa?"

Nagkatinginan na lang kami ni Kai at nagngitian. "Ahm...secret!", sabay na sabi namin.

"Ang daya ng dalawang 'to, naka-pout na sabi ni Kyungsoo. Natawa na lang kami ni Kai.

"Tara na! May mga klase pa tayo. Baka malate na tayo", sabi ni Chanyeol, at naglakad na kami papunta sa mga classroom namin.

"I'll see you later", sabi ni Kai, sabay halik sa kamay ko pagkahatid niya sa'kin sa classroom ko.

 

After 2 days...

Habang nasa school ako at naglalakad pababa ng hagdanan, biglang tumunog ang cellphone ko. May text message galing kay Kai.

From: Hotbabe Kai

Honeybabes, di kita mahahatid sa work mo ngayon. may practice kasi ang swimming team, pero wag kang mag-alala, sunduin kita mamaya. Ok lang ba yon?

Nagreply naman ako.

To: Hotbabe Kai

Ok lang, hotbabe. Sige, I'll see you later :)

 

Naiintindihan ko naman na medyo busy si Kai ngayon. Malapit na rin kasi ang athletics meet sa school namin.

Habang naglalakad ako papunta sa pastry shop, naramdaman kong may sumusunod sa'kin. Hindi ko na lang pinansin yon.

Maya-maya'y tumunog ulit ang cellphone ko. Agad ko naman sinagot yon kasi si Kai yung tumatawag.

"He-Hello, Kai?"

"Charlane, nakarating ka na ba sa pastry shop? Pasensya na kung hindi kita mahatid."

"Okay lang, Kai. Don't worry. Pagbutihan mo practice nyo ----"

Bigla na lang may tumakip sa bibig ko, at dun ay nagdilim ang paligid ko.

 

[Kai's POV]

"Hello, Charlane? Andyan ka pa ba? Hello?", biglang nawala sa linya si Charlane.

"Kai, may problema ba?", tanong ni Jaejoong-hyung sa'kin.

"Si Charlane kasi... biglang nawala sa linya", sagot ko.

"Baka na-lowbat", sabi ni Jaejoong-hyung.

"Hindi, hyung. Iba ang pakiramdam ko. Parang may mali", medyo anxious na sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinukutuban nang masama.

"Saglit lang,hyung. Lalabas lang ako saglit", sabi ko, at lumabas ako ng school.

Hinanap ko si Charlane sa labas. Lalo pa'kong kinabahan nang makita ko yung cellphone ni Charlane sa daan. Meron talagang mali!

"Charlane? Charlane nasa'n ka??", sigaw ko. Doon na'ko natakot.

Tumakbo ako pabalik ng school.

"Hyung! Hyung!"

"O, Kai! Ano'ng nangyayari?"

"Mukhang may masamang nangyari kay Charlane", anxious na sabi ko, at ipinakita ko sa kanya ang cellphone ni Charlane. "Nakita ko 'to sa daan."

"Bro,relax ka lang", sabi ni Jaejoong-hyung sa'kin.

"Pa'no ako magre-relax kung nararamdaman kong nasa panganib ang girlfriend ko?", nasa'n na ba kasi siya? Kinakabahan na tuloy ako lalo nito...

Maya-maya'y tumunog ang cellphone ko. Hindi ko kilala yung number, pero sinagot ko na rin yung tawag.

"Hello?"

"Remember me, Kai?"

Agad kong nakilala yung boses ng tumawag sa'kin. "Hyomin?"

"Naaalala mo pa pala ako", at tumawa siya. "Well, kaya lang naman ako tumawag sa'yo paar ipaalam sa'yo na hawak ko ang pinakamamahal mong si Charlane! Eto, kausapin mo."

"Kai!"

"Charlane! Ayos ka lang ba dyan?", nate-tense na tanong ko.

"Okay lang ako dito, Kai. Kapag pinapunta ka ni Hyomin dito, wag kang pupunta, okay?", sabi ni Charlane sa'kin.

"Hindi, Charlane. Ililigtas kita. Hintayin mo'ko dyan", sagot ko.

"Pumunta ka dito nang ikaw lang mag-isa. Wag kang magsasama nang kahit sino, lalong-lalo na'ng wag mong isasama si Jaejoong. Ite-text ko sa'yo ang address ng kinaroroonan ni Charlane", sabi ni Hyomin. "Pag di ka tumupad sa usapan, pasasabugin ko ang bungo ng girlfriend mo. Naiintindihan mo?"

"Wag kang mag-alala, Hyomin. Tutupad ako sa usapan", sabi ko, at nawala na si Hyomin sa linya.

Isinuot ko kaagad ang jacket ko. "Pupuntahan ko si Charlane."

"Sasamahan kita", sabi ni Hyung.

"Hindi pwede, hyung. Kailangan ko pumunta dun nang mag-isa lang. Ako ang dahilan ng lahat ng ito, hyung, kaya ako ang mag-aayos nito", sabi ko. "Pag hindi rin naman ako tumupad sa usapan, papatayin ni Hyomin si Charlane. Kaya ko 'to, hyung, at wala rin naman akong hindi gagawin para sa babaing mahal ko."

Pagka-receive ko ng address ng location ngayon ni Charlane ay agad akong umalis ng school para puntahan siya.

Nakarating na din ako sa address na tinext sa'kin ni Hyomin. Isa itong abandonadong warehouse.

"Charlane, nasaan ka?", sigaw ko. "Andito na'ko! Ililigtas kita!"

Bigla na lang may humataw ng tubo sa ulo ko, at doon ay nawalan na 'ko ng malay.

 

After several minutes.....

"Maam, andito na po siya."

Nagising ako na nasa isang kwarto na may lamp lang para sa ilaw. Medyo hilo pa 'ko dahil sa pagkakahampas sa'kin kanina.

"Kai!"

Nagising bigla ang diwa ko dahil sa boses na yon. "Charlane!"

Sinubukan kong lumapit pero hinila ako palayo nung mga lalaki at sinikmuraan.

"Tama na!", sigaw ni Charlane.

"Boys, tigilan nyo yan", saway ni Hyomin sa mga bumugbog sa'kin. She smirked at hinila niya si Charlane at tinutukan ng baril sa sintido.

"This is such a very touching scene", she said in a fake, pitied voice, at lalo pa niyang itinutok kay Charlane ang baril. "Pakakawalan ko naman si Charlane eh...in one condition."

"Ano yon, Hyomin? Sabihin mo lang", I said weakly.

"Bumalik ka sa'kin. Pakasalan mo 'ko at ibabalik ko nang buhay ang babaing 'to."

I was stunned. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko gustong pakasalan si Hyomin, pero hindi ko naman hahayaang mamatay ang babaeng mahal ko.

"Kai, wag kang papayag!", sabi ni Charlane.

"Shut up, !", sigaw ni Hyomin sa kanya.

I'm sorry, Charlane. Ito lang ang alam kong paraan para iligtas ka.

"Let me go!"

Nagulat ako nang makawala si Charlane kay Hyomin at tumakbo papunta sa'kin. At that point, ipinutok niya ang baril niya at niyakap ko si Charlane...

.

.

.

.

.

.....at ako ang tinamaan.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
viannafe #1
Chapter 18: Too bad i cannot read this. I wish i could somehow understand
louieistrash #2
KYAAAAAAHHHHHH! Not bad for a first-timer. Actually, hindi nga "not bad" ehhhh more on, gujab! :))) Ang kulit lang. Salamat! :D :D Sulat ka ulit ng romcom na si Suzy ang bida. Hehe :D
Cdlsrys #3
Chapter 21: bgyan ng damit si jaejoong!!! XD
OMGG TAPOS NA TGA, AS IN FIN. *joyfully cries* chot haha
thanks te megan! XD
first ff m na completed mo pla to? XD
Cdlsrys #4
Chapter 17: HI JINKI BABES XD
SHET HA. NASARAPAN XD
Cdlsrys #5
Chapter 17: HI BEN BEN!!!!!!!! XD
OMGGGGG YUN LAST PART !!! PDE ISA PA?XD
Cdlsrys #6
Chapter 16: Wow, bumisita si DongHae!! Akala ko ba sa ss5 ka?!?! Haha
Huli si Hyomin eh! Nahiya tga ang Golddigger kuno sayo!! XD
Cdlsrys #7
Chapter 16: Love you Kai!! Tiwala lang! charKai parn yan!!
Cdlsrys #8
Chapter 15: Nagdudusa si Jaejoong din. And I see ds one coming TT
hyomin kse!! Ang landi!!! Kulang pa b si tito jungho?!?! XD
Ang sweet ng frst part!! tengene sa last part eh :(((((
Cdlsrys #9
Chapter 14: Kai pakiss!! XD :*
Ayun oh, tamang KV to start the day. Ang corny nga ni Charlane, XD
pero mas corny si Kai!!! Corny na autistic! XD ansaveh ng destinations nla? Buti walg 'condo' :D