Chapter 3

You're Mine

I knew it! Tama nga ang hinala ko. Isa na naman ito sa pakulo niya. And of all people, bakit si Clarence pa ang isinama niya? Alam na alam niya namang mortal enemy ko yun! Grrrrr!!! Well that was long time ago. Past is past. Never come back, sabi nga nila.

“Sorry we’re late, something came up. I’m really sorry.”

“I won’t say its okay dahil hindi naman talaga. Hello, 30 minutes mo kaming pinaghintay.”

“Excuse me…” nalipat and tingin ko kay Clarence.

“… It’s not his fault. Biglaan ang pagdating ko and as a good friend, inasikaso niya muna ako.”

 What more can I say? Ako pa mali ngayon. Eh bakit kasi dumating ka pa? Ibig ko sanang isagot sa halip ngumiti na lang ako.

“Ehem! I think we should go.” singit ni kuya.

Kasabay kong naglalakad si kuya habang yung dalawa nauuna, akala ko ba kami may date? Eh ba’t lumalabas na ako pa sampid at pag pinaglalaruan ka nga naman ng tadhana puro mag jowakels pa ang andito ngayon sa Enchanted. Akala ko pa naman makakapag unwind ako at makakalimot kahit panandalian lang, hindi na lang sana ako nagpunta T-T. Naputol ang pagmumuryot ko nang may umakbay sa akin.

“Cheer up bunso! Para ka namang pinagbagsakan ng langit at lupa sa mukha mong ‘yan. Sige ka,mas maganda na si Clarence sayo.”

Tiningnan ko lang siya ng masama. >_>

“Kidding! My point is… This is such a wonderful day to enjoy kaya pwede ba? Wag ka naman sumimangot.”

Ok, nangiti na ako. Knowing kuya,hindi yan talaga sweet pero pag kinailangan tyaka lang lumalabas. That made me smile even more, nakikita ko kasi na talagang nag-aalala siya sakin and he’s trying very hard para mapangiti ako. Kaya pagdadamutan ko pa ba ang gwapung-gwapong kuya ko?

“Oy tama na lambingan, tara nang sumakay.”

Kontrabida talaga kahit kelan tong si Kevin.

Andi’s POV

So far, okay naman. Si Faye maganda na uli ang mood pero pansin kong biglang nagbabago aura niya everytime na dumidikit si Clarence kay Kevin at sa paminsan-minsang pag iinarte nito na kesho natatakot daw siya at ayaw niya sumakay kaya hindi na nakapagtimpi ang kapatid ko.

“Maiwan ka nalang dito kung natatakot ka talaga.” sabi niya, pati ako nagulat

O.O à O.o ganyan kami ni Kevin

“It’s ok, maiwan na lang din ako. Samahan ko na lang si Clarence.” Sigurado ako hindi magpapaiwan ng mag-isa si Clarence kaya ako na magsakripisyo at ng makasakay na sila.

“Pero kuya!Favorite mo ‘tong Anchor’s Away. Ngayon ka lang hindi sasakay dito.”

“Ok lang, sige na sakay na.”

“Pero---“

“No more buts.” itinulak ko na sila papuntang entrance.

“Andi, sure ka? Pwede namang ako na lang maiwan.” tanong naman ni Kevin.

“Ok lang talaga, ikaw na sumama kay Faye.”

Nang makasakay nasila, biglang nagsalita si Clarence

 “Are you playing cupid?”

“Huh?”

“I know you’re up to something but I won’t let that happen.” sabay alis. Nagkibit balikat na lang ako. Hindi pa rin talaga siya nagbabago, she maybe sweet but deep inside she’s tough at hindi magpapatalo kaya nga hindi sila magkasundo ni Faye, pareho kasi sila ng ugali.

Kevin’s POV

“If you’re scared, you can hold on to my shirt.” nasabi ko lang yun to make the atmosphere light.

“He-he… In your dreams.” :)

Did she really smile at me? Akala ko iirapan niya na naman ako.

“You know what? You’re a lot prettier when you smile.” hindi ko tuloy napigilang i-voice out.

“May sinasabi ka ba?” pero buti na lang at hindi niya narinig.

“Wala---woohhh!!!” nagsimula ng umaandar. Sa bandang dulo kami naka upo kaya kahit kaka-start pa lang, ramdam na namin yung height.

“Huwahhhh >.<)>” siya yan, at hindi pa nakuntento sumubsob pa sa kili-kili ko. As expected, ganito din siya nung huling sakay namin. Yun nga lang, hindi saken kundi sa kuya niya siya naksubsob. Ganyan lang naman siya, TAPANG TAPANGAN.

Hindi na ako nagdalawang isip, I grabbed the chance at umakbay sa kanya.

“Faye look oh! Ang ganda ng view.” kahit natatakot pinilit niya pa ring tingnan yung tinuturo ko.

“HuWOW!!!ganito pala kaganda ang view from up here. *^*”

“Ikaw kasi nakasubsob sa kuya mo the whole time. Ayan tuloy you were missing such a view.” Oops! eto na naman ako sa pang-aasar sa kanya, pero buti na lang at masyado siyang na-mesmerized sa nakita at hindi niya napansin ang sinabi ko.

Pagkatapos ng ride, bumaba agad kami para puntahan yung dalawa pero pagdating namin wala si Clarence.

“Where is she?” tanong ko agad kay Andi.

“Sa comfort room, oh ayan na pala siya.” pagkasabi ay binalingan niya na si Faye.

“How’s the ride?”

“OSM ^^, the view is breathtaking hindi ko pa makikita yun kung hindi dahil kay---”

“I’m sorry to interrupt you guys but can we eat first? I’m famished.”

“Clarence is right. Andi and I will buy something. Hintayin niyo na lang kami.”

Faye’s POV

Like what Kevin said, maghintay kaya eto kami nakaupo sa isang bench. ~~~~ silence, nabibingi na ako sa sobrang tahimik nitong katabi ko. Hindi ako sanay, dati kasi hindi kami nauubusan ng pinagtatalunan. Okay lang kaya kung kausapin ko siya? Kaso baka tarayan naman ako, hmp bahala na nga basta hindi ko na kaya to…

“Hmmm, Clarence, can I ask you something?” syempre tinanong ko muna baka naman sabihin niya FC ako sa kanya.

Tiningnan niya ako sabay sabing… “Nagtatanong ka na.”

Errr! Hindi pa rin siya nagbabago -_-” pero dahil nasimulan ko na bakit hindi ko pa tapusin, kaya nagtanung na nga ako.

“I thought you’ll stay in Canada for good, so… what brings you here?”

“I just came back to get what’s mine.”

Ewan ko ha pero ako lang ba nakapansin na parang may ibig siyang sabihin dun? Well, never mind.

“How about you? I heard wala ka pa rin daw boyfriend.” ganting tanong niya.

Hindi ko maiwasang malungkot sa sinabi niya, naalala ko na naman kasi yung dapat eh kinakalimutan ko na. Hindi tuloy ako nakasagot.

“O baka naman hinihintay mo pa rin na mapansin ka ni Kevin.”

(?_?)

Senti nasana eh pero after hearing Kevin’s name parang gusto kong matawa.

“Mali ka ng iniisip, wala namang---“

“I’m not stupid para hindi mapansin, you’re trying to steal his attention.”

“Anu bang problema mo? If I remember it right, Kevin was the one who asked me out.” kala niya ha, ano ka ngayon? Tameme ka!

“What do you mean?”

“Eh bakit nga ba inaaya ng isang lalaki ang isang babae? Kasi nga may gust---”

“Shut up you liar! Kevin told me you’re just hanging out.” aba’t sinusubukan talaga ako ng babaeng to ha, at hindi lang iyon kanina pa niya pinuputol ang sasabihin ko.

“Kung meron mang sinungaling dito, si Kevin iyon at ikaw naman, utu-uto kasi naniwala ka sa pinagsasabi niya.” nyahahaha eat that! I can feel victory this time, dati kasi lagi siya ang kinakampihan ni Kevin, you know naman they’re childhood friends samantalang ako capital N-O-T-H-I-N-G. Sad but true.

Sasagot pa sana siya pero dumating na yung dalawa. We ate in silence, ako na-enjoy ko yung food ewan ko lang si Clarence. Pagkatapos kumain, I thought uwian na, hindi pa pala. Ito kasing si Clarence nag-aya pang libutin ang mga souvenir shops kaya kahit pagod na sumunod na din ako.

Pero gravy lang! Hindi ko na talaga kaya. Pakiramdam ko nadigest ko na yung kinain namin kanina sa kalalakad. Tumigil  ako sa paglalakad at umupo muna (yung upong parang pumupopooo)

“Kuya!” tinawag ko si kuya, pag kasi ganito na ako alam niyang hindi na ako maglalakad uli kaya akmang lalapit na siya pero pinigilan siya ni Kevin at siya nalang daw.

Pagkalapit niya sa kinaroroonan ko tumalikod siya agad.

“Anu pa hinihintay mo?Pasan na!”

>///< ok lang ako, wag niyo ako pansinin. Wala na akong gusto sa kanya, peksman.

Pumasan na rin ako agad sa likod niya tutal kasalanan naman ng bruha niyang best friend kaya ako napagod.

“Naku po...” nasabi niya na lang ng tuluyan niya akong makarga sa likod, “Pasan ko na ata ang daigdig.” dugtong pa niya.

Binatukan ko nga siya. Aside from that, something feels different. Dati kasi ang initial reaction ko eh maiinis at akmang bababa na pero this time… I don’t feel like doing anything. It just feels so right kaya I wrapped my arms around his neck and rested my head on his shoulder and again I fell into a deep sleep.

That night, I had the most wonderful dream. Parang bumabalik ang lahat pero natatakot ako sa nararamdam ko.

Andi’s POV

We’re now heading home. What happened today really amused me. Lumalabas na ang totoo. And I think things will get better than what I expected. After seeing Clarence’s face ng buhatin ni Kevin si Faye, EPIC hahahaha. From here sila na bahala, I’ve done my part na.

Hinatid muna naminsi Clarence sa tinutuluyan niya. She’s insisting pa nga na doon na lang daw siya matutulog kina Kevin pero buti na lang at magaling magdahilan si Kevin. Kaya ayun,hindi natuloy ang balak ni Clarence na pagpikot este pagtulog kina Kevin.

“Tol pasensya na nga pala kanina, hindi ko naman alam na dadating si Clarence. Alam mo namang wala siyang gaanong kaibigan dito kaya imbes na itaboy eh isinama ko na lang.”

“Kalimutan mo na yun. Ang mahalaga nag- enjoy naman si bunso.” sabay pa kaming napatingin kay Faye na mahimbing na natutulog sa backseat pero mas nauna akong magbawi ng tingin dahil ako ang nagdadrive. Pagtingin ko uli nakatingin pa din si Kevin sa kapatid ko.

“Nakita ko na naman yang tingin na yan.”komento ko.

“Anu bang meron sa tingin ko?”

“Yan yung tinging ‘SUMASAMBA’.” pagkatapos kong sabihin yun hindi ko maiwasang tumawa, kulang na lang kasi matunaw si Faye sa katitig niya.

“Hindi ah!”

“DENIAL KING ka talaga.”

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kumocho
#1
Chapter 5: UNANG-UNA,AYAW TALAGA AKO TANTANAN NG SHEMAYY NA ZIPPER NA YAN! alam mo yung feeling ni kilig na kilig ka na samga nagyayri taposmay pamatay na zipper threat na naman siKevs?!!!!! sarap bigwasan eh. hahaha! anyway, I LOVE IT. seryoso! nag-iimprove yung wrting mo bru. Hindi ako nakornihan,kinilig nga ako! the best din yung line ni jasper na may i've wasted it eh.hahahaha walang tatalo na na-late sa flight. =_________= shunga lang, kevs? hahahahaha

I'll summarize my comment, MORE STORIES PA!!!!!!!!!!!!!!!!!! hahahaha