Chapter 1

You're Mine

Faye’s POV

“Faye anjan na yung prince charming mo.” sabi ni Tiery sabay turo kay Jasper na nasa labas na pala ng room namin.

“Sige Tiery una na ako, bukas na lang. Ingat sa pag uwi.” sagot ko naman

“Ikaw din ingat. Don’t worry at aagahan ko talaga bukas.”

 

 

 

“Naghintay ka ba ng matagal?” tanong ko kay Jasper.

“Hindi naman, maaga natapos ang practice namin kaya napaaga ang pagpunta ko. Nga pala, san mo gusto pumunta? Maaga pa naman, kain muna tayo.” sabay akbay niya sa akin

Napangiti na lang ako, siguro nagtataka kayo kung bakit kami ganito sa isa’t isa samantalang hindi naman kami. Maski ako hindi ko alam kung anu nga ba ang meron sa pagitan namin. Ayoko namang sa akin pa mismo manggaling, pero kahit anu pa man kuntento na ako na andito siya at kasama ko.

“Next time na lang Jasper, maaga kasi ako pinauuwi ni kuya.”

“Ganun ba? Sige hatid na lang kita sa inyo.”

Ngiti lang ang sinagot ko, kahit kelan talaga napaka-understanding niya.

 

*totoot*  Kakauwi ko lang nang may ma-receive akong message.

 

Jasper:

                See you tomorrow same time, same place. I have something to tell you. :) Take care…

 

Nireplayan ko siya at pumasok na sa bahay, yung ngiti ko kanina na abot tenga eh nawala ng dahil sa nasa harap ko ngayon.

“Hello Faye!”bungad sakin niKevin ng nakangiti, ngiting aso ha.

“Anong ginagawa mo sa bahay namin?”

“Dito ako mag sleep over, may kailangan kasi kaming tapusing plate ng kuya mo.”

You heard him, siya lang naman ang classmate/bestfriend ng kuya ko pero ano daw? Dito siya matutulog,  NO WAY! We’re not in good terms dahil lagi niya akong  inaasar kaya hindi ako makakatagal na andito siya. Kela Tiery na lang siguro ako makikitulog ngayong gabi. Imbes na kausapin ko pa ‘tong kumag na ‘to, hinanap ko na lang si kuya para magpaalam.

“Kuya, ok lang bang dun muna ako kela Tiery matulog?”

“Hindi.” simpleng sagot niya lang.

“Ano?Bakit naman hindi pwede?”

“Wala sila mama kaya walang mag-aasikaso dito sa bahay.”

“Ang sabihin mo… walang mag aasikaso sa inyo. Mag-order na lang kayo ng dinner.”

“Ayaw.” Hay naku ba’t nga ba nakikipagtalo pa ako eh mas isip bata pa sakin ‘to kaya talo pa rin ako. Dumiretso na lang ako sa kwarto ko, wala man lang ako kakampi dito sa bahay.

Kahit na ayaw ko makaharap si Kevin bumaba pa rin ako para maghanda ng hapunan, dahil ngayong gabi obligasyon ko sila. *sigh* Kailan kaya magtatanda ang dalawang ‘to? Imagine… 20 na sila, hamak bata ko ng dalawang taon pero kung umasta mas bata pa isip sa akin.

“The best talaga ang luto mo Faye, wala pa ring kupas.” exaggerated na komento ni Kevin, sino pa nga ba eh siya lang naman PG dito.Lahat ata ng ipakain mo, masarap para sa kanya.

“Whatever!”

“Sungit mo naman, alam mo buti na lang masarap ka mag-luto. Mukha kasing yun lang ang talent mo. Mwahahaha.”

See? Sino ba naman ang hindi maiinis sa kutong lupang ito?

“Kevin… tama na, sige ka pag napaiyak mo yan.” at ayun sabay pa silang tumawa. Minsan nagdududa na ako para kasing mas kapatid pa turing niya kay Kevin kesa saken ~ 3~

“Magkaibigan nga kayo.” bulong ko sa sarili ko.

“Faye may sinasabi ka ba?” highblood naman agad si kuya.

“Wala, ang sabi ko ililigpit ko na itong pinagkainan.”

“Buti naman, pagbutihan mo at ng hindi tayo ipisin.Kevin tara na, si Faye na bahala jan.”

“Sige sunod na ako.”

Nang masiguro kong nakaayat na si kuya…

“Ano pang hinihintay mo? Alis na!” singhal ko agad sa kanya.

Pero imbis na sumagot, sinimulan niya nang ligpitin ang mga plato at ilagay sa lababo pero bago niya pa magawa yun pinilit kong kunin yung mga hawak niyang plato.

“Ako na dito, hinihintay ka na ni kuya.” imbes na bitawan hinawakan niya pang lalo yung mga plato kasama ang kamay ko at inilapit ng husto yung mukha niya kaya napapikit na lang ako.

“Alam mo maganda ka sana kaya lang…”

“… lagi kang nakasigaw.” sabay pindot sa ilong ko pagkatapos ay tatawa-tawang umalis.

“ARAYYY!!! May araw ka din KEVIN!!!”

 

Kevin’s POV

Hahaha, kahit kelan talaga ang sarap niya asarin. Natigil ang pagtawa ko ng makita ko sa kabilang dulo ng hagdan si Andrew.

“Andi anu ginagawa mo dyan? Start na tayo?” yun na lang ang nasabi ko, ang awkward niya kasi tumingin -___-“

“Walang mangyayari kung hanggang pang-aasar na lang ang gagawin mo.”

“(?_?) Huh?” saan naman nanggaling yun?

“Wala, tara na nga.”

Kahit kelan talaga itong si Andi,hindi ko pa din mabasa kung ano tumatakbo sa isip. Anyway, may plates nga pala kaming dapat tapusin.

 

 

“Good morning sunshine!”

“Moms?”

“Gising na Faye, mahuhuli ka na pag hindi ka pa bumangon jan.”

“Eto na nga po babangon na.” nakatulugan ko na pala ang paghihintay sa kanila.

After 100 years, nakarating na din sa school. Pakiramdam ko pag kasama si Kevin, ang tagal ng oras. At mula bahay hanggang asa daan wala siyang ginawa kundi pagdiskitahan ako.T-T Bakit ako pa? Aish! Sira na araw ko nang dahil sa kanya. Kung tutuusin,hindi naman siya garapal, mabait pa nga siya dati which I liked about him. Yup! First love ko siya kaya nga never ko siyang tinawag na kuya, *sigh* enough with those memories! It !

Mabilis naman natapos ang araw. Yun nga lang nakakapagod talaga sa dami ba naman ng reporting na ginawa namin.

“Tiery, una na ako sayo.Lobat na talaga ako.”

“Sige pero wala pa yung sundo mo ah.”

Hmmm… Ngayong sinabi niya yan, oo nga kaninang lunch din hindi ko siya kasabay. Nakakapagtaka, hindi kasi natatapos ang araw na hindi kami nagkikita and worse, wala ding tawag o text galing sa kanya. Maalala ko sabi nga pala niya magkita kami after class. Hindi ko na sinagot si Tiery sa halip ay nagpaalam na lang uli ako sa kanya.

 

Kanina pa ako dito sa park kung saan lagi kami nagkikita pero wala pa ding Jasper ang dumadating. Nag-aalala na ako baka kasi may kung ano nang nangyari sa kanya kaya sinubukan kong tawagan pero cannot be reached naman. Madilim na kaya kahit ayaw ko pa sana umalis eh umalis na din ako. Hindi kasi ako nakapag paalam na gagabihin. Sigurado naman ako na may dahilan kung ba’t hindi siya dumating.

Nagtaxi na lang ako para mas mapabilis ang pag-uwi pero na-traffic pa din kami kaya naman nilibang ko na muna ang sarili ko sa pagtingin sa labas ng bintana. Saktong natapat kami sa isang restaurant at isang lalaki na kilalang-kilala ko kahit nakatalikod ang bumababa sa isang sasakyan.

“Jasper?” pero para mas makasiguro, bumaba ako para puntahan siya.

“Manong dito na lang po, eto po yung bayad.”

Nang masiguro niyang si Jasper nga ang nakita niya lalapitan niya nasana ngunit napansin niyang may kasama ito dahil lumipat sa passenger’s side para buksan at doon bumaba ang isang magandang babae. Tuluyan na siyang hindi makagalaw sa kintatayuan nang makita niyang hinalikan ni Jasper ang kasama nito.

Kasalukuyan pa ding nakatayo sa driveway ng restaurant si Faye ng may bumusinang sasakyan.

*peeeeeeeeeeeeeeeeep*

Sa lakas ng busina ay nakuha nito ang atensyon ng dalawang nasa di kalayuan lang.

 

Jasper’s POV

Si Faye?! Muntikan na siyang masagasaan, sa sobrang taranta ko nakalimutan kong may kasama pala ako at napatakbo na ako sa kinaroroonan niya pero too late dahil nakalayo na siya. Hahabulin ko pa sana pero tinawag na ako ni Cherilou, ang date ko.

Si Cherilou ang fiancée ko at ito ang unang beses na lalabas kami. Bigalaan lang ang lahat, kahapon ko nga lang din nalaman kaya yung plano kong pagtatapat sana kay Faye ay hindi ko na tinuloy. I think we’re better off as friends pero f*** my life, I love her but here I am with someone else and worse, sigurado akong nakita niya yun.

“Let’s go, hatid na kita.”

“What? kakarating pa lang natin.” sagot ni Cherilou.

“BASTA!” napalakas ang pagkakasabi ko kaya natahimik siya at sumakay na sa kotse.

Nang marealized ko yung nagawa ko na-guilty ako bigla kung tutuusin wala namang kinalaman si Cherilou, kung nasabi ko lang ng mas maaga kay Faye hindi na sana umabot sa ganito.

Hanggang makarating kami sa tapat ng bahay nila wala pa din siyang kibo, bababa na sana siya peo pinigilan ko.

“Sorry.”

“You’re forgiven, I know it’s too soon but I think I’m already in love with you kaya hindi ko kayang magalit sa’yo ng matagal.” yun lang at tuluyan na siyang bumaba.

I’m doomed! Wala na akong kawala.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kumocho
#1
Chapter 5: UNANG-UNA,AYAW TALAGA AKO TANTANAN NG SHEMAYY NA ZIPPER NA YAN! alam mo yung feeling ni kilig na kilig ka na samga nagyayri taposmay pamatay na zipper threat na naman siKevs?!!!!! sarap bigwasan eh. hahaha! anyway, I LOVE IT. seryoso! nag-iimprove yung wrting mo bru. Hindi ako nakornihan,kinilig nga ako! the best din yung line ni jasper na may i've wasted it eh.hahahaha walang tatalo na na-late sa flight. =_________= shunga lang, kevs? hahahahaha

I'll summarize my comment, MORE STORIES PA!!!!!!!!!!!!!!!!!! hahahaha