Chapter 2

You're Mine

Faye’ POV

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi basta ang alam ko lang ang sakit sakit. Assuming lang pala ako, bakit nga ba siya magkakagusto sakin eh hamak namang mas maganda yung kasama niya kanina. Pero yung mga time na kasama ko siya… I thought those were for real… umasa na naman ako. Hindi ko na napigilan ang umiyak sa tingin ko gagaan ang pakiramdam ko pagkatapos nito. Pero 30mins na ata akong umiiyak ganun pa din… masakit pa din. Mas maganda siguro kung may magkocomfort sakin. huhuhuhuhuhu

 

*toktok*

Agad kong pinunasan ang mga luha ko pero useless dahil kala mo may gripo sa tear duct ko. Bumukas ang pinto at pumasok si kuya, nagtataka man siya sa itsura ko hindi na siya nagtanung sa halip eh inakap niya na lang ako.

hikbi, singhot, sigok

hikbi, singhot, sigok

hikbi, singhot, sigok

hikbi, singhot, sigok

ganyan ang drama ko buong gabi kasama si Kuya. Hinayaan niya lang akong umiyak hanggang sa nakatulugan ko na.

 

Kinabukasan…

Ginising ako ng kumakalam kong sikmura, hindi nga pala ako nakapagdinner. Kaya bago pa kumawala ang mga alaga ko bumaba na ako para humanap ng makakain, hindi na ako nag abalang mag ayos. Para san pa?

Imbes na nanay ko ang maabutan ko sa kusina heto at may kutong lupa ang nakikikain na naman samen.

“Mwahahahahahaha-haha-hehe-hihi-hoho-huhu” siya yan, umagang umaga sinasapian na naman.

Lahat na ata ng klase ng tawa nagawa niya, baliw talaga to.

“HAHAHA, pasensya na nakakatawa kasi itsura mo. Anyare?Bakit para kang nasuntok?At pareho pa talagang maga ang mata.Mwahahahahahaha.”

Biglang dumating si kuya na may dalang pandesal.

“Ano nangyayari kay Kevin?”Tanong niya.

“Yang kaibigan mo na lang ang tanungin mo.” sabay alis ko, nawalan na ako ng gana.Makita ko pa lang mukha ni kutong lupa.

“Sorry tol-hehehe-hindi-haha-ko-hihi-talaga-mwahahaha-mapigilan. Bakit ba kasi mukhang nasuntok si Faye?”

*bogsh*

Kevin’s POV

“Aray naman!” reklamo ko kay Andrew, paano batukan daw ba ako.

“Ang lakas mo kasi mang- asar, broken-hearted yung tao at walang ginawa kundi umiyak kaya nagkaganun yung mata niya.”

Natahimik ako sa sinabi niya. Kahit kelan ka talaga Kevin, SABLAY!

“May itatanung ako sayo.Gusto mo ba si Faye?”

Muntikan na ako mabulunan sa tanong niya.

“Ano?”

“Maloloko mo sarili mo pero hindi ako. Ano gusto mo ba kapatid ko?”

“OK ka lang tol? Si Faye pinag-uusapan at kapatid mo si---“

“Baked mac?”

“Ano na naman yan?” Naguguluhan na talaga ako sa pinagsasabi niya.

“Gusto mo ba ang baked mac?”

“OO naman.”

“E ice cream?” tanung niya pa uli.

“Yup!” wala na akong nagawa kundi sakyan ang pakulo niya.

“Palabok?”

“Like!”

“Fried chicken?”

“Like it!!!”

“E si Faye?”

^-^)/  “SUPER LIKE, matagal na kay---“

O_o Sinabi ko ba talaga iyon?o nadala lang ako sa mga tinatanong ni Andi.

“Ang daya mo!”

Nagkibit balikat lang ang loko.

“Hindi counted yun!!! >.<)/ you tricked me!!!”

“Aminin mo na lang kasi, yung mga nasa unconscious mind natin lumalabas through slip of the tongue… Hay naku kailangan ko pang gumamit ng ganung strategy para lang mapaamin ka.”

Hindi ko alam ang isasagot ko, siguro nga unconsciously may gusto ako kay Faye nag-aalangan lang ako dahil kapatid siya ng bestfriend ko. Natawa nalang ako sa sarili ko, siguro idinadaan ko lang sa pang-aasar yung nararamdaman ko, defense mechanism ba. Akalain mo yun may natutunan ako sa Psychology ^____^ v

“Kaya kung ako sayo, make a move! It’s your time to shine! Kesa sa kumag na nagpaiyak sa kapatid ko aba sayo na ako.”

-_-‘ "Sinasabi mo lang yan kasi best friend mo ako."

“Precisely! Alam ko na likaw ng bituka mo pero wag na wag mong papaiyakin si Faye kundi---“

Ito na nga ba sinasabi ko, complicated magkagusto sa kapatid ng best friend mo. Naiintindihan niyo naman siguro ako.

“OO na!!!Ako na bahala.” Pumayag ako hindi dahil sa wala akong choice kundi dahil gusto kong sumaya naman siya. It’s now or never, panahon na para ako naman ang makita niya.

^___________________________________________________________^

Iba pala ang feeling pag naamin mo yung totoo.Mwahahaha Faye you’re mine!

“Mabuti pa Andi uwi muna ako, pagpaplanuhan ko pa yung pagporma kay Faye. Salamat nga pala sa breakfast.

Faye’ POV

*hikab*

Pagtingin ko sa alarm clock ko, 10pm na pala. Matutulog na sana uli ako ng maramdam kong nagba-vibrate yung phone ko. Nakita ko yung pangalan ni Jasper sa screen. In-off ko na lang ang phone ko para hindi niya ako ma-contact, hindi ko pa kaya makausap siya.

*tok tok*

“Sino yan?”

Walang sumagot kaya bumangon ako para tingnan kung sino man ang nang- aabala sa pagmomongha ko. Sa halip na tao isang bouquet ng tulips ang nakita kong nakalapag sa sahig. Hinanap ko kung may note at meron nga eto nakasulat:

“Feeling gloomy? Then let me put a smile on your face, meet me tomorrow afternoon at Enchanted Kingdom.

                                                                                                                                                Love,

                                                                                                                                                Secret Admirer

P.S pwede ka magsama ng chaperone ^^,

 

Haha very funny, kala mo mauuto mo ako? Loko ka talaga Kevin.FYI, alam ko handwriting mo. May pa-secret secret admirer ka pang nalalaman.

Nasa pintuan pa din ako ng kwarto ko nang dumating si kuya.

“Do you have something to do with this?” bungad ko agad sa kanya.

“Something to do with what?” maang maangan pa siya.

“Obviously with this.” sabay pakita sa kanya nung bulaklak.

“Woa-woa-woah, nice! Where did you get that?”

“KUYA! Don’t play dumb with me, alam kong may alam ka. Kaya mabuti pa sabihin mo dyan sa kaibigan mo na humanap na lang ng ibang pagtitripan. Wag ako, ok?” hindi ko na hinhintay na makasagot siya at tuluyang isinara ang pinto ng kwarto ko. Hindi ko namalayan nakatulog na pala uli ako…

Kinabukasan, 10 na ako nagising wala pa sana ako balak lumabas ng kwarto pero nagrarambulan na talaga mga alaga ko. Pagdating ko sa kusina naabutan ko si kuya pero hindi ko siya pinansin. Nagtatampo ako sa kanya. :p

“Believe me or not, wala talaga akong kinalaman dito.”

Hindi ko pa din siya kinikibo, pag ganyan siya alam ko nagsasabi siya ng totoo. Hinayaan ko lang siyang magpaliwanag.

“Look, kung si Kevin nga ang may gawa nito, wala naman akong nakikitang dahilan para hindi mo siya siputin.” sa sinabi nyang iyon napilitan akong harapin siya.

“Kuya, bulag ka ba? Nakita mo naman siguro kung paano niya akong pagtripan, tapos pipilitin mo pa rin akong pumunta. Paano kung isa na naman to sa mga pakulo niya? Paano kung plano niya na ipahiya na naman ako? Paano kung---“

“Paano kung seryoso siya? Alam ko hirap kang pagkatiwalaan siya pero why don’t you give him a chance? I’m not taking any sides, ok?”

~^~ hindi ako sanay na ganyan si kuya at kung magsalita para namang may namamagitan sa amin ni Kevin. EWWW lang!

“Kaya little sister, kahit para sakin na lang pumunta ka. Kahit papano naman may pinagsamahan kayo. And I know you…hindi mo din siya matitiis. Just remember those times na tagabuhat mo siya pag pagod ka ng maglakad.”

Napangiti ako, naalala ko pa lagi niya akong binibigyan ng piggy back ride. Kahit lagi niyang reklamo na mabigat ako, hindi niya pa rin ako matitiis. In the end, bubuhatin niya pa rin ako.

“FINE!!!Pupunta na ako, pero kasama ka.”

“Yes!” sabay kiss sa noo ko. ”Don’t worry uupakan ko si Kevin pag ininjan ka.”

ENCHANTED KINGDOM…

30 minutes na kaming naghihintay dito sa harapan ng Enchanted at wala pa ding Kevin na dumadating. Sa lahat pa naman ng ayaw ko eh yung pinaghihintay ako, nakakadala na kaya! GRRR…

“Bunso look! Ayun na si Kevin and he’s with---“

“His other bestfriend.” ako na tumapos sa sasabihin niya.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kumocho
#1
Chapter 5: UNANG-UNA,AYAW TALAGA AKO TANTANAN NG SHEMAYY NA ZIPPER NA YAN! alam mo yung feeling ni kilig na kilig ka na samga nagyayri taposmay pamatay na zipper threat na naman siKevs?!!!!! sarap bigwasan eh. hahaha! anyway, I LOVE IT. seryoso! nag-iimprove yung wrting mo bru. Hindi ako nakornihan,kinilig nga ako! the best din yung line ni jasper na may i've wasted it eh.hahahaha walang tatalo na na-late sa flight. =_________= shunga lang, kevs? hahahahaha

I'll summarize my comment, MORE STORIES PA!!!!!!!!!!!!!!!!!! hahahaha