C hapter IX

One Plus One is One

 

+++
Black Out.

 

 

 

 

 

Isang araw nalang.

 

Parating na yung hinihintay ko.

 

YUNG K-POP CONCERT KASAMA ANG SHINee!!!!!!!!!!!!!!!!!

 

MAKIKITA KO ULIT SI MAHAL!!!!!!!!!!!!!!!!!

 

GULL.  I CAN'T EXPLAIN WHAT I FEEL.

 

"May masakit ba sa 'yo?"  Tanong ni Ate Jen.  Hawak-hawak n'ya yung basura galing sa CR sa kwarto ko.

 

Tumingin ako sa kanya.  "Wala.  Bakit?"

 

"Wala naman.  Para kasing ang tamlay-tamlay mo e."  Sabi ni Ate tapos lumabas na s'ya ng kwarto ko.

 

Isang oras pa bago mag-ii-start yung school.  Matamlay ang itsura ko?  Akala ko masaya ako.

 

Hala.

 

Nangyari na sa 'kin 'to dati ah.

 

Yung sa sobrang saya ko, wala akong maramdaman.

 

As in, wala.  Walang-wala.  Yung parang pag hinampas ako ng isang troso, wala akong mararamdaman.  Isang araw ang lilipas at tsaka palang eepekto yung sakit nung hampas.

 

Delikads.

 

Nako.

 

Sige explain ko sandali ah.

 

Nung bata kasi ako (lahat nalang nangyari nung bata ako), bago ako naging 6 years old, sabi ni Mama uuwi daw si Papa galing ng Saudi.  Hindi pa 'ko pinapanganak umalis na si Papa.  Kaya sobrang saya ko.

 

Nung nalaman ko yun, ngumiti ako.  Sa loob, grabe yung party.  BOMBASTIK yung music.  May pa-DJ pa.  Ang kalat nung streamers.  Pero sa labas, para daw akong robot.  Walang emosyon.  Tindi ng lungkot ni Mama.  Sabi niya, 'wag daw akong magalit na noon ko palang makikita si Papa pagkatapos ng pitong taon.

 

Hindi ako galit.

 

MASAYA AKO NU'N.

 

Sinabi ko kay Mama sobrang saya ko.  Akala n'ya pinipilosopo ko lang s'ya.  Tapos habang lumalaki ako, naging madalas yung pagiging emotionless ko.  Nagpunta kami sa doktor, isang araw, para alamin kung bakit halos wala akong emosyon kahit na may mangyayaring sobrang ganda (o kahit, hindi maganda, wala pa rin akong reaksyon).

 

Parang sakit pala yun.

 

Maski parang lang, meron paring dash yun ng pagiging isang disease.

 

Nawala yun makalipas ang ilang mga taon.

 

Tapos, ngayon...  parang bumabalik na.

 

"Ate, alis na 'ko!"  Sigaw ko palabas ng apartment.  Narinig ko si Ate Jen, sabi niya ingat daw and "have fun".

 

Nanginig ako nung sinabi n'ya yun.

 

Mga ilang sandali nasa school na 'ko.  Forty minutes pa bago magsimula yung unang klase ko.  Nagpunta ako sa Garden.

 

Walang tao.

 

Umupo ako sa table kung saan ko nahanap si Jamie nung nawala yung notebook ni Carla.  Kinuha ko yung binder ko sa bag ko.

 

Aha, daming Onew!  Isa dito sa may kanan, isa sa kaliwa, dalawa sa may bandang gitnang taas, tatlo sa gitnang baba, tapos isang malaki sa gitna.  Tapos SHINee na sa naiwang spaces.

 

Heh, ang galing.

 

Nanakit yung ulo ko.

 

Binuksan ko yung binder tapos hinanap yung English homework ko na kailangan ko pang tapusin.  Nakalimutan kong ipasa four days ago.  Galing ko talaga, woohoo!!!!!

 

Nanakit ulit yung ulo ko.  Nanlabo yung paningin ko ng sandali, tapos bumalik sa dati.

 

"Nako naman."  Bulong ko.  Medyo dumarami na yung mga tao sa garden.  Wala pa rin si Jamie o si Carla.  Ano kayang ginawa nila kagabi at wala pa sila ngayon?

 

Limang segundo ang lumipas at bumalik yung sakit ng ulo ko.

 

Mas masakit.

 

Nanlabo nang kumpleto ang paningin ko.

 

Nabitawan ko yung ballpen ko, at ang huli kong narinig ay yung boses ni Jamie na sumigaw ng:  "Jordan!"

 

 

 


 

 

 

OWO.

Sakit ba yun pag emotionless ka?  Iniisip ko kasi, it's either wala kang emosyon o sobra yung emosyon mo, tsaka lang s'ya magiging "sakit."

Ewan.  Magandang i-add sa storya eh heheheh.

MAMATZ SA READS!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
b-itnaneun
11-24-2012 --- New story! Suportahan nyo po ako~ *SHINee fist hwaiting*

Comments

You must be logged in to comment
GorJESS_MVP #1
Chapter 8: Dai kong tawa...Siguro mga bente xD Onew labyah talaga :-) :-)hart hart
innah28 #2
Chapter 9: Author-nim~ Mag update ka pleaseeeeee :3
asdfghjkleetaeminho #3
Chapter 9: OMAYGAD! ANG DAMI KONG TAWA SHOMAYYY! HAHAHAAHAHHA
Nod = tango
Groan = umungol

HAHAHAAHAH POST MORE AUTHOR-NIM ANG SAYA NG STORY NATO HIHIHI
violetmoons
#4
I don't know what's going on but I'm excited