C hapter IV

One Plus One is One

 

+++
Singhot at Hinga.

 

 

 

 

 

"Duuude!"  Tumakbo ako papunta sa lunch table namin nila Jamie at Carla.

 

"Ano'ng problema mo ngayon?"  Minata ako ni Jamie.  Killjoy 'tong babae na 'to.

 

Naisip ko si Kyuhyun.  Hehe.  "Nakita ko si Kyuhyun, duuude!"

 

Nalaglag yung French fry mula sa bibig ni Jamie.  "Saan?!"

 

Sabi na eh.  Keep going, Jordan!  "Kanina lang.  Nag-hi s'ya sa akin."

 

Ay mali.  Inalog ako ng todo ni Jamie.  "Saan?!  Sabihin mo, sa-aaan?!"

 

"LOKA."  Sabi ko.  Tumigil s'ya sa pag-alog sa 'kin.  "Si Kyuhyun Shin sa psychology class ko, nag-hi sa 'kin.  Swerte ko naman kung mag-hi si Cho Kyuhyun sa 'kin."

 

"Ay, oo nga 'no,"  sabi ni Jamie.  "You're too ugly for them."

 

"Ugly pala, ha?"  Tumayo ako paalis sa table namin.  May nagbato ng tissue ball sa ulo ko.  Alam ko si Jamie yun.

 

"Joke lang!  Grabe ka naman.  'Di na maka-take ng joke."  Sabi ni Jamie habang umuupo ulit ako sa tabi n'ya.  Si Carla todo ang halakhak.

 

"Ay, Jordie!"  Sabi ni Buhok.  Sila lang at ang family members ko ang may karapatan tawagin akong Jordie.  "May nabasa ako on-line kagabi."

 

"Ano yun?"  Nilagyan ko ng ketchup yung hotdog sandwich ko.  Nagprito ako ng lunch ko kaninang umaga, ngayon ang lamig na ng lunch ko.

 

"Ay, 'di ko na sasabihin.  Parang hindi ka interesado eh."  Sabi niya.

 

Binato ko s'ya ng tissue ball.  "Sabihin mo na kasi."  Kumagat ako sa hotdog sandwich ko.

 

"Sige, sige."  Eka ni Carla.  Lumalaki yung ngiti n'ya,  "MAY K-POP CONCERT DITO SA PILIPINAS AT KASAMA ANG SHINee AT BIGBANG!"

 

Nasamid ako.

 

K-POP CONCERT?!  SHINee?!

 

BAKIT NGAYON KO LANG NALAMAN?! Huhuhu.

 

Binigyan ako ni Jamie ng tubig.  "Dahan-dahan lang sa pag-kain kasi."

 

"Bleh!  Inggit ka lang kasi hindi kasama yung Super Junior mo!"  Sabi ni Carla, sabay bato ng French fry kay Jamie.

 

"Aba!"  Gulat si Jamie.  "Sino'ng nagsabi na inggit ako?  I could careless; nakita ko na sila in all their concerts."

 

Pinunasan ko yung gilid ng bibig ko.  "Kelan daw yung concert?"

 

"Three days from now."

 

"THREE DAYS?!"

 

Nasamid ulit ako.  This time, sa tubig.

 

Sumakit yung dibdib ko.  Ibig sabihin...  

 

yung hangin na sinisinghot ko...  

 

sinisinghot din ni Onew...

 

at yung hinihinga n'ya palabas...

 

ay sinisinghot ko...

 

at yung hinihinga ko palabas...

 

sinisinghot n'ya...

 

Ang gandang love story.

 

I love you, Jinki Lee—

 

"Hoy, NBSB,"  Binatukan ako ni Jamie.

 

"Ano ba?  Kahapon ka pa ah."  Kinamot ko yung parte ng ulo ko na nabatukan.

 

"Ano?  Pupunta ka ba?"  Tanong ni Carla.

 

"Syempre naman!  'Di ko papalampasin yun, 'no?  Pinalampas ko na nga yung Korea-Philippines Friendship Festival eh,"  Sabi ko naman, naka ngisi.

 

Nag-ring yung bell.  Nagpaalam na 'ko kay Jamie at Carla.

 

We will meet, Love.  We will.

 

 

 


 

 

 

OMG.

YAAAAAAAAAAAAAAY.

Kunyare daw may concert sa 'Pinas with random K-pop groups.

Salamat sa pagbasa!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
b-itnaneun
11-24-2012 --- New story! Suportahan nyo po ako~ *SHINee fist hwaiting*

Comments

You must be logged in to comment
GorJESS_MVP #1
Chapter 8: Dai kong tawa...Siguro mga bente xD Onew labyah talaga :-) :-)hart hart
innah28 #2
Chapter 9: Author-nim~ Mag update ka pleaseeeeee :3
asdfghjkleetaeminho #3
Chapter 9: OMAYGAD! ANG DAMI KONG TAWA SHOMAYYY! HAHAHAAHAHHA
Nod = tango
Groan = umungol

HAHAHAAHAH POST MORE AUTHOR-NIM ANG SAYA NG STORY NATO HIHIHI
violetmoons
#4
I don't know what's going on but I'm excited