C hapter II

One Plus One is One

 

+++
Adobong Kilig.

 

 

 

 

 

Alas-syete na ng gabi.  Gutom na gutom na 'ko.

 

Grrr.

 

Tiyan ko yun.  Araaay.

 

"'Why do we have feelings?'" Binasa ko yung psychology homework ko.  "Aba, e 'di ko na problema yun ah."

 

Ayoko na.  Suko na 'ko!  SUKO NA 'KO!!!  'Di ko na talaga kaya 'tong tiyan na 'to.  Hang in there, tiyan, masa-satisfy din yang gutom mo.  Isang segundo lang, please.  Aray.  Sasagutin ko lang 'tong huling tanong sa assignment ko.

 

"We have feelings..."  Sinulat ko yung nilalabas ng bibig ko.  "...in order for us to be able to share the good things with the other people around us."

 

YES!  TAPOS NA DIN!  Let's gooo!

 

"Ate Jen, may pagkain ba?"  Tanong ko sa ka roommate ko.  'Di kami sa school dormitory nakatira kasi ang mahal eh.  Bongga.  Nagbabasa si ate Jen ng Yes!  Magazine.  Si Daniel Padilla at Kathryn Bernardo yung cover.  Isa pa yang Daniel na yan.  Bakit ang gwapo mo at ang bata pa?!

 

"May adobo sa ref, kung gusto mo.  Sorry ah, 'di ako nakapagluto."  Sabi ni ate Jen.  "Pero nakapagsaing ako ng kanin."

 

"Ayus lang, 'te.  Alam ko busy ka ngayon for the finals at sa trabaho mo."  Sabi ko naman habang tinutugis yung ref.  Binugahan ako ng matinding usok ng ref nung binuksan ko.  Ang daming tupper ware!  'Di 'ko 'to keri.

 

"Ate, alin dito yung adobo?"  Tanong ko.  Sabi ni Ate yung pink daw, kaya yun yung binuksan ko.  Nilagay ko yung tupper ware sa lamesa, tapos kumuha ng kanin sa mangkok.  Mainit naman yung kanin eh, tutunawin n'ya yung langis ng adobo.

 

"Bawal magdala ng pagkain sa kwarto, Jordan,"  winarning ni Ate sa 'kin.

 

"Yup."  Tapos umakyat na ako sa hagdanan papunta sa kwarto ko.  Pagbukas ko, winelcome ulit ako ng SHINee Etude poster ko.

 

"Hi, my babies,"  sabi ko naman.  Ano'ng problema ko't tinatawag kong "babies" 'tong limang lolo na 'to?

 

"Hi, babe."  Sabi ko dun sa lalaki sa may bandang kaliwa.  Laki ng ngiti n'ya.  Halos mamatay na 'ko.  Haaay, pogi talaga ng tokwa ko!

 

Ay.

 

Leche.

 

Flan.

 

Natapon yung adobo sa sahig.

 

Bumaba muna ako sandali para kumuha ng pamunas.

 

"Anong problema?"  Sabi ni Ate Jen.

 

"'La,"  sabi ko,  "Nabasa lang yung sahig dun sa CR."

 

Nag-nod (ano ang Tagalog ng 'nod'?) si Ate.  Buti nalang ang galing ko magsinungaling.  Parang ang pangit na codename yun ah.  Magaling Magsinungaling to the rescue!  Let's stick to Super Jordan nalang.  Mukhang mas magandang pakinggan e.

 

Safe kong nadala yung pamunas pabalik sa kwarto ko.  Pinunasan ko yung sahig kung saan nahulog yung adobo.  Tatlong pirasong manok yung nasa mangkok ko, ngayon isa nalang.  Sakit sa puso.  Nilaglag ko yung dalawang manok sa basurahan sa CR tapos binanlawan yung pamunas.  Nilagay ko nalang s'ya sa lababo; nakakatamad ng bumalik sa baba e.

 

Puro kanin yung kinain ko nung gabing yun.  'Di ako sanay kaya halos umiyak ako.  Oo na, maarte na kung maarte, e wala nang manok eh, ano pang saysay kung walang lasa yung kinakain mo?

 

Tapos napaiisip ako.  Ang buhay, para palang isang mangkok na puno ng kanin.  Walang lasa.  Tapos may darating na parang adobo na magbibigay lasa sa buhay mo.  Nasa sa 'yo kung aalagaan mo at kakainin o pipiliing maging aligaga at aksidenteng matapon yung adobo.  Ako pinili ko yung pangalawa.  Kaya ngayon, naghihirap na ipunin yung natitirang lasa na meron ako sa patay kong buhay.

 

Ma-drama 'kong tao.  And the best actress award goes to...  Jordan Ruiz!  I'd like to thank all the adobong chicken out there and the rice and everything else!  Tankyu ol.

 

"Ate, tinatamad akong maghugas ng plato."  Sabi ko habang papunta sa kusina.

 

"Sige, ako na'ng bahala.  Matulog ka na't gabi na."

 

Wow.  Akala ko nakalayas na 'ko sa bedtime ko.  Wala naman si Mama ah, bakit parang sinapian ata si Ate Jen ng mother-tude (mother plus attitude, get it?)?  Meh.  Nilagay ko yung plato sa lababo tapos pinuno ng tubig yung mangkok, tapos bumalik na 'ko sa kwarto ko.  Nakailang beses ba 'ko nagpanik-panaog?

 

"Goodnight, my wonderful babies!"  Sinigaw ko sa pitong SHINee posters ko sa kwarto ko.

 

Nilapitan ko yung Etude poster na nasa taas ng kama ko.  Tindi ng pigil ko sa sarili ko, pero nilapat ko pa rin ng dahan dahan yung kamay ko sa mukha ni Tokwa.  Ba't ba 'di ko masabi pangalan n'ya?  Onew.  Jinki.  Ang dali.

 

HOMAIGAD PUSO KO.

 

PAKI TAWAG PO ST. LUKE'S.  'DI KO NA KAYA 'TO.

 

At lumapit at lumapit ang labi ko sa labi n'ya...

 

..."Night, babe."

 

BUWISIIIT!!!

 

CARLA, KAILANGAN KO YUNG PANYO KO!  NOSEBLEED!

 

 

 


 

 

 

ANG SAKET SA PUSO.  BAKIT HINDI KO KAYANG GAWIN YUN SA POSTER KO?  T_T

Salamat sa pagbasa!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
b-itnaneun
11-24-2012 --- New story! Suportahan nyo po ako~ *SHINee fist hwaiting*

Comments

You must be logged in to comment
GorJESS_MVP #1
Chapter 8: Dai kong tawa...Siguro mga bente xD Onew labyah talaga :-) :-)hart hart
innah28 #2
Chapter 9: Author-nim~ Mag update ka pleaseeeeee :3
asdfghjkleetaeminho #3
Chapter 9: OMAYGAD! ANG DAMI KONG TAWA SHOMAYYY! HAHAHAAHAHHA
Nod = tango
Groan = umungol

HAHAHAAHAH POST MORE AUTHOR-NIM ANG SAYA NG STORY NATO HIHIHI
violetmoons
#4
I don't know what's going on but I'm excited