C hapter I

One Plus One is One



+++
Search and Retrieval Operation of 
Buhok's Notebook.

 

 

 

 

 

"Hi!  Ako Jordan!"  Buraot ko kay Jamie gamit ang boses ni Budoy.

 

Binatukan ako ni Jamie.  "Magtigil ka nga ng konti.  Nakitang nag-aaral eh."

 

"Weh?"  Eka ko.  "Tinitignan mo lang picture ni Leeteuk eh."

 

"Eh bakit?  Sinong nagsabing 'di pwede?"  Sabi n'ya habang kinukutikot yung cellphone n'ya.  Hahaha, lokang 'to.

 

"You're gonna die single, do you know that?"  I said.  Bongga sa English 'tong Jordan na 'to, 100 lagi sa tests!

 

"Shut up."  Eka ni Jamie.  Aba, aba, sinong makapagsasabi na bihasa din sa Ingles 'tong pangerl na 'to?

 

Umupo ako sa tabi niya.  "'Asan si Buhok?"  Si Buhok—or Carla—ay yung mabuhok sa legs naming kaibigan na mahilig sa BIGBANG.  Trip n'ya si Jiyong.

 

"Andun sa Garden, hinahanap yung notebook n'yang puro G-Dragon ang cover.  Nawawalan na ata ng bait kasi hindi n'ya mahanap-hanap yung notebook."  Sabi ni Jamie.  Mukang focus na focus s'ya kay Leeteuk kaya nilayasan ko para puntahan si Carla.

 

Halo, my name is Jordan Ruiz nga pala.  20 years old, female, Manileña for life (kahit na nagkalat ang krimen everywhere).  Kolehiyala po sa Ateneo, kaya nakatira temporarily sa QC.  Kurso ko ay BS Computer Science.  Hehehe, BS.

 

"Carla de Buhok, nasaan ka?!"  Sigaw ko nang makarating ako sa garden.

 

"Jiyong ko!  Nasa'n ka, mahal ko?  Sorry na, 'di ko na titignan abs ni Daesung!  I pramis!"  Sigaw ng isang babaeng parang humahagulgol.  Cue ko na yun.  Si Carla yun.

 

Nilakad ko yung location nung sigaw at, as expected, si Carla naka-bulagta sa lupa, uhog malapit nang lumabas.  OA 'to, minsan nagtataka ako kung bakit ko s'ya kaibigan.

 

Lumuhod ako sa harapan n'ya,  "Relax lang, dude.  Makakahanap ka rin ng iba pang lalaki."

 

"Huhuhu!"  Iyak ni Carla.  "Gusto ko si Jiyong lang!  S'ya lang, s'ya lang, s'ya lang!  Huhuhu!  Palibhasa kasi Tokwa mo ikaw lang ang nakikita!"

 

"Aba!  Kinakalma lang kita, dude.  Labas si Tokwa dito."  Sabi ko, dine-defend si Onew.  Tumayo ako, tapos nung umapak ako patalikod, may natapakan akong parang acetate.  Tumalikod ako tapos pinulot yung parang nakabaon sa lupa.  Ngumisi ako.

 

"Jiyooong!  Please, bebe, sorry!"  Hinalungkat ni Carla yung mga damo.

 

Heto na, heto na, heto na, waaa!

 

Boom.

 

Binagsak ko yung notebook niyang dina-dragon sa ulo n'ya.  Kapal pa naman nu'n.  Sakit.

 

"Ano bang problema—  Jiyong!"  Niyakap ni Carla yung notebook n'ya.  Hinalikan pa.

 

"Kadiri ka, Carla, may lupa pa yang notebook mo oh!  Kalma ka naman ng konti jan."  Sinira ko yung moment ni Carla, pero wala s'yang paki.  As expected.  "'Di ka manlang ba magpapa-salamat kay Super Jordan at iniligtas nanaman n'ya ang sorry mong pwet?"

 

Tumayo si Carla at niyakap ako.  Please, 'wag ka na magpasalamat baka mamatay pa ako sa thank you mo!  Carla, huhuhu!

 

"Salamat, salamat, salamaaat!  Jordan, yor da bes talaga!  Goma—"

 

"Oo, ginogoma.  Ginogoma yang ilong mo."  Binigay ko sa kanya yung panyo ko.  "Punasan mo muna o."

 

Siningahan ng mabuhok yung panyo ko.  Kabait.  You're welcome.  "Uy, sorry nga pala kay Tokwa ah.  Paki sabi."

 

"Makakarating!"  Sabi ko.  In my dreams naman na makakausap ko si Jinki.  My Jinki pa.

 

Huhuhu, Jinki ko!  Nasa'n ka, mahal ko?

 

 

 


 

 

 

May saysay o wala?  Wala!  Woohoo!

Mamatz sa pagbasa!  Mwah mwah, chup chup!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
b-itnaneun
11-24-2012 --- New story! Suportahan nyo po ako~ *SHINee fist hwaiting*

Comments

You must be logged in to comment
GorJESS_MVP #1
Chapter 8: Dai kong tawa...Siguro mga bente xD Onew labyah talaga :-) :-)hart hart
innah28 #2
Chapter 9: Author-nim~ Mag update ka pleaseeeeee :3
asdfghjkleetaeminho #3
Chapter 9: OMAYGAD! ANG DAMI KONG TAWA SHOMAYYY! HAHAHAAHAHHA
Nod = tango
Groan = umungol

HAHAHAAHAH POST MORE AUTHOR-NIM ANG SAYA NG STORY NATO HIHIHI
violetmoons
#4
I don't know what's going on but I'm excited