CHAPTER 8

THE ONE WHO WON MY HEART

 

Kinabukasan:

Huling nagising si Gerald, kumakain na sina Erich at Mommy niya.

GERALD: Good morning, Mommy(sabay halik) good morning (sabay halik kay Erich)

ERICH: Good morning kuya. Kuya himala at di ka maagang nagising eh dati dati mga 4 pa lang gising ka na.

GERALD: Hindi kasi ako gaanong nakatulog kagabi.

ERICH: Ganoon, dahil ba sa kaibigan ko.

GERALD: Ikaw tumigil ka baka marinig ka ni Kim. Kung ano pa ang isipin non.

ERICH: So, eh talaga naman di ba.

GERALD: Speaking of Kim, asan na siya.

ERICH: Bakit miss mo?

GERALD: (tinignan lang si Erich)

ERICH: Hayun maagang umalis may aasikasuhin daw at saka maghahanap na rin ng trabaho.

MOMMY: Sabi ko nga magpahinga muna at bukas na maghanap ng trabaho.

GERALD: Erich sabihin mo sa kanya may openning sa Finance department. Baka gusto niyang mag-apply doon.

ERICH: Ha okey lang saiyo?

GERALD: Hindi ako makikialam sa interview para fair sa ibang applicant. Siguro si Melissa na lang ang mag-iinterview sa kanila, hindi rin pwede si Matt kasi kilala rin niya si Kim.

ERICH: Talaga kuya, yeehee at least ngayon hindi na mahihirapang maghanap si Kim.

GERALD: Ayun eh kung matanggap siya. I told you hindi ako makikialam.

ERICH: Okey lang iyon siguradong matatanggap iyon kasi magaling ang kaibigan ko at saka ayaw naman niyang matanggap siya sa trabaho dahil tinulungan mo siya. Iyon pa eh mapride din iyon tulad mo.

MOMMY: I know pero sana matanggap siya naaawa na rin kasi ako sa batang iyon. Parang ang laki-laki ng problema parati pero bilib din ako kasi she never give up at saka parating positive ang outlook sa buhay, parating nakangiti kahit alam mong deep inside mabigat na ang dinadala niya.

ERICH: Kaya nga eh Mommy, ni hindi mo narinig na magreklamo. Kaya kuya bilisan mong manligaw baka maunahan ka pa ng iba, very rare pa naman ang kagaya ng kaibigan tapos wala ka nang problema kasi boto kami ni Mommy sa mapapangasawa mo.

GERALD: Eh ang hirap yatang ligawan ang kaibigan mo.

ERICH: So may balak ka?

GERALD: (ngumiti lang)

MOMMY: At kailan naging torpe ang binata ko?

GERALD: Mommy naman eh, nagbibiro lang po.

MOMMY: Kung ako saiyo totohanin mo na, baka makawala pa.

GERALD: Makaalis na nga at ginigisa ninyo ako dito. Erich sabihin mo kay Kim last day na ngayon ng filling ng application at bukas na ang first interview kaya dalian niya.

ERICH: Sige kuya tatawagan ko siya.

KINABUKASAN:

KIM: Hindi talaga ako makapaniwala na tinanggap nila ang application ko at saka nasali pa ako sa iinterviewhin.

ERICH: Bakit naman hindi, eh graduate ka with honor at saka top ten sa board exam.

KIM: Kahit na, eh wala pa naman akong experience.

ERICH: Sabihin mo wala ka lang bilib sa sarili mo.

KIM: Sigurado ka bang walng kinalaman ang kuya mo.

ERICH: Wala, ni hindi nga siya makikialam sa interview. Dati-dati siya ang final na mag-iinterview pero sa pagkakataon na ito eh si Melissa na lang ang mag-iinterview. By the way si Mel eh siya ang Head sa Finance Department. Bata pa iyon ka age nina kuya pero magaling at saka mabait.

KIM: Hindi ba siya nakakatakot.

ERICH: Hindi mabait iyon. Oh ano may isusuot ka ba mamaya.

KIM: Ito, eh wala naman akong masyadong damit eh.

ERICH: Ano ka ba magpapantalon ka eh interview mo kaya iyon. Kailangan you dress to impress them, iyong magmumukha kang kagalang-galang at the same time you should look elegant and smart.

KIM: Eh wala nga akong damit.

ERICH: No problem may damit ako na bagay saiyo.

KIM: Damit mo? eh lahat kaya ng damit mo eh puro seksi baka naman magmukha akong katawa-tawa. Imbes na makuha ako eh hindi ako matanggap dahil sa suot ko.

ERICH: Trust me okey, halika magbibihis ka sa room ko.

After maisuot ni Kim ang damit ni Erich. It is just a simple pencil cut skirt, a blouse and blazer.

ERICH: See sabi ko saiyo mayroon din akong matinong damit.

KIM: Eh hindi ba maigsi itong skirt.

ERICH: Eh mas matangkad ka kasi kaysa sa akin, pero hindi naman maiksi eh. Bagay nga saiyo nai-emphasized iyong maganda mong legs. Sabi ko saiyo dapat ang mga damit mo eh iyong nakikita iyang legs mo.

KIM: Hindi kasi ako komportable eh.

ERICH: Hay naku okey lang iyan, halika tanungin natin si Mommy.(sabay hila kay Kim papunta sa Mommy niya.)

MOMMY: Kim iha you look gorgeous.

ERICH: see sabi ko saiyo eh. Mommy maiksi ba itong palda niya?

MOMMY: Of course not, iha kung mayroon kang legs na ganyan kaganda kailangan mong ipakita. Kim okey lang iyan hindi naman maiksi eh.

KIM: Medyo naaasiwa lang po ako.

MOMMY: That's because hindi ka sanay iha but I tell you, you look fabulous. Sige na pumunta ka na at baka malate ka pa. Remember you have to impress them.

KIM: Sige po tita.

MOMMY: Pahatid ka na kay Lando.

KIM: Naku Tita huwag na po, kaya ko na pong mag jeep.

MOMMY: Iha mahihirapan ka lang.

KIM: Tita please, ayaw ko pong may makakita na inihahatid ako ng sasakyan ninyo. Remember po magpapainterview po ako sa opisina ng anak ninyo. Ayaw ko pong makuha ang trabahong ito dahil alam nilang kilala ko kayo.

MOMMY: Alright, basta after ng interview mo tawagan mo kami ni Erich sa flowershop ha.

ERICH: Or better puntahan mo na lang kami para kumain na tayo sa labas.

KIM: Sige, alis na po ako Tita.

ERICH & MOMMY: Sige good luck.

GERALD'S SIDE:

Buong umaga hindi mapakali si Gerald, nalaman niya kasi kay Erich na ngayong umaga ang interview ni Kim. Nang alam na niyang tapos na lahat ang interview ay pumunta siya sa Finance Department. Pagpasok pa lang niya sa department na iyon ay narinig na niya ang dalawang binata na nagtratrabaho doon.

GUY 1: Bro nakita mo ba iyong isang aplikante na nainterview kanina.

GUY2: Iyong Chinita bro?

GUY1: OO

GUY2: Akala ko ako lang ang nakapansin. Ang ganda niya bro.

GUY1: Ang buhok straight na straight, ang kutis ang kinis kinis tapos ang mukha parang barbie at ang legs bro pamatay.

GUY2: Sana siya na lang ang makuha.

GUY1: Sana nga.(nang mapansin si Gerald)Good afternoon po sir

GERALD:(tinignan lang ang dalawa at dumeretso sa opisina ni Melissa)

MELISSA'S SECRETARY: Good afternoon po sir.

GERALD: Good afternoon, si Melissa nandiyan?

SECRETARY: Sir pasok na lang po kayo.

Pumasok si Gerald.

MEL: Hello Gerald(Tulad ni Matt hindi siya nagpapatawag ng Sir kay Melissa. She is one of his close friend)

GERALD: Hi Mel, how's the interview? may napili ka na ba?

MEL: Well may tatlo na kaming pinagpipilian. Dalawang lalaki at isang babae. Mag-uusap pa kami ng mga taga HR mamaya kung sino ang kukunin namin but for me handsdown ako sa female one, her name is Kim. She is smart at mukhang mabait at hard working kaya nga lang wala pang experience pero hindi naman kailangan ang experience, we can train her naman eh.Kaya lang may problema baka magkagulo ang mga binata dito sa department ko. Eh kanina lang eh parang magnet na ito halos sa kanya na nakatingin ang mga lalaki dito.

GERALD: (hindi na lang pinansin ni Gerald ang huling sinabi ni Melissa) Good at natapos na ang interview ninyo, i just want to know about it.

MEL: Eh bakit kasi hindi ikaw ang nang-interview. First time yata ito.

GERALD: Ayaw mo iyon ikaw mismo ang kukuha ng tauhan mo. This is your department anyway.

MEL: Pero you are always hands on sa lahat ng department. Why now?

GERALD: Maybe pagod na rin ako, it's about time naman na siguro na pagkatiwalaan ko kayo di ba?

MEL: (ngumiti lang na parang hindi naniniwala sa sinabi ni Gerald)

Pagbalik ni Gerald sa kanyang opisina ay tinawagan niya ang kanyang kapatid.

ERICH: Hello kuya.

GERALD: Hello

ERICH: Oh bakit ganyan ang tono mo, galit ka ba?

GERALD: Anong pinasuot mo kay Kim for her interview?

ERICH: Bakit?

GERALD: Just tell me.

ERICH: blouse and skirt with matching blazer.

GERALD: Sigurado ka?

ERICH: Oo naman, eh wala namang matinong damit iyon kasi hindi nga mahilig so pinahiram ko na lang.

GERALD: Eh bakit? never mind, asan ba kayo.

ERICH: Lalabas kami, kakain sa labas sama ka?

GERALD: Sige, magkita na lang tayo doon.

Pagdating ni Gerald sa restaurant ay nadatnan na niya si Erich at ang kanyang Mommy.
Humalik ito sa dalawa.

GERALD: So order na tayo.

MOMMY: Sandali, hintayin na lang natin si Kim. Parating na daw.

GERALD: Darating si Kim?

ERICH: Calm down kuya, ikaw naman narinig mo lang pangalan ng friend ko eh natataranta ka na.

GERALD: Ikaw talaga(sabay tingin sa pintuan at nagkataong papasok naman si Kim, Oh my god now I know kung bakit ganoon na lang ang reaction ng mga lalaki sa opisina. She is so simple but still looks y. Her legs, can drive a man crazy. Parang gusto niyang puntahan at takpan ang kanyang legs para hindi pagpiyestahan ng ibang lalaki na nadoon sa restaurant. Oh boy kailan ka pa naging possesive Gerald.)

ERICH: Kuya isara mo bibig mo.

GERALD: Shut-up, this is your fault next time huwag munang pahihiramin ng damit si Kim.

ERICH: Eh wala siyang maisusuot.

GERALD: I will buy her a more decent one.

MOMMY: Eh wala namang masama sa suot niya.

GERALD: I will buy her pants para hindi pagpiyestahan ng lalaki.

Ngumiti na lang sina Erich at ang kanyang Mommy.

 

       
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ourhouserp #1
Hey, Author-nim. I'm admin Suho!
Our House is a facebook RP focused on settling down and starting a family. I started this place because I found my match at a rp that wouldn't allow marriage, so we moved away. If you want to get married and have a life of your own, bring your significant other and join up!
There will be games and events where you can earn RP currency. Check out our Tumblr for more info. http://ourhouserp.tumblr.com/
TheArvie99 #2
mai-mai binasa ko ulit ito... sana ma-update mo .. thaanks
TheArvie99 #3
please update ...thanks
buang03 #4
Nakakamis na po mga update niyo. Huhu. Please update ka na! Please!
nameless #5
waaaaaaaaaaaaaaaaaaah more more more!!!!! plsssssssssss update ka ulit th
Yvanne888 #6
Update please... thanks a lot...
loveko88 #7
i think sila na.. <3<3<3 yey!! update!
teddibear #8
Aaawww!! So sila na ba talaga? Hehe <3<br />
<br />
Can't wait for your update :)
lucelle #9
waaaaaaaa... thanks sa update mai.. grabe naexcite nmn ako. haha.. hintay po nmin nxt update nio.. super love it!!!!!!<br />
kimge4ver #10
Luv it,Luv,Luv it...........<br />
Will wait for the updates patiently..................