CHAPTER 6

THE ONE WHO WON MY HEART

 

 

 

 

Nang maayos na ang mga gamit ni Kim ay nagpasya siyang tumulong na lang sa kusina. Kahit pa sinabi na ni Erich na hindi niya kailangang gawin iyon.

ERICH: ano ba Kim, hindi ka na iba sa amin kaya ituring mo nang bahay mo ito. You don’t need to cook or maglinis.

KIM: Alam ko naman eh, pero bayaan mo na ako. Hayaan mo ipagluluto kita ng favorite mong adobo.

ERICH: Sige na nga. Sige maliligo lang ako then bababa rin ako para tulungan ka.

KIM: Sige pero okey lang ba kay manang na ako ang magluluto?

ERICH: Okey lang iyon, ikaw pa eh paborito ka non eh, number one fan nga ninyo ni Kuya.

KIM: Ha?

ERICH: Sabi kasi ni Manang bagay daw kayo ni kuya kahit aso’t pusa kayo noon.

KIM: Si manang talaga.

ERICH: Pero talaga naman eh. Bagay kayo ng kuya ko.

KIM: Ikaw tumahimik ka at tigilan mo iyan.

ERICH:Eh sa totoo naman eh, aminin mo may crush ka rin sa kuya ko.

KIM: Hoy dati pa iyon noong hindi ko pa alam kung gaano kasungit ang kuya mo.

ERICH: Hindi naman talaga masungit iyon eh. Alam mo bang mas lalong gumwapo ang kuya ko.

KIM: As if naman hindi ko nakikita ang kapatid mo, eh one of the most popular young businessman ang kapatid mo at isama mo pa na ang mga babae niya ay mga sikat na model or akres kaya palagi rin siya sa T.V.

ERICH: Haysus eh parang may himig selos yata ang salita mo?

KIM: Hay naku makaalis na nga, punta na ako magluto.

ERICH: Sige maliligo lang ako then I will help you.

Habang nagluluto si Kim ay dumating naman si Gerald.

KUYA: Good evening po sir.

GERALD: Kuya asan po sina Mommy at Erich.

KUYA: Nasa loob po.

GERALD: Sige kuya pakipasok na lang poi tong sasakyan ko sa garahe. Dito po ako matutulog.

KUYA: Sige po sir.

At pumasok na si Gerald, dumeretso ito sa kusina para sabihin kay Manang dito siya kakain. Pagpasok niya sa kusina ay siya namang pagpasok ni Kim para ilagay ang niluto sa mesa at nagulat pa silang dalawa.

GERALD: (natulala habang nakatitig lang kay Kim)

KIM: (Natulala rin)

Nasa ganoon silang ayos ng madatnan sila ni Erich.

ERICH: Ahem, Kuya anong ginagawa mo dito, akala ko ba may out of town project kayo.

GERALD: (hindi pa rin inaalis ang tingin kay Kim) Nauna akong umuwi.

ERICH: Ay kuya you remember Kim right.

GERALD: Oo naman

ERICH: Di ba nasabi ko saiyo about her problem, eh dito muna siya sa atin.

KIM: Pansamantala lang po, pagnakahanap napo ako ng
matitirahan..

GERALD: It’s alright Kim, you can stay here as long as you like.

KIM: (hindi makapaniwala sa narinig, she is expecting iyong dating masungit na kuya ni Erich) Thank you po.

MOMMY: Oh son why are you here.

GERALD: Hi Mom(kiss her) bakit ayaw mo akong Makita?

MOMMY: Don’t be silly, kaya lang alam namin nasa out of town ka ngayon but anyway I’m glad you are here para matikman mo ang niluto ni Kim. Guess what niluto niya ang favorite ninyong magkapatid.

GERALD:(Smiled at kim) Really?

MOMMY: Ano kain na tayo?

Habang sila ay kumakain , hindi maalis kay Kim ang mailang.

MOMMY: Kim huwag kang mahiya, kumain ka lang. Ituring mo nang bahay mo ito.

KIM: Opo at salamat po sa pagpapatira ninyo sa akin dito sa bahay ninyo.

ERICH: ano ba? Sabi na sa iyong you can stay here as long as you like.

GERALD: Ano bang nangyari ? the last time na nakausap ko si Erich eh ayaw mong tumira dito kaya nagulat ako kanina.

KIM: Naku mahaba pong kuwento.

ERICH: Hay naku kuya ang bruhang Mrs. Chiu na iyon, akalain mo ba namang paalisin si Kim kanina nang ganon-ganon na lang, as in umalis ka na ngayon din. Naku kung hindi lang ako pinigilan ni Kim gusto kong sabunutan ang matandang iyon.

GERALD: Kim may karapatan ka pa rin sa bahay na iyon. If you want I can help you may kilala akong abogado.

KIM: Huwag na lang po, ayaw ko na po nang gulo. Total tama naman siya eh anak lang ako sa labas at saka tama na ang mapag-aral ako ni Daddy sa mabuting eskwelahan.

GERALD: (mukhang tinamaan sa sinabi ni Kim, ilang beses ba niyang pinamukha noon sa dalaga ang pagiging bastarda niya) Ikaw ang bahala ang sa akin lang naman ay kung gusto mong ipaglaban ang karapatan mo.

KIM: Maraming salamat na lang po.

GERALD: Kim pwedeng Gerald na lang, alisin mo na lang iyong po. Hindi naman ako masyadong matanda saiyo di ba, mga 5 years lang naman ang gap natin eh.

ERICH: Actually 4 years lang kuya, mas matanda ng isang taon si Kim sa akin.

KIM: Sige, salamat at pumayag kang tumira ako dito . Hayaan mo maghahanap agad ako ng malilipatan.

GERALD: Okey lang naman na dito ka tumira eh. Okey lang sa akin, kung akala mo galit pa rin ako saiyo kalimutan mo na iyon. I know now na itong kapatid ko talaga ang may kasalanan at hindi ikaw.

KIM:Hindi makatingin kay Gerald)

GERALD: If I were you maghanap ka muna ng trabaho then kung kaya mo na saka ka maghanap ng malilipatan, hindi ko sinasabi ito dahil gusto kong lumipat ka but knowing you mas gusto mo iyong may sarili kang bahay.

MOMMY: Alam ninyo tama na iyang mga drama natin. Alam mo Kim ang galling mo talagang magluto. Itong adobo mo the best talaga. Swerte naman ng mapapangasawa mo. Eh iha may boyfriend ka na ba.

Pagkarinig ni Gerald sa tanong ng kanyang Mommy ay napatingin siya bigla kay Kim. Hindi niya maipaliwanag pero parang nakasalalay ang kanyang buhay sa sagot ni Kim.

Samantalang si Erich eh sa kuya naman siya nakatingin, pinag-aaralan niya ang reaction ni Gerald at napangiti siya sa itsura ni Gerald.

KIM: (halatang nahihiya sa tanong) Ha eh, wala pa po tita.

ERICH: (sa kuya pa rin niya nakatingin) Hay naku napakapihikan kasi ng kaibigan kong ito. Alam mo Mommy ang daming nanliligaw dito pero hanggang ngayon wala pa ring sinasagot.

KIM: Erich, naku tita huwag po kayong maniwala diyan. (para makaiwas) sandal lang po kukunin ko po iyong panghimagas na ginawa ni manang.(sabay tayo at pumunta sa kusina)

ERICH: Kaya ikaw kuya bilis bilisan mo.

GERALD: What are you talking about.

ERICH: Hay naku huwag ka ngang denial deyan. Eh kung makatingin ka naman kay Kim halos matunaw na kaya ang kaibigan ko.

Magsasalita sana si Gerald pero inunahan ulit siya ni Erich.

ERICH: Huwag ka nang magdeny kanina pa kita ino-obserbahan, eh halos hindi ka na huminga noong tanungin ni Mommy si Kim kung may boyfriend na ito. Kuya seryoso ako madaming nanliligaw sa kanya kaya kung ako saiyo simulan mo nang manligaw, ikaw rin baka mahuli at magsisi sa huli eh ang tagal mo na kayang kinikim iyan sa dibdib mo. Oh huwag kang magsinungaling, I know it kahit noon pa may pagtingin ka na sa kaibigan ko at saka boto kami ni Mommy sa kanya, diba Mommy?

MOMMY: Botong –boto ako sa batang iyan.

Sasagot sana si Gerald pero papasok na si Kim and again parang natulala nanaman siya nang makita ang dalaga. Hindi siya makapaniwala na nandito na ulit si Kim.Alam niyang hindi na niya maikakaila ang tunay na nadarama sa dalaga at nagiging obvious na siya kaya halata na siya ng kanyang kapatid at ina pero ang problema magugustuhan ba siya ng dalaga, napatawad na kaya siya nito sa mga kasalan niya at saka naaala pa kaya niya ang gabing huli silang nagkita.

 

       
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ourhouserp #1
Hey, Author-nim. I'm admin Suho!
Our House is a facebook RP focused on settling down and starting a family. I started this place because I found my match at a rp that wouldn't allow marriage, so we moved away. If you want to get married and have a life of your own, bring your significant other and join up!
There will be games and events where you can earn RP currency. Check out our Tumblr for more info. http://ourhouserp.tumblr.com/
TheArvie99 #2
mai-mai binasa ko ulit ito... sana ma-update mo .. thaanks
TheArvie99 #3
please update ...thanks
buang03 #4
Nakakamis na po mga update niyo. Huhu. Please update ka na! Please!
nameless #5
waaaaaaaaaaaaaaaaaaah more more more!!!!! plsssssssssss update ka ulit th
Yvanne888 #6
Update please... thanks a lot...
loveko88 #7
i think sila na.. <3<3<3 yey!! update!
teddibear #8
Aaawww!! So sila na ba talaga? Hehe <3<br />
<br />
Can't wait for your update :)
lucelle #9
waaaaaaaa... thanks sa update mai.. grabe naexcite nmn ako. haha.. hintay po nmin nxt update nio.. super love it!!!!!!<br />
kimge4ver #10
Luv it,Luv,Luv it...........<br />
Will wait for the updates patiently..................