Chapter 2

Chasing Rainbows
Please Subscribe to read the full chapter

"Gusto kita, Irene."

 


"Gusto rin kita, Wen–"

 


Biglaang nagising si Wendy sa gulat dahil sa lakas ng alarm ng cellphone niya. Ang ringtone? 'Kill This Love' ng Blackpink, 'yan ang ginawang alarm ni ate gurl para raw mabilis siyang magising nang bongga. Kaya ito siya tuwing umaga, nagdurusa sa ginawang life decision. Pa'no ba naman, parang araw-araw na siyang nasa concert. Kulang na lang ata ay tawagin niya ang mga kapitbahay nila para gawing audience at bumili ng sandamakmak na confettis kina Aling Hyoyeon. Hay naku, sa halip na sumaya, para tuloy itong naghatid ng kalbaryo sa kanya dahil wala nang araw na mapayapa siyang nagigising.

Hindi mapigilan ni Wendy ang init ng ulo dahil sa expected wake-up call na para bang nagdala ng kaguluhan sa kanyang supposed-to-be magandang umaga. Pero parang mas mainit pa ang gigil niya kay Kupido. Akala ata nito ay magiging chill at casual lang ang pagmove on ni Wendy sa nangyari kanina.

Hindi niya maitago ang inis kasi kahit sa panaginip, parang siya lang ang may subscription sa 'Followed by Bad Luck' channel— hindi na naman siya pinagbigyan ng romantic moment with Irene. Sa totoo lang, parang gusto na niyang tawagan ang customer service ng langit at magreklamo dahil sa unfair treatment na ibinibigay sa kanya ni Cu(stu)pid. Tsk, hindi na nga siya makascore kay Irene sa real life, pati rin ba naman sa panaginip niya? Gano'n na lang ba 'to, pati ba naman sa Dreamland ay papaasahin at iiwan siya sa ere?

 


"Kainis naman oh," napakamot nalang ng ulo si Wendy habang patamad siyang umupo sa kanyang higaan. Idinilat niya na bahagya ang mapupuwang na mata at napansin niya na ang kanyang cellphone sa nightstand ay tahimik na. Wow, parang kanina lang ginulantang siya na parang end of the world na sa lakas ng alarm nito.

 


"Ano na bang oras?" pabulong niyang sabi, sabay dampot sa cellphone. Binuksan niya ito at bumungad sa kanya ang oras. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niyang dalawampung minuto nalang ay mag a-alas nwebe na ng umaga. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso niya nang mapagtanto ang ganap niya ngayong araw.

 


Aba'y putangi– May pasok na pala sila ngayon, at 8:30 am ang first class nila.


Dali-daling binuksan ni Wendy ang alarm app. Nakita niya na 9 am ang nakaset sa kanyang alarm, imbis na 8 am. Marahil ay ganito ang nangyari dahil sobrang pagod na siya kagabi kakalaro ng Call of Duty at hindi niya na napansin ang maling oras na ini-set para sa paggising niya ngayong araw. Napamura nalang si Wendy, anong silbi ng alarm niya kung mali ang oras na na-i-set niya. Sa unang araw pa lang ng klase, late na siya. Grabe, ano ba namang buhay meron siya, oh.


Agad siyang tumayo sa pagkakaupo sa kanyang kama at inayos ang kumot at unan. Halos panay mura nalang ang nasasabi niya. To be honest, tamad talaga by default si Wendy pero sa mga panahon ng krisis tulad ngayon, parang magic ang nangyayari sa katawan niya, yung bigla nalang nagiging ball of lightning speed yung mga galaw niya? Oo, ganon 'yun.

Pagkatapos niyang ayusin ang higaan, nagmadali siyang kinuha ang tuwalya at pumunta sa banyo para maligo at magsipilyo. Sana nga lang, hindi niya nabali yung hanger ng tuwalya niya, kasi kapag nangyari 'yun malalagot talaga siya kay Mama Taeyeon niya.

Gusto ng umiyak ni Wendy, malapit lang naman ang bahay nila sa unibersidad, pero alam niya na kahit anong pilit niyang magmadali, malamang late pa rin siyang makakapasok para sa unang subject niya.

Pagkatapos niyang maligo, nagmadali siyang pumili ng isusuot. Mabuti nalang talaga't hindi pa required mag-uniporme ang mga first year students, kaya't pwede pa ang anumang damit. Dinampot niya ang kanyang bag na alam niyang mayroong iisang ballpen at isang notebook lang. Kinuha niya ang suklay at mabilis na bumaba papuntang sala.

Doon, nakita niya ang mama niya na relax lang na naka-upo sa couch, nakasandal ang paa sa maliit na lamesa sa harap nito, at may hawak na bowl ng cereal habang nanonood ng nakakatawang pelikula. Sana all nalang.

Napalingon si Taeyeon nang marinig ang yapak ng anak sa hagdan.

 


"Oh, my lovely nakshie, gising ka na pala. Ganda ng tulog natin ngayon ah," sabi ng mama niya. Napasimangot naman si Wendy.

 


"Ma, anong maganda eh late na nga ako sa una kong subject!" padabog na sabi ni Wendy.

 


"Ngayon pala 'yun?" tanong ni Taeyeon, malinaw ang pagtataka sa mukha. Mukhang nakalimutan rin ng mama niya ang importanteng ganap niya ngayong araw.

 


"Mama, oo! Hindi mo man lang ako ginising," reklamo ni Wendy.

 


Nakita niya na bumagsak ang ngiti ng mama niya at bigla itong napatayo. Naglakad ito papunta sa kanya, at alam niya na ang susunod na mangyayari.

 


Lord, tulungan mo nalang ako. Amen.

 


Binatukan siya ng mama niya, pero agad niya itong naiwasan.

 


Yes, thank you Lord for answering my pra– ", ngunit hindi niya inaasahan na pipingutin pala ni Taeyeon ang tenga niya.

 


"Aray putangi—este, aray ma, ang sakit!!!" pagpapalusot ni Wendy. Papasok na nga lang siya, gaganituhin pa siya ng mama niya.

 


"Aba'y sinabi ko naman sayo kagabi na matulog ka agad. Oh, 'yan tuloy, hindi ka nakikinig sa'kin kasi puro ka nalang cellphone! Mag-co-college ka na lang, 'di ka pa magbago," napahingang malalim si Taeyeon, at tuluyan ng binitawan ang tenga ni Wendy.

Hinawakan naman agad ng dalaga ang kanyang tenga na for sure ay mamamaga mamaya. Napatingin siya kay Mama Taeyeon niya at bigla na lang kumaripas nang tumakbo papuntang sala para maiwasan ang susunod na sermon nito. Sakto, mayroon nang nakahandang almusal sa lamesa. Kumuha agad siya ng isang tinapay, kasabay ng pag-inom ng malamig na gatas na marahil ay kanina pa tinimpla ng mama niya.

 


"Hoy Wendy Arevalo, hindi pa ako tapos sa'yo–"

 


Hindi niya iniwanang tapusin si Taeyeon na magsalita. Hinalikan niya ito sa pisngi at biglang lumabas ng bahay na may nakakalokong ngiti.

Huminto siya saglit sa pintuan para magpaalam sa mama niya. Distansya-distansya muna, baka mapalo pa siya e.

 


"Bye ma, aalis na ako. Labyu, mwa!" sabay sara ng pinto. Agad na tumakbo si Wendy. Shet! Mas matindi pa 'to kaysa sa sinalihan niyang fun run last year.

 

 

Hingal na hingal na siya nang dumating sa gate ng unibersidad. Huminto muna siya saglit para habulin ang hininga. Pero sa kabila ng pagod na nararamdaman niya, may maliit na ngiti ang namuo sa kanyang mga labi.

 


This is it!

 


Agad namang nawala ito nang maalala niya ulit ang naging usapan nila nina Joy at Seulgi sa café last week.

 


Tama! Magmo-move on na ako. Kailangan kong piliin ang sarili ko ngayon, 'di ba Seulgi? Joy? Oh sige, challenge accepted!

 


Bigla niyang naalala ang mga katagang nasabi niya sa harap ng mga kaibigan. Oo nga pala, pwera lang sa mag-aaral na siya ng mabuti ngayon sa kolehiyo, may isa pa pala siyang planong gawin, at 'yun ay ang magmove on kay Irene. Shala! Parang kanina lang ay napaginipan niya pa ito at galit na galit siya na hindi natuloy yung moment niya with her. Pero sabi nga ni Wendy, kanina pa 'yun, iba na siya ngayon. Wews.

But in a serious note, alam naman ni Wendy na mahihirapan siya sa gagawin, pero after all, para rin naman sa kanya yung gagawin niya. Sana lang talaga ay hindi sila magkaklase ni Irene this school year kasi kung magkataon ay baka next year na lang ulit siya magmomove on sa kaibigan— joke, magmo-move on na talaga siya kahit ganon pa man ang mangyari. Desidido na ang ating bida, this time ay ang sarili na niya ang pipiliin niya.

Marahan niyang sinampal ang mukha ng parehong kamay. Bumalik ang matamis na ngiti ni Wendy, at nagsimula nang maglakad papasok ng gate.

Napatingin saglit ang guard sa kanya at nginitian niya naman ito ng bongga. Papasok na sana siya ng tanungin siya nito.

 


"Bagong mukha ka, ah. Bibisitahin mo si mama mo?" genuine na tanong ni Kuya Guard sa kanya.

 


"Ha? Hala, hindi po. Freshie po ako dito," napakamot si Wendy ng ulo. Ang random naman ng mga tanungan ni Kuya.

 


"Ay sorry iha! Akala ko high school student ka, para ka kasing nawawala at hinahanap mo 'yung mama mo," paglilinaw ni Kuya Guard na ngayon ay marahang natatawa, "Oh sige, pumasok ka na rito kasi parang late ka na yata," pagpapatuloy nito.


Para bang tinusok ng invisible na karayom ang puso ni Wendy dahil sa narinig niya. Hindi niya alam kung masisiyahan ba siya kasi concerned si Kuya Guard sa kanya o ma o-offend dahil tinawag siyang high school student nito. Shuta! Grabe naman kabonding 'to, ang pangit. Ginawa pa siyang extra sa going bulilit. Kung 'di lang siguro siya late, baka binanatan niya na ito. Pero yun nga, wala na siyang ibang nagawa kung hindi ay ngitian nalang si Kuya at agad nalang pumasok sa loob ng campus. Tanginang 'yan, wala ng magandang nangyari sa araw ko.

Nang makapasok na siya, agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinignan kung ano ang kanyang room.

 


Room 015.

 


Agad niya naman itong nahanap dahil nasa unang floor lang naman. Grabe ang takot at kaba na kanyang nararamdaman. Baka kasi ma 'first day, first layas' agad siya ng prof nila. Nadagdagan pa ang kaba ng maalala niya si Irene, sana lang talaga ay hindi niya ito maging kaklase.

Kasi naman, simula ng nagkaroon sila ng serious talk nina Seulgi at Joy sa Velvet Café tungkol sa masalimuot niyang love life, sinimulan na niyang iwasan si Irene. Cinut off nalang bigla ni Wendy ang communication nila ng kaibigan-slash-crush niya.

Mukhang invisible na lang ang mga texts nito sa kanya at parang bingi naman siya pag tinatawagan siya ni Irene. Ilan ulit na rin siyang binisita nito sa bahay nila nung nakaraang linggo, pero sinasabi niya lang kay Mama Taeyeon niya na sabihan si Irene na wala siya sa bahay. Ganito na lang ang naging galawan niya, alam niya kasi na pag nakita niya ulit si Irene at patuloy na kausapin ito, baka sa 2040 pa siya makapagmove on sa dalaga. Taray!

Kaya titisin na lang muna niya ang hide and seek na larong 'to. Pray nalang sa gilid na huwag muna silang magkaroon ng interaction, kasi pag mangyari 'yun, siguradong susungaban siya ni Irene ng napakaraming tanong.

Napaisip tuloy si Wendy kung itutuloy pa ba niya ang pagpasok sa room nila o uuwi na lang siya at saka magte-text sa prof nila na nagkasakit siya. Pero parang gasgas na ata 'yang rason na 'yan kaya wag na lang, baka tuloy hindi siya makakeep up sa mga kaklase at siya pa ang maging black sheep ng semester.

Pinakalma na lang muna niya ang sarili at saka niya inabot ang doorknob. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at sumilip sa maliit na butas nito, nagbabakasakaling walang prof na nagtuturo at pati na rin si... Irene.

Mabilis niyang inilibot ang kanyang paningin sa buong silid at inobserbahan ang paligid. Nakaupo na ang mga kaklase niya at abala ag mga ito sa kani-kaniyang mga ginagawa. May nagchichismisan, kumakain, nagce-cellphone, natutulog at kung ano-ano pang kaemehan ang ginagawa nila.

Pero wala siyang pake, hindi naman '

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
renerenerene_ #1
Chapter 4: "Hind ako bading, may jowa akong lalaki" MADAM NAMAAAAANNNNN
winrina__09 #2
Chapter 4: naiiyak ako, angst ba 'to authoooor? sabihin mo na 😭😭
yeyeye_1 #3
Chapter 4: ay kinareer ni madam ren pagiging in denial
juhyuneeeee
97 streak #4
Chapter 4: ay grabe po mga ganap dito??? may in denial na accla 😬😬😬😬😬😬😬
wishwishwish #5
Chapter 4: grabe sa pagiging denial bading si ate irene
EzraSeige
#6
Chapter 4: grabe ang mga scene nang mga bading 🤯🤯🤯 nagbabaga 🔥🔥🔥
badingaqih #7
Chapter 3: why naman mag iiwasan jusq
jenlisaaabop #8
Chapter 2: uy wenrene with jenlisa as side ship 🤩
9194___ #9
Chapter 3: what if sakalin q nalang kayong dalawa? mag iiwasan pa talaga
wrasdfghjkl_ #10
Chapter 3: irene bading ka ba? HAHAHAHAHHA