Chapter 4 (1/2)

Chasing Rainbows
Please Subscribe to read the full chapter

Sa ikalawang araw pa lang ng pasukan, parang isang nakakalokang pangyayari na agad ang bumungad kay Wendy. Hindi lang ang mga akademikong gawain ang nagpapabaliw sa kanya, kundi maging si Irene.

Simula kasi nang pumasok ito sa room nila, parang may invisible force field ng kalamigan si Irene na nakatapat lamang diretso sa kanya. Hindi man lang ito nagbigay ng simpleng pagbati ng 'good morning', at mas lalong hindi siya tinignan ng dalaga kahit katiting. Tumanggi pa itong umupo sa tabi niya, kahit pinilit na ni Joy.

Parang kahapon lang, isang magandang eksena sa pelikula ang naganap sa room na 'to. Matapos ang isang malakasang diskusyon sa pagitan nilang dalawa ay nagkaayos sila dito mismo. Pero ngayon, parang nagbago ang ihip ng hangin, at biglang naglaho si Wendy sa paningin ni Irene. Sa pag-ikot ng oras, pakiramdam niya ay parang naging hangin na lamang siya sa mga mata ng dalaga.

Pero biglang bumalik sa alaala ni Wendy ang nangyari kagabi. Oo nga pala, inasar niya si Irene, na nagresulta sa isang nakakailang na sitwasyon. Ang mas nakakaloka pa, hindi niya nasamahan si Irene na umuwi dahil mas pinili niyang takbuhan ang nakakabaliw na atmospera ng mga oras na 'yun (pero wag kayo, at least patago pa rin niyang sinundan si madam para ma-sure na ligtas itong makauwi). Napabuntong-hininga nalang si Wendy, baka nga ay nainis si Irene sa kanya, at napagtanto nito kung gaano siya ka-immature kaya't pinili muna nitong lumayo.

Wala siyang kaalam-alam kung ano ang dapat niyang gawin. Baka nga mas mabuti kung panatilihin niya muna ang katahimikan at hayaang magtagal ang sitwasyon nila ngayon. Baka mamaya, mas malinaw na ang isipan at nararamdaman ni Irene, saka nalang siya magtatangkang makipag-ayos ulit sa kaibigan.

Naputol ang kanyang malalim na pagninilay-nilay nang biglang bumukas ang pintuan ng room nila, at doon ay nasilayan niya ang pagpasok ng prof nila.

Tinuloy niya ang araw na nakatuon ang kanyang mga mata sa sambuwa't isang formula na nakasulat sa pisara, subalit hindi maikakaila na may ibang bagay na umiikot sa isipan niya.

 


"Tangina, uwian na, finally!" bulalas ni Lisa, kakalabas lang ng prof kaya't buo ang tapang magmura. Nakataas ang mga kamay nito sa ere, isang kaganapan ng kalayaan pagkatapos ng mahabang klase.

 


"Oa ka masyado, te" sabat ni Joy, na may ngiti sa labi habang isinusukbit ang kanyang sling bag sa balikat. Napatingin siya kay Irene na abalang inaayos ang mga gamit.

Kanina pa napansin ni Joy ang nakabusangot na mukha nito, parang hindi pa yata naglalabas ng ngiti si madam mula nang pumasok sa room. Ipapagtabuyan na lang niya sana ito sa isipan nang ibaling niya ang atensyon kay Wendy, na para bang may parehong ekspresyon tulad ni Irene. Napangiti si Joy, it's a nice day na pagtripan ang dalawa 'to.

 


"Oh ano, sasabay ba kayong dalawa sa amin o sosolohin niyo ulit 'yung isa't-isa?" nakangiting sabi ni Joy, para bang nanunukso.

 


"N-No!"


Ay, nagsabay pa nga.

Tumaas ang kilay ni Joy. Napansin naman ni Lisa ang balak ng kaibigan na tuksuhin ang dalawa kaya't sumali na rin agad siya sa eksena. Dahan-dahan siyang sumandal sa isang upuan, may masidhing ngiti sa kanyang labi.

 


"Sus, nahiya pa kayo. Okay lang talaga samin 'yan. Ilang weeks din kayong hindi nagkita kaya gets namin na miss na miss niyo na yung isa't-isa." Pagkikibit-balikat niya, pero biglang tinamaan siya ng matalim na tingin ni Irene. Napaatras si Lisa, eh kasi naman, para siyang kakatayin ni Irene sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.

 


"Tumigil ka d'yan, Lisa."

 


"Yes po, ma'am." Agad namang sumunod si Lisa at mabilis na inayos ang sarili. Ikaw ba naman pagsabihan ng isang Irene Cervantes, kailangan talagang maging maingat kasi batas 'yan. Kung si Wendy under ng best friend niya, ay mga te, pati silang lahat ay pasok rin sa nasabing regulasyon. Walang exempted.

 


"Sabay-sabay na tayo umuwi," utos ni Irene, habang kinuha ang kanyang bag at tuluyan ng lumabas ng room.

 


"Tangina niyo," mahina bulong ni Wendy, na agad sumunod kay Irene palabas.

 

 

 


Nang makalabas na si Irene ng room, kaagad niyang napansin na may sumunod sa kanya. Inisip niyang si Joy 'yun, kaya agad siyang lumingon. Pero, nang makita niya kung sino ang taong nasa harap niya, bigla siyang napamura. Si Wendy.

Walang anu-ano, agad siyang umiwas ng tingin.

 


"U-Uh Ren,"

 


"Hmm..."

 


"Yung project pala natin, kailan natin gagawin?"

 


Ay pakshet– oo nga pala, yung project!

Sa kakaarte niya at panay isip kung paano iiwasan si Wendy, er, sa dami ng iniisip niya tungkol sa iba't-ibang bagay, muntik na niyang makalimutan na meron pa pala silang project na dapat ipasa bukas. Gusto nalang i-untog ni Irene ang ulo sa kalapit na pader. Talagang kakaiba na ang ikinikilos niya, she's definitely not in her usual self, at ang dahilan kung bakit nagkakaganito siya ay dahil sa babaeng nasa harap niya.

Pinakalma niya muna ang sarili. Kahit gusto niyang huwag nang pansinin ang dalaga, kailangan pa rin niyang gawin. Dapat pa nilang ayusin yung output na ibinigay sa kanila kahapon ng prof. Kaya naman, isasantabi muna niya ang lahat ng kahibangan, kasi grades na ang pinag-uusapan nila ngayon.

 


"About that, let's make it  nalang tonight sa bahay namin, I hope it's fine with you." Pinilit ni Irene na magpakahinahon, saka siya tumalikod kay Wendy. Nagdasal siya sa lahat ng mga santo sa langit na lumabas na sina Lisa at Joy sa room nila at dumating na sina Jennie at Seulgi, kasi konting push na lang ay baka mabaliw na siya dahil sa presensya ni Wendy na nasa likod lang niya.

Biglang napahinto si Irene nang marinig niyang huminga ng malalim si Wendy. Malamang ay mag-uumpisa na itong magsalita.

 


"Irene, about pala kagabi, I just wa–"

 


Naputol ang sasabihin ni Wendy nang biglang mag-echo sa kanilang mga tenga ang sigaw mula kina Seulgi at Jennie, kasabay ng paglabas nina Joy at Lisa mula sa room. Napansin naman ni Irene na agad inakbayan ni Lisa si Wendy, rason para matapilok ito ng bahagya.

Sa loob ng ilang sandali, nadama ni Irene na may humawak sa kamay niya, nakita niya si Jennie na may malaking ngiti sa labi. Malamang, marami na naman itong chika sa kanya na tiyak ay magpapasakit ng tiyan niya sa kakatawa.

 

 

 


Matagal na rin pala mula noong huli silang nagkakasama ng tropa. Nakakalungkot nga lang, hindi pa rin kumpleto ang samahan nila dahil si Moonbyul, nawawala pa rin. Palibhasa, para bang may sariling time zone 'yun na hindi maayon sa oras nila.

Naguguluhan tuloy sila na baka may sariling schedule na ito na nagmumula sa ibang galaxya. Baka nga naman meron siyang intergalactic appointments na hindi naiintidihan ng mga karaniwang mortal tulad nila, charot.

Sobrang ingay talaga kapag nagkakasama-sama eh 'no? Parang walang mga hiya, kasi puro tawanan, sakitan lang ang ganap... at landian na rin, presenting Jen and Lisa. Sa tuwing kasama ni Irene ang tropa, parang gusto niya nalang i-tapat ang tenga niya sa pader para 'di ma-overwhelm sa kahalakhakang naririnig niya.

Tuwing may nakakasalubong sila, parang ayaw na niyang itaas ang mukha dahil sa sobrang hiya. Parang si Irene na lang ang nahihiya dahil sa mga tropa niya na parang laging overhyped. Pero sa kabila ng lahat, grateful si Irene sa mga bonak na 'to kasi sila ang nagpapangiti sa kanya tuwing down na siya sa letseng buhay niya.

Nang matapos ang kanilang street food adventure, nagsimula na silang maglakad pauwi. Inuna muna nilang ihatid sa terminal ng bus sina Lisa at Jennie, na 30-45 minutes ang layo ng bahay mula sa unibersidad. Swak na swak naman 'yun sa kanila, pareho kasi ang sinasakyan nilang bus, kaya palaging may time para mag-update-an habang nasa biyahe. Pasensya na lang sa mga nakakasabay nilang pasahero na laging saksi sa kilig at landian moments ng dalawa.

 

 

 


"Ayoko," mariing sambit ni Seulgi na may matipid na ekspresyon. Nauunang maglakad sina Joy at Irene, nagtatawanan habang nag-uusap. Samantalang si Wendy, ayan, kinukulit si Seulgi na mapapayag sa gusto niyang mangyari.

 


"Aray ang sakit ah, Seulgi," sabi ni Wendy habang mahina niyang inuugma ang kanyang dibdib, nagkukunwaring nasaktan siya sa naging sagot ng kaibigan. "Please, Toge, samahan mo na ako kina Irene. It would mean sooooo much for me, kaya please pumayag ka na." Pabulong niyang pinagpatuloy, sinisiguradong hindi maririnig ng dalawang kaibigan nila ang pinag uusapan nila.

 


"Eh gagawa lang naman kayo ng project, ano bang problema dun?" nanggagalaiting sabi ni Seulgi, isang masungit na tingin ang ibinaba sa kanyang kaibigan.

 


"Yan nga kasi yung problema, dalawa lang kami,"


Napahinto si Seulgi sa narinig at isang mapanlokong ngiti ang sumilay sa kanyang mukha, "Ay akala ko ba 'yan yung gusto mo."

 


Gagaguhin na naman siya, oh.

 


"Tangina mo ka talaga", ang mabilisang tugon ni Wendy, hindi na niya kinayang tiisin ang kahiligan ng kaibigan na maging hindi seryoso sa ganitong seryosong usapan. Napakurap nalang siya ng mata.

Sinuklian naman siya ni Seulgi ng pagtaas ng kilay, "Ay minumura ako? Ganyan na ba mga kabataan ngayon kapag gusto magpatulong?"

 


Bigla namang napatingin si Wendy kay Seulgi at sabay hinawakan ang braso nito. Sige, papayag na lang muna siyang maging biktima ng kaemehan ni Seulgi, basta samahan lang siya nito.

 


"Joke lang! Sige na, please, Togeeee!!"

 


Gagawin lahat ni Wendy para lang mapapayag si Seulgi. Kahit pa i-sabak niya ang sarili sa pagsayaw sa sandaling 'to, o kahit man magpa-cute pa siya ng sobra-sobra, handa siyang sumugal para lang mapaniwala ang kaibigan.

 


"Ayoko nga kasi, may pasok pa bukas eh. Gusto ko matulog nang maaga," sabi nito habang nagpupumiglas sa mahigpit na hawak ni Wendy sa kanyang braso. "Tsaka, bitawan mo nga ako, saksakan ka ng pabebe. Hindi bagay sayo magpacute, ulol ka."

 


"Mukha mo, bahala ka d'yan," mahigpit na sabi ni Wendy, sinasamahan pa ng mas madiin niyang kapit. "Dali na, tangina naman eh, pleaseee!"

 


"Hindi," mariing tumanggi si Seulgi.

 


Napasimangot na lang si Wendy, at saka niya binitawan ang braso ni Seulgi. Hinayaan niya ito na simulan muli ang paglalakad, habang siya naman ay naging parang estatwa na napako sa kalsada.

 


Punyetang buhay nga naman.

 


Napabuntong hininga si Seulgi nang malalim nang hindi niya napansing sumunod si Wendy. Biglang naputol ang kanyang hakbang, at saka siya muling lumingon sa direksyon ng kaibigan. Nilakad niya ng mabilis ang ilang hakbang patungo kay Wendy, na ngayon ay tila ba'y dala-dala ang buong pasanin ng mundo dahil sa hindi mapinta nitong ekspresyon sa mukha.

 


"Wendy.." itinaas ni Seulgi ang kamay niya sa harap ng mukha ng tulala niyang kaibigan, "Arevalo, umayos ka nga!"

 


"..."

 


Masusing tiningnan ni Seulgi si Wendy, at bumilog ang kanyang mga mata nang may kahina-hinalang pagdududa, "Hoy! Iiyak ka ba? Ba't parang naiiyak ka na?"

 


"Gago, ano 'ko, bata? Bakit naman ako iiyak?" sabi ni Wendy habang inu-ugma ang ulo, pero hindi rin niya napigilang kumuha ng tissue sa kanyang bulsa, just in case maiyak talaga siya ng tuluyan, which was not really that far off, to be honest.

 


"Sige na nga," marahang bulong ni Seulgi. Napukaw ang atensiyon ni Wendy sa narinig niyang 'yon, "basta libre mo ako bukas, tangina ka ha."

 


"Shet,

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
renerenerene_ #1
Chapter 4: "Hind ako bading, may jowa akong lalaki" MADAM NAMAAAAANNNNN
winrina__09 #2
Chapter 4: naiiyak ako, angst ba 'to authoooor? sabihin mo na 😭😭
yeyeye_1 #3
Chapter 4: ay kinareer ni madam ren pagiging in denial
juhyuneeeee
97 streak #4
Chapter 4: ay grabe po mga ganap dito??? may in denial na accla 😬😬😬😬😬😬😬
wishwishwish #5
Chapter 4: grabe sa pagiging denial bading si ate irene
EzraSeige
#6
Chapter 4: grabe ang mga scene nang mga bading 🤯🤯🤯 nagbabaga 🔥🔥🔥
badingaqih #7
Chapter 3: why naman mag iiwasan jusq
jenlisaaabop #8
Chapter 2: uy wenrene with jenlisa as side ship 🤩
9194___ #9
Chapter 3: what if sakalin q nalang kayong dalawa? mag iiwasan pa talaga
wrasdfghjkl_ #10
Chapter 3: irene bading ka ba? HAHAHAHAHHA