Chapter 3

Chasing Rainbows
Please Subscribe to read the full chapter

"Oh, asan si Irene?"

 


"Hindi sasabay sa atin 'yun, kasama niya si kupal eh," sagot ni Wendy nang bahagyang iritado kay Joy, habang padabog na pinuwesto ang sarili sa bakanteng upuan katabi ni Seulgi.

11:30 na ng umaga, kararating pa lang niya sa canteen. Pero ang tanong ng bayan, paano nga ba niya agad nakita ang eksaktong mesa ng kanyang tropa? Well, ito'y dahil sa walang tigil na chikahan ng kanyang mga kaibigan at sa malulupit nilang tawanan na parang mga tilapia na naglalakihan ang bibig.

Grabe, parang mga megaphone ang datingan nina Joy at Jennie, yung tipong mas maingay pa kaysa sa mga construction workers na nagtatrabaho sa umaga. Amputa itong dalawang 'to, para silang mga walkie-talkie na laging "on" at tila ba hindi nauubusan ng battery.

Bonus pang may kasamang kaguluhan sina Seulgi at Lisa, parang mga artista sa circus na biglang nagkaroon ng teleportation powers at napadpad sa canteen. Walang tigil sa kabaliwan, parang walang concept ng cooldown. Buti nalang talaga at wala si Byul ngayon, baka sumama pa sa gulo, dagdag pasanin na naman sa ulo.

 


"Ha? Pakilakasan naman te, para ka namang sa kalahi mong dwende lang nakikipagkwentuhan," biglang naputol ang rants at introspection ni Wendy tungkol sa mga kaibigan nang marinig niyang nagsalita ulit si Joy. Itinaas niya ang ulo at ibinaling ang tingin sa kaibigan na sinamaan siya ng tingin.

Napatawa naman ang ibang tropa sa matalim na banat ni Joy, pero hinayaan nalang ito ni Wendy. Wala na siyang energy para sa mga kagaguhan ng mga kaibigan. Huminga siya ng malalim, at kahit ubod na ng inis ang nararamdaman niya para sa demonyita ay inulit pa rin niya ang sinabi para matahimik na ito.

 


"Kasama niya si Suho..."

 


"Ha?" ang sabay-sabay na tanong ng tropa, na para bang gusto nilang asarin si Wendy at mainis pa ito lalo.

 


Tangina, bingi na ata 'tong mga kaibigan niya.

 


"Hindi dadating si Irene kasi kasama nga niya si Suho, paulit-ulit naman, putangina!" bulabog ni Wendy. Pero agad niyang pinagsisihan ang kanyang sinabi nang bigla niyang napansin ang gulat na ekspresyon sa mukha ng kanyang mga tropa at ang biglang katahimikan na bumalot sa buong canteen.

Mukhang napakalakas ata ang boses niya. Ramdam na ramdam niya ang pangamba na baka ma-cancel na siya agad sa unang araw niya sa bagong campus. Tsk, kasalanan 'to ng mga gago niyang kaibigan na para bang wala ng idinulot na mabuti sa buhay niya.

 


"Luh, gago ka ba? Bakit ka galit?" bulalas ni Jennie na ngayon ay nakayakap na sa braso ni Lisa, hindi alam ni Wendy kung tunay ang gulat ni Jennie o gusto niya lang dumamoves sa jowa niya. Ang sakit sa mata, lalo pa nang makita niya ang ngiting abot sa mata ni Lisa.

Napabuntong-hininga nalang si Wendy. Ibinaling niya ang kanyang paningin sa mga estudyante na maingay na naghihintay sa pila para kumuha ng kanilang pagkain sa designated area ng canteen nang bigla niyang maramdaman ang matalim na tingin ni Seulgi sa kanya.

Walang anu-ano, tiningnan ni Wendy ang kanyang katabi, at doon ay napagtanto niyang pinagtataasan siya ng kilay nito. Bago pa man niya maisingit ang tanong kung bakit ganoon nalang ang tingin nito sa kanya, biglang nagsalita si Seulgi.

 


"Nagseselos ka ba? Affected ka, 'no?"

 


Parang muntik nang mabulunan si Wendy, kahit hindi naman siya umiinom ng tubig, sa direkta at hindi inaasahang tanong ni Seulgi. Itinuwid niya ang kanyang upo, clearing with a theatrical flair. Shet, ayaw niyang maging big disappointment sa mata nina Seulgi at Joy. Act cool malala.

 


"H-Hindi 'no, sobrang saya ko nga para sa kanila," tinangkang ipakita ni Wendy ang kasiyahan sa boses niya, pero kahit gaano siya kahusay sa pagsisinungaling, waley pa rin.

Tiningnan niya sina Seulgi at Joy, parang 'di niya yata napaniwala ang dalawa sa sinabi niya.

Bigla namang naputol ang pangamba niya nang makita ang gulat na mukha nina Jennie at Lisa, parang mga goldfish na nakanganga ang bibig. Tangina, gusto niyang matawa, pero hindi pwede, seryoso kasi ang usapan.

 


"Ano 'to, luh? Ikaw ba talaga si Wendy?" tanong ni Jennie na agad namang kumalas sa pagkakakapit sa braso ni Lisa. Hindi na nagdalawang-isip pa si Jennie na ilipat ang kanyang mga kamay para takpan ang bibig, isang dramatikong eksena para ipaalam sa mga kaibigan na hindi siya makapaniwala sa narinig mula kay Wendy.

Si Lisa naman, parang magsasagawa ng emergency response, tumayo agad at tumabi kay Wendy. Kitang-kita sa mukha nito ang pag-aalala. Ipinatong pa nito ang palad sa noo ng kaibigan, "Shet, wala ka namang lagnat ngayon ah. Ano bang pinagsasasabi mo, tol?"

 


Bagay nga sila, parehong OA eh.

 


"Magmomove on na raw itong friend natin kay Madam Irene natin." sabi ni Joy habang abalang kinakain ang Mang Juan na hawak niya, "Yan kasi mga putangina, inuna pa yung landi kaysa makipagkita sa'min. Nahuli tuloy kayo sa chika."

 


Napatingin sina Jennie at Lisa kay Joy. Tibay ng tingin, parang mga detective sa chismis mission. Ibinaling nila ang tingin kay Seulgi, at tinangu-an lang naman sila nito, lowkey confirming the chismis. Sabay-sabay silang tumingin kay Wendy. Matapos ang ilang saglit, biglang sumabog ang tawanan ng magjowa sa buong canteen. Napasimangot naman si Wendy.

 


"Tanginang 'yan, ano bang klaseng biro 'yan?" sabi ni Lisa habang nakahawak ito sa tiyan niya dahil sa kakatawa. Si Jennie naman, paarteng pinupunasan ang non-existing niyang luha. Well, ito na ang huling straw ni Wendy.

 


"Seryoso na nga kasi ako ngayon, putangina niyo naman eh. Ayoko na, ayoko na!" padabog na sabi ni Wendy sa kanyang upuan, parang batang nagtatantrums lang eh.

Natigil naman ang magjowa.

 


"As in?"

 


"Final na?"

 


"Tangina, oo nga kasi"

 


"Hayaan niyo na 'yan, seryoso na raw siya eh", biglang singit ni Seulgi.

 


"Okay, sige," pagwawalang bahala ni Lisa. Pero bigla niyang tiningnan si Wendy nang may nakakalokong ekspresyon sa mukha. Itinulak ni Lisa nang bahagya ang kaibigan at binulungan ito ng pabiro.

 


"May kilala akong mga pretty babes, Wends, gusto mo i-reto kita sa kani–" naramdaman ni Lisa ang malakas na pagbatok ng jowa niya. Sa sandaling 'yun, napagtanto niyang mali ang sinabi niya. Lagot! Siguradong mahaba-habang panunuyo 'to.

 


"Tangina mo, Lisa! Ano ulit sinabi mo? Pretty babes? May kilala ka pa rin palang mga pretty babes?" malakas na sigaw nito.

Napahingang malalim na lang ang lahat, mag aalburuto na naman kasi si bulkang Jennie dahil sa katangahan ni Lisa.

Habang nagkakasagutan ang magjowa sa gilid, nagsimula nang kumain ang tatlo. Nagchismisan, nagtawanan at ginawa na ang lahat ng pwedeng gawin. Ilang minuto lang din ay agad namang natapos ang bangayan ng dalawa ng halikan ni Lisa si Jennie sa pisngi– punyeta, akala ni Wendy may express delivery ng rupok ang dumating sa canteen nila, at syempre, si Jennie ang nauna sa pila.

 


"Anyway, nakita mo ba, Wan, yung bagong fb post ng student council page ng school natin? Naghahanap daw sila ng lead singer para sa band ng school, audition ka naman!" biglang singit ni Seulgi.

 


"Ayoko, kahiya," nonchalant na sagot ni Wendy.

 


"Ang kj mo, ayaw mo bang madiscover ka? Ang ganda mo tas pogi pa, magaling kumanta, at academic achiever pa. Putangina, kung hindi lang kita tropa, jinowa na talaga kita," biro ni Joy.

 


"Joy tama ka na please, and yes, hard pass ako d'yan. Tigilan niyo 'ko, wala kayong mapapala sa'kin," mahinang tugon ni Wendy.



Napabuntong-hininga nalang sina Joy at Seulgi dahil sa sobrang ka-kj-hang taglay ng kaibigan nila. Pero syempre, hindi papayag ang dalawang 'to na ganon na lang. Anong titigilan? Pinanganak kaya silang hardheaded at certified kulit queens, for sure, walang makakapigil sa kanila.

 



Isang oras muna silang tumambay sa canteen bago sila tuluyan nang pumasok sa kanilang next class. Pagdating nila Wendy sa kanilang room, napansin nila na naroroon na si Irene, na seryosong nagsusulat.

Kinuha ng tropa ang atensyon ni Irene. Masuyo naman silang kinawayan ng dalaga. Nagtagpo muli ang kanilang mga mata, at sa muling pagkakataon ay agad na naman itong iniwasan ni Wendy.

Sa halip na maupo sa tabi ni Irene, nagpasya si Wendy na mag-apply ng social distancing at umupo sa likuran nito. Hindi nakaligtas sa mata ng buong tropa ang kakaibang kilos ni Wendy. Sanay kasi ang mga ito na laging nauuna si Wendy sa tabi ni Irene. Minsan pa nga, nagbibigay ito ng babala sa kanila na siya lang ang may "exclusive rights" sa pwesto sa tabi ng dalaga. Pero ngayon, tila ba may bago nang script si Wendy.

Makalipas ang ilang sandali, dumating ang kanilang prof, at nagsimula na ang kanilang klase.

 

 

 

 


Unang araw pa lang ng klase, parang gusto ng sumuko ni Wendy. Sobrang pagod na siya, akala mo ay isang semestre na ang lumipas. Normal bang ganito sa kolehiyo, na parang inagawan ka na ng kaluluwa? Tangina naman kasi, parang kakapusin na siya ng hininga eh. Hindi na niya natapos ang kanyang inner monologue nang biglang may kumalabit sa kanya.

Nang itaas niya ang tingin, doon niya napansin na nasa harapan niya si Irene. Ay, oo nga pala, sila ang pinili ng prof nila bilang partners sa kanilang unang creative output.

Nahalata kaya ni Lods na nasa proseso si Wendy ng pagmomove on kay Irene, kaya naman naisipan nitong i-partner sila sa isa't-isa? O baka naman overloaded na talaga ang kasalanang nagawa niya kaya ngayon tinu-torture siya nito? Ewan, basta ang alam niya lang eh sobrang sakit na ng plot twist ng buhay niya, parang hindi na siya pinapaboran ng langit.

Siguro nga ay dapat na lang niyang gawing soap opera ang buhay niya para may commercial break at magka-time out siya sa mga ganitong eksena... kimi.

 


"Ay

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
renerenerene_ #1
Chapter 4: "Hind ako bading, may jowa akong lalaki" MADAM NAMAAAAANNNNN
winrina__09 #2
Chapter 4: naiiyak ako, angst ba 'to authoooor? sabihin mo na 😭😭
yeyeye_1 #3
Chapter 4: ay kinareer ni madam ren pagiging in denial
juhyuneeeee
97 streak #4
Chapter 4: ay grabe po mga ganap dito??? may in denial na accla 😬😬😬😬😬😬😬
wishwishwish #5
Chapter 4: grabe sa pagiging denial bading si ate irene
EzraSeige
#6
Chapter 4: grabe ang mga scene nang mga bading 🤯🤯🤯 nagbabaga 🔥🔥🔥
badingaqih #7
Chapter 3: why naman mag iiwasan jusq
jenlisaaabop #8
Chapter 2: uy wenrene with jenlisa as side ship 🤩
9194___ #9
Chapter 3: what if sakalin q nalang kayong dalawa? mag iiwasan pa talaga
wrasdfghjkl_ #10
Chapter 3: irene bading ka ba? HAHAHAHAHHA