Chapter 1

Chasing Rainbows
Please Subscribe to read the full chapter

Sampung taon na ang lumipas mula nang ma-ignite ang spark ng friendship nina Wendy at Irene. Unang tingin palang ni Wendy kay Irene sa playground sa likod ng bahay nina Aling Hyoyeon, parang nag-stop motion nalang bigla ang lahat ng bagay sa paligid niya at tanging si Irene lang ang bumibilis. Sabi nga ng batang si Wendy, love at first sight, pero hindi romantiko, love at first sight as friends lang daw.

Parang na-hit ng kidlat si Wendy sa angking kagandahan ni Irene, na mukhang anghel sa tindi ng freshness. Samantalang siya, dugyot na dugyot under the scorching sun. Pero syempre, sino ba naman ang hindi hahanga kay Irene, 'no? Parang nagdala ng aircon, feeling mo lagi lang siyang bagong ligo.

Kaya naman itong si Wendy ay parang si Captain Obvious, gusto laging magpapansin sa bagong batang nakita, kesyo gusto raw niya ito maging matalik na kaibigan. Sa playground palang, gumawa na siya ng paraan. Kahit man sa mata ni Irene ay medyo weirdo ang batang si Wendy, hinayaan niya nalang dahil nakakatawa at komportable naman ito kasama.

Hindi na maalala ni Wendy kung ilang bulaklak ang napitas niya sa likod ng bakuran ng mama niyang si Taeyeon dati para lang may maibigay kay Irene. Pati na rin ang bawat limang piso na kinukupit niya sa tindahan nila para lang mabilhan ng ice cream ang kaibigan ay hindi na niya mabilang. Pero isang bagay lang ang hindi niya kayang kalimutan, at 'yun ay ang pinakamatamis na mga ngiti ni Irene tuwing may ibibigay siya rito. Grabeng ngiti naman kasi, parang jackpot lang sa casino! Kaya worth it talaga ang palo ni Mama Taeyeon niya tuwing nahuhuli siya nito, sorry nalang sa pwet niyang laging sacrificial lamb.

Dumating nalang ang araw kung saan napatanong nalang siya sa sarili. Ano ba talaga ang nais niyang makamit at bakit ganito nalang siya ka oa pagdating sa kaibigan? Gusto ba niyang maging Irene 2.0 o baka naman gusto niyang maging sila ni Irene in the future? Ito ang tanong na sumilip sa isipan ng batang si Wendy, pero bahala na, walang time sa mga ganyan kasi bata pa naman sila.


Lumipas ang kinder, elementarya, junior high school, at pati na rin senior high school. Nasubaybayan ni Wendy kung paano naging magandang dalaga ang matalik na kaibigan. Noong tumungtong nga sila ng jhs ay parang swarm of locusts ang mga lalaking nagtatangkang manligaw kay Irene. Pero hindi niya naman masisi ang mga ito dahil para naman talagang si Mama Mary ang atake ng bbf niya. Buong jhs ay parang naging ganap na human barricade si Wendy kaka-shoo away ng potential suitors. Pero ano nga ba ang rason ng kanyang pagiging anti-Cupid? Well, hindi niya rin alam. Parang ang dami kasing emosyon na hindi niya maintindihan. Junior high days were like a rom-com starring Irene Cervantes, at siya ang supportive bestfriend na palaging nag-a-advice,

 


"Wag mo na pansinin, dapat unahin natin 'tong pag-aaral natin. Ren, wala kang time sa jowa jowa na yan ha! And don't worry, ako bahala sa'yo."

 


Naks naman itong si ate gurl natin, mas mahigpit pa kaysa sa mami ni Irene na si Tiffany. Pero kahit anong bakod ang gawin niya, may nakalusot pa rin talaga. Noong senior high school, kabog ang ihip ng hangin nang magkaroon ng jowa si Irene, at yung jowa pa eh si Suho Vallejos, yung pinakagwapong SSG president ng school nila. Punyeta! Parang nag-collapse ang universe ni Wendy, pero bakit siya ganon ka-affected? Para namang nakipagbreak si Irene sa kanya, bff levels lang naman ang label nila.

At 'yun! Doon niya napagtanto, hindi lang talaga bestfriend ang tingin niya sa kaibigan, mas malalim pa doon. After all these years, hindi lang friendly admiration ang nararamdaman niya towards Irene, something different, somewhat deeper than that. Bading siya kay Irene. Pero ano pa? Late na niya narealize ang totoong nararamdaman niya sa dalaga. May jowa na ito, at parang masaya talaga siya sa estado ng romantikong relasyon niya kay Suho. At kahit maghiwalay pa ang dalawang 'to, wala pa rin siyang pag-asa. Kahit gaano pa kabigat yung feelings niya, alam niyang straight as a ruler si Irene. Never yata mangyayari sa kahit anong parallel universe na magkakaroon sila ng happily ever after.

Pero kahit ganyan na lang kagulo ang love life ni Wendy, hinayaan pa niyang magtagal ng isa pang taon. Umasa, nabakasakali pero waley talaga. She sacrificed another year, just to be hurt by the fact that she is in love with her bestfriend, but her bestfriend is in love with someone else that is not her. Hindi rin alam ni Wendy kung paano niya nakaya na makita ang dalaga na may ibang kasama bukod sa kanya, PDA everywhere, at worst, sa harap pa talaga niya. Tangina, naging third wheeler pa nga.

Ano bang set up 'yan... si Irene masaya at siya naman miser

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
renerenerene_ #1
Chapter 4: "Hind ako bading, may jowa akong lalaki" MADAM NAMAAAAANNNNN
winrina__09 #2
Chapter 4: naiiyak ako, angst ba 'to authoooor? sabihin mo na 😭😭
yeyeye_1 #3
Chapter 4: ay kinareer ni madam ren pagiging in denial
juhyuneeeee
97 streak #4
Chapter 4: ay grabe po mga ganap dito??? may in denial na accla 😬😬😬😬😬😬😬
wishwishwish #5
Chapter 4: grabe sa pagiging denial bading si ate irene
EzraSeige
#6
Chapter 4: grabe ang mga scene nang mga bading 🤯🤯🤯 nagbabaga 🔥🔥🔥
badingaqih #7
Chapter 3: why naman mag iiwasan jusq
jenlisaaabop #8
Chapter 2: uy wenrene with jenlisa as side ship 🤩
9194___ #9
Chapter 3: what if sakalin q nalang kayong dalawa? mag iiwasan pa talaga
wrasdfghjkl_ #10
Chapter 3: irene bading ka ba? HAHAHAHAHHA