II

The Star's Solace

Taeyeon

 

Napangiti ako ng pagmulat ko at masilayan ang kulay puting kisame ng kwarto na pinahiram saken ni Marecakes. 

 

Matagal tagal nadin  nung huling tulog ko na walang iniisip na pag aalala, takot at kung Ano paman, yung tulog na  napaka himbing.

 

Agad akong umupo kinuha yung cellphone ko upang tingnan ang oras 

 

" alas onse na"  napansin ko din sa baba ng oras na naka display sa screen  ay ang mga messages at  misscalls, ang pumukaw ng atensyon ko ay ang misscall ng isang executive ng company.

di naman niya trabaho na tawagan ang isang artist. "magandang balita ba ito o hindi ? " bulong ko 

At nabaling naman agad ang atensyon ko sa Cellphone nang makita ko na nag flash sa screen ang name ng caller.

 

"Manager Oh"banggit ko at Lumunok muna ako bago ko inaccept yung call nya. 

 

"TAE-YEON KIM!!" inilayo ko sa tenga yung cellphone ng marinig ko yung sigaw nya dahil sa galit 

 

"What took you so long to answer my calls? And where are you? The tumakas ka pa ng hospital" panggagalaiti nya pero hindi na pasigaw.

 

 

"Di mopadin alam kung Nasan ako?" Taas ko ng dalawang kilay dahil sa pagtataka  dahil di niya alam kung Nasan ako ehh ang dali lang akong hanapin para sa kanila at ipakaladkad pabalik ng Company. 

 

 

Napabuntong hininga sya bago magsalita " listen to me Taeyeon, pumunta ka ng Company ngayon na... Pag uusapan pa naten ang  about sa Comeback at sa violations mo" 

 

 

"Ayaw ko na" napakagat ako ng labi while Sinasabi yun 

 

 

"What do you mean Taeyeon?" 

 

 

"Pagod na ako ,I'll quit " 

 

 

"Taeyeon do you know what Bull you're saying, Alam mo naman siguro ang mangyayari pag nag quit ka agad-agad?.... But when you go back here and stop for being ing dramatic  i'll help you fix this so they won't sue you" 

 

 

"I'll pay for the charges even mamulubi ako at magkanda utang utang ......and if i need the help of the attorney im willing to have one... to help me terminate my existing contract" ramdam ko ang nginig sa buong katawan ko at takot. 

 

​​​​​

 

"Taeyeon" 

 

At rinig ko ulet ang pagbuntong hininga nya 

 

"Taeyeon are you really that tired?" 

 

Di ako nagsalita.

 

 

"I'll assume that your answer is yes... I'll talk to the higher ups that you'll just need a one week break okay?" 

 

 

"2 months " 

 

 

"Taeyeon for ing sake , nasa kalagitnaan ka ng comeback" singhal nya

 

 

"I'll leave if di kayo papayag" 

 

 

" i'll talk to them....and ill text you about the result" Call ended 

 

Napangiti ako at binaba yung cellphone sa lamesa.

 

!! I just did that. Di ako makapaniwala na nagkaron ako ng lakas ng loob na sagutin sya ng ganun, epekto na siguro to ng pagkapagod.

 

ilang saglit lang ay nakaramdam na ako ng gutom kaya dumiretso na ako sa kusina para makita yung pagkain na itinira saaken ni Marecakes. 

 

Sandwich, sakto gusto ko din kumain ng sandwich at nagtimpla na din ako ng hot choco. Pagkatapos ay dinala ko sa Sala yung pagkain ,nilapag sa white na lamesa ,kinuha yung remote at binuksan ang tv. 

 

Ngumunguya ako habang ​​​​​naglilipat ng channels hanggang sa mapunta ang atensyon ko sa isang channel na entertainment news kung saan binabalita ang nangyari sa saken sa music show, at hinihintay pa nila ang statement ng company at ang post ko sa social media.

 

"siguradong puno ng negative comments" malungkot kong banggit ngunit  nabaling ang atensyon ko ngayon sa message tone ng cellphone ko.

Pagkatapos ko sya replyan ay binitbit ko na yung pinagkainan ko sa lababo para hugasan kasi kailangan kong maging good bisita para makaulit pa ako  , Pumunta sa kwarto nya para kunin yung usb na naiwan ,humiram ng susuotin sa wardrobe nya at medyas,pagkatapos ay nag ready na ako.

 

 

Pagdating ko ay nakita ko syang nakaabang sa guardhouse ng school nya mismo, kinawayan ko sya habang nilalapitan 

 

"Marecakes, di kapadin nagbabago " banggit nya habang sinusuklayan ako gamit ang kamay nya.

 

 

"malapit na mag 1:30 diba may meeting ka?" kunot ko ng noo habang inaabot sa kanya yung  usb

 

 

"oo nga pala, halika kana " at hinila nya ako papunta sa office nya.

pagpasok ko palang sa office nya ay agad nang bumungad saaken yung mga certificates na nakasabit sa  varnished na pader.

"maiwan muna kita Marecakes" at alis nya habang may daladalang folder at bag ng laptop.

 

habang naghihintay ay nilapitan ko yung mga certificates na nakadisplay at napangiti dahil nag excel sya sa ganitong field  di nya talaga  ako binibigo kahit kailan. ilang saglit ay naglakad ako papunta sa kanyang table kung saan naka lagay ang tatlong picture frames. isa sa group picture naming girlgroup, naming tatlong magkakaibigan , at ang family picture nya. pagkatapos ay doon sa shelves na organize yung mga trophies, awards , books at album ng group at saken.

tiningnan ko isa isa yung mga albums at napagtanto na yung 4 na albums lang ng group na masasabi na favorite nya at saken naman ay kinumpleto nya lahat ng albums ko. " sineryoso nya talaga yung sinasabi nya noon na bibilhin nya ang bawat albums ko " banggit ko habang tumatango.

 

-------

 

naisipan ko lumabas sa office ni Marecakes at maglibot-libot sa may skwelahan nang makalipas ang isang oras at kalahati,  nag iwan ako ng mensahe thru text sa kanya bago lumabas sa kanyang office. 

 

mapapansin mo talaga na alagang alaga ni Marecakes itong eskwelahan nya dahil sa bawat gusali ay wala kang mapapansing sira o kung ano paman , at napakalinis din ng kapaligiran.

 

 

 

sa ilang minutong paglalakad at pagmamasid ay dinala ako ng aking dalawang paa sa rooftop ng isang dulong abandonadong building nang eskwelahan.

napahinto ako ng maramdaman ko ang hanging dumadampi saaking buong katawan at napatitig sa may hagdan na nakasabit sa tabi ng pintuan ng isang silid dito sa may roof top. may isang panaginip ang biglang nagbalik tanaw saaken, isang panaginip na parang totoong nangyari dahil ramdam na ramdam ko ang dampi ng hangin, ang sakit ng nararamdaman , at ang pakiramdam ng pagbagsak ng katawan ko sa matigas na simento mula sa Baba.

 

 

" ito na ba yun?" tanong ko sarili ko habang nilalapitan yung hagdan. idinampi ko yung kamay ko dito at pinapakiramdaman ang malamig na bakal mula sa hawakan ng hagdan.

umakyat ako  sa may hagdan nang walang pagdadalawang isip sa aking babalaking gawin. Nang maabot ko ang pinakamataas na bahagi ng roof top , at tinanaw ko ang simentadong baba at masasabi kong walang naglalakad na tao dahil nga nasa dulong bahagi na to ng skwelahan at may klase pa ang mga studyante.

Bumalik ulet ang titig ko sa may kalangitan.

huminga ako ng malalim bago nagsimulang umawit habang napapikit katulad ng pangyayari sa aking panaginip.

 

"Feels like I'm dying

 

Feels like I'm lying to myself

 

I know that I'm trying

 

But it feels like I'm in hell, I'm in hell

 

Sometimes I just wanna quit

 

Tell my life I'm done with it

 

When it feels too painful"

 

Ang pagkakaiba lang saking panaginip at ngayon at di ko magawang umiyak Kahit napakasakit ng aking nararamdaman.

iminulat ko ang aking mga mata nang  may naramdaman akong something na  parang may yumakap saakin mula salikuran at pilit akong hinila  paatras ng may pwersa.

ramdam ko ang at rinig ko ang  ang pagbagsak at ang pag igik nya sa sakit.

agad akong kumawala sa misteryosong taong ito at tiningnan sya, bakas sa kanya na nasaktan sya

"ayos kalang?" tanong ko padin kahit alam ko na ang sagot ngunit di nya ako sinagot at minuat lang ang kanyang mga mata at gumamit ng sign languange saaken na mukhang galit.

isa pala syang deaf.

napansin siguro nyang di ako nag response sa kanya kaya kinuha nya yung cellphone nya mula sa bulsa at may ginawa bago pinakita saaken yung screen.

 

-magpapakamatay kaba?-  

pansin ko na nakatitig sya saaken na parang may natuklasan.

'nakilala nya siguro ako' at agad akong napatayo at nagmadaling lisanin ang abandonadong gusali at bumalik sa opisina ni Marecakes.

 

------ 

 

10 minuto ang nakalipas ng makita ko ang pagbukas ng pinto at ang pagpasok ni Mare cakes na mukhang pagod na may bitbit na iced coffee at ang secretary nya na may bitbit na plasticbag  na kulay white.

inilapag ng secretary nya yung iced coffee at take out na isang sliced na cheese cake sa harap ko at sinabing meryenda muna ako habang nakangiti.

nag thank you naman ako habang ginantihan din sya ng ngiti. pagkatapos nun ay minasdan ko syangbumalik na sa kanyang table.

 

 

"Haaay! kapagod to the highest level mag talk sa meeting" reklamo saaken ni marecakes ng tabihan nya ako sa sofa.

naalala ko ganito din ang linyahan nya after ng performance namen as a group dati.

"ilang taon kanang andito pagod ko padin"

banggit ko habang kinuha yung iced coffe sa table at sinimulan ng inumin. 

napangiti ako ng maramdaman ko ang lamig na ng inumin na dumampi mula saaking bibig hanggang sa lalamunan.

"ilang taon kanadin Marecakes sa music industry pagod kapadin"

bigla akong nasamid sa iniinum ko at napaubo , rinig ko naman na natawa sya. 

"Back to you Mare cakes" tingin ko sa kanya ng maka recover ako sa ubo at samid.

 

 

"Nga pala Marecakes, aalis ako bukas for the workshop ,seminar etc. " simangot nya saken 

"kaya ko naman mag isa" tango ko 

"kaso lang Miss kita ng bonggang bongga" at yakap nya saken. apaka clingy talaga niya kahit kailan " ganito nalang Marecakes, sama kanalang saken sa kabisera"

siniko ko naman sya ng mahina bago magsalita "tigilan mo nga ako Marecakes, kaya nga ako lumipad dito kasi nga para lumayo sa draining  life ko sa kabisera kahit papaano noh!" 

 

"ehhhh  paano yan pagbalik ko dito eh babalik kana doon?" at bumitaw sya sa pagkayakap 

"ilang araw kaba mawawala?" tanong ko habang binubuksan yung cover ng chessecake.

"one week" 

" 2 months naman ako dito ehh"  napilitan akong mapaharap sa kanya ng maramdaman kong hawak nya sa dalawang balikat ko.

" totoo yan?" kita kong di sya makapaniwala sa sinagot ko 

" di pa sure, hinihintay ko pa yung reply ni Manager Oh" at napa crossed arms sya bago nagsalita " sabihin mo nga saaken yung napag usapan nyo ni Manager Oh"

at kwininento ko sa kanya yung pag uusap namin kanina ni Manager oh at yung mga nangyare sakin kaya napag desisyunan ko muna mag hiatus sa kalagitnaan ng comeback ko. 

parang gusto ni Marecakes manakit nang matapos ko yung kwento ko.

"Dapat sumabay kanalang saaken nung di na ako nag renew ng contract nun"

"di pa pwede kasi pinapagamot ko pa si mama at tyaka di pa  ako pagod  noon na maging singer  at  yung sayo naman ehh hinintay mo lang mabayaran yung utang nyu at yung sa school... i know di mo naman pangarap ang maging Idol noh!"

" well tama ka...... pero para saken gusto mo padin ang pagiging singer napagod kalang kasi nasa maling company ka Marecakes"

sasagot sana ako kasi parang may point si Marecakes sa sinasabi nya kaya lang di ko muna tinuloy dahil may pumasok sa looob ng office na familiar saaken.

nang mapatingin sya saaken ay agad kong ibinaling sa tabi yung tingin ko at napag isipang inumin yung iced coffee para hindi halata

'bakit kaya sya andito?' tanong ko sa sarili ko.

 

"Aray" daing ko at napatingin kay Marecakes nang naramdaman ko ang hampas nya sa braso ko ng may pwersa. 

"kim Tae-yeon, sabihin mo nga...anong ginagawa mo sa Rooftop?" Crossed arms nya saken, kita ko sa kanya ang galit na may halong pag aalala.

 

"Ayun ba, nagpapahangin lang naman ako doon Marecakes.. Iba lang yung nasa isip nya" pag papalusot ko at lingon sa may cheesecake na nasa may lamesa.  

 

"Oh okie dokie" at tahimik nya ulet dahil nag uusap sila nung lalaki thru sign language.

Ilang saglit ay naramdaman ko ang kamay nya na Nasa parteng baba ko at ginalaw nang mahina Ang Mukha ko para mapunta ang tingin ko sa Lalaki.

Kita ko naman na gulat sya sa ginawa ni Marecakes ngunit ilang saglit lang ay nag relax na ang Mukha nya.

 

"Marecakes, meet my Half brother Chan-Chan" ako naman ang nagulat this time kasi sa pagkakatanda ko walang nabanggit si Marecakes noon paman na half brother nya. 

Naramdam kong binitawan na ni Marecakes ang baba ko para mag sign language, 

Agad kong inabot ang kamay ni Chan-Chan ng gusto nya makipag shake hands.agad kong napansin ang dalawang dimples na naglabasan sa kanyang magkabilang pisnge nang makita ko syang ngumiti. 

Masasabi kong bagay sa kanya yung dimples nya.

Pagkatapos namin mag shake hands ay nagpaalam na sya saamen.

 

"Marecakes, bakit wala kang nabanggit na may half brother ka pala?" Tanong ko habang nakapout 

 

"Ginagate keep ko si Chan-Chan dahil alam kong Ganun ang tipo mo" at sabay tawa nya 

 

"Gaga" simangot ko sa kanya.

Nasabi nya ba to dahil gusto ko ng katahimikan?

-----

 

2 am ng Madaling araw nang  nagpahatid si Yoona sa may airport. 

 

Madami syang pinaalala sa aken, at ang pinaka  importante daw ay wag ko daw sungitan ang baby brother nya at mag aral daw ako ng sign language.

 

Pagbalik ko sa bahay ay didiretso na sana ako sa may kwarto para matulog pero napahinto ako ng  makita ko si Chan-Chan, bakas sa Mukha nya ang pagkalungkot. Siguro di sya sanay na malayo si Marecakes sa kanya.

 

Kinuha nya yung phone nya at nag type pagkatapos ay pinakita nya saken ang screen ng phone nya.

 

'Umalis na si Ate?' Tumango ako at pinatt ang braso nya dahil di ko maabot ang balikat nya o ulo nya para iparamdam na wag sya malungkot  bago umakyat sa kwarto.

 

---

 

Nagising ako sa katok ng pinto.

 

"Sandali lang" at bigla kong naalala na deaf nga pala sya. Agad kong pinuntahan yung parteng pinto at binuksan iyon at nakita ko syang nakangiti habang pinakita saken yung screen ng phone nya.

 

'Tara, let's have breakfast' 

Wala akong hawak na phone ngayon kaya kinuha ko yung cellphone nya , may tinype sa phone at pinakita yun sa kanya.

 

'Mauna kana, antok paako' at abot sa kanya nung phone.

nakita ko na bigla syang nalungkot at tumingin sa may parteng baba,bigla akong nakaramdam ng awa. Ganito din siguro nararamdaman ni Marecakes sa mga ganitong pagkakataon. Kaya hinila ko yung ibabang parte ng sleeve nya para tingnan nya ako at nag hand gesture ako ng kakain at tumango ,kita ko naman na Bumalik ang ngiti nya at ang dimples na gusto kong makita. Pagkatapos ay sinundan ko na sya papuntang kusina ,sa paglalakad ko ay Napa yawn ako habang naamoy yung mabangong amoy ng lutong pagkain at amoy ng kape.

 

Napag alaman ko kay Marecakes na Deaf teacher ang kapatid nya sa school na pag mamay ari ng nasira nyang Tatay at Nanay. 

 

Napahinto ako sa pagkain at Natuon ang atensyon ko sa kanya sa pagkuhit nya saken, napatingin ako sa kanya

 

'Sabi ni Ate, samahan daw kita mamili ' oo nga pala wala akong nadalang ibang gamit at di pwede maging makapal forever.

 

Tumango ako bago napaisip kung anong susuotin ko sa Mall. 

 

Sa pag iisip ay nasuot ko ang maluwang na jacket ni Marecakes ,denim short, slippers at medyas dahil ayaw kong nilalamig ang paa ko, di pag susuklay ng buhok at suot ng sling bag na mula kay Marecakes.

 

"Siguradong di na nila ako makikilala nyan" at tango ko sa may salamin  bago lumabas sa kwarto at baba sa may Sala.

 

Kahit half brother sya ni Marecakes ay masasabi ko padin na may pagkakatulad sila ng ginagawa, ang pagsusuklay sa buhok ko. 

 

---

 

'May gusto kadin bang bilhin?'  Pakita ko sa nakasulat sa screen ng phone ko ng makarating kami sa Mall 

 

Iling lang ang sagot nya saken habang nakangiti. 

 

Habang namimili ay may lumapit saken

 

"kim Taeyeon"  rinig ko na may tumawag saaking pangalan. Tinamaan ng lintik! Paanong may makakilala saaken nang ganito ayos ko? Tanong ko saaking sarili 

 

At kinuhit ako ng babae, wala na akong choice kundi ang mag panggap.

Inilabas ko yung cellphone ko at may tinype at pagkatapos ay pinakita sa babae.

 

'I'm a deaf, ano yun?'At turo sa tenga at iling. 

 

"Hala, hindi pala sya"  banggit ng babae sa kasama nya.

 

"Sabi konaman sayo,nasa hospital yun sya nagpapagaling tyaka, di ganyan manamit si Taeyeon " nag hand gesture naman sila ng sorry bago umalis.

 

Napatingin naman ako kay Chanyeol na mukhang dismayado sa ginawa ko. Pinakita ko sa kanya yung tinype ko sa phone.

'Sorry, I don't have a choice' pagkatapos nyang basahin ay napangiti sya habang tumango. 

Maganda pagpapalaki ni Yoona sa kanya ...napaka understanding ng batang to. 

Nang time na para magbayad sa counter ay napakagat ako ng lower lip habang nilalabas yung blackcard ko pero napahinto ako ng maramdaman ko ang pagkuhit nya saken ,paglingon ko sa kanya ay napangiti syang tinuro ang sarili nya at labas nya ng debit card nya mula sa wallet nya. 

'Marunong din sya magbasa ng room... Pero promise ko babayaran din kita Chan-Chan' 

 

Bago kami umuwi ay nilibre ko muna sya ng pagkain sa family restaurant. 

Napansin ko naman na may nakapark na sasakyan at bigla akong nakaramdam ng kaba at takot ng makita ko yung  taong nakaupo sa may gate na familiar saaken na nag yoyosi . Agad ko muna pinark sa tabi yung sasakyan bago lumabas ng kotse para puntahan yung lalaki. Nang makalapit ako ay tumayo sya para harapin ako.

"Taeyeon, what's wrong with your phone? I can't contact you. I ended up calling Yoona but she's not here" reklamo nya. 

Tiningnan ko naman yung phone ko na nakasilid sa sling bag at pinakita sa kanya na wala akong signal. 

Napa sigh naman sya 

"Manager Oh, bakit ka andito?" Tanong ko 


Tbc.

See you sa next Chapter😊

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet